"Paano kung sundan ka ng mga sumusunod sa'yo?"
Tanong ni Enzo sa kaibigan.
Issay: "Nandyan naman kayo, hindi nyo ako pababayaan!"
Enzo at Nelda: "...."
Nangiti si Issay sa reaksyon ng dalawa. Itong mag asawang ito ay isa sa mga pinagkakatiwalaan nya ngayon.
Issay: "Alangan naman isipin ko ng isipin ang mga me balak sa akin, e di na stress lang ako!
Kaya nga ako nagpunta dito para mag bakasyon hindi para isipin sila."
Nelda: "Sige saan mo ba unang gustong magpunta?"
Issay: "Gusto kong makita ang hotel nyo! Nung unang punta ko dito hindi ko pa ito nakita lahat! Saka gusto ko din makita yung mga bago kong tayong branch."
Nelda: "Kala ko ba bakasyon ang pinunta mo dito?"
Issay: "Ganun na nga! Hindi nila alam na andito ako kaya bibiglain ko sila! Kaya huwag na huwag nyong sasabihin kung sino ako!"
Nelda: "Haaay naku!"
Naintindihan na ni Nelda ang gustong mangyari ng kaibigan.
Gusto nitong masigurado na nagtatrabaho ng maayos ang mga tauhan nya.
Ang asawa naman nitong si Enzo ay iniwan na sila dahil may tinawagan sya.
Nang sabihin ni Issay na "hindi naman nyo ako pababayaan", alam na ni Enzo ang dapat gawin at yan ay ang tawagan si Miguel.
******
Kinabukasan maaga pa lang nagtungo na sila sa isa sa mga hotel na pagaari ni Enzo.
Maganda ang pagkakagawa ng hotel pati lokasyon hindi matrapik at hindi masyadong malayo sa airport.
Matagal ng may binabalak si Issay na magtayo ng isang paupahan para sa mga turista sa San Roque kaya sya interesado na makita ang mga hotel ni Enzo para magkaroon sya ng ideya.
Kaya nilibot sya ni Enzo sa bawat department ng hotel.
"Sir Enzo, Magandang araw po!"
Bati ng isang empleyado nya kay Enzo ng makita sya.
Enzo: "Oh Rod, ikaw pala! Okey lang ba kayo dito?"
Rod: "Okey naman po Sir!"
Enzo: "Eto si Rod, ang Head ng maintenance dito. Sya naman si Isabel, kaibigan ko na galing ng Maynila!"
Rod: "Magandang araw po Mam!"
Issay: "Magandang araw din sa'yo Rod!"
Nang ipakilala ni Enzo si Issay kay Rod, may naalala ito.
Enzo: "Oonga pala Rod, naalala ko yung kapatid mo na ni recommend mo sa akin! Ano nangyari, bakit hindi tumuloy?"
Rod: "Yun nga po ang gusto kong sabihin sa inyo Sir, kaya gusto ko sana kayong makausap para humingi ng dispensa!"
Kanina pa naghahanap ng pagkakataon si Rod na makausap si Enzo simula ng malaman nyang narito ito sa hotel. Kailangan nyang magpaliwanag.
Enzo: "Bakit ano bang nangyari?"
Nung isang taon, nang magtayo si Issay ng coffee shop nya dito sa Zurgau, humingi sya ng tulong kay Enzo para maghanap ng isang tao na mapagkakatiwalaan nya at lumapit naman si Rod sa kanya para irecommend ang kapatid.
Rod: "E ... Sir ... yung kapatid ko po kasing si Yasmin, hindi po pala pwede ng mga oras na yun! Pasensya na po!"
"Nakasal po kasi sya at nabuntis agad!"
Nahihiyang sabi nito.
Enzo: "Ah ganun ba! Kamusta na sya, nanganak na ba?"
Rod: "Opo Sir, lalaki, tatlong buwan na po! Bibinyagan nga po yung bata itong darating na sabado! Sana po makarating kayo nila Mam Nelda!"
Nakikiusap ang mga mata ni Rod na parang nagmamakaawa na sana pumayag ang Boss nya.
Nelda: "Maganda yan! Pwede ba naming bitibitin itong bisita namin?"
Rod: "Opo, Opo Mam! Wala pong problema! Maraming salamat po!"
Tahimik lang na nakikinig si Issay. Natutuwa sya sa ugali ni Rod kaya pala hindi nagdalawang isip si Enzo dun sa kapatid.
'Ang pinoy talaga: Siya na nagimbita, sya pa ang nagpasalamat! Hehe!'
Enzo: "Huwag kang magaalala Rod, pupunta kami! At sabihin mo sa kapatid mo na kung interesado syang magtrabaho sa coffee shop, kakausapin ko ang may ari!"
Rod: "Maraming, maraming salamat po Sir!"
At tuwang tuwa ito dahil buong akala nya ay magagalit sa kanya si Enzo sa hindi pagsipot ng kapatid sa interview.
Issay: "Ibig sabihin kailangan nating magshopping!"
Nelda: "YES! SHOPPING!"
Napakamot na lang sa ulo si Enzo ng madinig ang SHOPPING.
*****
Sa isang malaking shopping mall..
Kalalabas lang ni Anthon sa isang baby shop dahil namili sya ng mga gamit na pambata para sa anak nya at ngayon naman ay sa papunta na sya ng grocery para bumili ng gatas at iba pang kailangan ng bata.
Ito ang lagi nyang ginagawa bago sya umuwi ng bahay.
Nelda: "Eto, dito tayo mamili ng regalo para sa baby!"
Ang tinutukoy ni Nelda ay ang baby shop kung saan nanggaling si Anthon.
Enzo: "Akala ko nakalimutan nyong kaya tayo nagpunta dito para mamili ng regalo!"
Pangiinis ni Enzo.
Kanina pa sila nagsho shopping at marami na silang napamili pero ngayon lang naalala ang regalo.
Saka nagtataka sya bakit hindi napapagod ang asawa nya e dalawang oras na sila sa mall.
Pagkatapos mabili ni Anthon ang lahat ng kailangan, nagtungo muna ito sa isang coffee shop para magpahinga.
Nang makapili ng ireregalo at mabayaran, nag aya na si Enzo.
Enzo: "May bibilhin pa ba kayo? Nagugutom na ako e!"
Issay: "Teka ipapa gift wrap muna namin itong gift!"
Nelda: "Buti pa mauna ka na, kami na lang ang magaantay, para naka order kana pagdating namin!"
At lumabas na ito at nagtungo sa paborito nilang restaurant na magasawa.
Hindi nya maintindihan kung saan kinukuha ng energy ang dalawang babaeng kasama nya. Kanina pa sya pagod at gutom.
Ang restaurant na paborito nilang puntahan na mag asawa ay katapat lang ng coffee shop kung saan naroon si Anthon.
Nakahanap na si Enzo ng magandang pwesto para sa kanilang tatlo, malapit sa bintana.
"Sir ano pong order nyo?"
Habang umoorder si Enzo, tapos ng mag kape si Anthon at isa isa na nitong kinuha ang mga bitbit nya para umalis.
Naka labas na sya ng coffee shop ng mapansin sya ni Enzo.
'Parang si Anthon yun?'
"Sir, meron pa po ba kayong idadagdag?"
Enzo: "Wala na!"
At mabilis itong lumabas ng restaurant para tingnan ang direksyon kung saan nya nakita ang anino ni Anthon.
Ngunit si Anthon ay wala na sa ibaba, kasalukuyang itong paakyat sa escalator habang naghahanap sya baba.
Nelda: "Anong ginagawa mo dito sa labas? Asan na ang mga pinamili ko?"