Sa sobrang ingay sa labas, umabot na ito sa manager. Kaya inutusan nya ang assistant nyang tingnan kung anong nangyayari.
Assistant: "Sir, mukhang kailangan nyo ng lumabas! Nakikipagtalo ang waiter natin sa isang kustomer! At mukhang nagkakainitan na sila!"
Manager: "Nalaman mo ba kung bakit?"
Assistant: "Hindi Sir kasi pinapalibutan na ng tauhan natin ang kustomer!"
Bigla itong tumigil sa ginagawa nya at agad na nagtungo sa labas.
"Anong nangyayari dito?!"
Tumahimik ang lahat at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon saka tumabi ang ilan para makalapit ito.
Manager: "Anong nangyayari dito ba't kayo nagkukumpulan? Hindi nyo ba nakikita na madaming kustomer na kailangan nyong pagsilbihan?"
At isa isa ng umalis ang iba pero may ilan pa rin naiwan.
Lumapit ito kay Edmund.
Manager: "May problema po ba Sir?
Edmund: " Ikaw ba ang manager ng restaurant na 'to?"
Manager: "Ako nga po!"
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyayari at bakit nasa likod mo ang taga hugas namin ng pinggan?"
Edmund: "Dahil mayroon akong complain!"
Manager: "Tungkol po ba sa pagkain? Ano po ba ang problema?"
Hindi na makapagpigil ang waiter sa inis sumabat na ito.
Waiter: "Manager, pagkabigay ko kasi ng pagkain sa kustomer agad na lumabas yan sa kusina tapos hinampas nya ang kamay ng kustomer kaya nabitiwan nito ang kutsara nya!"
Tiningnan ng manager si Nicole na parang ayaw umalis sa likod ng kustomer.
Manager: "Totoo ba ito?"
Nicole: "Opo Manager!"
Pero di makikita ang pagsisi sa mukha nito.
Tiningnan ni Edmund si Nicole. Wala syang nakikitang takot sa mata nito.
Waiter: "Tapos Manager nung dadalhin ko na sya pabalik sa kusina pinigilan ako ng kustomer na yan!"
Napataas ang isang kilay ng manager sabay tingin kay Edmund.
Edmund: "Dahil nanakit sya!"
At ipinakita ang pasa sa madiin pagkaka ng waiter sa braso ni Nicole kanina.
Tiningnan ng manager ang waiter ng matalim.
Sa pagkaka hawak na iyon halatang may ginawa ang taga hugas na ito na kinainis ng waiter.
Manager: "Sir, pwede po bang pumasok tayo sa opisina ko, para duon makapagusap? Medyo nakaistorbo na po kasi sa mga ibang kustomer!"
Magalang nitong sabi.
Edmund: "Sige!"
Sabay hawak kay Nicole at kinuha ang pagkain.
Nagtataka naman ang manager bakit dinala nya ito, marahil ay duon kakainin.
Pagpasok sa silid ng manager hindi inalis ni Edmund sa tabi nya si Nicole na napansin ng manager.
'Ano ang dahilan bakit sobra ang ingat nya sa babaeng ito?'
Pero ng makita nya ang itsura ng waiter na parang lalapa ng tao, hindi na sya nagtaka.
Manager: "Sir, mag ko complain ba kayo dahil sa ginawang pag hampas sa kamay nyo ng tauhan ko?"
Edmund: "Hindi!"
"Ang irereklamo ko ay ang dahilan kung bakit nya hinampas ang kamay ko!"
Napakunot ang noo ng waiter.
'Hindi ba yun din yon! Nakakaloko ito ah!'
Nangisi ito.
Nakita ni Edmund ang pagngisi sa kanya ng waiter.
Edmund: "At pati na rin sa asal ng waiter nyo!"
Sabay tingin sa waiter.
Waiter: "Ikaw pa talaga ang may ganang mag reklamo dyan e ikaw kaya itong pakialamero!"
Tiningnan sya ulit ng manager na parang winawarningan sya. Kaya tumahimik ito pero lalo naman nagpupuyos ang kalooban.
Manager: "Ano ho bang ginawa ng waiter ko Sir?"
Edmund: "Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit? Nakikita mo naman ang asal nya diba?"
Hindi na sya sumagot pa dahil baka lalong madiin ang waiter nya. Kilala nyang may ugali itong madaling mairita lalo na kapag hindi naayon sa gusto nya.
Manager: "Sabi nyo kanina hindi kayo mag rereklamo sa ginawa ng taga hugas ko sa inyo at ang gusto nyong reklamo ay ang dahilan ba't nya ginawa ito?"
Edmund: "Tama!"
Manager: "Pwede ko bang malaman kung ano yung dahilan na iyon?"
Tiningnan ni Edmund si Nicole para sya ang magsalita.
Hindi natatakot si Nicole sa kanila kahit na napapalibutan pa sila ng madaming kalaban basta kasama nya si Edmund alam nya safe.
Nicole: "Sir, hindi po kasi safe kainin yan!"
Sabay turo sa pagkain.
Kinabahan ang waiter at agad na lumapit para kunin ang pagkain pero mabilis si Edmund. Kinuha nya ito at ipinatong sa mga binti nya.
Waiter: "Manager, kaluluto lang po ng cook yan, pero kung may problema pwede ko namang palitan!"
Napataas ang kilay ng manager sa pagkataranta ng waiter nya.
Edmund: "Hindi! Hindi ko sya pwedeng ibigay sa'yo!"
Pero pilit pa rin itong kinukuha ng waiter.
"ehem!"
Napaurong ang waiter ng marinig ito.
Manager: "Bakit mo naman nasabi na hindi safe yan?"
Nicole: "Kanina, nakita ko, dinuruan muna ng cook yan bago iabot sa waiter!"
Naduwal ang assistant sa narinig kay Nicole.
Walang alam ang manager sa ginagawa ng mga tauhan nya at aminado syang dismayado sya sa narinig.
Pero sadyang matigas ang ulo nito at mataas ang pride kaya hindi nya basta basta matatanggap na may mali sa restaurant nya kasama na ang mga tauhan nya.
Kaya ng makitang magsasalita na naman ang waiter, pinigilan nya agad ito.
Napalunok ang waiter, kinabahan.
'Lagot na!'
Manager: "May ebidensya ka bang magpapatunay dito?"
Simpleng napangiti ang waiter at tumahimik na lang sa tabi.
Nicole: "Wala po, pero ...."
Hindi na pinatapos ng manager ang sasabihin ni Nicole.
Manager: "Isang linggo ka palang dito kaya pano mo nasisiguro na yun nga ang ginawa ng cook?"
Nicole: "Sigurado po ako sa nakita ko!"
Buo ang loob na sabi nito.
Manager: "Pero kailangan mo itong patunayan dahil kung hindi, pwede kitang sisantehin at pag kumalat itong ginawa mo natitiyak kong wala ng kukuha sa'yo para mag trabaho!"
"Ngayon tatanungin ulit kita, sigurado ka ba sa sinasabi mo o hindi?"
Mahinahon ang pagkaka sabi nito pero halatang nananakot.
Nicole: "Sigurado ako Sir! Kitang kita ng dalawang mata ko!"
Kahit isang linggo pa lang ako dito maraming beses ko ng nakitang ginagawa nila yan!"
"Katunayan kahit sa pagkaing kinakain nyo ginagawa nya rin yan! Kaya nga hindi ako kumakain dito dahil kung sa inyo kaya nyang gawin yan sa akin pa kaya!"
Tumakbo ang assistant ng madinig ito. Pakiramdam nya masusuka sya.
Galit na galit ang manager sa nadinig pero hindi ito nagpahalata.
'Mga walanghiyang ito pati ako binibiktima! Sisiguraduhin kong malilintikan sa akin ang mga ito lalo na ang cook!'
Hindi na nagsalita ang waiter ng makita ang matatalim nitong tingin.
Pinagmamasdan ng manager ang kustomer at mukhang mayaman pero mahina ito.
Kailangan matapos na ito dito dahil pag kumalat ang balita masisira ang negosyo nya.
Pero kailangan mapaalis nya muna ang kustomer saka sya aaksyon sa babaeng ito.
Manager: "Pasensya na Sir, pero kailangan kong makausap ang mga tauhan ko! Makakaasa kayong gagawan ko ng aksyon agad ito!"