Nag papanic si Vanessa.
Vanessa: "Sis, nakabangga ako, nakabangga ako!!!"
"Anong gagawin ko?!"
Naluluha nitong sabi kay Issay.
Issay: "Sis, kalma ka lang, hingang malalim..... Isa pa!"
"Okey ka na?"
Umiling iling si Vanessa.
Issay: "Okey sige, mabuti pa bumaba tayo at tingnan natin yung nabangga mo para makahingi tayo ng tulong!"
Nang makita nila ang babae, natakot sila sa itsura nito. Lapnos at sunog ang kaliwang bahagi ng katawan nya.
"Tu..lo..ng..."
Pabulong nitong usal.
Issay: "Kaya mo bang tumayo? dadalhin ka namin sa ospital!"
Mabagal ang pagmamaneho ni Vanessa kanina dahil nasa parking lot pa sila, kaya tyak ni Issay na hindi sa bangga ang tinamo niyong sugat. Sigurado syang sa iba nya ito nakuha.
Tila nauubusan na ng lakas ang babae kaya tumango na lang ito sa kanila.
Si Issay na ang nagmaneho dahil apektado pa si Vanessa sa nangyari.
Vanessa: "Pasensya ka na kung nabangga kita, Miss! Hindi kita kasi napansin! Sorry, sorry talaga!"
Umiiyak nitong sabi sa babae.
"Wa..la ....k.ka..ng ka..sa..la..nan!
Hi.. hin..di mo ... ko na..ba.ng..a,
Ka..i..la..nga..n .. ko ..ng tu.. tu..long n..yo!
"A..a..te ....I.ss..ay ...a..ko ..to ..si..E..mi..ly!
Iniabot nito ang ID nya.
Si Emily ay isa sa mga estudyante na tinututor nya nuon.
'Jusko! Kilala ko ang batang ito! Ano ang nangyayari sa kanya bat sobrang lapnos nya?'
Issay: "Wag kang magaalala Emily, dadalhin ka namin sa ospital!"
Nang marinig ang sinabi ni Issay, nawalan na sya ng malay.
Vanessa: "Waaah! Sis, namatay na sya! Nakapatay ako! Hinding hindi na ko mag magmamaneho kahit kailan! Promise!!!!!
Waaaaahhhh!!!!"
Issay: "Sis, ano ba? wag ka ngang mag panic dyan! Pati ako natataranta sayo e!"
"Hindi mo ba nadinig ang sinabi nya, wala kang kasalanan, hindi mo sya nabangga!"
Vanessa: "Huhuhu! Seryoso ka? Yun ba talaga ang sinabi nya? Pero bakit hindi na sya gumagalaw? Waaah! Natatakot na ko sis, baka makulong ako!"
Issay: "Baka hinimatay lang! Tingnan mo kung may pulso o tingnan mo kung humihinga pa!"
Sa mga oras na ito kailangan nyang kumalma para makapagisip sya ng maayos.
Pero pano sya kakalma kung tinataranta sya ng kaibigan.
'Jusmiyo ano bang gagawin ko nahahawa na ako sa pagka taranta ni Vanessa!'
Vanessa: "Sis, parang humihinga pa sya pero parang konti na lang! Bilisan mo Sis baka dito pa sya mamatay sa sasakyan! Hindi na ko sasakay dito pag namatay dito yan!"
Issay: "Oo Sis, malapit na tayo, sandali na lang!"
'Jusko! Asan na ba ang ospital bakit ayaw magpakita?!'
******
Samantala habang natataranta sila Vanessa at Issay sa nangyayari sa kanila, natataranta din si Gene.
Hindi nya alam ang gagawin nya pagdating ng Maynila. Nakalimutan kasi nyang tanungin kung saan ospital naroon si Belen.
Nang madinig nya kay Issay kanina na nasa ospital si Belen, tumakbo na lang ito na hindi inaalam ang detalye kung bakit nasa ospital ito.
Kanina pa nya tinatawagan si Issay at Vanessa pero mukhang naka off ang cellphone ng mga ito.
Tinawagan na rin nya si Joel pero hindi rin ito sumasagot kaya nagsimula na syang mag panic.
'Anong nangyari sa mga iyon?'
'Kailangan ko munang malaman kung saang ospital si Belen naka confine, pero sinong pwede kong tanungin?'
Hindi nya alam ang cellphone ni Edmund kaya minabuti nyang dumiretso na lang sa bahay nito.
Sa mga oras na yaon, hindi na matatagpuan ni Gene si Belen sa ospital dahil nakalabas na ito at nasa bahay na.
Edmund: "Tiya sabi po ng duktor magpahinga daw kayo! Kaya wag na po kayong kumilos dyan at ako ng kukuha ng kailangan nyo! Ano po bang kailangan nyo?"
Sabi nito sa tiyahin ng makita babangon ito.
Sobra syang nagaala sa tiyahin nya kaya hindi nya maiwan.
Belen: "Ang sabi ng duktor magpahinga ako pero hindi nya sinabing wag akong kumilos!"
"Pag hindi ako gumalaw lalong maninigas ang katawan ko kaya umalis ka nga dyan! Kaya ko na 'to!"
At tumayo na ito at kumuha ng damit na maisusuot.
"Madam, may bisita pong dumating!"
Pagbaba, nagulat sya ng makitang si Gene pala ang bisitang tinutukoy ng kasambahay nila.
Belen: "Anong ginagawa ng hinayupak na yan dito?"
Edmund: "Tiya, sa tingin ko kailangan nyong magusap!"
Belen: "Hmp!"
*****
Balik tayo kila Issay.
Kanina pa sila naghahanap pero wala pa rin silang nakikitang ospital. Buti na lang may napagtanungan sila at itinuro sa isang klinik.
Issay: "Mabuti na ito kesa wala!"
Duktor: "Pasensya na po Mam pero hindi po namin kayang gamutin ang pasyente! Kailangan po agad syang mailipat sa malaking ospital para mabigyan ng tamang lunas. Ano po bang nangyari sa kanya?"
Issay: "Doc kailangan lang po namin malunasan sya kahit papaano at saka humihingi na rin ng tulong sa inyo!"
"Hindi po kami tagarito at kanina pa kasi kami paikot ikot hindi po namin alam kung saan ang ospital! Pwede po bang kayo na lang ang magpatawag ng ambulansiya mula sa ospital para mailipat na agad sya?"
Duktor: "Kaano ano nyo po ba ang pasyente?"
Issay: "Kaibigan ko po sya Doc at nilapitan nya kami para hingan ng tulong kaya hindi rin namin alam ang nangyari sa kanya! Bigla po kasi syang nawalan ng malay!"
Wag po kayong magaalala sa mga gastusin at ako ng bahalang mag bayad sa lahat!"
Tinulungan naman sila ng duktor ng klinik upang mailipat ng maayos si Emily.
Labis labis ang pasasalamat ni Issay sa klinik na ito kaya isang araw babalik sya para magbigay ng donasyon dito.
Nang magising si Emily, nasa isang pribadong silid na sya ng ospital at may benda na ang mga sugat nya.
Agad nyang hinanap si Issay at isinalaysay nito ang buong nangyari sa kanya.
Binalot ng takot si Issay at Vanessa ng madinig ang kwento ni Emily lalo na ng malaman nila kung sino ang may gawa kaya nangyari ito sa kanya.
Issay at Vanessa: "ANO?!"
"Kasama ka sa pagsabog?!"