webnovel

Hahanapin Ko Ang Jowa Ko!

"Hahanapin ko ang jowa ko!"

Sigaw ni Issay na hindi nililingon ang dalawa, habang papalabas ng venue.

Belen: "Teka lang sasama kami!"

Habol nilang dalawa kay Issay.

Issay: "Bahala kayo!"

Galit na sagot nito.

Belen: "Yung kotse ko ang gamitin natin!"

Sabay turo sa sasakyan nya.

Vanessa: "Oo nga Issay, mas mabilis iyon!"

"Sya lang ang marunong magmaneho sa atin at matatagalan kung hahanapin pa natin ang mga bodyguards mo!"

"Wag mong sabihin maglalakad ka sa paghahanap?"

Kahit naiinis si Issay wala syang nagawa kung hindi sumakay sa sasakyan ni Belen.

Habang nasa sasakyan walang nagsasalita sa kanila.

Alam ni Vanessa na naiinis si Issay dahil naglihim ito sa kanya pero alam din nyang naunawaan ni Issay kung bakit nya ginawa ito. Hindi galit ang kaibigan naiinis lang ito at lilipas din yun.

Naintindihan ni Belen ang nararamdaman ni Issay dahil kung sino man ang mas nakakakilala sa kanila kay Anthon sya yun

At sa mga oras na ito na pare parehong hindi nila alam ang nasa isip ni Anthon, mukhang si Issay lang ang nakakaalam.

Alam ni Issay na mahina ang kumpiyansa ni Anthon sa sarili at yun ang kinatatakutan nya ngayon.

Belen: "Ano ba ang ikinagagalit mo?"

Hindi na makatagal si Belen sa katahimikan ni Issay.

Habang tumatagal na tahimik ito lalong lumalalim ang inis nito at yun ang ayaw nyang mangyari.

Gaya ni Vanessa hindi rin nya gusto pag galit si Issay, lumalabas kasi ang pagiging amasona nya.

Hindi sinagot ni Issay si Belen, bumuntunghininga lang.

Belen: "Galit ka ba dahil hindi natuloy ang marriage proposal ni Anthon?"

Umiwas lang ng tingin si Issay at pinagmasdan ang dilim.

"At ngayong nawawala si Anthon iniisip mong baka hindi na ito matutuloy dahil baka nagdalawang isip sya?"

Pagpapatuloy ni Belen.

Umupo ng diretso si Issay at saka tumango.

Vanessa: "Friendship bakit mo naisip yan, hindi mo ba alam kung gaano ka kamahal ni Anthon?"

Issay: "Hindi ako sigurado pero... baka nakita nya kami ni Miguel kanina!"

Biglang napapreno si Belen sa sinabi ni Issay.

Belen: "Nagkita kayo ni Kuya Miguel?"

Issay: "May posibilidad!"

Vanessa: "Sino si Miguel?"

Issay: "Si Miguel Saavedra, ang unang nobyo ko!"

Vanessa: "Si Capt. Miguel Saavedra ang unang boyfriend mo?! Bat hindi ko 'to alam?"

Belen: "Wala naman gaanong nakakaalam ng relasyon nyo ni Kuya Migs, kaya malamang hindi rin alam ni Anthon!"

Issay: "Alam nya! Nuon pa!" "Nabanggit nya sa akin na naikwento ni Kuya Luis sa kanya!"

Muling pinaandar ni Belen ang sasakyan.

Belen: "Issay, sa isang relasyon may mga desisyon na kailangan mong gawin!"

Tininingnan ni Issay si Belen, naiintindihan nya ang ibig nitong sabihin.

Kailangan nyang magdesisyon para sa kinabukasan ng kanilang relasyon.

Issay: "Salamat!"

Belen: "At sa susunod kung kinakailangan, tulungan mo sa pagdedesisyon si Anthon!"

Vanessa at Issay: " ... "

*****

Mula naman sa bahay, hinanap ng magkapatid na Gene at Joel si Anthon.

Halos nalibot na ata nila ang buong San Roque pero hindi talaga nila makita.

Hanggang sa mapansin nila ang isang sasakyan na kahawig ng sasakyan ni Anthon.

Nilapitan nila ito upang matiyak kung ito nga.

Nakakubli ito sa isang sulok kaya hindi mo mapapansin pag nakasakay ka, buti naisipan bumababa ng magkapatid.

Joel: "Kuya Gene, kay Kuya Anthon nga itong sasakyan!"

Gene "Malamang nasa loob sya ng isa sa mga yan!"

Tinuro nya ang nakapaligid na mga club, restaurant, videoke bar at iba.

Nagkatinginan na lang ang dalawa at sinimulang maghanap.

Natagpuan nila si Anthon sa pang sampung establisimento na napasukan nila.

Isa itong bar at nasa isang sulok si Anthon naglalasing.

"Anyare?"

Tanong nila pareho.

Maayos sya ng umalis ng resort at ng huling makausap ni Joel masaya pa sya, kaya nagtataka ang dalawa kung bakit ito naglalasing.

Nilapitan nila si Anthon.

Gene: "Bro, okey lang?"

Anthon: "Uy, buti andito kayo! Oo naman okey ako! Hehe!"

"Halika kayo at samahan nyo ako!"

"Cheers mga Bro! Hehehe!"

Marami na ang bote ng beer na nasa lamesa. Yung walang laman mga pito at pangwalo na ang nasa kamay ni Anthon.

Joel: "Kuya, bakit ka uminom?"

Anthon: "Hehe! Wala happy lang!"

"Eto inom din kayo!"

Sinabayan nilang uminom si Anthon. Alam nilang hindi ito basta magkukwento kaya antayin na lang nilang malasing.

Sa kanilang tatlo si Anthon ang pinaka madaling malasing, at pagnalalasing ito madali itong magkuwento pero madali ring makatulog. Kaya lagi itong naiwas sa inuman.

Nakaka sampung bote na ito kaya alam nilang malapit na itong malasing.

Nang mapansin ni Joel na medyo lasing na ito nagtanong na sya bago pa ito makatulog.

Joel: "Kuya Anthon, nasaan si Ate Issay?"

Anthon: "Si Issay? Hehehe!"

"Andun iniwan ko kay Miguel!"

Gene: "Sino si Miguel?"

Anthon: "Si Miguel, yun.... unang nobyo ni Issay! (hik)

"Nakita ko syang akap akap ang Mahal ko!"

"Bakit nya akap ang Mahal ko?"

Nagkatinginan na lang sila Gene at Joel, walang naintindihan sa sinasabi ni Anthon at lalo na kung sino si Miguel?

Maya maya naririnig nilang humahagulgol na ito at sinusuntok ang dibdib.

"Bakit nya akap ang Mahal ko!"

Paulit ulit nitong sinasabi.

Nang mapagod sa pagiyak saka nakatulog.

Tinawagan ni Joel si Vanessa, kailangan nilang malaman kung nakita na nila si Issay upang maliwanagan sila sa nangyayari.

Vanessa: "Nasaan kayo? Bat hindi ka tumatawag? Kasama na namin si Issay, si Anthon nakita nyo na?"

Sunod sunod nitong sabi. Hindi na makasingit si Joel kaya inantay na lang nya matapos ang nobya.

Joel: "na lobat ako, lasing si Kuya at pabalik na kami ng resort!"

Sinabi nya kila Issay at Belen ang sagot ni Joel.

Belen: "Wag silang tumuloy ng resort masyadong malayo! Dumiretso sila sa bahay ko, sa kalye Rosas! Duon tayo magkita!"

Ang tinutukoy ni Belen na bahay ay ang bahay na iniwan sa kanya ng namatay nyang asawa.

Tinawagan ni Belen ang katiwala sa pagdating nila Joel sa bahay at humaruruot na ito ng takbo.

Pag dating ng bahay dinala nila sa isa sa mga silid si Anthon at saka inantay ang pagdating nila.

Medyo nakainom na rin sila Gene at Joel pero hindi pa lasing.

Pagpreno ng sasakyan ni Belen sa labas ng bahay nila, sabay na nagmamadaling lumabas si Issay at Vanessa at saka sumuka.

Vanessa: "Grabe ka Ate Belen!" Hindi na ko sasakay sa'yo!"

Sabi nito habang patuloy sa pagsuka.

Isa sa hilig ni Belen ang car racing kaya pakiramdam nila lumilipad sila sa bilis kanina.

Nangiti lang si Belen sabay abot ng tubig sa kanila para mahimasmasan.

Pagpasok ng bahay...

Issay: "Nasaan si Anthon?"

Bungad agad niya sa dalawa.

Gene: "Nanduon sa taas, pero magusap muna tayo!"

"Sino si Miguel at bakit akap ka nya kanina?"

Chapitre suivant