Matagal ng pinaghandaan ni Anthon ang date na ito.
Gusto nyang bigyan si Issay ng isang date na hindi basta basta mawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Bata pa lang sila hinangaan na nya si Issay sa pagsayaw.
Sa tuwing nakikita nyang umiindayog ang katawan ni Issay sa saliw ng musika, nararamdaman nyang umiindak din ang puso nya.
Kaya nagenrol sya sa isang dance school para matutong sumayaw. Alam nya kasing parehong kaliwa ang mga paa nya at sintigas ng puno ang katawan nya.
Halos anim na buwan na syang nagaaral sumayaw. At hindi man siya kasing galing ni Sir Luis na laging kapartner ni Issay nuon, natitiyak nyang kaya na nyang sumayaw ngayon. Gusto nyang masabayan kung papaano sya umindak.
At gusto nyang makitang muli ang mga ngiti ng kasintahan na parang wala ng bukas.
Alas sinko impunto naroon na sya sa apartment ni Issay para sunduin siya.
Hindi na bumalik sila Issay at Nadine sa kompanya kaya wala silang alam kung ano ang nangyari pagkatapos nilang umalis.
Niyaya niya si Nadine upang sa bahay na rin matulog para mabawasan ang takot na nararamdaman nito sa haharaping galit ng magulang sa pananakit na ginawa nya sa kapatid.
Nagiisa lang naman si Issay ngayon dahil isinama ni Vanessa si Pinyong at si Mang Lito sa Batangas para duon makapagpagaling ng husto.
Sa tulong ni Nadine nakapili sya ng isang bestidang babagay sa kanya.
Kulay asul ito na may mga disenyo na puting bulaklak. Sleeveless sya na hanggang tuhod ang haba.
Si Nadine ang nagmakeup sa kanya at nagayos ng buhok nya.
"Iba talaga ang pakiramdam pag may kapatid ka nuh!
Salamat, Nadine!"
Nakangiting sabi ni Issay.
Natuwa naman si Nadine sa kinalabasan ng ginawa nya dahil sa tingin nya bumata ng sampung taon si Ate Issay nya.
Samantalang sa baba, kanina pa hindi mapakali si Anthon na nagaantay sa baba. Nanabik na syang makita at makasama ang kasintahan.
Kaya ng makita nyang pababa si Issay ng hagdan, hindi nito maiwasan ang mamangha.
Napanganga ito kaya hindi nya napansin ang magandang dilag na palapit sa kanya.
Tila huminto ang mundo nya at lumakas ang kabog ng dibdib nya.
Nagulat din si Issay ng makita si Anthon sa suot nito. Lalo syang gumuwapo!
Madalas nya itong nakikita na naka uniporme na pang piloto o di kaya'y polo at maong pero ngayon lang sya nito nakitang naka suit.
"Ang ganda mo!"
Ito ang salita narinig ni Issay sa kasintahan habang nabibighani ito sa kanyang ganda.
"Salamat!
Ikaw din, ang guwapo mo, bagay pala sa'yo ang suit!"
Nakangiti nitong sabi.
Ehem!
"Kuya Anthon gagabihin na kayo sa daan tama ng katitig kay Ate at baka matrapik kayo!
Ingatan mo ang Ate Issay ko ha! Saka 'wag mong bilisan ang paguwi at kung maari pakasalan mo na agad!"
Nangingiti nitong sabi.
"Sira! Batang 'to, tsinelasin kita dyan!
Oy 'wag mong kalimutan maghapunan bago matulog!
At magsara ka na pag alis ko! Huwag mo na 'kong antayin at may susi naman akong dala!"
Bilin ni Issay kay Nadine.
"Opo Ate!"
Kinikilig na sagot ni Nadine
"Oy, lalaki tandaan mo 'to, walang curfew yan kaya kung gusto mong itanan, itanan mo na!"
Sabat ni Manang Zhen na kinikilig na rin.
Nanlaki ang mga mata ni Issay sa sinabi ni Manang Zhen.
'Bakit ba pakiramdam ko gusto na nila kong ipamigay?'
*****
Nagulat si Issay ng dalhin siya ng kasintahan sa isang club.
"Gusto kong mag enjoy ka at saka ..... matagal ko ng gusto na maisayaw ka!"
Nahihiya nitong pag amin kay Issay
"Naku, matagal na kong hindi sumasayaw malamang marupok na ang mga buto ko!"
"Okey lang pareho namang kaliwa ang mga paa ko e!"
Nakapagpa reserve na si Anthon kaya madali silang nakapasok sa loob.
Nang marinig ni Issay ang musika hindi na nito mapigilan ang sayang nadarama.
'Na miss ko to!'
'Kay tagal na panahon na ng huli kong maramdaman ang ganito!'
Nangingiti si Issay sa sayang nadarama ng puso nya, gusto na nyang sumayaw.
Nang makita ni Anthon ang kanyang mga ngiti, tumayo ito at inaya na syang magsayaw.
"Can I have this dance?"
Tinanggap naman ni Issay ang paanyaya ni Anthon.
'Lord sana diko maapakan ang paa nya!'
Dasal ni Anthon habang patungo sila sa dance floor.
Ngunit sa sandaling magumpisa ng umindak si Issay nawala na ang kaba ni Anthon.
Ang pangarap nyang makasayaw siya ay natupad na rin sa wakas!
Mabilis ang tugtog ng musika ngunit nasasabayan ng galaw ni Issay ang bawat tono ng kanta at nakapagtatakang pati sya ay nadadala nya.
Kahit matagal na ng tumigil sa pagsayaw si Issay, masasabing professional pa rin ito gumalaw.
Ang lambot ng bewang nya parang alon na naglalaro sa dalampasigan. Napakasarap pagmasdan.
Habang tila parang bumalik sa pagkabata si Issay dahil sa sobrang nageenjoy, napapansin naman ni Anthon na tila may ibang init siyang nararamdaman sa katawan.
Pakiramdam na tila gusto nyang angkinin ang babaeng nililiyag.
Lumalakas ang pagnanasa at hindi nya na halos mapigilan.
Kaya ng muling magpalit ng tugtog, hinawakan nya ito sa bewang at inilapit sa kanya na tila isang bihag na ayaw pakawalan. At saka hinalikan ng banayad.
Ikinabigla man ni Issay ang ginawa ng kasintahan, sinagot nya rin ang kanyang halik.
Hinayaan nya na kusa syang sakupin ng kanyang mga halik. Lalo na ng maramdaman nyang labas masok ang dila ni Anthon sa kanyang bibig na tila nais ipahiwatig sa kanya na sa akin ka lang!
Mainit. Mapusok. Masimbuyo at madamdaming halik na umaangkin at bumabalot sa buong nyang pagkababae.
*****
Pag uwi.
"Nag enjoy ka ba?"
Tanong ni Anthon ng ihatid na nya si Issay sa apartment.
"Oo naman! Salamat!"
Nakangiti nitong sagot na magpahanggang ngayon ay napapaindak pa rin sa sobrang kasiyahan.
Hindi alam ni Anthon kung papaano siya magpapaalam sa kasintahan. Gusto nyang halikan ulit ito.
Pero bago sya nakapagdecide lumapit sa kanya si Issay at hinalikan sya sa pisngi.
"Gabi na baka antukin ka na sa pagmamaneho pauwi!"
"Okey lang, ala naman akong flight bukas!"
At muli nyang hinalikan ang kasintahan.
'Juskolord! baka hindi ko na mapigilan ito! Hindi pwede andito si Nadine!'
Text Message
['Neng, gusto mo bang babain ko na yang dalawa? Kanina pa e!]
~Manang Zhen
[Huwag na po! hayaan na lang natin sila, nageenjoy pa po akong panoorin sila!]
~Nadine