webnovel

Walang Malisya

Ames: "Kamusta Isabel? Hindi ko akalain na bigla kang susulpot! Hahaha!"

"Matapos mo akong tulungan na buuin ang skuwelahan na ito hindi ka na nagpakita! Natutuwa talaga ako na narito ka!"

Labing pitong taon na ng tulungan ni Issay si Ames na buuin ang skuwelahan kaya masasabing co founder sya dito pero konti pa lang ang pera nya nuon at inilagay nya lahat sa skuwelahan na ito.

Isa kasi ito sa pinapangarap nya nuon pa, ang makapagpatayo ng skuwelahan.

Issay: "Anong lungga? Ginawa mo naman akong daga! Saka kaya mo na yan!"

Ames: "Hahaha! Hindi ka pa rin nagbabago!"

Magkababata sila Issay at Ames, kilala na nila halos ang isa't isa kaya ganito sila magbiruan.

Paglingon ni Ames saka lang nito napansin ang principal.

Ames: "Principal Neri, anong ginagawa mo dyan at nakasalampak ka?"

"Tumayo ka nga dyan at nakakahiya kay Ms. Isabel!"

Tiningnan nito ng may pagkadismaya ang principal.

Pero hindi magawang makatayo ng principal dahil nawalan sya ng lakas at hindi nya rin magawang tumingin kay Issay.

'Juskolord! Anong gagawin ko ngayon? Baka mawalan ako ng trabaho! Buhuhuhu!'

Awang awa ang mga staff nya sa sinapit ng principal pero walang nag lakas ng loob na lapitan sya. Ayaw nilang madamay sa gulong kinasangkutan ng principal.

Nang makita ni Ames na hindi kumikilos ang principal, inaya na nya ang grupo ni Issay sa meeting room.

******

Sa meeting room.

Ipinatawag sa loob ang lahat ng involve sa pangyayari maging mga magulang na nasangkot sa pag upload ng video.

Hindi makatingin ng maayos ang principal kay Issay kaya minabuti nitong pumwesto malayo dito.

Issay: "Andito na ata ang lahat, pwede na siguro tayong magsimula!"

Ames: "Hmmm..... mukhang may kulang pa! Pero padating na 'yon!"

Maya maya bumukas ang pinto. At pumasok ang isang pamilyar na mukha kay Issay. Nangiti ito.

"Miguel!"

Bulalas ng tinig ng makitang pumasok sa pinto si Miguel.

Nagulat si Issay kung kanino nanggaling ang tinig na iyon.

Ms. Lagundi: "Kanina pa kita inaantay!"

Buong ngiti at pananabik nitong sinalubong ang dumating.

Pare pareho silang napatingin kay Ms. Lagundi at nagtataka dahil ngayon lang nila ito nakitang nagkaroon ng emosyon ang mukha. Ngiting ngiti ito at kitang kita ang saya mula ulo hanggang paa!

Pero tiningnan lang sya ni Miguel at tinanguan sabay lapit kay Issay.

Issay: "Girlfriend mo?"

Miguel: "Hindi ah!"

Natawa si Issay sa itsura ni Miguel na parang inis na inis sa tanong nya.

Ms. Lagundi: "Pasensya na Miggy, sinabi kasi ni Kuya na darating ka at ibinilin ka nya sa akin!"

Malambing nitong sabi na tila nagpapabebe.

Miguel: "Wag mo akong tawagin 'Miggy', hindi ko gusto! Saka kaya ko na ang sarili ko Ms. Lagundi, makakabalik ka na sa pwesto mo!"

'Miggy' ang tawag ni Issay sa kanya nuon at wala ng sino man ang pinapayagan nyang tawagin syang 'Miggy' maliban kay Issay.

At alam din ito ni Ames kaya hindi nito maiwasan mangiti.

Napahiya si Ms. Lagundi pero hindi nito pinakita sa kilos nya at bumalik sa pwesto na tila walang nangyari.

Ngunit sa kalooban nya nagngingitngit ito sa inis dahil hindi na naman sya binigyang halaga ng first love nyang si Miguel.

Piloto ang Kuya ni Ms. Lagundi sa Airline Company na pagaari nila Miguel at unang beses pa lang nyang nakita ito na in love na sya. Pero ni minsan hindi sya binibigyan ng pansin nito.

Miguel: "Hello Issay, hindi ko akalain na makikita kita dito ngayon!"

Ames: "Hmmm.... bagay kayo!"

Issay: "Umayos ka!"

Ames: "Hahaha!"

Hindi nito napigilan ang tawa nya ng makitang namumula si Issay.

Nangiti lang si Miguel at sumeryoso na ulit.

Miguel: "Tungkol sa video at mga pics nabura na ba?"

Issay: "Pwede bang i close pansamantala ang website?"

Gustong kumontra ng principal sa sinabi ni Issay pero hindi nya magawa.

Ames: "Gusto kong malaman ang buong kwento!"

At muling isinalaysay ni Nicole ang nangyari.

Ames: "Pinaghubad mo ang mga bata? Totoo ba ito?"

Tanong nya kay Ms. Lagundi.

Hindi sya makapaniwala sa narinig.

Nagulat ang ibang mga magulang ng mga batang naroon. Ngayon lang din nila ito nalaman kaya tinanong nila ang mga anak nila.

"Totoo ba anak, magsabi kayo, totoo ba ang sinasabi nila, pinaghubad nya kayo?"

"May ginawa ba sa inyo, ha?"

Natakot ang mga bata at hindi makapagsalita kaya tango at iling lang ang sagot nila.

Nagpupuyos sa galit ang mga magulang ng umamin ang mga bata.

Ames: "Inuulit ko Ms. Lagundi, totoo bang pinaghubad mo sila?"

Ms. Lagundi: "Totoo po Ms. Ames, hindi ko po tinatanggi!"

Pero wala silang makitang pagsisi sa kanya ni wala silang makitang emosyon. Para itong isang robot tila walang pakialam sa nangyayari kahit sya na ang pinaguusapan.

Nagpupuyos na sa galit ang mga magulang ng batang naroon at gigil na gigil na sila kay Ms. Lagundi at yung isang ama napasuntok pa sa pader.

Nagtataka naman ang grupo nila Issay, pati si Ames at Miguel kung bakit parang gustong iparamdam sa kanila ni Ms. Lagundi na walang masama sa ginawa nya. Hindi rin ito apektado kahit na nagwawala na ang mga magulang ng mga bata at ano mang oras ay pwede syang kuyugin.

Ames: "Teka po mas mabuting huminahon po muna tayo!"

"Paano kami hihinahon kung ganyan ang teacher nyo!"

"Ano bang dahilan bat nya ginawa ito?"

"May matino bang pagiisip na ganyan?"

"Pedopilya ka ba ha?"

Pumagitna na ang principal sa kanila.

Ames: "Ms. Lagundi, pwede mo bang ipaliwanag kung bakit mo ginawa ang gayon!"

Ms. Lagundi: "Nagkakamali kayo ng iniisip. Hindi ako isang pedopilya! Wala akong pagnanasa sa mga anak nyo!

Walang malisya sa akin ang ginawa ko!"

"Abat..."

"Ano bang pinagsasabi nito?"

"Kung hindi mo sila pinagnanasahan bakit mo sila pinag hubad?"

"At anong pinagsasabi mong walang malisya? Hindi ka namin maintindihan! Magpaliwanag ka!"

Ames: "Ms. Lagundi, ipaliwanag mo nga ang ibig mong sabihin?"

Tumingin si Ms. Lagundi kay Miguel bago sumagot na tila gustong masigurado na nasa kanya ang atensyon nito.

Ames: "Isa itong initiation!"

Chapitre suivant