Nagtataka si Issay kung paano napunta ang isang kahon na naglalaman ng singsing sa kanya.
'Kanino ito? Tiyak na nagaalala na ang mayari nito!'
Hindi nya alam ang gagawin, nais nyang hanapin si Anthon pero kailangan nya ring isoli sa mayari itong kahon na may singsing.
'Anong uunahin ko? Isip isip Issay!'
Naupo sya at pilit ibinalik sa alala ang nangyari kanina. Kailangan nyang kumalma.
Sa isip nya kailangan nyang mahanap si Anthon, pero hindi nya maintindihan bakit may isang bahagi ng isip nya na inuutusan syang hanapin ang may ari ng kahon na may singsing.
Pilit nyang inalala ang mga taong nakasalimuha nya kanina. Natitiyak nyang isa duon ang may ari.
Hanggan makita nya sa malayo ang isang babaeng pamilyar sa kanya. Ito yung nanay ng batang gusto syang isayaw kanina.
Mga limang taon ang bata, mamula mula ang matambok nitong pisngi at tila isang kerubin na lumapit sa kanya at inaya syang sumayaw.
Nang mapagod sumayaw, inaya nya si Issay maupo at tinabihan sya pero hindi na ito umalis sa tabi nya.
Nung ibalik ni Issay kay Anthon ang coat nasa ilalim ito ng mesa tila may lihim na ginagawa. At ng silipin nya may nilalaro itong tila isang kahon.
Hindi na nya inistorbo ang bata sa paglalaro at nagpaalam na ito dahil kailangan na nyang puntahan si Mama Fe.
Pinakiusapan kasi sya ni Anthon na tabihan ang ina para hindi mabored.
Mula nuon hindi na nya nakita ang bata, dinala na ata ng yaya sa mommy nya.
'Hindi kaya ito yung nilalaro nya kanina?
Kailangan kong makausap ang bata!'
Nilapitan nito ang ina ng bata na nuon ay nasa hardin at tila may ka text.
Issay: "Hi Matel, asan na yung cute mong baby?"
Matel: "Ay Issay, ikaw pala! Andun pinag pahinga ko na!"
"Pasensya ka na sa kakulitan ng anak ko ha!"
Issay: "Haha! Hindi naman sya makulit, charming nga sya eh!"
Natuwa naman ang puso ni Matel ng marinig iyon kay Issay. Sino bang ina ang hindi magugustuhan na purihin ang anak!
Issay: "Nangako kasi ako sa kanya na mag goodnight kiss ako bago sya matulog, kaya ko hinahanap!"
Hindi masabi ni Issay kay Matel ang pakay nya, hindi nya sigurado kung ito ba ang may ari ng kahon na may singsing.
Kailangan muna nyang makausap si baby boy.
Matel: "Hahaha! Ah, ganun ba? Andun sa may silid kasama ni yaya, buti pa puntahan mo at baka inaantay ka!"
Iniwan na sya ni Issay at nagtungo sa silid. Ang silid na ito ay sadyang inilaan para sa mga bisita
Issay: "Hello Yaya, asan si Sean?"
Nang madinig ng bata ang boses ni Issay agad itong tumayo at nagpunta sa pinto.
Sean: "Tita Ganda!"
Sabay akap kay Issay.
Kinarga ito ni Issay papasok ng silid. Aliw na aliw talaga ito sa bata.
Minsan din syang nangarap na magkaroon ng isang anak na katulad ni Sean.
Issay: "Sabi ng Mommy mo need mo na raw mag sleep! Bat dika pa sleep?"
Sean: "Antay kita! San kiss ko?"
Natuwa si Issay sa bata kaya pinanggigilan nya ito at hinalikan nya ng paulit ulit.
Issay: "Oh, ayan dami ko ng kiss ha!"
Pero hindi pa rin ito umalis sa tabi ni Issay bagkus kumandong pa ito, tila gustong magpahele kay Issay.
Napansin ito ni Yaya kaya hinayaan na silang dalawa sa kama at naupo na lang sa sulok at nag text.
Maya maya may inilabas na kahon si Issay at ng makita ng bata natuwa ito.
Sean: "Box!"
Sabay kuha sa kahon na may singsing.
Issay: "Sayo ba itong box?"
Sean: "No!"
Pero natutuwa syang nilalaro ang kahon.
Issay: "San galing ang box?"
Sean: "Tita Ganda!"
Sabi ng bata na patuloy sa paglalaro ng kahon.
Issay: "Ha?"
Nalito na si Issay.
Issay: "Kung kay Tita Ganda ang box, pano napunta kay Sean?"
At tinuro nito ang bulsa nya na lalong nagpalito kay Issay dahil parang bumalik sya sa umpisang tanong nya: kanino ito at paano napunta sa bulsa nya?
Nang mapansin ni Yaya ang pinaguusapan ng dalawa, nagulat ito at lumapit agad.
Yaya: "Ay Baby, sabi ko sa'yo wag mo ng kunin yan magagalit sa'yo si Tita Ganda!"
"Mam pasensya napo kung kinuha nya ulit!"
Issay: "Okey lang gusto ko lang naman malaman pano sya napunta sa bulsa ko!"
Yaya: "Pina balik ko po sa kanya Mam!"
Issay: "Ha?"
Yaya: "Nakita ko pong kinuha nya yan sa inyo, akala ko binigay nyo! Tapos ng buksan ko nakita ko may laman kaya pinasoli ko sa kanya!"
Issay: "Ahhh!"
"Good boy naman pala si Sean!"
Sean: "No!"
Nagkatinginan ang dalawa.
Yaya: "Anong No? Ayaw mo ba na good boy ka?"
Umiling si Sean.
Sean: "No! Not that!"
Sabay turo kay Issay.
Issay: "Ano daw?"
Mahilig talaga sya sa bata pero nalilito talaga sya sa sinasabi ni Sean.
Nagiisip si Yaya, pilit inintindi ang sinasabi ng alaga.
Yaya: "Ahh! Alam ko na po Mam! Yung tinutukoy nya yang suot nyo!"
Kanina po kasi iba yung suot nyong coat, kulay gray po ata iyon na makintab!"
"Dun nya po kinuha yang kahon tapos nung ipasoli ko po sa kanya yan na pong white ang suot nyo!"
"Tama ba si Yaya baby?"
Sean: Yes!"
Issay: "Ah, okey naintindihan na ni Tita Ganda!"
"Ang galing naman ni Sean!"
Tuwang tuwa si Sean habang pinupuri sya ni Issay.
Maya maya biglang napatigil si Issay ng maalala nyang kay Anthon ang coat na suot nya kanina.
Samakatwid kay Anthon ang singsing na ito, pero bakit siya may sing sing?
At unti unting bumalik ang alala simula ng dumating sya ng San Roque magiisang linggo na ang nakakaraan.
'Hah?!'
'Gusto nyang mag propose sa akin?'
Hindi na nya maintindihan ang damdaming mararamdaman. Natutuwa sya at natatakot at nagaalala ng sabay.
'Kailangan kong makita si Anthon!'
Issay: "Baby kunin ko na ang box ha, need mo na kasing mag sleep!"
Inabot nito ang kahon na may singsing kay Issay at saka nagpunta sa kama at nahiga.
Kinumutan sya ni Issay at saka hinalikan sa noo.
Sean: "Tita Ganda cry?"
at pinunasan nito ang pisngi ni Issay at saka inakap ito.
Kanina pa nya pinipigilan ang nararamdaman pero ayaw makisama ng mata nya.
Issay: "Sorry baby super happy kasi si Tita ganda!"
Baby Sean: "Why?"
Issay: "Kasi po good boy si Sean! Pero ngayon need mo ng magsleep para maging bigboy na si Sean!"
Sean: "Good night Tita Ganda!"
Issay: "Good night, Sean!"
At hinalikan nya ito sa noo at umalis.
Sa paghahanap ni Issay kay Anthon, nagulat na lang ito ng may tumawag sa pangalan nya.