webnovel

Birthday Greeting

Mabilis lumipas ang araw.

Lalong napamahal si Yen kay Jason.

Araw-araw ay binibisita siya nito. Araw-araw ay excited siyang umuwi dahil alam niya na bago matapos ang araw ay magkakasama sila ni Jason. Anupa't tila ito na ang nagpaikot ng mundo niya. Gayunpaman ay napapansin niya ang pasimpleng pagpapa alala ni Jason sa kanya na huwag siyang masyadong mahalin.

Isang araw ay muli nitong iniwan kay Yen ang cellphone nito. Umalis ito sandali para bumili ng pagkain sa labas. Sunod sunod ang tagingting ng cellphone nito na ipinagtaka ni Yen. Habang naghihintay ay naisipan ni Yen silipin sana ang inbox nito. Curious lang siya sa kung sino man ang nakakatext nito maliban sa kanya. Pagbukas niya ay nakita niya na tambak ang mga messages nito. Ngunit hindi niya naman ito nabuksan at nabasa dahil sa password.

Hindi niya naman ugaling makialam ng phone ng may phone. Pero dahil curious nagawa niyang mag usisa na nauwi naman sa wala. Ilang sandali lang ay dumating si Jason na may dalang burger at fries. Kinuha nito ang phone sa kanya at sinilip pagkatapos ay tumawa ito.

" may nagtangkang magbukas ng cellphone ko" nakangiting wika nito.

" hahaha masyado mo na akong mahal baby." dugtong pa nito.

Tumawa naman ng mahina si Yen.

" kanina pa kase tunog nang tunog yung phone mo kaya sinilip ko. " palusot ni Yen. Pero totoong sunod sunod ang tunog nito nong ito ay umalis.

" huwag mo akong gawing mundo mo. " sabi nito.

" bakit? mahal kita kaya natural na maging bahagi ka ng mundo ko. "

" magmahal ka lang pero magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. hindi mo pa naman ako asawa kaya huwag mo akong gawing mundo mo. "

Naiintindihan niya.

Siguro ay dahil dinanas na nito ang ganon kaya ayaw nitong maranasan niya din.

O marahil ay nalalapit na ang pag iwan nito sa kanya.

Oo... handa naman siya. inasahan niya na isang araw ay bibitawan siya nito. Kaya nga baby ee. Baby kasi baby-tawan lang sa huli.

Pero naisip ni Yen na worth it naman. Kahit na dumating sa puntong ganon ay buong puso niya itong hahayaan. Hindi niya ipipilit ang sarili niya. Dahil ang gusto niya na sa ngayon ay makita lang itong masaya. Martir na ba yon?

Wala naman itong ipinakita sa kanya na hindi maganda. Sa tuwinang magkakasama sila ay sinusulit talaga nito ang oras na kasama siya. Hindi nga ito nahihiya na ipangalandakan sa publiko na girlfriend siya nito. Balewala dito ang PDA. Kahit nasa kalagitnaan sila ng maraming tao ay hinahalikan siya nito. Pag magkasama sila ay hindi nito binibitawan ang kanyang kamay.

Simula sa simula hanggang sa kasalukuyan ay walang maalala si Yen na pinasama nito ang kanyang loob. Bukod sa araw araw niya lang itong miss ay wala na siyang ibang masabi pa dito. Bukod din sa pagiging suplado. Hindi ito nakikipag usap sa iba kung hindi naman kailangan.

Kahit sila Jonathan ay hindi nito pinapansin pag ito ay nandoon sa kanila. Pag naroon ito ay para lang kay Yen at wala nang iba.

" baka hindi muna kita bisitahin. kase masyado ka nang nahuhulog saken"

Hinampas niya ito sa braso.

" hindi naman masyadong makapal ang mukha mo"

" bakit totoo naman diba? nakatawa nitong sabi.

" totoo nga. " amin ni Yen.

Niyakap naman siya nito.

Unang linggo ng Setyembre.

Mabilis lumipas ang araw.

Ilang araw nalang ay matatapos na ang kontrata ni Yen. Lalong umigting ang pagnanais ni Yen na gugulin na lang ang mga natitirang sandali para mag trabaho. Graduation nalang naman ang kanyang iuuwi. Pagkatapos ay haharapin na niyang muli ang reyalidad ng buhay.

BIRTHDAY ni Jason.

Hindi niya ito mapuntahan. Hindi pa siya naisasama nito sa kanyang tahanan. Hindi pa din nito nabanggit kung kailan siya ipakikilala nito sa kanyang magulang.

Gayunpaman, hindi lingid kay Yen na alam ng magulang nito na siya nga ang girlfriend ni Jason. Minsan kase ay magkasama sila nang tumawag ang ama nito.

" hello pa. "

" nasaan ka? "

" andito ako kay Yen"

" sino si Yen. ?"

" girlfriend ko pa. "

Tapos ay nagpaalam na ito sa kanya dahil daw sa emergency na hindi nito sinabi sa kanya kung ano at bakit. Nirespeto naman ito ni Yen at pinayagan umuwi nang maaga.

Minsan din ay tumawag ito sa kanya. May party sa bahay nila at naririnig niya ang nanay nito na nanunudyo kay Jason.

Kaya alam ni Yen na maging ang mga magulang nito ay alam ang tungkol sa namamagitang relasyon nila ni Jason.

Gayunpaman ay hindi naglakas loob si Yen na puntahan ito. Bukod sa hindi niya alam ang bahay nito ay wala naman itong sinabi sa kanya. Hindi naman din siya nito inimbita at ok lang ito sa kanya. Hindi pa siya handa na harapin ang mga kaanak at kaibigan nito.

Kaya naman nag text na lamang siya dito.

[ happy birthday baby. ]

Marahil ay abala ito kaya ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin itong sagot. Hinayaan ito ni Yen. Naisip niya nalang na tawagan ito mamaya pag uwi niya galing trabaho.

Hindi nga nagkamali si Yen. Paglabas niya ng hapon ay sunod sunod amg messages nito.

[ thank you baby. ]

[ sorry medyo busy. darating kase ang mga batchmates ko kaya nagprepare ako.. ]

[ hindi ka ba pupunta? gusto mo ba pumunta? ]

[ wala akong gift. ] sagot ni Yen.

[ ok lang yon. ]

[ hindi ko alam bahay niyo. ]

[ ahaha! cge ok lang baby. pagod ka na din naman saka medyo malayo ang amin. magpahinga ka nalang muna.]

[ hindi muna kita mapupuntahan ah. ]

May kaunting lungkot siyang naramdaman. Pakiramdam niya ay umpisa na ito ng paglayo nito sa kanya. Siguro ay nag o-overthink siya pero di niya talaga mapigilan mag isip.

[ happy birthday ulit. ]

[ iloveyou. ]

[ ahahaha! thank you baby. ]

Hindi na siya sumagot pagkatapos noon. Kumain na lang siya ng paborito niyang sinigang ni Madam Lucille

" Birthday ni Jason ngayon. " si Jonathan.

Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya.

" Hindi ka ba pupunta sa kanila? ] tanong nito. Habang hinuhugot ang upuan sa kaharap ng inuupuan niya.

" Hindi. Ayaw ko. "

" Bakit naman? "

" Hindi naman ako invited"

" Sus girlfriend? Matic yon kahit hindi invited."

" Na-meet mo na ang parents?"

Umiling si Yen.

Pagkatapos kumain ay muli niyang tinulungan si Madam Lucille na maghugas ng hugasin. Pagkatapos ay umakayat siya kwarto at nahiga. Alas sais na. Wala na siyang gagawin kundi magpahinga.

Tumunog ang phone niya.

[ baby.. ] si Jason

[ bakit? ]

[ nagtext si Trixie ] si Trixie ang Ex.

[ anu narealize na niya?.. ]

Kasama sa expectation yon ni Yen. Inaasahan niya na isang araw ay magpaparamdam ang ex nito at magbabalik. At kung mangyayari man yon ay buong puso niya pa ring hahayaan si Jason na bumalik dito. Palalayain niya ito. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ni Yen na totoong minahal ito ni Jason. Kahit pa nagkamali ito ay naisip ni Yen na marahil ay naaalala pa rin ito ni Jason.

[ hindi naman, birthday greeting lang. ]

[ kinilig ka naman?]

[ ahahaha!! hindi naman sakto lang. ]

[ papano kung makipagbalikan? ]

[ wala na yon. ]

[ kung gusto mo siyang balikan, hindi naman kita pipigilan. ]

[ wala na... hindi na... ]

Kahit sinasabi ni Jason iyon, malakas pa rin ang pakiramdam ni Yen na mahal pa rin nito si Trixie. Oo... unti unti niya nang naiintindihan at tinatanggap na siya ay panakip butas.

I AM A REBOUND.

Sa isip ni Yen yan ay nakatatak.

Pero kahit ganoon ay payapa ang kanyang kalooban. Yung malaman niyang naging daan siya para makalimot si Jason sa sakit ay kasiyahan na ni Yen. Alam niya na masaya si Jason sa mga panahon na nagkasama sila. Nakita niya ito sa mga mata nito. Naramdaman niya. Sa mga tawa at halakhak nito. Hindi yon peke. At hindi yon sa akala niya lang.

Na-spoiled siya ni Jason. Anupa't totoong para siyang prinsesa pag kasama ito. Ipinadama nito ang pagmamahal at kalinga na sa kanya lang din naranasan ni Yen. Wala siyang maipintas dito. Wala siyang masabi. Lahat ng hinahanap niya at mga bagay na sa panaginip lang niya nararanasan ay napatotohanan nito. Ganon pala kasarap magmahal.

Ganoon din pala kalalim ang kayang abutin ng pagmamahal. Kaya mong bitawan ang mga bagay na sobrang halaga, para lang makita na ang mahal mo ay masaya.

Oo. kayang bitawan ni Yen si Jason.

Malulungkot siya totoo. Pero hindi niya aagawin ang kaligayahan nito. Ngayon palang, mag uumpisa na siyang mag move on.

nawawala ang signal ko kainis.

nicolycahcreators' thoughts
Chapitre suivant