webnovel

Chapter 2

My Demon [Ch. 02]

"Ma'am, utang na loob po. Payagan nyo na po akong mag-cr," pagmamakaawa ko for how many times. Nakatayo ako sa tapat ng teacher's desk sa tapat mismo ni Ma'am habang nakahawak sa puson ko.

Sumasakit na nga dahil kanina ko pa pinipigilan 'tong wiwi ko.

"Kaninang lunch break hindi ka nag-cr? Kakasimula palang ng klase. Mahirap ang lesson natin ngayon kaya bumalik ka na sa upuan mo." Inayos nya yung salamin nya at binuklat yung libro na obviously filipino. Filipino teacher sya eh.

"Ma'am sige na po, puhlease! Puputok na po palatubigan ko." Palatubigan? Ano ba yun? Hehe. Ayan kasi ang madalas sabihin ni Angelo kapag nawiwiwi na sya. Ginaya ko lang.

Inangat nya ang ulo nya para tignan ako. "Huh? Edi ba---"

"Ang sakit na po ng bato at atay-atayan ko, ma'am. Kapag ako naihi dito kayo po ang maglilinis. Payagan nyo na po ako, maaaaaaam! Sige naaaaaa!" Kulang nalang lumuhod ako sa harapan nya. Hirap naman pakiusapan nito ni Ma'am De Mauto.

"Sige na nga! Bilisan mo lang at may long quiz kayo pagkatapos kong magdiscuss."

Yes! Napapayag ko din. Hindi naman pala sya mahirap pakiusapan eh. Kaunting pananakot lang. Haha! Panay ang bow ko sakanya habang naglalakad paatras palabas ng pinto ng classroom namin.

"Thank you po, ma'am! Pagpalain po kayo!"

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom, tumakbo na ako papunta sa cr.

"PUNASAN MO YAN!"

Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang nakakatakot na boses na yun. Parang . . . boses halimaw. Pero parang mas boses demonyo.

Naglakad ako ng dahan-dahan hanggang sa makita ko na may dalawang lalaki ang nakaharang sa pinto ng cr ng girls. Nakatalikod yung lalaking nakahawak sa kwelyo ng isa pa. Yung nakatalikod siguro ang nagmamay-ari ng boses kanina.

Ang ganda ng likod nya. I bet, may abs yan-- ay pack in sheet of paper! Ang bata-bata ko pa kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko. Kasalanan 'to ni Angelo eh!

Ay teka nga! Bakit naman nasingit si Angelo? Sya ba ang bida sa storyang 'to? Ako diba? Tch. Isa pang teka nga! Bakit ba sila nakaharang dyan? Nawiwiwi na ko eh!

Pwede naman nilang gawin yan sa tapat ng cr ng boys, sa field, sa hallway o kung gusto nilang maging confidencial ang moment nilang yan, dapat doon sila sa rooftop. Walang pumupuntang student dun dahil restricted. Tama naman, diba? Dapat doon nalang sila nagpunta kaysa naman dyan na hinaharangan ang cr. Kapag ako talaga nagkasakit sa bato, naku!

"O-opo." Nanginginig na sabi nung lalaki tapos mukhang luluhod kaso di nya magawa kasi ang diin ng pagkakahawak nung lalaking yummy yung likod sa kwelyo nya.

"ASSH***! Tanggalin mo yang uniform mo at ayan ang gamitin mo!"

Haluh, ang sama nya. Inuutusan nya na gamiting pampunas ng sapatos nya ang uniform ng lalaki. Palibhasa mayaman kaya hindi alam ang pakiramdam ng naglalaba lalo na kapag mano-mano.

Isa pang dahilan kung bakit ang sama nya kasi mukhang sya ang magiging dahilan ng pagkasakit ko sa bato ko. Worst, baka maihi ako dito. No! Gross.

"B-bakit uniform ko pa po?" Kitang-kita sa mga mata ng lalaking binubully ni Kuyang yummy ang likod ang takot. Sino ba namang hindi matatakot eh. Boses palang nya . . .

"JUST FCK' DO IT!"

Ay tupa! Napaatras ako sa gulat. Kakasabi ko lang eh. Nakakatakot talaga sya! Pero mas nakakatakot kapag nagkasakit ako sa bato. Wala kaming perang pangpagamot kaya sana wag mangyari.

Esh! Kung anu-ano ng naiisip ko.

Binitawan ni Kuyang yummy ang likod si poor guy tapos tinanggal nya yung uniform nya at lumuhod tapos pinunas sa sapatos ni Kuyang bully (wag ng yummy ang likod. Ang manyak tignan eh).

Nakakaawa naman si Poor guy. He really is a poor guy right at this moment. Hindi ko kayang tignan sya pero mas hindi ko na kayang pigilan pa ang wiwi ko.

Nakaisip ako ng isang bagay. Isang bagay na ngayon ko lang gagawin. Bahala na! Para 'to sa kalusugan ng bato ko. Fighting!

Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala namang tao maliban sa dalawang nilalang na nakaharang sa cr ng girls.

"Kala mo, ha!" Palaban na sabi ko sa lalaking bully pero syempre mahina lang. Yung ako lang ang makakarinig.

I took a steps lightly. Ingat na ingat akong iapak ang sapatos ko sa floor upang di makagawa ng anumang ingay.

Nang medyo nakalapit na ko sakanila, agad din naman akong napaatras. Still, dahan-dahan. Kasi naman eh! Bakit ba kasi tumingin pa ko sa mukha ni Kuyang bully? Kinilabutan tuloy ako sa takot.

Grabe lang, mga dear! Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mas gugustuhin nyong pumikit nalang habang naglalakad kaysa naman makita ang mga mata nyang nanlilisik. Mas nakakatakot pa syang tumingin kaysa sa isang serial killer.

Ilang beses kong nasabi kanina na buo na at masaya ang araw ko dahil kay Johan pero ngayon binabawi ko na. Isang nakakatakot at nakakakilabot ang araw na 'to.

Pa'no kaya ako makakapasok?

*imagination*

"Uh, excuse me po, Kuyang bully. Pwede po ba kayong tumabi kasi po-----"

"WHO THE HELL ARE YOU TO FCKN' COMMAND ME?" Tapos hinila nya rin ang collar ko at iniangat sa sahig.

*back to reality*

I shook my head exaggerately, dismissing that imagination inside of my head. Ayoko pang mamatay.

Ting! Na-imagine ko ang imaginary light sa ibabaw ng ulo ko dahil sa naisip kong bright idea.

Tutal wala namang ibang tao dito except dun sa dalawa, naglakad ulit ako ng dahan-dahan.

Ngayon ko lang gagawin 'to. Ang.... ang gumamit ng cr ng boys. Waah! Lagot ako nito sa kung sino mang makakita sa'kin na may katungkulan sa paaralan na 'to. Hindi lang ako lagot, nakakahiya pa ng lubos. No choice eh.

Mabuti nalang at hindi nila napansin ang presence ko hanggang sa makapasok ako sa cr ng boys. Pero bago ako tuluyang makapasok, sinilip ko ulit sila at . . . Ugh! Bakit kasi di ko mapigilan ang sarili kong lingunin si Kuyang bully? Nakakita tuloy ako ng demonyo sa lupa.

"Wishiwishiwishi." Tuwang-tuwang kanta ng wiwi ko. Ahihi! Kinikilig pa ko.

After kong i-flush yung toilet, binuksan ko na yung pinto ng cubicle at para kong naging statue sa kinatatayuan ko.

Parehong nanlalaki ang mga mata namin. Ako, nanlalaki ang mga mata ko sa takot na baka gawin din nya saakin ang ginawa nya kay poor guy kanina. Sya, alam kong nanlalaki ang mga mata nya dahil sa gulat at pagtataka na bakit may babaeng cute na nakigamit ng cr ng boys.

"Waaaaa~ MAY DEMONYO!" Bigla akong napasigaw. And because of that, nagsalubong yung mga kilay nya at naniningkit ang mga mata nya.

"Anong tinawag mo sa'kin?" May angas sa tono nya na talagang nagpadagdag ng kaba sa puso, isipan, kaluluwa at isama mo na rin ang bato at atay-atayan ko.

"Ah . . . Eh . . . May sexy! Fiwit!" Tumuro ako sa likuran nya.

"Nasaan?" Tanong nya matapos lumingon.

Ay ang manyak nya po. Napaghahalataan. Tch.

Dahil nga sa uto-uto ang demonyong manyak na yan, sinulit ko ang pagkakataon na nakalingon sya. Dahan-dahan akong lumabas ng cubicle nang hindi nya nararamdaman.

So far, success naman pero palabas na sana ako ng pinto ng cr nang hilahin nya ko sa braso paharap sakanya. And the next thing I knew, my fist hit the side of his lips.

Nagulat ako sa nagawa ko. Kailan pa ko naging matapang at malakas para labanan ang demonyong yan?

"S-sorry po! Hindi ako ang may gawa nun," kinakabahang sabi ko.

Tinignan nya ko. Kung nakakatakot syang tumingin kanina, mas nakakatakot syang tumingin ngayon. He massaged his jaw with his hand then clenched his teeth.

"At sino naman, ha?" Bakit ang angas nya magsalita? Casual na ba talaga nya yan o tuwing nagagalit lang?

"Yung . . . yung reflex action ko. Oo, yung reflex action ko ang may gawa nun!" Napapaatras ako kasi lapit sya ng lapit.

He frowned and stopped stepping forward. Mukhang nag-iisip. Before he could say anything again, my nervous system shouted me to skip the place immidiately or else my whole body will be injured.

Chapitre suivant