Pagkatapos ng maraming test, naintindihan na ngayon ni Issay na kaya sya minsan biglang nanghihina ay dahil nga sa nerbyos na hindi nya akalain mayroon sya. May mga bagay na minsan nagpapa alala sa kanya ng ginawa sa kanya ni Anthon.
Pinipilit nyang maging positibo upang hindi maapektuhan ang lahat ng nasa paligid nya lalo na si Nelda na mukhang inaatake na rin ata ng nerbyos ng makita sya kanina.
Hindi sanay si Nelda na ganun si Issay, malakas ang pagkaka kilala nya rito at ito ang pinagkukunan nya ng lakas. Kaya hindi nya akalain na makikita nya ito ng ganun. Tila pati sya nanghina at nawalan ng lakas kanina.
Issay: "Natakot ba kita?"
Nelda: "Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura mo kanina? Pabalik balik nga ako sa banyo dahil pakiramdam ko naiihi ako sa nerbyos nung makita kita!"
"Jusko, ayaw na ulit kitang makitang ganun!"
Issay: "Salamat!
Huwag kang magaalala pipilitin kong maging maayos sa susunod!"
Nelda: "Huwag ka nga dyan magpasalamat! Wala yon, alam ko naman na gagawin mo rin pag sa akin nangyari iyon! Saka friends na tayo di ba?"
Issay: "Oo na nga!"
"Pero paano ba yan mukhang hindi na kita masyadong matutukan. Kaya mo na ba?"
Nelda: "Oo naman Sister, ako pa!"
Nangiti lang si Issay.
'Me kayabangan din itong isang 'to! Mapahirapan nga ng konti! Hehe!'
Nelda: "Pero ngayon magpahinga ka na muna at kailangan mo yan para ma relax ang mga nerves mo! Iwan muna natin ang work tutal sabado naman bukas at mag pa SPA tayo!"
Issay: "Sige, basta treat mo!"
Napakunot ang noo ni Nelda.
'May pagka kuripot din itong taong ito!'
Natawa si Issay sa kanya ng makita ang itsura nya dahil nagbibiro lang naman ito pero mukhang sineryoso ng kausap.
Lingid sa kaalaman nila may padating na namang panganib kay Nelda.
*******
Sa bayan ng Zurgau..
Nagtungo ang Kuya ni Nelda na si Eddie sa bahay ng mga magulang nila para makausap ang ama.
Ito ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Eddie: "Pang, totoo ba ang nabalitaan ko tungkol kay Nelda, na nagpunta sya sa isang psychiatrist para magpa kunsulta?"
Napabuntunghininga ang ama.
Pang: "Totoo!"
Eddie: "Bakit, baliw na ba sya?"
Pang: "Hindi ko alam dyan sa kapatid mo! Malakas na ang loob nya at hindi na ako nirerespeto! Ayaw ng makinig sa akin!"
Inis na inis nitong paliwanag sa anak.
Eddie: "Nakakahiya Pang, pinagtatawanan ako ng mga kasamahan ko sa trabaho pati na ng mga kaibigan ko!"
Pang: "Ewan ko dyan sa kapatid mo, mukhang nasusulsulan ng lintek na damuhong asawa nun! Hindi na inaaala ang kahihiyan ng pamilya at puro sarili na lang ang iniisip! Hmp!"
Eddie: "Pero bakit nyo po hinayaan na mangyari ito, Pang?"
Pang: "Hindi ko sya hinayaan! Pinilit ko na yan at tinakot na umuwi dito pero may nakakita sa mga inutusan ko at ipinakulong nya ang mga ito! Tapos nagmakaawa sa akin ang Mamang mo para tigilan ko na si Nelda!"
Ito ang idinahilan nya sa anak pero ang totoo ay tinakot sya ng asawa na hihiwalayan sakaling galawin ulit nito si Nelda.
Eddie: "Pasensya na Papang, pero kung wala kang magagawa sa kanya ako meron! Huwag nyo sana akong pigilan!"
Pang: "Sige anak hindi kita pipigilan. Bahala ka na sa kapatid mo, turuan mo sya ng leksyon para matauhan! Iuwi mo sya dito sa Zurgau at kung totoong may problema na sya sa isip, hindi sya dapat pakalat kalat sa kalye!"
Dahil sa sinabi ng ama na pumapayag ito, nagkaroon ng lakas ng loob si Eddie na gumawa ng plano para maipadukot si Nelda at maiuwi ng Zurgau ng sapilitan.
Ang hindi alam ng ama, naiinggit ito sa kapatid dahil nabalitaan din nitong naging isang assistant ito ng isang may ari ng kompanya sa Maynila. Mataas sa posisyon nyang bisor sa isang kompanya.
Simula pa noon na mapangasawa ni Nelda si Enzo, kinainggitan na nya ito. Nung una ay mababa pa ang tingin nya kay Enzo pero ng malaman nyang may kaya ang pamilya nito, nagtanim na sya ng inggit sa mag asawang ito.
Pero si Enzo kahit na sabihing may kaya ang pamilya, hindi ito umasa sa kanila at nag kusang gumawa ng paraan para magtagumpay ang negosyo nya bagay na hindi pinaniniwalaan ni Eddie.
At ngayon mababalitaan nya na ang kapatid nyang si Nelda naging assistant ng isang may ari ng kompanya?
Parang hindi naman yata tama ito.
Hindi na nya kayang tanggapin ang swerteng nangyayari sa pamilyang ito!
Eddie: "Kung hindi ko mapigilan si Enzo na magtagumpay ikaw, Nelda, mapipigilan ko!"
"Kahit kailan ang inggit ay hindi makakatulong para ikaw ay magtagumpay!"
4.