webnovel

Chapter 11

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog at I felt something at my body. I feel ..sore. Pagmulat ng mga mata ko, isang napaka guwapong nilalang ang natagpuan kong nakatingin sa akin. Isang nilalang na tila ba isang anghel. The thing is he is an angel na super hot and wild. I looked at his eyes, those set of eyes na para bang napakainosente yet it get fiery last night habang nagme make love kami. His broad shoulders na mamuscle pero napakagentle habang niyayakap ako at kinacaress ang buo kong katawan kagabi. Ang mga labi nitong napakasarap halik-halikan at nakakaadik tikman. Ang mga labi nitong akin at akin lamang and suddenly he touched my face, kissed my eyes, my nose, my cheeks and gave me a mind blowing kiss. After that he said, "Good morning Baby. Good morning, my Boss."

---

"Baby, baby gising na..." napadilat ako ng mata ng marinig kong may tumatawag sa aking Baby. Of course, alam ko na kung sino yun. Kagabi, nung magpasya akong mag stay dito sa condo niya ay I made up my mind na pakinggang muli ang puso ko. I realized last night na kaya ako galit sa kanya ay dahil mahal ko pa rin siya at kaya hindi ako makatanggap ng manliligaw ay dahil gusto ko ay siya pa din. Si Jimmy pa rin all this time.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at naramdaman kong walang masakit sa katawan ko, panaginip ko lang pala na may nangyari sa amin hehe. Kaloka, habang tumatagal pamanyak na ako ng pamanyak.

Sayang, panaginip lang pala. Akala ko totoo na e. Hehe

"Ahhhhm.. Good morning too, Baby." Sagot ko rito habang nag-aagaw pa ang antok at gising sa akin.

"Goodmorning. Ano gusto mong kainin?"

"Ikaw..." bulong ko.

"Ano?" tanong nito.

"Walaaaa.. hehe."

"May sinabi ka e .. I--kaw? Ay ako pala."

"Wala akong sinasabi. Promise." Sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko. For sure, nagbablush na naman ako.

Napasigaw ako ng maramdaman kong kinikiliti na niya ako. Hindi ako magkamayaw sa pagpigil ng mga kamay nito sa kadahilanang hindi na ako makahinga. We ended up laughing and red all over.

"Ang sakit ng tiyan ko hahahaha! Tama na nga 'to Baby. Anyway, ano ulit gusto mong kainin?" tanong nitong muli sa akin.

"Wala. Di naman ako pala almusal e."

Kumunot ang noo nito, "Naku, how many times do I have to tell you na hindi ka dapat nagpapagutom? Katulad kahapon, ala sais na ng gabi di ka pa kumakain. Are you going to kill yourself from starvation?" Mahabang litanya nito.

Napangiti ako ng lihim sa sinabi nito. I feel that I am so important kapag gumaganyan siya sa akin. Nakakakilig.

"E ano ba ang available?" tanong ko ulit.

"Ahm, actually nakapamili na ako kanina sa Mahogany habang natutulog ka. I bought bread and rice para may mapapamilian ka. May mga palaman na rin akong binili pero if gusto mong magsangag ako, may bacon, egg, itlog na pula saka tuyo dun sa pinamili ko. Tapos mamayang tanghali, ipagluluto kita ng Bulalong Tagaytay."

Namangha ako sa sinabi nito, feeling ko hindi lang isang araw ang itatagal namin dito kung hindi isang linggo. Andaming pinamili nito e!

"Ahm, parang gusto ko ng tuyo saka sinangag tapos itlog na pula na may kamatis."

"Akala ko ba di ka nag aalmusal?"

"Natakam kasi ako sa mga sinabi mo e! Feeling ko tuloy gutom na gutom ako hahahaa!"

"Hahaha, okay.. idlip ka muna tapos gigisingin kita ulit kapag nakaluto na ako. Okay?" Sabi nito sabay halik sa noo ko. Ang sweet.

Tumango tango lang ako at pinilit sundin ito pero hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog. Imbes na matulog ay dumiretso ako sa mini kitchen nito at pinanood itong magluto. Kahit ilang beses kong ipinilit na tutulong ako ay ayaw nitong magpatulong. Pinagsisilbihan daw kasi ang mga reyna at ako raw yun para sa kanya.

"Ang bango naman niyang niluluto mo." Di ko napigilang sabi rito habang natatakam ang sikmura dahil sa sarap ng niluluto niya.

Tumingin ito sa akin at ngumiti sabay sabing, "Mas mabango ako." Sabay focus muli sa niluluto nito.

Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod. Mukang nagulat naman ito kasi parang it's the first time na ako ang yumakap sa kanya. Pinatay nito ang induction cooker at humarap sa akin. He touch my face and leave light kisses on my face. From my forehead, my eyes, my tip of my nose, my cheeks at nang akmang palapit na ang labi nito sa labi ko ay tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko.

"Why?" tanong niya.

"Hindi pa ako nagtu-tootbrush."

His eyes twinkled and I saw a hint of amusement from him. He touched the tip of my nose and said, "Silly girl. Damay damay na ito" at tuluyan ng sinakop ng mga labi nito ang mga labi ko. Wala ng pakialamanan kung wala akong toothbrush. Sabi nga nito, "damay damay na ito."

Chapitre suivant