Kinabukasan, nag arkila ng bangka si Anthon para makarating sila sa kabilang isla. Mula duon nag byahe sila palayo sa isla ng Boracay.
Wala silang dalang gamit kung hindi ang wallet, cellphone at tubig.
Sinadya ito ni Anthon para mailigaw ang inutusan ni Winnie na sumusunod sa kanila.
Huli na ng malaman ni Winnie ito. Hindi nya sigurado kung nakakahalata na ang dalawa na may sumusunod sa kanila o sadyang mahina lang talaga itong mga tauhang inupahan nya.
Winnie: "Hindi sila nag check out kaya malamang babalik ang mga iyon!"
Sinadya ni Anthon na lumayo sa isla kaya bigla nyang naisip ma magarkila ng barko at magtungo sa kabilang isla.
Duon na sila namili ng mga personal na gamit saka naglakbay ulit patungo sa katabing isla, sa Bacolod.
Dito sila magpapalipas ng gabi ni Issay. Naghanap sila ng isang mauupahang silid para sa kanilang dalawa. Ayaw nya sa hotel dahil baka malaman ni Winnie kung nasaan sila masundan na naman sila.
Gusto nyang masolo si Issay na walang mga insekto sa paligid.
Kahit na gusto nyang magtanong, sumunod na lang si Issay.
Pagkatapos nilang kumain ng hapunan si Anthon na ang nagsimulang magsalita.
Anthon: "Alam kong kanina mo pa ako gustong tanungin kaya sige na sasagutin ko lahat ng tanong mo!"
Ngayon sigurado na wala ng insekto bubuntot buntot sa kanila handa na syang sagutin si Issay.
Issay: "Bakit mo sinabing delikado tayo?"
Ito ang binulong ni Anthon kay Issay kahapon at simula nuon naging maingat na ang kilos nila.
Anthon: "Si Winnie, pinasusundan tayo!"
Issay: "Si.. no?"
Anthon: "Yung stewardess na bumati sa akin sa eroplano!"
Naalala na nya ang tinutukoy ni Anthon at naalala din nyang hindi ito binigyan pansin ni Anthon kaya kinalimutan na nya ang babaeng yun.
Issay: "Meron ba akong dapat malaman?"
Anthon: "Magiingat ka sa kanya, masamang tao sya!"
"Siya ang dahilan kaya napilitang mag resign si Vanessa sa trabaho!"
Walang nakukuwento si Vanessa sa kanya tungkol sa tunay na dahilan kaya sya nag resign. Sabi lang nya pagod na sya sa trabaho kaya magne negosyo na lang.
Issay: "Gusto kong malaman!"
Tama ang nasa isip ni Anthon wala ngang kinukuwento si Vanessa sa kanya.
Anthon: "Naging close kami ni Vanessa nuon pagkatapos ng lindol sa Visaya. Naospital ako nun at si Vanessa ang nagalaga sa akin!"
"At nakarating iyon kay Winnie. Sabi nila galit na galit daw ito sa tuwing makikita kaming nagbibiruan ni Vanessa, pero wala syang magawa sa closeness namin ni Vanessa!"
"Si Vanessa lang kasi ang babaeng kabiruan ko nun!"
Nag taas ang kilay ni Issay.
Anthon: "Bakit?"
Issay: "Naging kayo ba nung Winnie na yon!"
Anthon: "Hindi nuh! Hindi ko sya type!"
Huminto pa ito at parang kinikilabutan ang itsura habang nagpapaliwanag.
Issay: "E bat kung umasta yon parang asawa mo?!"
Anthon: "Hindi ko alam!"
"Lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho alam na may gusto sya sa akin. Dumating sa punto na akala nila may relasyon kami!
Hindi ako natutuwa duon at ni minsan hindi ko sya pinapansin!"
Ni ayaw kong lumalapit sya sa akin at lagi ko syang tinatanggal sa grupo ko pero lagi na lang may nag babalik!"
Malamang sya din ang may gawa ng tsismis sa amin!"
Issay: "Teka, diba magkaiba kayo ng airline company ni Vanessa? Kaya pano sya nadamay dito?"
Anthon: "May natanggap na text message si Vanessa nuon galing daw sa cellphone ko!"
"Pinapupunta ko daw sya sa isang hotel at nasa isang silid daw ako naghihintay!"
"Sinubukan akong tawagan ni Vanessa pero hindi sya maka kontak, kaya nag punta na lang ito sa nasabing hotel!"
"Pagdating duon nakabukas na ang pinto at dahil sa tiwala syang ako ang nag text sa kanya, dire diretso ito sa loob!"
Nagulat na lang sya ng biglang magsara ang pinto at paglingon nya may ibang lalaking nasa loob!"
"Isa sa mga Senior Pilot ng airline company nila ang lalaki at ayon dito ibinigay daw sya bilang regalo sa kanya para sa birthday nya!"
Nagmakaawa si Vanessa at sinabing hindi siya yun at nagkakamali lang ito dahil hindi sya bayarang babae! Pero hindi naniniwala yung lalaki at inakalang parte ng performance nya ang ginagawa nito!"
Nanlaban si Vanessa pero malakas ang lalaki at nagawa syang hubaran at ihiga sa kama!"
"Buti na lang sinundan siya agad ni Joel at nailigtas sya!"
Issay: "Pano napunta dun si Joel?"
May date kasi sila ni Vanessa nun, pero dahil sa text ko daw na natanggap niya nag iwan sya ng message kay Joel na ma le late ito dahil mag me meet daw kami!"
Nagtataka si Joel, pano ako mapupunta sa hotel e may flight ako nun, kaya sinundan sya ni Joel sa hotel!"
Issay: "Iba ding magisip itong si Joel!"
"Tapos anong nangyari? Alangan naman dahil lang duon mag reresign na si Vanessa?"
Anthon: "Hindi alam ni Vanessa na may mga kumukuha pala ng picture sa kanila lalo na sa kanya!"
Pagkaraan ng isang linggo may nagpadala ng mga picture sa kanya hindi nya alam ang gustong mangyari ng nagpadala sa kanya, parang pinagbabantaan sya!"
"At pagkatapos nun nabalitaan ko na lang kay Joel na nag resign na sya!"
"Pinaiimbestigahan ni Joel ang nangyari at nalaman nito na nilusob sya sinaktan at iniskandalo ng asawa nung lalaki na naging dahilan ng pagre resign nya!"
"Sa galit ni Joel pina aresto nya yung lalaki at dun nya nalaman na si Winnie ang nagbigay sa kanya ng birthday gift!"
" Nasa sa flight ko si Winnie ng mga oras na iyon. Kung pano sya napasama sa grupo ko hindi ko alam!"
"Wala kaming ebidensya na sya ang nagpadala ng text message kay Vanessa at hindi namin magamit ang pahayag nung lalaki dahil bigla na lang itong nawala!"
Naluluha ang kalooban ni Issay ng madinig ang nangyari sa kaibigan. Ang masakit nito hindi man lang sya nagkukuwento! Bakit kaya?
Issay: "Anong plano mong gawin ngayon?"
Anthon: "Umalis ng Boracay na hindi nya nalalaman!"