webnovel

XVII

Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog, nakatingin sa kanya ng di nya nalalaman. Mula noon hanggang ngayon, napakalapit nya lang sakin sa distansya pero hindi nya man lang alam na may isang katulad ko na nag mamahal sa kanya. Kung una lang akong pinanganak, tatlong minutong distansya lang ng oras ang pagitan namin pero napunta na lahat sa kanya. Ang atensiyon ng lahat nasakanya na, tinago ako dahil hindi normal na magkaroon ng kambal na anak sa lahi namin. Isang sumpa na nag simula pa nung panahon na hindi pa kami nabubuhay at mag kalaban pa ang lahat ng lahi sa sanlibutan. Isang sumpa na dahilan para itago ako sa lahat. Isang kwarto na wala man lang kahit isang bintana, na tanging isang pintuan lang ang magagamit para makalabas at makapasok ang pamilya ko.

Dahil sya ang unang pinanganak, sya ang mas malakas sa akin. Dahil nasa sinapupunan pa lang kami ay kinukuha nya na ang lahat sakin. Ang lakas ko, ang kakayahan ko at halos nakuha nya na rin ang buhay ko. Pero sa hindi inaasahan sakabila non, nabuhay pa rin ako, ang mahinang ako.

Pero kahit na ganon, hindi ako nakaramdam ng poot o inggit man lang kay Zero. Dahil mula pagkabata sya lang ang kalaro ko sa kwartong yon, sya lagi ang kasama ko. Kahit na mas mahina ako sa kanya ay hindi nya pinaparamdam sakin na mag kaiba kami. Pinaramdam nya sakin na kahit na mag kahiwalay kami ng katawan ay iisa lamang ang aming pagkatao. Na kung anong nararamdaman ng isa ay syang mararamdaman ng isa.

At tama nga sya, dahil mag kaiba lamang kami ng katawan pero ang nararamdaman namin ay iisa lamang. Dahil minahal namin ang iisang babae, ang babaeng nakatakdang maging katuwang nya. Ang babaeng tinititigan ko ngayon, ang babaeng minahal ko kahit na alam kong hindi maaari.

Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Naramdaman nya ata ang pag galaw ng kama dahil bigla syang gumalaw at tumagilid paharap sa lugar kung saan ako umupo.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang mukha nya. At naalala ko kung kaylan kami unang nag kita. Ang kaisa isang bata na nakipag laro sakin sa lugar na yon. Sa kwartong wala man lang kahit isang bintana.

*****************************************

Nakaupo lang ako sa kama ko habang tinitignan ang mga litrato na bigay sakin ni Zero. Mga litrato na kinuhanan nya. Dahil hindi nga ako makalabas hindi ko pa nakikita kung anong meron sa labas ng kwartong ito. Kung anong itchura ng mundo sa likod ng mga pader ng kwartong to. Ang gaganda ng bawat litrato, lalo na yung langit na may araw na papalubog na. Ganto pala ang kulay nito, kaylan kaya ako makakakita ng ganto yung hindi sa litrato lang.

Narinig ko ang mabagal na pag bukas ng pintuan sa kwartong kinalalagyan ko. Kwartong may isang maliit na kama sa sulok isang cabinet na gawa sa kahoy sa ilalim na bahagi ng kama. Isang malaking bookshelf na gawa rin sa kahoy sa kabing sulok ng malaking kwarto na nag lalaman ng iba't ibang klase ng libro at mga kagamitan sa pag pinta. Dalawang malalaking sofa na kulay puti na nasa gitnang bahagi ng kwarto at isang lumang orasan na nakasabit sa taas ng pinto.

Napatingin ako sa pintuan na medyo nakabukas na, pero dahil nasa sulok ng kwartong to ang kinalalagyan ng kama at di ko makita kung sino ang nag bukas ng pinto.

Inilapag ko ang mga larawan sa kama ko at dahan dahang nag lakad. Akala ata ni Zero na natutulog ako kaya dahan dahan nyang binubuksan ang pinto saka nya ako gugulatin. Lagi nya kasi sakin yon ginagawa pero ngayon makakaganti na ako sa kanya.

Sa isipin pa lang na magugulat ko na si Zero ngayon at makakaganti na ako napapangiti na ako. Malapit na ako sa may pinto at naka ayos na ako para gulatin sya. Nung mas malaki na ang pag kakabukas ng pinto ay tumalon na ako paharap sa nag bukas ng pinto tinaas ang dalawa kong mga kamay na parang mangangalmot ang pag kakaayos.

"WHARR..... AHHHHHHHHHHHHHH." Imbis na yung tatakutin ko ang masigaw ako ang napasigaw at napaupo sa lapag. Dahil hindi naman si Zero ang nasa harap ko kungdi isang maliit na tao na mahaba ang buhok at may kulay pula bagay ang nagkalat sa bibig nya at sa damit nya.

Sino tong maliit na tao na to? Saka ano yang kulay pula sa mukha nya?

"S-sino ka? Bakit ka andito ah?" Kahit nakakaramdam ako ng takot ay pilit ko pa rin syang tinanong. Maliban kay Zero at sa mga magulang namin na madalang na nakakapunta sakin dahil lagi silang umaalis ayon kay Zero ay wala nang pumupunta dito.

Napa pikit pikit tong maliit na tao sa harap ko at medyo kumunot ang noo nya na parang nag tataka. Tumingin sya sa buong kwarto at tumingin ulit sakin. Pumikit pikit nanaman sya at biglang ngumiti, at nakita ko ang maliliit na kulay puting ngipin nya pero may isang kulang sa taas na ngipin nya.

Naalarma ang katawan ko ng bigla nyang itaas ang mga kamay nya at katulad ng pag kakaayos ng kamay ko kanina na parang mangangalmot ay dahang dahan syang lumapit sakin.

"Bakit ka lumalapit ah, jan ka lang wag kang lalapit sakin." Sabi ko na sinisigawan sya.

Pero mas lalo lang syang ngumiti habang papalapit sakin. Dahil sa takot ko sa maliit na taong to ay pinapadyak ko ang mga paa ko para ma itulak ako paatras. Yung maliit na tao papalapit sakin ako naman atras ng atras papalayo sa kanya.

"Wag kang lalapit sakin, kungdi kungdi---" Napapatingin ako sa paligid ko, nag hahanap ng pwedeng ipang takot sa kanya. Pero wala akong makita, kaya binalik ko tingin ko sa kanya at katulad kanina ay dahan dahang parin syang lumalapit sakin.

Layo lang ako ng layo sa kanya pero natigil ang pag layo ko nang maramdaman kong may nakaharang na sa likod ko at yun ang sofa.

Nung napahinto na ako sa kakaatras at huminto rin sya sa pag lapit at nag tititigan lang kami.

Nang bigla syang tumakbo papalapit sakin habang sumisigaw. Kaya napatayo na ako at nag habulan kami sa loob ng kwarto ko.

Sa sobrang takot ko ay sumisigaw na rin ako habang tumatakbo. Ikot lang kami ng ikot sa loob ng kwarto ko, at sa buong buhay ko ngayon lang ako tumakbo ng ganto kabilis dahil ayaw nila akong nag papagod.

Grabe ang liit nyang tao pero bakit ang bilis nyang tumakbo. Hinihingal na ako pero nag hahabulan pa rin kami, kung kanina ay sumisigaw sya ngayon ay tawa na sya ng tawa habang hinahabol ako at ako naman ay hindi na makasigaw dahil nahihirapan na akong huminga dahil sa pagod.

Natigil ang pag takbo ko ng may marinig akong mahinang kalabog sa likuran ko at may marinig akong mahinang hikbi.

Pag lingon ko ay nakita ko yung maliit na tao na naka dapa sa lapag at nakatingin sakin habang may mga luhang bumabagsak sa mata nya.

At kung kanina ay mahinang pag hikbi lang ngayon ay palakas na to ng palakas hanggang pumalahaw na to ng pag iyak.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihingal pa rin ako, nakakaramdam na ako ng medyo pagkahilo dahil na rin siguro sa sobrang pagod.

Lalapitan ko ba tong maliit na taong to? Baka mamaya may masamang balak pala to sakin tulad ng sinasabi nila Zero na masasamang nilalang. Pero, ano naman ang magagawa sakin ng maliit na tao na to? Eh di hamak na mas malaki ako sa kanya.

Patuloy lang sya sa pag iyak nung itaas nya ang kamay nya habang nakadapa parin, yung tipong nag papakarga sya.

Kahit na medyo natatakot ako sa kanya ay mabagal at maingat akong lumapit sa kanya. Nung nasa harapan nya na ako ay lumuhod ako at inalalayan ko syang tumayo. Nung nakatayo na sya at hindi na to umiiyak pero humihikbi pa rin to.

Pinunasan ko ang luha nya, dahil dito ay nalagyan ng kulay pula yung kamay ko na nanggaling sa mukha nya.

Inamoy ko kung ano yung pulang yun at naamoy ko ang matamis na amoy ng strawberry.

Bigla syang may kinuha sa bulsa ng soot nyang jumper na kulay puti, pagkakuha nya ay bumungad sakin ang isang medyo gutay gutay na TINAPAY????

Pagkakuha nya non ay nilapit nya sa mukha ko ang tinapay na mukhang nayupi na sa bulsa nya at ngumiti na sakin.

"Gusto? Masarap berry jam ko." Medyo bulol na sabi nya sakin at mas nilapit sa bibig ko yung tinapay na mukhang hindi na talaga pwedeng kainin.

Umiling ako at nilalayo ko sakin yung tinapay pero nung makita kong nawala ang ngiti nya at parang iiyak nanaman ay di ako mapakali.

Kaya kahit labag man sa loob ko ay kinuha ko yung tinapay na inabot nya at naka ngiwing kinain kong lahat. Pero nung nakain ko na yung tinapay na inabot nya ay nawala yung ngiwi ko at natigilan ako sa pag nguya.

"Ang sarap nito ah, san mo kinuha yung tinapay na may palaman na strawberry jam?" Tanong ko don sa kaharap kong maliit na tao.

"Don." Sabi nya sabay turo sa may pinto.

"Tara tara, kuha tayo ulit." Sabi nya habang hinihila yung damit ko.

Tumingin ako sa may pinto, mahigpit na bilin sakin nila Mama na wag na wag daw akong lalabas dito dahil delikado daw.

BInalik ko yung tingin ko don sa maliit na tao.

"Anong pangalan mo?" Pag iiba ko na lang ng usapan baka mag pumilit pa syang lumabas kami. At baka pag ginawa nya yon ay lumabas talaga ako kahit alam kong bawal.

Dahil sa di malamang dahilan ay may kakaiba akong nararamdaman pag natititigan ko ang mga mata niya. Parang may nararamdaman akong kakaiba sa dibdib saka sikmura ko parang may gumagalaw na ewan.

"Kina!" Masiglang sagot nito.

"Ganda ng name ko no. Ikaw po kuya ano name mo po.?"

Sabi nila mama na bawal akong makilala ng kahit na sino maliban sa kanila. Napabuntong hininga ako, kahit ba sa maliit na taong to bawal kong sabihin ang pangalan ko?

"Uy kuya wala ikaw pangalan?" Inosenteng sabi nito.

"Zero, Zero ang pangalan ko Kina. Ang ganda no?" Sabi ko na naka ngiti. Wala naman sigurong masama kung gagamitin ko muna ang pangalan ng kapatid ko diba? Sabi naman nila bawal akong makilala ng kahit na sino, parehas naman kami ng mukha ni Zero eh kaya ayos lang naman siguro. Saka wala naman sila Zero dito ngayon sinama sya ng mga magulang namin may pinuntahan silang pag titipon sa malayong lugar at matagal daw silang mawawala. Pero kahit wala naman sila dito ng matagal okay lang sanay naman ako na ako lang mag isa.

"Zero, ikaw gusto ko" Masayang sabi nito at bigla akong niyakap, dahil nakaluhod ako sa harapan ni Kina ay sa leeg ko pumalupot ang mga braso nya.

Kaya rinig na rinig ko ang hagikgik nito, napangiti na lang ako at niyakap ko rin siya.

"Ikaw din ang gusto ko."

Hindi ko alam pero yun ang lumabas na mga salita mula sa labi ko. Ilang minuto ko pa lang syang kasama pero pakiramdam ko napunan nya ang bagay na kulang sakin. Isang bagay na hindi ko alam kung ano pero nag dudulot ng labis na kaligayahan sa puso ko.

Inalis ko na ang pagkaka yakap ko sa kanya at ganon din sya. Tinignan ko ang mukha nya at napangiwi nung makita ko ulit ang mga pulang mansya sa bibig at pisngi niya isabay pa ang mansya sa damit nya.

Tumayo ako at inakay sya papunta sa kama ko at inupo sya don.

"Sandali kukuha lang ako ng pwedeng ipampunas sayo." Sabi ko saka pumunta sa cabinet ko para kumuha ng pwedeng ipampunas.

Nung nakakuha na ako ay lumapit na ako sa kanya at pinunasan ko na ang mukha nya, kamay nya at damit nya. Nung sa tingin ko ay ayos na at wala na syang dumi sa mukha at kamay ay tinignan ko syang mabuti. Ang linis na nyang tignan maliban na lang sa damit nyang suot, dahil dumikit na yung kulay ng jam sa damit nya.

Isang batang babae na may bilugang mata na mahahaba ang pilik mata, mapupulang maliit na labi at katamtamang kapal ng kilay tama lang sa isang bata. Dahil medyo malusog to ay matambok ang kanyang mga pisngi na nag dagdag ng ka cute tan sa mukha nito. Lagpas balikat na medyo kulot sa dulo ang buhok nito. Para syang yung nakikita ko na bata sa librong nababsa ko na may mga larawan din.

Pag titig lang sa mukha nya ay labis na kaligayahan na ang nararamdaman ko. Hindi ko man mapaliwanag ngayon alam ko na darating ang panahaon na maiintindihan ko to.

Mula non ay laging pumupunta ang maliit na taong yon sa kwarto ko at nakikipag laro sakin. Minsan pa nga ay may dala siyang pag kain para sakin kaya hindi ko na kinakain ang mga pag kain na naka handa sakin.

Pero biglang isang araw ay hindi ako pinuntahan ni Kina. Inantay ko sya pero walang batang babae ang nag bukas ng pinto ng kwartong yon.

************************************

Napabuntong hininga ako at tinitigan ko lang si Yuki. Kung nag pakilala lang ako sayo sa tamang pangalan ko, siguro ako ang mahal mo hindi ang kambal ko. Kung hindi lang nila ako tinago sa lahat, siguro masaya na tayo ngayon.

Maraming siguro, maraming baka at maraming kung. Hindi ko alam na sa simpleng pag papakilala ko sayo gamit ang pangalan ng kambal ko. Maraming mawawala sakin, maraming naagaw sakin.

Pero tulad ng dati nag pakilala pa rin ako sayo bilang Zero, dahil nag babakasakali akong pag nag pakilala ako sayo bilang Zero ay mabaling na sakin ang atensyon mo. Na mabalik ko ang dapat na akin.

"Kina." Mahinang banggit ko sa pangalan nya.

"Kahit anong mangyari hindi man ako ang piliin mo, pero ikaw lang ang pipiliin ko. Kahit ang buhay ko pa ang maging kapalit ng buhay mo. Malugod kong ibibigay sayo."

Sabi ko sa kanya at hinagkan ko ang noo nya saka ako tumayo at lumabas na ng kwarto nya.

Pag kababa ko ay nakita ko si Eliz na naka upo sa sofa habang umiinom ng kape.

"Aalis na ako." Ang sabi ko nang nasa harapan nya na ako.

Binaba nya ang tasang iniinuman nya at nakangiting tumingin sakin.

"Salamat sa pag tulong mo sa pag babantay kay Yuki."

Tumango lang ang sinagot ko sa kanya at lumabas na ako ng bahay nila.

Ilang bwan na naming ginagawa to mula nung unti unting nag paparamdam kay Yuki ang alala nya ay unti unting umabalik na rin ang lakas nya. Lakas nya na nang aakit sa mga mabababang uring Danag at Soucouyant.

Tumingin ako sa kalangitan nang nakalabas na ako sa pintuan nila. Maliwanag na kaya ligtas na si Kina. Dahil ang mabababang uri ng Danag at Soucouyant ay hindi kinakaya ang init na nag mumula sa araw.

Naglalakad na ako papalapit sa motor ko nang may maramdaman akong kakaibang prisensya. Hinanap ng mata ko kung saan ito nang gagaling at nakita ko ang isang babae di kalayuan sa kinalalagyan ko.

Babaeng naka itim na dress na ang haba ay hanggang tuhod pati sapatos nya ay itim dahil sa malaking sun hat nito na kulay itim din ay di ko makita ng buo ang mukha nya dahil halos natatakpan nito ang kalahati ng mukha niya.

Ang ilong at ang nakangiting labi lang nito ang nakikita ko.

Lalapitan ko na sana sya dahil may kakaiba akong nararamdamang prisensya sa kanya ay nagulat na lang ako ng lumakas bigla ang hangin.

Naiharang ko ang mga kamay ko sa mukha ko ng may maramdaman akong parang nahiwa ako sa pisngi ko dahil sa hangin na dumaan sa mukha ko. Pag alis ko ng mga kamay ko na naka harang sa mukha ko at tignan ang kinaroroonan ng babae kanina ay wala na to. Kahit saan ako tumingin ay wala na akong nakitang babae na naka itim na damit sa paligid ko.

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko na may hiwa ako sa kanang pisngi ko. Pero wala pang ilang minuto ay gumaling na to pero ramdam ko pa rin ang hapdi ng pisngi ko.

Napabuntong hininga ako tinignan ko ulit ang paligid ko. Pero wala na akong makita ni bakas ng babaeng yon. Kaylangan ko na talagang higpitan ang pag babantay kay Kina.

Nung masiguro kong wala na talaga akong nararamdaman na prisensya sa paligid ay sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na to at umalis na ako.

Chapitre suivant