webnovel

HINDI NA PWEDE

Napamaang si Trixie nangarinig nito ang sinabi ni Jason. Biglang bigla siya sa ibinalita nito. Hindi niya iyon matanggap. Naisip niya kung hindi sana siya nagpi-pills noong sila pa ay baka sa kanya na ito at may anak na sila. Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Talagang palaging nasa huli ang pagsisisi. Yinakap niya si Jason at umiyak nang umiyak.

" pwede bang tayo nalang ulit? ako nalang ang piliin mo please...."

" wala na trixie. Hindi na pwede."

" pero mahal mo ako.... at mahal na mahal din kita.T.T "

Natahimik si Jason.

" mas magiging masaya kung tayon nalang dalawa... luhaan pa rin ito. "

" kailangan na natin tanggapin na hindi talaga tayo ang nakatadhana Trixie. Salamat sa masasayang alala... Kung sakali man, sa ibang panahon, kung sakali man na magkita tayo ulit. Sana... pareho na tayong masaya. "

Kumalas siya sa pagkakayakap nito

" magpagaling ka at magpakatatag..."

Nakatitig lamang siya kay Trixie... Minamasdan ang lukha nito. Ang babaeng ito na matagal nag ikot ng kanyang mundo. Ang babaeng ito na nagpasaya sa kanya noon... Hindi sila. At malabo nang maging sila muli.

Hinaplos ni Jason ang kanyang mukha na tila may kung anong gumagapang. Luha??? umiiyak siya?? agad na siyang tumalikod at iniwan si Trixie sa silid nito. Sana lang ay kayanin niya. Sana lang maging ok siya.

Labis ang pagsisisi ni Trixie. Kung sana ay hindi siya pumatol kay Lester. Kung sana ay nakuntento na siya kay Jason noon, sana ay masaya na sila ngayon. Pero wala na. Magkaka-anak na sila ni Yen. At pananagutan ito ni Jason. Si Jason....na walang ginawa kundi mahalin siya nang sobra. Kung kelan lumayo na ito sa kanya ay saka niya lamang narealize na mahal na mahal niya ito. At alam niya sa sarili niya na mahal din siya nito.

BAHAY NI JASON

Nakatanga lamang si Jason sa kisame. Iniisip ang mga nangyari. Ngayon na tuluyan na niyang nabitawan si Trixie, ay saka niya lang napagtanto na tila ba may puwang pa rin ito sa kanyang puso. Hindi kaya? Subalit kailangan na niyang mamili ngayon. Kailangan na niyang magdesisyon at walang ibang tamang desisyon kundi piliin si Yen na nagdadala ng kanyang anak sa sinapupunan nito.

Nakuha ang atensiyon ni Yen nang mikita na may bagong post si Jason sa wall nito.

THANKS FOR THE HAPPY MEMORIES...I HOPE SOMEDAY, WHEN WE CROSS OUR PATHS AGAIN WE COULD FINALLY MAKE OUR HAPPY ENDING.

Eh??

Kanino yon?

Kanya ba?

Hindi!! hindi siya....

Napanganga si Yen sa naisip. Sana ay mali. Pero masakit. Tiningnan ni Yen ang comments. Nakita niya ang comment ng kanyang kapatid.

Friends sila???

Alam ng kapatid ni Yen ang nangyayari sa kanya. Hindi ito nakikialam sa desisyon niya pero hindi ito nagsasawa sa pangungumusta. Lalo na nang mapahinga siya ay ito ang madalas niyang kausap at nahihingahan ng sama ng loob.

Binasa niya ang comment nito.

BITAWAN MO NA YAN YEN! HINDI KA NIYA MAHAL!! REBOUND KA LANG...

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Gusto niyang sumagot pero hindi niya magawa. Ilang sandali lamang ay biglang nawala ang post ni Jason. Hinanap niya itong muli. Wala na. Binura nito.

Pagkatapos non ay nag ring ang kanyang telepono. Kapatid niya. Nanggagalaiti ito sa galit. Sinabi nito na niloloko lang siya ni Jason at ginawa lamang rebound ng binata. Ang tanga tanga niya daw dahil ang bilis niyang maniwala.

Naniniwala siya.

Naniniwala siya sa kapatid niya dahil yon mismo ang nasa isip niya. Pero hindi siya pwedeng sumuko nalang. Hindi na ito para kanya kundi para sa bata na nasa kanyang sinapupunan.

Ang puso niya ay unti-unting natatamnan ng galit. Galit kay Jason at galit sa sarili. Kung bakit ba hinayaan niya itong mangyari di sana siya nasasaktan at nagtitiis.

Naisip niya na kapag hindi siya kinontak ni Jason sa loob ng isang linggo, ay kakalimutan na lamang niya ito. Di bale nang maging single mom. Wag ka lang matali sa lalaking hindi ka naman totoong mahal. Hindi nga ba siya talaga mahal? Rebound nga ba siya talaga?

Naramdaman niya na mahal siya nito

Pero hindi katulad ng pagmamahal niya kay Trixie noon. Ganoon naman diba? You can never have the same love twice. Ang pagmamahal niya na binigay kay Trixie noon ay hindi na muling mauulit. Magmamahal siya ulit pero mas mature, mas maingat...dahil naranasan na niyang masaktan.

Kahit naman si Yen. Ang pagmamahal niya kay Jason ngayon ay hindi katulad nong kay Jeff.

Kahit nasasaktan ay pinili ni Yen na kumapit pa.

Isang linggo pa.

Hahayaan niya itong magkusang lumapit sa kanya.

Pang apat na araw ni Yen na nakakulong sa bahay. Maari sana siyang mamasyal, mag mall...subalit hindi pwede dahil ipinagbawal ng doktor. Mapapagod siya at mapupwersa sa paglalakad. Kaya pinili niya nalang na muling manatili sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang gitara niya. Hindi pa naman maiipit ang kanyang tiyan dahil hindi pa naman ito kalakihan. Pero pansin niya ang paglobo nito noong siya ay nakapahinga. Maganda din ang kanyang pakiramdam nitong mga nagdaang araw.

Naisip niya na kung manatili na lamang kaya siya sa bahay? Hindi pwede dahil kailangan niyang kumita. Kailangan niyang mapaghandaan ang gastusin ng bata. Lalo na kung mangyaring itataguyod niya itong mag-isa.

Naisip niya kung papano ang anak kapag nasa trabaho siya. Kailangan nito ng ina. Kung magpapatuloy siya sa pinapasukang kompanya ay baka hindi niya ito masubaybayan.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Llyne. Si Llyne ang katiwala niya sa kanyang tindahan na malaki na ngayon. Hindi na din biro ang inaakyat nitong kita. Nakuha niya ang buong building na kinatitirikan ng kanyang tindahan. Unang palapag ay auto-electronic shop. Nagtitinda ng mga pyesa, at may repair services din. Pangalawang palapag ay ang school supplies books at school related items. At xerox at printing naman sa 3rd floor. Lahat iyon ay pag aari niya. Dahil malapit yon sa school ay pinili niya iyon. Balak niya pang kunin ang katabi nito para gawing snack house.

Hindi na din yon masama para sa tatlong taon niyang pagsisikap. Tatlong taon...may bahay, may sasakyan at may maliit na negosyo. Hindi na masama yon. Hindi lahat nakakayang maabot yon. Dahil yon sa sipag tiyaga at diskarte.

Ayaw niya na isipin si Jason.

Kailangan niyang pagplanuhan ang darating na paglabas ng kanyang mahal na anak. Kung sa isang linggo ay hindi ito magparamdam, tuluyan na lang niya itong kakalimutan.

tulog na tayo. Bukas ulit ang karugtong.

Masarap din isako si Jason. Kailangan siguro talaga iuntog para matauhan.

Bilisan niya lang sana.

Dahil baka pag sure na siya, si Yen ay suko na.

Salamat po sa power stones.

Mag iwan ng comment para malaman ko ang inyong saloobin.

Ingat tayong lahat. Masyadong mabagsik ang Covid na ito. Tila tayo ay inalipin ng mananakop na hindi nakikita. Let us continue to pray for the Philippines. And for the whole world

Godbless us all.

Love,

nicolycah

nicolycahcreators' thoughts
Chapitre suivant