webnovel

Miscarriage

Labis ang pag aalala ng magulang ni Trixie sa dalaga. Dahil naisakay na ito ni Jason sa kotse nito ay minabuti nalang nilang sumunod sa binata. Habang nasa daan ay masaganang bumubukal ang luha sa mga mata ng ina ni Trixie. Talagang hindi na niya alam kung anong gagawin sa anak. Inalo naman siya ni William at sinabi na magiging maayos din ang lahat .

Naisip ni William na bala dahil sa kawalan nila ng panahon sa anak at halos lumaki itong sa piling ng kung sinu-sinong naging yaya nito noon, kaya ganon ang naging ugali ni to ngayon. Marahil ay talagang malaki ang ang kanilang naging pagkukulang sa dalaga.

Nakatuoon ang atensiyon ni Jason sa daan. Hindi na niya naitext o natawagan si Yen kaya naman nag menor siya at nagdial siya sa kanyang cellphone.

" hello." sagot ni Yen sa kabilang linya.

" hi...kumusta ka na ok ka lang ba? " tanong ni Jason.

" ok na ko. Back to normal ikaw ba?

" nakita ko na si Trixie. Nagmamaneho ako para iuwi ito sa bahay nila."

Nangunot si Yen. Subalit naisip niya n si Jason nga naman ang kinontak nito. Pero sana ay ipinaubaya nalang ng lalaki sa magulang ang pagsundo dito. Ayaw na niyang mag isip. Pagod na siya kakaisip nang kung anu-ano. Pakiramdam niya ay nanlalambot siya at lagi siyang wala sa mood.

Tumingin siya sa salamin.

Minasdan niya ang kanyang mukha.

Parang tumaba ba siya?

Pumayat ba?

Parang may nagbago sa katawan niya. Maging sa mukha at bukas ng mata niya pakiramdam niya ay may iba.

Kinakat kagat niya ang labi na medyo namumutla.

" hello??"

Nakalimutan ni Yen na meron pala siyang kausap. Nagpaalam siya kay Jason at nagbilin dito na mag ingat.

Naisip niya na baka dahil wala siyang sapat na tulog ilang araw na. Kaya siguro nanlalambot siya at tila ayaw niya magkikilos. Minabuti niyang mahiga sa kama at matulog. Napilitan siya mag leave at magpaalam sa boss niya dahil sa nangyaring pag iimbita sa kanya ng mga pulis. Talagang nahintakutan siya kanina dahil sa tanang buhay niya ay ngayon lamang nangyari amg gayon sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip niya na madadawit sa mga ganoong uri ng pangyayari.

Marahan siyang napapikit hanggang tuluyan na siyang nilamon ng antok.

Napabaling ang tingin ni Jason kay Trixie na kasalukuyang natutulog. Muling itinutok ang tingin sa daan. Pagbaling niya ng kanyang tingin ay nahagip nito ang hita na Trixie na tila ba kung anong dumadaloy galing sa kung saan.

"DUGO!! "

Hininto niya ang sasakyan at muli itong tiningnan. Dahil nakasunod lang sa kanya ang mga magulang nito ay huminto din ito at bumaba sa sasakyan. Kumatok ito sa bintana na agad naman binukasan ni Jason.

" Tita may dugo siya. Kailangan natin siya dalhin sa ospital!"

Sa kabutihang palad ay malapit na lamang ang ospital sa kanilang kinaroroonan. Agad nilang naitakbo si Trixie doon.

Sa waiting area sa labas ng emergency room ay hindi magkamayaw sa pag iyak ang ina ni Trixie. Pabalik balik naman sa paglakad paparoo't parito. Hindi ito mapakali. Si Jason naman ay tahimik na nakaupo at nagmamasid lamang.

Lumabas ang doktor at tinawag ang mag asawa. Sinabi nito na tatlong buwang buntis ang babae at nakunan ito. Dahil na din sa sobrang alcohol intake at sa labis ma depresyon.

Nagimbal si Jason sa narinig. Subalit naisip niya na hindi naman niya anak iyon. Gayunpaman ay nanatili siyang tahimik at nag isip.

Grabe ang kagagawan ni Trixie. Kung pumayag siyang pakasal dito ay baka siya pa ang papanagutin nito sa bata. Tatlong taon na silang hiwalay at malabo na maging kanya ang nasa sinapupunan nito. Iniisip ni Jason kung ano ang nasa saloobin mg mga magulang nito.

Pagkatapos malapatan si Trixie ng pangunahing lunas ay inilipat ito ng kwarto. Wala itong malay at hindi niya alam kung kelan ito nawalan ng ulirat. Nang masigurong maayos na ang lagay nito sa ospital, ay nagdesisyon si Jason na magpaalam para umuwi. Nagpasalamat naman sa kanya ang mag asawa at tuluyan na siyang umalis.

Sa daan ay muli siyang nahulog sa malalim na pag iisip. Masyadong malupit ang tadhana kay Trixie. Naawa siya dito. Gayunpaman ay kasalanan naman nito kung bakit niya nadanas ang lahat ng iyon. Ang pagiging mesirable nito ay bunga din ng kanyang kagagawan. Medyo nabagabag siya ng kanyang konsensiya dahil maaaring isa din siya sa dahilan ng labis nitong depresyon. Ngunit kailangan na nilang mag move on. At naniniwala siya na makakarecover din ito. Sana lang ay ito na ang huling sakit ng ulo na hatid sa kanya ni Trixie. Sana ay lahat sila ay mamuhay na ng payapa at tahimik.

Sana ay wala na itong problemang idulot pa sa kanya.

Pagdating sa bahay ay agad siyang naligo at humiga sa kanyang kama. Binuksan niya ang lights effect na ginawa ni Yen doon. Sa tuwinang uuwi siya at magpapahinga ay ginagawa niya iyon. Kaya naman si Yen ang lagi niyang naiisip bago siya matulog.

Dahil naalala niya ito ay muli niya itong tinawagan

Nakailang beses na siya magdial pero walang sumasagot. Tiningnan niya ang oras. Alas dose ng tanghali. Marahil ay nasa trabaho na ito o kung hindi man ay nagpapahinga. Napuyat ito kagabi dahil sa nangyari sa presinto. Napaisip siya kung alam ba ni Lester ang estado ni Trixie. Gayunpaman ay naitext niya ito bago siya pumunta muna ng kusina para kumain. Magdamag siyang walang tulog kaya kakain muna siya bago muling humiga.

Nagimbal si Lester sa ibinalita ni Jason.

Ibinigay niya ang number niya kay Jason bago ito umalis para mabalitaan siya nito. Ipinaubaya niya kay Jason ang pagsundo sa ka-live in dahil una ay ito naman talaga ang tinawagan ni Trixie. Isa pa ay may kailangan pa siyang ayusin sa mga pulis.

Dali-dali niyang pinuntahan ang ospital na kinaroroonan ni Trixie. Naabutan niya doon ang mga magulang nito. Sinabi nito sa kanya ang nangyari kay Trixie sa walang muwang nilang anak.

Nalungkot si Lester nang malaman ito. Matagal na niyang hiniling na magbuntis ito. Gusto na niya talaga magkaanak at pag nangyari yon ay yayayain na din itong magpakasal. Hindi niya niyayang magpakasal si Trixie dahil pakiramdam niya ay hindi pa ito handang magpamilya. Hindi pa nito kaya ang manatili na lamang sa bahay at ang nais nito ay gumimik kasama ang mga barkada. Napaisip tuloy siya kung ang batang iyon ba ay talagang anak niya. Dahil naalala niya ang nalalapit nitong kasal sana sa dati nitong nobyo. Hindi kaya si Jason ang ama nito?

Grabe talaga ito si Trixie. Napaka makasaliri sarap isako. hehe

Salamat po sa power stones. Sana po mabigyan niyo pa ako. (~_^)(´ﻌ`)

Pa-comment din po ng saloobin niyo sa kwento.

Binabasa ko po lahat ng comments thanks.

love,

nicolycah

nicolycahcreators' thoughts
Chapitre suivant