Kasama si Lando, pinuntahan nila Anthon ang lugar na tinutukoy ng signal. Ito ang signal na pina trace nya kay Gene.
Sa isang residential area sila dinala ng signal at malapit ito sa restaurant.
Pagdating sa bahay na tinutukoy ng signal, hindi na nag dalawang isip si Anthon na akyatin agad ang pader nito at walang nagawa si Lando kungdi sumunod.
Lando: "Bayaw, baka ma trespassing tayo!"
Anthon: "Kung natatakot ka bakit ka sumunod?"
Napakamot na lang sa ulo si Lando at hinayaan na lang si Anthon na hanapin kung nasaan ang signal.
Nakita nya ito sa isang basket sa may labahan.
Habang naghahanap si Anthon, ininspeksyon naman ni Lando ang bahay.
Lando: "Bayaw, walang tao!"
Nakita nito ang hawak ni Anthon na damit ng bata.
Lando: "Kapereha yan nung damit ng bata na kabibili mo lang nung umuwi ka na gusto mong ipasuot pero hindi pumayag si Yasmin."
Anthon: "Ito nga iyon at hindi ko sya binili pinasadya ko sya!"
Isa itong white polo na may desenyong stripe at star sa balikat at short na navy blue din. May burda ng pangalan ng bata sa bandang kaliwa nito.
Kung titingnan, para itong mini version ng uniporme ni Anthon.
Lando: "Ha? Pero bakit andito yan?"
Anthon: "Kanina, pinalitan ko si baby Gab nito!"
At ipinakita nito kay Lando ang isang maliit na bagay na nasa isa sa mga star na nakadesenyo.
Hindi ito madaling mapansin dahil mapagkakamalang parte ng desenyo.
Anthon: "Dito nagmumula ang signal!"
Naiintindihan na ngayon ni Lando kung bakit mapilit ito na ipasuot ang damit sa bata.
Lando: "Kung yan ang suot ng bata, ibig sabihin dito dinala si baby Gab matapos kidnappin kanina?"
Anthon: "Oo at mukhang pinaltan sya ng damit para hindi mamukhaan!"
Lando: "Kailangan ma check ang lahat ng lumalabas na sasakyan!"
Agad nitong kinuha ang cellphone upang tumawag sa police station pero pinigilan sya ni Anthon.
Anthon: "Huwag, huwag kang tatawag!"
Lando: "Bakit?"
Naiinis sya sa biglang pagpigil ni Anthon sa kanya.
Itinuro ni Anthon ang bintana.
Hindi maintindihan ni Lando bakit nya tinuturo ang bintana.
Lumabas si Anthon sa likod ng bahay at kahit na naiinis si Lando sinundan nya ito.
Pagdating sa labas sa tapat ng bintana, may isang bagay na may cover. Pag nasa loob ka ng bahay at tiningnan mo ito, hindi mahahalata ang bagay na ito dahil kulay lumot ang cover nito at nag be blend sa mga puno at halaman sa paligid. Nakokoberan din nito lahat kaya hindi mo malalaman kung ano ang nasa loob.
Lando: "Ano yan Bayaw?"
Nilapitan nila ang bagay na iyon na tila kahon na nakaangat. At pag alis ng cover, tumambad sa kanila ang isang motor na may pasadyang compartment.
Naalala ni Anthon ang motor na ito na nakaparada malapit sa restaurant. Kinabahan sya.
'Paano kung ....?'
Nanginginig ang kamay na dahan dahang binuksan ni Anthon ang compartment, umaasa na naroon ang anak.
Pero wala itong laman.
Nakaramdam ng pakadismaya si Anthon.
Lando: "Parang namumukhaan ko itong motor na ito..."
Anthon: "Ito ang motor na nakaparada sa may puno malapit sa pansitan! Akala ko sa kanila ito!"
Lando: "Anong ibig mong sabihin bayaw, pano mo nasisiguro na hindi ito kanila?"
Nalilitong tanong nito.
Anthon: "Kung mapapansin mo ang compartment na ito, sa labas akala mo pang deliver ito pero pag binuksan mo ang loob..."
Ipinakita ni Anthon kay Lando ang loob ng compartment.
Lando: "Ito ang ginamit ng dumukot kay baby Gab?"
"Kailangan natin malaman kung sino ang nakatira dito!"
Agad nitong tinawagan ang police station pero muli syang pinigilan ni Anthon.
Lando: "Bakit ba? Bakit mo ba ako pinipigilan?"
Naiinis nitong tanong.
Anthon: "Dahil may hinala ako na isa sa mga nagtatrabaho sa restaurant ang dumukot kay baby Gab!"
Lando: "Pero... sabi ng manager ng restaurant wala daw nawawala sa kanila, andun lahat!"
Anthon: "May utos ako sa manager ng restaurant na gawing exclusive ang lugar para sa atin, kaya walang pwedeng basta pumasok at lumabas doon na hindi natin kilala!"
"Kaya natitiyak kong naroon pa sa restaurant ang dumukot at ipinasa nya lang ang bata saka bumalik sa trabaho nya!"
Lando: "Kung naroon pa ang dumukot, ibig sabihin may posibilidad na kaya andun sya ay para magmanman?"
Tumango si Anthon.
Napahanga si Lando sa kalkulasyon ni Anthon. Ang tangi na lang dapat gawin ay kumpirmahin ang hinala nya. Pero paano?
Lando: "Anong gagawin natin para makumpirma ang teorya mo?"
Sa puntong ito tumunog ang cellphone ni Anthon.
"Capt Anthon Santiago, Si Major Geronimo ito! Ako ang pinadala ni General Santiago para tumulong sa inyo!"
Anthon: "Major, andito kami sa may residential area malapit sa restaurant. Dito tayo magusap!"
Pagkababa ng phone, saka nito hinarap si Lando.
Anthon: "Iwan natin sa kanila ang pagiimbestiga. Kailangan nating mahanap ang magina ko!"
Maya maya may naalala ito.
Anthon: "Lando, napansin mo ba ang bracelet ng bata kung kasama sa mga tinanggal nila?"
Lando: "Bakit?"
Anthon: "May signal din iyon, ipapatrace ko kay Gene!"
Pagdating ni Major, sya na ang namahala sa lahat.
Muli nyang isinama si Lando para habulin ang signal at ng mga oras ding iyon nakatanggap sya ng tawag kay Enzo na nagsasabi ng posibilidad na lokasyon kung saan naroon si Yasmin.
Ano ang gagawin ni Anthon ngayon? Sinong uunahin nyang iligtas? Ang bata o ang ina?