"Sure ka ba jan sa sinasabi mo Yuki? Baka naman imagination mo lang na magkamukha sila." Di parin naniniwalang tanong sakin ni Hazel. Hay naku pang ilang beses na nya yang tinatong sakin.
Nandito kasi kami sa may likod ng school, puro puno pero di naman nakakatakot. Mas maganda nga eh, kasi presko dito at pwedi kang manahimik dahil walang masyadong pumupunta dito. In short walang maingay.
"Oo nga ang kulit mo no kanina ko pa sinasabi sayo yan." Naiinis na sabi ko sakanya.
Pagka dismiss na pagka dismiss kasi samin kanina hinatak ko na sya papunta dito, pero syempre nilagay na muna naming ung mga kamit naming sa locker naming. Para wala kaming ala dala sa pag punta naming dito.
"Kasi naman friend, kahit sino naman atang matinong tao di maniniwala sayo no." napapakamot na sa ulong sabi nito sakin."Isipin mo na lang, ung lalaking lagi mong napapaniginipan, at take note na may kulay red na mata pa, bigla na lang lilitaw na parang kabute." Nakacross arm ng sabi nya sakin. Halatang di pa rin naniniwala sa mga sinasabi ko
"Ewan ko sayo kung ayaw mo maniwala di wag." Sabay upo sa may paanan ng puno kung san kami tumambay. Pinatong ko ang kanang paa ko sa isa ko pang paa , parang nag kabesa ako pero dahi nakaupo ako sa lapag naka unat ang paa ko.
"Ay, ano yan? Tampo ka na agad di lang maniwala." Sabi nito sakin,
Kase naman, pagkatapos ng subject namin agad ko syang hinila dito para lang masabi ko sa kanya to. Tapos tong tipaklong na to di man lang maniniwala.
"Di naman sa ganon, kasi kamukha nya talaga eh. Tignan mo na lang, ung lalaki sa panaginip ko matangkad, sobrang pute para na ngang walang dugo, matangos ang ilong, maganda ung build ng katawan, sobrang pula ng labi, maganda ung shape ng mukha. Pares ng dun sa bagong transfer student. Ang pinagkaiba nga lang nila ung mata kasi nga diba red ung sa panaginip ko sya light brown ung mata nya."
Pagkatos kong sabihin yon na medyo humihingal pa sa haba ng sinabi ko, nagulat na lang ako ng bigla syang tumawa ng sobrang lakas as in sobrang lakas. Buti na lang walang tao dito maliban samin kung di pinagtinginan na nila kami.
"Grabe ka Yuki ang lakas na ata ng tama mo jan sa transfer student na yun ha. Kung purihin mo na kulang na lang sabihin mong perpektong mukha." Naluluha pang sabi nito sakin. Tignan nyo hirap na hirap na nga akong mag explain sakanya tapos tinawanan nya lang ako.
"Ano ba Hazel seryoso ako" nakasibangot na sabi ko sa kanya. Hay naku, naiinis na ako ditto sa kaybigan kong to.
"Oh sige na baka lalo ka pang mapikon. Pero seryoso na, base on scientific study, hindi kayang lumikha ng imahe o mukha ang utak natin. Meaning kapag nanaginip ka ng taong di mo alam kung sino, pweding nakasalubong mo sya at di mo lang pinansin pero natandaan sya ng utak mo at sya ang naging character sa panaginip mo." Mahabang paliwanag nito sakin. Para tuloy syang teacher kung mag explain
"Meaning nakita ko na sya di ko lang matandaan ganon."
Tango lang sagot nito sakin.
"How about the situation, ung mga pang yayari sa panaginip ko."
"Yuki, ang panaginip pweding salamin sa hinaharap, pweding salamin ng nakaraan, at pweding sadyang nasosobrahan ka lang sa kakabasa mo ng tungkol sa mga kung ano ano at kakapanood mo na rin." Sabi nito.
Bigla naming kumunot ang noo nya at parang may iniisip na kung ano.
" Sandali, diba nawalan ka ng memory about sa 16 years ng buhay mo, baka naman kilala mo sya non. At dahil may amnesia ka ngayon kaya di mo lang natatandaan."
Napaisip naman ako sa sinabi nya sakin. May punto nga sya don pano kung kilala ko na sya dati at dahil may amnesia nga ako ngayon kaya di ko maalala.
"Pero kung kilala nya ako, bakit kanina parang wala lang. Di nya nga ako kinausap."
"Yan ang di ko alam, tanungin mo na lang kaya sya."
Napaisip naman ako, tanungin ko kaya. Pero baka sungitan ako non. Mukha pamanding pinag lihi sa sama ng loob ung taong yon.
"Hoy alis na ko ha" sabi nito at nag lakad napaalis.
"San ka pupunta bat iiwan mo ako dito?" sabi ko sakan ya na medyo malakas na ang boses ko. Medyo malayo na sya.
"May pasok pa ko kita na lang tayo mayang lunch time, txt na lang kita." Sabi nito ng di man lang lumingon sakin at nag wave na lang sya ng kamay sakin na di parin lumilingon.
Ng malayo na sya sa kinaroroon ko napasandal na lang ako sa may katawan ng puno. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala naman sigurong makakakaita sakin dito.
Habang nakapikit ako, pilit kong inaalala kung ano nga bang nangyari sakin 8 years ago. Bago daw ako naaksidente. Pero kahit ano isip ko wala talaga.
Pano kaya kung kilala ko nga yung lalaki na yon. Bigla naman pumasok sa isip ko ung sinabi ni hazel sakin kanina.
"Yuki, ang panaginip pweding salamin sa hinaharap, pweding salamin ng nakaraan, at pweding sadyang nasosobrahan ka lang sa kakabasa mo ng tungkol sa mga vampire at kakapanood mo na rin. Sandal, diba nawalan ka ng memory about sa 16 years ng buhay mo, baka naman kilala mo sya non. At dahil may amnesia ka ngayon kaya di mo lang natatandaan."
Salamin ng nakaraan at ng hinaharap. Pwedi ba yon.
Napabuntong hininga ako dahil di ko rin naman masagot ang mga katanungan na bumabagabag sakin. Natigilan ako sa pag iisip ng biglang humangin ng malakas. Di ko na lang pinansin yon at di parin ako dumilat. Mas narerelax ko kasi ang isip ko kung naka pikit ako.
Hmahangin parin pero medyo nag tataka na ako. Bat ngayon sa mukha ko na lang yung hangin tumatama. At bat ganon ang bango naman ata ng hangin dito.
Saka feeling ko may nakatingin sa kin ngayon.
Pero di ko na lang pinansin. Mas gusto ko na lang pumikit.
Pero bat parang di humihinto ung hangin kanina pa. At sa mukha ko lang talaga tumatama ung hangin.
Unti unti kong binuksan ang mata ko para tignan ang paligid ko pero iba ang nakita ko.
O___O ...
>/////////////<
oh my god may magandang nilalang akong kaharap di lang basta kaharap dahil ilang inch na lang ang layo naming sa isat isa, as in konting maling kalaw ko lang makikiss ko na sya.
Napatingin ako sa bandang baba nya at nagulat ako sa posisyon nya.
Nakapagitan ang mga hita nya sa mga legs ko, ung posisyon na nakaluhod ung isa nya lang tuhod tas ung isa hindi. At ung isa nyang kamay nasa bandang taas ng ulo ko nakahawak sa may puno kung san din ako nakasandal at ung isa naman nakahawak sa may lupa ung dulo lang ng daliri nya ung nakasayad sa lupa.
"A-anong k-ay l-langan m-mo?." Tanong ko dito. Sh!t lang talaga sobrang kinakabahan na ako dito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang ano mang oras lalabas na to sa diddid ko. Tapos sobrang lapit nya pa sh!t lng talaga.
Lalo pang nag loko ang puso ko ng bigla syang ngumiti, bat ganon ang gwapo nya lalo. Mas lalong di ko alam ang gagawin ko. Nag iwas na lang ako ng tingin baka kung ano pang magawa ko.
Oo tama kayo ng basa baka ako ang may gawin sakanyang masama.
"Pano kung sabihin kong ikaw ang kaylangan ko anong gagawin mo." Mahinang sabi nito pero rinig na rinig ko parin.
Bakit ganon kahit ang boses nya ang gwapo parin. Kung kanina abnormal palang ang puso ko ngayon, mas malala na. ung hearth beat ko na lang ang naririnig ko. Para akong mabibingi sa lakas ng kabog nito.
Napatingin ako sa mga mata nya. Di ko alam pero di ko maalis don ang tingin ko. Di nga ako nag kamali ng tingin kanina light brown nga ang kulay nang mga mata nya at hindi red.
Lumipas na ang ilang minuto di ko parin inaalis ang pag kakatitig ko sa kanya. Wala din syang sinasabi, kahit nga kumalaw basta nakatingin lang din sya sakin. Di ko alam kung bakit, pero kusto kong hawakan ang pisngi nya.
Tama kaya si Hazel na pweding parte ng buhay ko ang taong kaharap ko ngayon.
Di ko alam kung bakit, pero kusang umangat ang kanang kamay ko at hinawakan ko ang pisngi nya. Medyo nagulat pa sya sa kinawa ko, kahit ako nagulat din. Bakit ko sya hinawakan?.
Anong meron sa kanya, at di ko maalis ang tingin ko sa mga mata nya. Sino ba talaga sya?, parte ba talaga sya ng buhay ko dati. Kilala nya kaya ako.
Unti unting nawala ang gulat sa mukha nya at hinawakan nya rin ang kanang pisngi ko. Yung kamay nya na nakahawak sa lupa ang pinanghawak nya sa pisngi ko. Dahil sa pag hawak nya sakin mas lalong lumakas ang kabog ng diddid ko. At parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay nya papunta sakin.
"Zero." Napangiti sya ng tinawag ko sya sa pangalan nya. Ibat ibang emosyon na ngayon ang nakikita ko sa mga mata nya. Pero ang nangingibabaw don ay ang pananabik at sobrang saya. Pananabik para san? Para ba sakin.
"Umamin ka, kilala mo ba ako. Kasama ka ba sa mga tao at pangyayaring nakalimutan ko ng maaksidente ako. Kasi kung hindi bat parang kilala kita?." Sabi ko sakanya. Pero ngiti lang ang sinagot nya sakin.
"Sino ka ba talaga bat par-." Di ko na natapos ang mga sasabihin ko dahil bigla nya akong hinalikan sa labi.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko pero parang may sariling utak ang mga mata ko dahil pumikit sila.
Hindi gumagalaw ang mga labi naming. Basta nakalapat lang to. Ninanamna ang bawat sigundon.
Di ko alam kung gano kami katagal sa ganong posisyon.
Basta nakapikit lang ako, hawak ko parin sya sa pisngi at ganon din sya.
Bigla akong napadilat ng biglang lumakas ang hangin. Napakurap kurap ako.
Nasan na si Zero bat wala sya sa harap ko. Napatingin ako sa kamay ko nakataas parin sya. Bigla akong napatayo at lumingon sa paligid ko. Pero wala akong nakitang Zero. Kahit anong palatandaan nya sa paligid wala rin. Wag mong sabihing nananaginip nanaman ako.
Napahawak ako sa labi ko. Kung panaginip yon bakit hanggang ngayon ramdam ko pa ang labi nya at ang hearth beat ko abnormal parin.
Tinignan ko ulit ang paligid ko, pero wala talaga sya.
Panaginip nanaman ba yon, pero kung hindi bat ang bilis nyang nakaalis. Di ko man lang nga narinig ang pag takbo nya.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sya sa may bulsa ng palda ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sakin, si Hazel lang pala. Ang kulit talaga nitong babaeng to ilang beses na syang napagalitan dahil sa pag gamin ng phone sa loob ng room. Madali kasi syang mainip parang ako lang din.
Pinindot ko na ang answer at tinapat sa kanang tenga ko ung phone ko. Dahil medyo mahaba umabot hanggang sa may pisngi ko ung phone ko.
"Hoy, bat ang tagal mong sagutin ung phone mo." Wow lang ha, to na pala ang kapalit ng hello ngayon. =__=
"Hoy karin, bat mo nanaman ginagamit yang cp mo sa room. Pag nahuli ka nanaman katagut tagot nanaman na sermon ang matatamo mo sa mabait mong teacher." Acaunting kasi ang subject nya ngayon, at nasaktohan pang ang pinaka mabait na teacher ang napunta sa kanya. Sa sobrang bait nga nito ang dami ng pinaiyak nito. Kilala sya sa buong building ng BA bilang *ang dakilang nangbabaksak*.
"Ay, g@ga lang te, kaylan ka ba huling tumingin sa orasan mo ha. Kanina pa ako nag hihintay sayo dito sa cafeteria."
"Anong oras na ba?" halos kakaalis lang nya ha. Panong matagal na syang nag hihintay sakin. Ano un di sya pumasok.
"Hay naku, 12:20 na po. Meaning 20 minute's na akong naghihintay sayo dito nasan kana ba."
"Ano? 12:20 na." nagulat kong sabi sakanya.
"Oo, kaya pumunta ka na dito. Nagugutom na ako eh, sige na babush bilisan mo ha." At nag end na ang call.
Binaba ko na ang cp ko ng di ko tinitignan. Pano nangyari yon. Eh halos kakaalis lang nya dito.
Para makasiguro tinignan ko ang oras sa phone ko pero napakunot noo ako dahil may lupa ung phone ko. Di ko naman nabagsak to para mag kalupa. Pinunasan ko na lang at tinignan ko ang oras oo nga 12:23 na sa phone ko meaning totoo ung sinabi ni Hazel bat di ko napansin ung oras. Nakatulog nga ba ako.
Wait lang, sa panaginip ko kanina hinawakan nung transfer student ung pisngi ko. At ung kamay na pinanghawak nya ung naka hawak sa lupa.
Bigla kong nahawakan ung pisngi ko. May naramdaman akong magaspang na nasa pisngi ko. Ng tinignan ko ang kamay ko, merong konting buhangin.
Kung meron akong buhangin sa pisngi ko meaning...
Bigla na lang akong napatakbo papunta kay Hazel.
************************
"Yuki, naka drugs ka ba." Yan ang unang sinabi ni Hazel sakin pag katapos kong ikwento sakanya ang lahat ng nangyari mula ng iniwan nya ako kanina.
Nandito na ako ngayon sa cafeteria sa school naming. Medyo malayo kami sa ibang estudyante para di nila marinig ang pinag uusapan namin.
"Baliw, anong naka drugs ang sinasabi mo. Totoo ngang nangyari yon." Pilit kong pinapaunawa sa kanya pero wa epek talaga eh.
"Sabi mo, pag kaalis ko pumikit ka, tapos biglang lumakas ung hangin kaya napadilat ka. Tapos nasa harap mo na sya. Tapos hinalikan ka nya, tapos napapikit ka ulit. Tapos napadilat ka kasi lumakas ulit ung hangin at nagulat ka wala na sya. Ganon ba ang gusto mong sabihin."
"Oo." Tumatangong sabi ko sakanya. Hay salamat mukhang maniniwala na sya.
Medyo tumatango sya. Tapos tumingin sya sa mata ko. Inaabangan ko kung anong sasabihin nya ng biglang...
"YUKI, KAHIT LIMANG TAONG KULANG NA BATA DI MANINIWALA SAYO."
Nagulat ako ng bigla syang sumigaw. Sa sobrang lakas lahat ng tao sa cafeteria nakatingin na ngayon samin. As in lahat, mga teacher, estudyante, kahit ung mga nag seserv dito sa cafeteria. Lahat sila huminto at tinignan lang kami. Alanganin ngumiti ako sa kanila. Kase halos lahat ng nakatingin samin naka kunot na ang noo eh. Saka ako humarap kay Hazel.
"Wag ka ngang sumigaw, lumayo na nga tayo sa iba para di nila marinig ang pinag uusapan natin eh." Tinignan ko ulit ang paligid naming konti na lang ang nakatingin dito pero ung iba nag bubulungan sila tapos titingin sa pwesto naming.
"Yuki kahit ata wala akong sakit sa puso, aatakihin ako sa puso sayo eh." Medyo mahina na ang boses na sabi nya sakin. Pero medyo may diin parin ang pagsabi nya ng mga salita. Mukhang napikon ko na to.
"Totoo naman kasi ung sinabi ko eh, di yon panaginip. Kasi bat merong buhangin ung pisngi ko." Pilit ko paring sabi sa kanya. =3=
"Malay mo ung lumakas ung hangin may nasamang dahon na may lupa, tapos nadikit sa may pisngi mo kaya nalagyan ng lupa. Kaya nga di mo namalayan ang oras kasi nga natututlog ka lang non." Sabi nito na sinasabunutan na ang konting hibla ng buhok nya. Sa pag kakaalam ko ginagawa lang nya un kapag nang gigigil na sya o kaya inis na inis na.
"Pero Hazel, imposible yang sinasabi mo."
"Ah ganon, imposible." Sabi nito na may sarkastikong tono.
Tumango na lang ako sa kanya. Imposible naman kasi talaga eh.
"Gusto mong malaman kung ano ang imposible." Seryosong sabi nito sakin. Di pa man ako nakakasagot sakanya ng sumigaw nanaman sya.
"YANG SINASABI MO ANG IMPOSIBLE, MAS IMPOSIBLE PA SA IMPOSIBLE." Sh!t naman oh, nakatingin nanaman ang mga tao dito samin. Bat ba sigaw ng sigaw tong babaeng to. Nakakahiya na eh.
"Hay naku, mamamatay na ata ako sa konsimisyon ngayong araw na to." Sabi nito habang hawak hawak ang ulo.
Tinignan lang nya ako tas umiling, bigla syang tummayo.
"San ka pupunta?." Nag tataka kong tanong sa kanya.
"Bibili lang ng inumin, baka mamaya mahimatay na ako sa konsimisyon sayo." Pagkasabi nito ay nag lakad na papuntang cashier.
Napayuko na lang ako sa may lamesa. At pinikit ko ang mga mata ko.
Bat ba ayaw nyang maniwala totoo naman ang sinasabi ko sa kanya eh. Pero pano nya kaya nagawang mawala ng bigla.
Hay naku, mababaliw na ata ako eh. Nakakainis na. kung natatandaan ko lang sana ang nangyari bago ako maaksidente sana di ako namomoblema nagyon.
Natigilan ako sa pag iisip ko ng may umupo na sa may harap ko. Ang bilis naman ata ni Hazel bumili.
"Ang bilis mo naman atang bumili." Sabi ko at tinignan ko sya.
Pero ibang pares ng mata ang nakita ko. Mga matang may kakaibang kulay. Kusto kong tawagin si Hazel pero di ako makagalaw. Di ko nga maalis ang tingin ko sa mga matang yon. Kahit ang tignan ang buong mukha nya di ko magawa. Basta sa mata nya lang ako nakatingin.
Di ko alam kung gano katagal akong nakatingin sa mga matang yon. Pero bat padilim ng padilim ang nakikita ko. Para akong inaantok. Kinakalaban ko ang antok ko pero di ko kaya. Hanggang sa nag dilim na ang paningin ko. At di ko na alam kung anong nangyari.
Hi guys, please support and love my story and please comment para malaman ko naman yung mga thoughts ninyo. Sorry if hindi sya masasabing matured story (hindi yung matured na green) because to po yung unang kwento na isusulat ko. Thanks and love yah...