webnovel

Chapter 7

My Demon [Ch. 07]

"Kulot, gusto mo?" nang-aasar na alok sa'kin ni Demon ng pizza.

"Kapag nagsabi ba ko ng oo bibigyan mo ba ko?" Pareho kaming nakaupo sa malaking bato. Nasa gitna namin ang tatlong magkakapatong na family-sized pizza at nasa gilid nya ang dalawang extra large na coca cola. Isang box palang ang nabubuksan at sya lang ang kumakain.

"Hindi. Hahaha!" Makatawa lang. Tsk.

"Ang sarap talaga," sabi nya habang nilalasap ang pizza. Oo, iniinggit nya ko. Kabanas ang nilalang na ito!

Will you believe it? Kinaladkad nya ko papunta sa pizza house. Take note: naglakad lang kami kahit na may kotse sya. Alam ko namang pinili nya ang maglakad para lalo akong mahirapan. Ang init-init pa naman. At isa pang take note: sya nakapayong habang ako bilad na bilad sa araw. Langya! Hindi manlang nalahian ni Crisostomo Ibarra sa pagiging maginoo.

One more thing, ako pa ang pinagbitbit nya ng tatlong box ng pizza at dalawang drinks. Ang liit ko na nga, pinapahirapan nya pa ako. Tuwang-tuwa pa sya. Try nyong imaginin ang isang babaeng di katangkaran pero cute na naglalakad habang bilad na bilad sa araw at may dalang pizza boxes with drinks, samantalang yung kasama nya cool na cool maglakad at feel na feel ang pink na payong nya.

Yeah, pink ang payong nya na may sungay epek pa. Pang-otaku girl lang ang peg. Ewan ko ba kung kanya ba talaga yun or what. Gusto ko sanang isipin na bakla sya dahil sa malanding payong na yun, kaso hindi eh. Kahit ganun ang hawak nyang payong, lalaking lalaki pa rin ang itsura nya at... nakakatakot.

Seriously, nawiwirduhan ako sa mga babaeng nasasalubong namin kanina. Pa'no, halos mag-heart shape ang mga mata nila kapag napapatingin kay Demon. Tch. Hindi ba sila kinikilabutan sa takot?

"Nagugutom na ko. Hindi mo ba ko bibigyan?" Tinignan ko sya ng may paawa effect at nag-pout. Mabisa ang looks kong yan. Dahil kapag ginaganyan ko si Angelo pati na rin ang iba, walang nakakatanggi sa'kin. Pero alam ko naman na pusong bato si Demon kaya hindi sya madadala.

Kumurap-kurap ako habang nag-aantay ng sasabihin nya. Nakatingin lang din sya sa'kin. Hindi naman masama ang tingin nya ngayon, basta nakakunot lang ang noo nya habang nakatitig sa'kin.

"Wag ka ngang gumanyan," sabi nya at umiwas ng tingin.

Wait, what? Don't tell me, nadadala din sya sa paawa effect ko? Hihi! Sabi na eh. No one can resist my charm. Charut!

"Demon." Lalo akong nagpout kahit na hindi sya nakatingin sa'kin. "Nagugutom na talaga ko," sabi ko at kumurap-kurap.

"Kumuha ka na dyan. Bahala ka sa buhay mo," tugon nya nang nakatingin sa malayo at ngumunguya-nguya. Haha! Alam kong affective much sya sa paawak looks ko. Sabi ko naman sainyo eh, magaling akong magpa-cute.

"Bakit ayaw mong tumingin?" tanong ko sakanya and I couldn't stop myself from grinning. Kumuha ako ng isang slice ng pizza atsaka kumagat. Nom nom nom. Inalis ko yung mushroom kasi di ko trip yung lasa.

Gusto ko pa sanang asarin si Demon bilang pagganti sa pagiging gentleman nya (take note the sarcasm please) kanina, kaso wag nalang. Baka masapak pa ko ng de-oras eh. Pero infairness, kanina habang pinaparusahan nya ko, na-realize ko na tinatakot nya lang ako. Na hindi nya ako sasaktan. Nagkaroon ako ng napakataas na persyento sa katawan na hindi sya nananakit ng babae. Hindi sya gentleman yet may respeto sya sa mga babae. Kasi kung sasaktan nya ako gaya ng ibang lapastangang lalaki na pumapatol sa babae, sana kanina pa nya ginawa. Bukod kasi sa inisin at takutin, hindi nya ko napagbuhatan ng kamay kanina. Kapag naasar sya, aambahan nya lang ako ng suntok pero di naman itutuloy at sasabihing, "Pasalamat ka di ako pumapatol sa bata."

And because of that, nabawasan ang sobrang takot ko na may kung anong masama syang gagawin sa'kin. Naging alas ko tuloy ang pagiging babae ko. Yeboy!

"Penge ulit ah," paalam ko sakanya. Hindi naman sya tumingin sa'kin kaya kumuha ulit ako ng another slice of pizza. Silip lang sya ng silip sa wrist watch nya. Pansin ko lang kanina pa sya tingin ng tingin sa relo nya. Walang pag-aalinlangan, may inaantay sya.

Sino naman kaya? Sino naman kaya ang katagpuan nya sa ganitong klaseng lugar? Nasa di ko alam street kami. Mukha itong abandonadong lugar. Walang katao-tao at may mga hindi-natapos na bahay ang nasa paligid. Kapag gabi siguro para itong haunted place.

"Ang tagal naman nila," sabi nya matapos kumuha ng panibagong slice ng pizza. Dalawang slice nalang ang natitira sa unang box.

Tama nga ako. May inaantay nga sya.

"Sino yung inaantay mo?" curious na tanong ko sakanya.

Kumagat sya sa pizza nya nang nakatingin sa box. "Bakit nagkalat ang mushrooms dito?" tanong nya at tinignan ako... ng masama.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Wala namang tao so... "Ako ba may dahilan?" painosenteng tanong ko. Ayoko nga kasi ng mushroom, diba? So nilagay ko nalang sya sa box instead na itapon ko sa lupa.

"Sino pa ba kasama ko dito?" Simpleng tanong pero napakaangas ng boses nya.

"Kami." Halos sabay kaming napalingon ni Demon nang may nagsalita. Mayroong limang lalaki ang dumating. Iba ang school uniform nila pero halatang galing rin sila sa private school. Tatlo sa kanila ang may piercing. Yung isa sa dalawang walang hikaw, may bubble gum na nginunguya. Lahat sila gwapo, makikinis ang balat at halatang mayayaman.

Bakit naman kaya sila nagkita-kita? May reunion bang magaganap? Psh. Magre-reunion nalang dito pa sa creepy place na ito.

"Speaking of the devils." Nabalik ang atensyon ko kay Demon nang magsalita sya.

"Devils?" tanong ko kay Demon. "Magkakapatid kayo?" Hindi ko alam kung anong meron sa tanong ko para panggigilan ni Demon ang magkabilang pisngi ko. Hang shaket!

"Ang cute cute mo talaga!" sarkastikong sabi nya habang pinipisil ang pisngi ko. "Sa sobrang cute mo ang sarap mong bugbugin." Sa wakas, binitiwan na nya ng pisngi ko.

Hindi ako nakapagreklamo dahil sobrang sakit ng pisngi ko. Hinimas-himas ko ang pisngi kong alam kong namumula. Hanep na Demon 'to. Kung si Johan nga, magaan magpisil sa pisngi ko, sya napakabrutal. Nyenyenye. Bakit ko nga ba kinukumpara ang aking angel sent from above sa Demon na ito?

"Nagsama ka pa talaga ng babae. Moral support lang, Keyr?" sabi ng isa sa mga may piercings.

"Ah, sya ba?" Tinignan ako ni Demon saglit. Bakit feeling ko sarcastic silang mag-usap? "Alalay ko lang yan," dagdag nya at uminom ng coca cola.

"Hoy anong alalay?" reklamo ko tapos tinulak ang braso nya. Dahil sa ginawa kong iyon, natapon ang coca cola at natapunan ng maliit na parte lang naman ang uniform nya. Fortunately, mabilis syang kumilos.

"Aish! Nakita mo ginawa mo, ha?" sinamaan nya ko ng tingin. Ano pa nga ba? "Mamaya ka talaga sa'kin." Heto na naman ang pananakot nya.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan syang bugbugin ako sa tingin.

"Ano yan, magtititigan nalang ba kayo? Paano naman kami dito?" Salamat sa nagsalita dahil nakuha nya ang atensyon ni Demon. Akala ko mamamatay na kong tuluyan sa ubod ng sama ng titig ni Demon eh. Medyo OA.

"Oo nga pala," sagot ni Demon na may sarkastikong tono. "Ang tagal nyo kasing dumating eh. Akala ko naduwag na kayo." Nagpunas sya ng bibig gamit ang tissue.

"Napakahambog mo talaga," komento ng isa.

Hindi sumagot si Demon (Ay, aminado). Nagpagpag lang sya ng kamay atsaka tumayo. Saktong paglapit sa kanila ni Demon, agad may sumugod ng suntok sakanya. Really, nanlaki ang mga mata ko dun. So, nagkita-kita sila dito para maglaban? Wow. Boys are really weird.

In-stretch ko ang braso ko para abutin ang coca cola na hindi pa naiinuman ni Demon. Alam ko namang binili nya ito para sa'kin eh. Nahihiya pang ibigay. LOL. Ang feeler ko. Kumuha ulit ako ng slice ng pizza at pinanood silang naglalaban. Para akong nanonood ng live action movie. How I love actions and adventures!

Yung tatlong lalaki kumapit sa braso ni Demon, habang yung dalawa bumwelo na sisipain sya. Bago pa man tumama ang paa ng lalaki sa katawan nya, mabilis nyang hinila ang kanang braso nya na hawak ng mahigpit ng isang lalaki kaya pati yung lalaking iyon ay napasama sa paghila. Bale, ginawa ni Demon ang stunt na iyon upang gawing shield yung lalaking nakahawak ng mahigpit sa kanang braso nya. Imbes na si Demon ang masipa, yung lalaki ang sumalo.

Ang galing nya! Partida may mga nakahawak sakanya, huh! Ganyan na ba talaga kagaling ang mga fight experts?

Hinawakan nya sa batok ang dalawang lalaki na nasa gilid nya. Tumalon sya at sinipa ang dalawang lalaki. Wow! Galing galing!  

May isang lalaki ang tumakbo papunta sa likuran ni Demon kaya naman nagpanic ako.

"Demon, sa likod mo!" sigaw ko sabay kagat sa pizza. Five versus one na nga nandadaya pa sila. Foul kapag back fighter, diba?

Pagkarinig ni Demon sa sigaw ko, siniko nya ng malakas yung lalaking nasa likuran nya na aambahan na sya ng suntok habang ang isang kamay ay sumusuntok at ang kaliwang paa ay nananadyak.

I really am enjoying the show! Isa lang si Demon pero mukhang sya pa ang mananalo sa laban.

Tinabi ko na yung pizza box kasi ubos na ang laman at binuksan ang panibagong box. Pagkabukas na pagkabukas ko, tumambad sa'kin ang napaka-yummy na amoy.

Pinanood ko pa sila habang kumakain hanggang sa mag-collapse ang dalawang lalaki. Habang nakikipaglaban si Demon, may na-realize ako. Ayaw na ayaw nyang natatamaan ang mukha nya. Madaplisan lang yung pisngi nya, nagwawala na sya. Yung tipong ginagawa na nyang punching bag ang kalaban nya na nakasagi sa mukha nya. Ba yan, masyado nyang mahal ang mukha nya. Mas mahal pa nya ata ang mukha nya kaysa sa buhay nya eh.

Tumingin ako sa langit. Malapit ng magdilim. Gusto ko pa sanang manood at magsumbong kay Demon kapag may back fighter, kaso ayoko ng magpaabot ng gabi sa daan.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero alam ko kung saan pwedeng sumakay ng jeep. Mabuti nalang talaga at matandain ako sa mga lugar. Didiretsuhin ko lang naman hanggang sa makarating ako sa kanto na antayan ng jeep. Hehehe!

 

"Bye, Demon! Good luck sa'yo dyan," sabi ko sakanya bago tumayo at nagsimulang maglakad.

"Demon. Fvck," narinig kong sabi nya at sinundan ng mga kalabog. Oo nga pala, ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang Demon. Bakit ba. Bagay naman sakanya eh.

Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala. Umikot ako at bumalik sa malaking bato na inupuan namin kanina. Pagbalik ko doon, kumuha ako ng dalawang slice ng pizza.

"Baka gutumin ako sa daan eh," sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng umalis.

Chapitre suivant