Nang madinig nilang bumukas ang makina ng malaking barko, may mga nasa tubig pa.
Naalarma ang patrol alam nyang pag nagsimulang umandar ang barko madadala sila.
"BILISAN NYO! BILISAN NYO!!!"
Dali dali silang naglangoy at umakyat ng bangka.
Mabuti na lang nakalayo na sa gilid ng malaking barko ang speedboat na sinasakyan nila Anthon. Pero malapit pa rin ito sa barko may posibilidad na madala din sila pag umandar ito.
Hindi masyadong marunong ang pulis na nagpapaandar nito kaya hindi nya magawang bilisan. Kinakabahan sya baka magkamali sya tumaob sila.
Ang speedboat ay kailangan lagi balanse para hindi ito tumaob.
Kaya ng marinig ni Enzo ang pagbukas ng makina ng barko, agad itong lumapit sa pulis.
Enzo: "Ako na dyan!"
Pulis: "Meron ka bang alam dito?"
Note:
for editing
thanks
Trimshake