webnovel

Trauma

Tahimik ang lahat sa loob ng sasakyan, walang gustong magumpisang magsalita.

Kahit si Mama Fe na kanina pa gustong magtanong sa ikinilos ng anak nya kanina sa bahay ni Belen.

Pagkatapos nyang sitahin si Gene kanina sa pagkakahawak nito kay Belen, dali daling kumawala ang huli bisig nito at patakbong umakyat sa taas.

Hindi na sila nito binaba.

'Galit kaya sya sa ginawa ni Gene?'

Kinakabahan si Mama Fe. Maimpluwensyang pamilya ang mga Perdigoñez at si Belen ang nagiisang prinsesa nila, natatakot sya para sa anak.

Si Issay naman ay kanina pa sising sisi dahil ramdam nya ang tensyon sa loob ng kotse.

Tahimik lang din na nagmamaneho si Gene pero wala ang isip nya sa ginagawa.

Nagaala ito para kay Belen dahil baka nakaramdam sya ng pagkailang kay Mama Fe kanina.

Saka baka isipin ni Belen na may pagka Mama's Boy sya pero...

'Paano kung ayaw ng Mama kay Giliw ko?'

Sa gitna ng tensyon nagulat sila ng biglang tumunog ang cellphone ni Issay.

Issay: "Hello?"

Vanessa: "Friendship, alam kong sobrang busy ka pero kailangan mong umuwi!"

Issay: "Bakit, anong nangyari?"

Vanessa: "Tungkol kay Erica! Nasa skuwelahan sila ngayon at baka ma suspinde ang anak ni Madam Zhen dahil sa ginawa ni Nicole! Papunta na rin ako duon!"

'Paano napasama si Nicole?'

Itong batang ito laging nagiimbita ng gulo!'

Issay: "Sige duon na tayo magkita!"

Mama Fe: "Bakit anong nangyari?"

Issay: "May problema po si Madam Zhen, kaya dito na lang po ako baba Mama Fe!"

Gustong gusto na talaga ni Issay na bumaba kanina pa wala lang syang maidahilan. Kaya buti na lang sinagot nya ang tawag meron na syang dahilan para mawala sa dalawang ito.

Pero yun ang akala nya.

Gene: "Hindi, Ate Issay sasamahan ka na namin ng Mama!"

Mama Fe: "Oonga Ineng! Plano ko rin naman makipagkita dyan kay Zhen wala lang akong maaya!"

Ang hindi alam ni Issay kanina pa may sumusunod sa kanila.

Si Anthon.

Nakita na sya ni Gene kanina paglabas ng subdivision, kaya pinigilan nya si Issay na bumaba.

May nararamdaman syang kaba ng makita ang kapatid.

******

Sa principal office.

Nagpupuyos sa galit si Nicole sa teacher ni Erica. Hindi nya akalain na gagantihan nito ang bata sa ginawa nya dito.

Nicole: "Huwag mong sabihin na porket teacher ka, ikaw na ang nasa tama!"

Principal: "Hindi po natin ito matatapos kung magiinit ang ulo natin lahat!"

Tahimik lang si Madam Zhen natatakot dahil baka pag nagsalita sya tuluyang ma suspinde ang anak. Kaya pinigilan nito si Nicole.

Madam Zhen: "Tama na yan Nicole! Huminahon ka! Wag mong daanin sa init ng ulo at baka lalong mapahamak si Erica!"

Nicole: "Pero Madam, kaya pinagiinitan nyang si Ms. Lagundi si Erica dahil nasampal ko yan nung isang araw!"

Nagimbal ang principal at si Madam Zhen sa ipinahayag ni Nicole. Pati mga tao sa paligid na nakakarinig ng usapan nila.

"Bastos at ang gaspang ng paguugali! Basta basta na lang sya mananakit ng tao at isang teacher pa!"

"Kaya siguro ganyan yang si Erica!"

Nadinig ni Nicole ang usapan dahil sadyang pinadidinig sa kanya.

Mga katrabaho sila ni Ms. Lagundi kaya natural lang na sya ang kampihan nila kahit na wala silang alam sa buong katotohanan.

Nung unang araw na nagtago si Issay at hindi umuwi sa apartment, Si Erica ang kasama ni Nicole sa pagtulog.

Naging malapit sa isa't isa ang dalawang ito kaya nung araw na iyon nakakita ng pagkakataon si Erica na kausapin ng sarilinan si Nicole.

Matagal na syang may kinikimkim sa kalooban kaya sya naghahanap ng kausap. Hindi nya kasi alam kung paano ito sasabihin sa ina.

Magdadalwang buwan na ng mangyari ang lahat.

Nasa maternity leave ang advicer ng Grade 7, ang klase nila Erica, na si Ms. de Guzman at si Ms. Lagundi ang ipinalit.

Unang araw pa lang ng klase nila kay Ms. Lagundi may pinagawa na ito sa kanila na nagdulot ng takot sa lahat ng estudyante nya.

Pinaghubad nya ang lahat ng estudyante nya.

Una pinatanggal nya ang palda at blouse nila at maayos na pina lagay lahat sa isang lalagyan ang mga ito.

Kahit na medyo nakakaramdam sila ng konting hiya, walang nag nagreklamo sa kanila kaya

nagsimula ang klase na panloob lang at medyas ang suot nila.

Kaya lang sa bawat tanong ni Ms. Lagundi na hindi masagot, pinagtatanggal nya sila ng isang suot nilang panloob.

Wala ni isa man ang naka sagot ng tama kaya dalawampung minuto bago natapos ang klase lahat sila nakatayo at nakahubad na. Hiyang hiya sila na tinatakpan ang maselan parte ng katawan.

Umiiyak na ang iba at nagmamakawa kay Ms. Lagundi pero ngumiti lang ito at sinabing:

"Simula ngayon, ang hindi maka sagot sa klase ko, ganyan ang mangyayari!"

Mahinahon ang pagkaka sabi nya pero matinding takot naman ang dala sa mga bata.

Ito ang dahilan kaya kinausap ni Nicole si Ms. Lagundi at ang sagot nito kung bakit nya kailangan gawin iyon:

Ms. Lagundi: "Obligasyon ng teacher na turuan ang estudyante nya ng tamang asal!"

Napikon si Nicole kaya nasampal nya ito.

Kaso, mapagtanim pala ng galit itong si Ms. Lagundi. Para sa kanya walang masama sa ginawa nya lalo't alam nyang mapapabuti ang pagaaral ng mga bata. Kaya ng nasampal sya ni Nicole, duon nagsimula ang kalbaryo ni Erica.

Isang araw hindi ito nakasagot sa klase ni Ms. Lagundi kaya pinapunta sya nito sa harapan at pinaghubad.

Umiiyak na si Erica at nagmamakawa dahil ayaw nyang maghubad kaya sya mismo ang nagtanggal ng damit nito.

Paguwi ng bahay, nagulat si Madam Zhen ng makitang umiiyak ang anak at nasa sahig ang may punit na uniporme.

Natakot si Madam Zhen, akala nya nagahasa ang anak, kaya dinala nya ito sa duktor.

Nahimasmasan sya ng sabihin ng duktor na hindi nagahasa si Erica pero may trauma ang bata.

Kaya ng hilingin nito na ayaw na nyang pumasok hindi nya pinilit ang bata.

Pero kinabukasan nagulat si Madam Zhen ng tawagan sya ng principal dahil nahaharap sa suspensyon si Erica at may posibilidad na ma expelled pa!

Chapitre suivant