Dahil sa nangyari sa bahay ni Issay, hindi na muling pumayag si Mama Fe na matulog ulit sila duon.
Pero kinabukasan pag uwi ni Issay galing ng simbahan, laking gulat na lang nito ng madatnang naghihintay sa kanya ang mga bisita.
Naruon muli si Roland para mangulit.
Naruon din si Chedeng at si Mayor Arnold. Gusto raw makilala ng personal ni Mayor si Issay.
At si Vice Mayor Esme.
Gusto nyang malaman kung bakit interesado sila kay Isabel.
Hindi malaman ni Issay kung paano iistimahin ang mga bisita dahil napaka aga pa, hindi pa sya nagaalmusal!
Ang tanging nasa isip lang ni Issay sa ngayon ay makapag agahan.
"Sa pagkakaalam ko, tapos na ang usapin sa lupa, kaya pwede bang malaman kung ano ang pakay nyo?"
Tanong ni Mama Fe.
"Tita Fe, eto po kasing asawa kong si Arnold, gusto pong makilala ng husto si Issay. Kaya nagpasama po dito."
Paliwanag ni Cheddeng
"At ikaw naman Mr. Ledesma, diba kagagaling mo lang dito kahapon, bakit andito ka na naman?"
May pagka iritang tanong ni Mama Fe kay Roland.
"Hindi kasi kami nakapagusap kahapon ni Isabel dahil may lakad daw sya, kaya bumalik ako ngayon!"
Tapos ay tumingin si Mama Fe kay Vice, nagtatanong ang mga mata.
"Kaya po ako nagpunta dito Aling Fe, dahil gusto kong tanungin si Ms. Isabel, kung interesado ba syang pumasok sa pulitika?"
Diretsahang tugon ni Vice Mayor Esme.
Sabay sabay na napatingin ang lahat kay Vice Mayor Esme. Nagulat sila sa sinabing dahilan nito.
Pakiramdam ni Issay, gusto nyang maglaho ng mga sandaling iyon at magtungo sa lugar kung saan malayo at hindi siya masusundan ng mga ito.
'Katatapos lang ng usapin sa lupa at masakit pa ang ulo ko pagnaalala 'yon!'
'Diba nila ako pwedeng bigyan muna ng space? haaist!'
Maya maya may kumatok.
Tok. Tok. Tok.
Si Belen.
"Magandang umaga! Pasensya na kung ...."
Hindi na natapos ni Belen ang sasabihin dahil laking tuwa ni Issay ng makita siya.
"Ate Belen! Hehe! Mabuti at narito ka na! Papunta na talaga ako sa inyo!"
Bulalas ni Issay ng makita si Belen, tuwang tuwa.
Totoo namang may plano si Issay na magtungo kila Belen ng araw na iyon para makapagusap sila, pagkatapos sana ng agahan pero dahil sa mga nagdatingan bisita, naisipan nyang sumama na lang kay Belen at duon mag agahan sa kanila
"Ay, pasensya na kung nahuli ako ng dating, nagsimba pa kasi ako!"
Sagot ni Belen sabay tingin sa mga bisita ni Issay na naroon.
Mahaba na ang ibinigay ni Belen na panahon kay Issay upang makapagisip tungkol sa pinagusapan nila sa apartment nito, kaya naisip na ni Belen na kausapin na ito para makuha na nya ang sagot, bago lumuwas ng Maynila.
"Ang totoo nyan sinusundo talaga kita. Mabuti pa halika na at sabay na tayo mag almusal sa bahay!"
Biglang sukbit ni Belen sa kamay ni Issay para hindi na ito makawala.
"Sige po, Ate Belen."
Sagot ni Issay saka hinarap ang mga bisita.
"Pasensya na sa inyo, hindi ko kasi alam na pupunta kayo, may kailangan kasi kaming pagusapan ni Ate Belen.
Mama Fe, duon na po ako magaagahan kasi marami po kaming kailangan pagusapan ni Ate Belen."
Pagpapaalam sa kanila ni Issay.
"Naiintindihan ko anak. Sige lumarga ka na at ako na ang bahalang dito sa mga bisita mo!"
Ani Mama Fe.
"Salamat po!"
Sabay kaway ni Issay sa mga naroon at nauna ng umalis.
"Paano ba yan ako ang nagwagi. Sa susunod kasi kung gusto nyong makausap si Isabel, humingi kayo ng appointment at masyadong maraming iniisip yung tao."
May halong pangiinis na sabi ni Belen sa mga bisitang naroroon.
*****
Sa mansyon.
Pagkatapos mag agahan isinama ni Belen si Issay sa isang pribadong silid.
Walang sino man ang pwedeng makapasok dito ng walang pahintulot. Kaya sa silid na ito naisip ni Belen na dalhin si Issay para walang istorbo.
"Issay, tungkol sa pinagusapan natin nung isang linggo, pwede ko na bang marinig ang sagot mo?"
Panimula ni Belen sa usapan.
"Ate Belen tatapatin kita, nung madinig ko yun natakot ako."
Sagot ni Issay tapos ay huminto ito na parang hinahagilap ang tamang salita.
Buong kalmado namang inantay ni Belen ang susunod nyang sasabihin.
Maya maya bumuntunghininga si Issay sabay sabing:
"Tinatanggap ko!"
"Hahahaha! Wala ka pa rin pinagbago!"
Natatawang sabi ni Belen kay Issay.
Napakunot naman ang noo ni Issay, naguguluhan sa ibig sabihin ng kausap.
"Nuon pa man kasi, ganyan ka na, pagtakot ka mas challenging sa'yo. Tama ba ko?"
Nangiti na lang si Issay. Tama si Belen, pumayag sya dahil nachachallenge sya.
"Anong plano mo ngayong alam mo na kung para saan ang sampung milyon?"
Tanong ni Belen
"Ate Belen, sa simula pa lang alam ko ng nagmula kay Mayor Perdigoñez ang cheke pero ang alam ko hindi ganun kalaki yun.
Sabi ni Issay na ikinagulat ni Belen.
"Alam mo?"
"May sapantaha ako.
Pagkalibing ng Nanang, pinuntahan ako ni Mayor para kausapin pero..... "
Muling bumuntung hininga si Issay.
"... pero ng magkaharap kami ni Mayor, wala syang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Batid ko ang dahilan.
Takot na takot sya dahil nung mga oras na iyon nasa presinto na si Kuya Luis.
Hindi sya tumigil sa pagiyak kaya inakap ko sya at nangakong walang masamang mangyayari sa anak nya.
Naniniwala akong walang kasalanan si Kuya Luis sa aksidenteng nangyari sa Nanang ko.
Sabandang huli huminahon din sya. Tapos ay kinuha ang cheke at ibinigay sa akin, pero hindi ko ito tinanggap.
Akala ko kaya nya binibigay ang cheke para iurong ko ang demanda kay Kuya Luis."
Kwento ni Issay.
Nagulat si Belen sa kwento ni Issay. Hindi nya maisip na minsan naging mahina ang kanyang ama.
"Gustong magpaliwanag ni Mayor kung bakit nya ako binibigyan ng cheke pero walang salitang lumalabas sa bibig nya kundi puro ungol. Kaya nagulat ako nung tingnan ko sya iba na ang itsura nya at hawak hawak ang dibdib nya. Natakot ako!Agad namin syang dinala sa ospital, mild stroke daw."
Huminto si Issay dahil naramdaman nyang tumutulo na pala ang luha nya.
Naluluha na rin si Belen sa mga kwento ni Issay tungkol sa ama.
"Naalala ko nga yung panahon na yon na nagkasakit si Amang. Pero ang alam ko wala ka na nuon sa San Roque."
Hindi makakalimutan ni Belen ang mga panahon na nagkasakit ang ama pero may isa pang dahilan ang pagluha nya.
Dahil nung mga panahon na yun sila nagka-ibigan ng namatay nyang asawa.
"Pagkatapos naming maihatid si Mayor sa ospital nagpunta naman ako sa presinto para palayain si Kuya Luis. Sinabi ko sa kanya ang nangyari at ibinalik ko sa kanya ang cheke. Kinabukasan, lumuwas na akong Maynila."
Pagtatapos ni Issay.
"Sabi mo, naniniwala kang walang kasalanan si Kuya Luis? Bakit?"
Usisa ni Belen
"Dahil may nakakita sa kanila pagkatapos ng aksidente. Umuulan nuon ng madinig nyang may tumilapon at biglang hinto ng isang sasakyan. Nang puntahan nya nakita nya si Kuya Luis na lumabas ng passenger seat at tumakbo kung saan naroon si Nanang ko.
Hindi nya nakilala yung driver dahil bigla itong lumabas ng kotse at kumaripas ng takbo!"
"Sinong nakakita sa kanila?"
Nabuhay ang kuryosidad ni Belen ng madinig ang kwento. Ito ang unang beses na madinig nya ang parteng ng kwento ng nangyari ilang dekada na ang nakakaraan.
"Si Anthon!"
Sagot ni Issay
Natahimik si Belen sa narinig na rebelasyon ni Issay. Hindi nya akalaing marami pala syang hindi alam sa nangyari nuon.
Pero mas napaisip sya ng marinig kay Issay na may ibang nagmamaneho ng kotse ng Kuya nya.
Mahigpit ang Kuya Luis nya pagdating sa kotse nya. Walang sino man ang pwedeng gumamit nito.
'Kaya sino? Sino ang nagmamaneho ng kotse ni Kuya Luis ng gabing yaon?'
Nakauwi na't lahat si Issay pero hindi pa rin maalis kay Belen ang tanong na iyon.
"Sino nga kaya ang nagmamaneho?
Ni minsan hindi pinapahawakan ni Kuya Luis ang sasakyan nya kahit kanino!"
"Maliban na lang kay...."
"Ha?! ....Hindi nga kaya si.....?!"