webnovel

Seven- Handa

Chapter 7

Handa

"Ano ba ang gusto mo?" Sinundan ko ito at hinila ang braso niya, lumingon ito saakin na nakangiti. With his arrogant face ay kitang kita ko na nasasayahan ito sa pangyayari.

He crossed his arms at tinignan ako. "Hey, retard. Gusto mo ako diba? Then I want you."

Napanganga ako sa sinabi niya. What the hell? Ano ba ang pinagsasabi niya? Aaminin ko gusto ko siya— hindi yung gusto kundi namamangha lang ako sa katalinuhan nito at sa mukha.

Tumalikod uli ito saakin at pumunta sa likuran ng gym. Sinundan ko uli ito.

"Makinig ka nga saakin." Nakita ko itong huminto pero nakatalikod parin parang may ginagawa

Napanguso ako at hinila ang braso niya. "Zachariah Mike!"

Pagkaharap nito ay nanlaki ang mata ko at napatitig sa hawak niya. "The heck?"

Kinuha ko ang sigarilyo sa kamay nito at tinapon, inaapakan ko ito upang mawala ang apoy. "Alam mong bawal ang maninigarilyo dito!"

Tinignan ko siya ng masama nang nakita ko na kumuha uli ito ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa nito. Kukunin ko sana uli ito pero itinaas na niya para hindi ko makuha uli. He is so tall, kaya hindi madaling kunin ang hawak niya.

"What's your problem?" Kunot noong tanong nito saakin habang nakataas parin ang kamay niya upang hindi ko maabot ang sigarilyo.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at tumatalon para lang maabot ang hawak niyang sigarilyo. "Ano ba, nakakasama 'yan sa katawan."

"Really? Kailan pa nag alala ang isang prinsesa namin?" Narinig ko ang pag ngisi nito at parang natutuwa.

Napabuga ako ng hangin at tumigil. I give up, ang tigas ng ulo nito. Napahalukipkip ako at tinignan siya, malinis parin ito tignan kahit nakapag-jersey lang ito. Basa pa ang buhok nito sa pawis at kita ko ang pamumula ng ilong nito at dibdib niya dahil kakagaling lang nito sa practice.

"What do you want?" Tumaas ang isang kilay ko at kumawala ng isang tikhim.

Napatingin ako sa hawak na sigarilyo na wala pa itong sindi pero itinapon na niya ito kung saan. "Well, I want you." Ika niya at kitang kita sa mukha nito na seryoso ito.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "What want?"

Kinakabahan ako, hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya. I heard some rumors says na, mahilig itong maglaro ng feelings ng babae. He will play his little tricks, at kapag hulog na hulog na ang babae ay tsaka niya lang ito iiwan.

"I want you to be my secretary, my assistant—" huminto muna ito at lumapit saakin, sa bigla ko ay napalayo ako. Inilapit nito ang mukha niya sa tenga ko, napasinghap ako nang maamoy ko ang pabango niya na hindi rin nakakasakit sa ilong ko.

"I want you," dagdag nito.

Nanlaki ang mata ko, pagkarinig ko sa sinabi niya ay parang may kung anong humaplos sa batok ko and I felt goosebumps.

Tinulak ko ito ng malakaas upang makalayo, napakagat ako ng labi ng mahawakan ko ang dibdib niya at narinig ko ang pagkawala ng munting halakhak niya.

"Damn you!" I screamed at buti walang taong dumadaan sa likod ng gym kundi nakikita na ang pagwawala ko.

Tumalikod ako and I marched my way out, with my closed fist ay kanina pa ako nanggigigil. I want to punch him, pero may natira naman akong kabaitan sa katawan ko. But with him? Lumalabas ang other side ng isang Casseopeia.

Nang nakabalik na ako sa loob ng gym ay bumungad saakin ang kanilang mga tingin na may halong pagtataka at panunuya. Napatingin ako kay Erich na kanina pa ako binibigyan ng matalim na tingin. What's with her?

"Omg, okay ka lang.?" Nag-alalang tanong ni Ysa nang nakalapit ito saakin.

Hinawakan ni Janice ang pisngi ko. "Namumula kana naman."

Bumitaw na ito sa pagkakahawak kaya huminga ako ng malalim to control my anger. "I'm fine," ngumiti ako sa harapan nila.

Nakita kong yumuko si Ysa kaya nataranta ako. "Ysa, okay ka lang?" Hinawakan ko ang balikat nito at pilit iharap ang mukha saakin.

Umangat ito at nakikita kong malapit na itong iiyak. "Sana hindi ko tinuloy ang dare sayo, sana hindi ka aawayin ni President."

Napanguso ako para pigilan ang pagngiti dahil sa akto niya, narinig ko din ang munting halakhak ni Janice sa tabi ko.

"Sabi ko sayo, okay lang diba? Hindi niya naman ako sinaktan." Pag-aalo ko sakaniya kaya nakita kong lumiwanag uli ang mukha niya.

"Crush ko pa naman siya,"

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ysa dahil sa bulong niya. Nagkatinginan kami ni Janice at napahalakhak. Sino ba ang hindi magkakacrush sa isang president sa department namin? Sa isang Zachariah Mike Mariano? Pakiramdam ko lahat ng department girls sa school namin ay may gusto sakaniya.

PAGKATAPOS ng gym namin at ilang klase ay nasa garden kami tumatambay. Pagabi na kaya umilaw na ang mga poste.

"Ano ba ang chika mo?" halata sa mga mukha nito na excited ang dalawa sa sasabihin ko.

Napatingin ako sa hindi kalayuan at nakita kong naglalaptop si Zachariah. Nakatalikod ito saamin, kaya nagpapasalamat ako para hindi niya kami makikita sa aming balak.

Inopen ko ang laptop ko at pinindot ang Kingdom Quest.

"Don't tell me maglalaro ka lang, at gusto mo ang support namin?" Janice blurted out at napahalumbaba sa lamesa na parang nawalan ng gana.

Ngumuso ako at tinigan si Janice. "Hindi, may malaking pasabog ako."

"What? Don't tell me na magpopost kana ng picture sa Kingdom Quest? Nako, mabuti yan para hindi kana nila aawayin tapos—" tinignan ko ng masama si Ysa at napatikom ito at tumahimik.

Napatampal ako sa aking noo. "Hindi iyan, okay?"

Nakakabaliw itong dalawa. Si Janice ay hindi naman interesado sa larong ito, pero si Ysa ay may hilig nito. Hindi nga si Ysa naglalaro pero tumitingin naman ito lagi kapag naglalaro ako.

Nang nabuksan ko na ang laro at tinuro si Zachariah.

"Diba si Zachariah iyon?" Takang tanong ni Ysa.

Tumango ako at ngumiti sakanilang dalawa.

"Shoot!" Janice said in an excitement voice, her eyes sparkle like glitters pati na rin si Ysa sa kanan ko.

"Wait—" pinindot ko message ni blackzmxx at nakita ko na typing iyon. Hindi ko mapigilang mapanguso dahil nakita na niya akong online.

"Ano ba connect ni Zachariah diyan sa asawa mo?" Ysa raised her eyebrows at tinignan ko na nagtataka.

"Just watch."

[blackzmxx: Hi, wife! Took so long to online huh?]

Bakit? Lagi ba siyang online? Minsan na nga lang ako online sa isang araw dahil busy sa school. President siya diba?

Hindi ko mapigilang mapanguso.

[strcasey: Busy, may tanong ako. :)]

[blackzmxx: Spill.]

[strcasey: Are you from Myunghei?]

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, Casey?" Sabat ni Janice at hinahawakan ang braso ko. I shushed her kaya agad itong tumahimik.

[blackzmxx: What? How did you know?]

I heard Ysa 'woo' at parang alam na ano ang mangyayari. Stay tuned girls.

[strcasey: Naririnig ko lang sa world chat.]

[blaczmxx: How about you? College?]

[strcasey: Yep!]

[strcasey: Are you Zachariah Mike Mariano?]

"Hoy! Ano pinagsasabi mo diyan?" Napatingin ako kay Janice na nanlalaki ang mata, napanganga din ito at tumingin saamin.

Ngumit ako at kinindatan siya.

[blackzmxx: What the hell? Who spread that information? My friends?]

Hindi ko mapigilang mapahalakhak.

[strcasey: Nope! Hahaha, time na. Uuwi na ako, nasa internet cafe ako ngayon.]

Agad ko pinindot ang log out at tumingin sa dalawang kaibigan ko. I saw their face is priceless. Gulat na gulat ang mga mukha nila.

"Saan mo nakuha ang impormasyong 'yan?"

"Naglalaro pala si Zachariah ng ganiyan?"

"Bakit alam mo na siya?"

Itinaas ko ang aking kamay para patahimikin sila.

"Well, nakita ko siyang naglalaro. The end." I grinned.

Nilinis ko na ang table namin, inilagay ko na ang laptop sa aking bag at tumayo. "Let's go?"

Tumayo din sila pero hindi parin sila makapaniwala na si blackzmxx na username at ang president namin sa department ay iisa.

Nang dumaan kami kay Zachariah ay narinig ko itong tinawag ako.

My heart skipped a beat. Does he know? Kinakabahan ako bigla.

Naramdaman ko din na sinisiko ako sa tagiliran nina Janice at Ysa at alam kong kinakabahan din ang mga ito.

"Casseopeia, you may start tomorrow." His face is teasing me.

My jaw dropped at tinignan siya ng masama. "Anong bukas?"

"As my assistant. See you!" Aniya at tumayo. Bago ito umalis ay kumindat muna ito saakin.

Nang lumayo na ito ay napabuga kami ng hangin sa kaba.

"Muntikan na 'yon!" Janice blurted out.

"Akala ko alam niya." Nakita kong hinawakan ni Ysa ang dibdib nito at huminga ng malalim.

Tinignan ko ng masama ang papalayong Zachariah, humanda ka saakin.

Chapitre suivant