~Morning~
"Mukhang napag-isipan mo na ng mabuti ang iyong sagot, hijo."
Nakangising kumento ni Dalis kay Jay nang maupo na ang binata sa sofa na kaniyang kaharap sa loob ng kanilang salas. Napabuntong hininga ang binata bago tignan ang matandang babaeng kaniyang kaharap at saka nginisian ito pabalik.
"Kung iisiping mabuti… sa lahat ng rason niyo na naghahanap kay Yvonne… mas pipiliin ko pang maging boyfriend ng apo mo kesa maging girlfriend si Yvonne ng apo ni Tazara o kaya maging kasabwat ni Paulina si Yvonne sa pagsakop sa mundong kinaroroonan natin ngayon."
Nakangising tugon ni Jay kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae, dahilan upang mawala ang ngisi ng matandang babae sakaniyang mga labi at manlaki ang mga mata nito habang patuloy pa ring tinitignan ang binata.
"Anong sabi mo?"
Tanong ni Dalis kay Jay habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang binata at saka tinakpan na ang kaniyang labi gamit ang kaniyang kanang kamay. Bahagyang natawa ang binata dahil sa ipinakitang reaksyon sakaniya ng matandang babae.
"Alam mo na hinahanap rin si Yvonne nila Paulina at Tazara, pero panong hindi mo alam kung ano ang kanilang mga rason sa paghahanap nila sakaniya?"
Tanong pabalik ni Jay kay Dalis habang nginingisian pa rin nito ang matandang babae. Mabilis na inalis ng matandang babae ang kaniyang kamay mula sakaniyang labi at saka seryoso na nitong tinignan ang binata.
"Bakit ang dalagang iyon ang gustong maging kasabwat ni Lina sakaniyang pagsakop sa mundong ito?"
Tanong muli ni Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Napangiti pa lalo ang binata sa matandang babae sabay dekwatro nito at cross arms.
"Ano pa ba sa tingin mo?"
Tanong pabalik muli ni Jay kay Dalis habang patuloy pa rin ito sa pagngiti sa matandang babae. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga ang matandang babae sabay tingin na nito sa coffee table na pumapagitna sakanilang dalawa ng binata.
"Hindi… pinaglololoko mo lang ako… kung ang apo ni Bea ang tinutukoy sa propesiya… bakit ko nagawa ang pagkakamaling iyon!?"
Galit na tanong ni Dalis sakaniyang sarili habang dahan-dahan na nitong hinahawakan ang kaniyang ulo at pabalik-balik na ang kaniyang tingin sa coffee table at sa sahig. Natawa nanaman ng bahagya si Jay dahil sa reaksyon ng matandang babae sabay alis na nito ng kaniyang pagkaka dekwatro at cross arms, kuha ng papel mula sakaniyang bulsa, inilapat ito sa coffee table at dahan-dahan itong inilapit sa puwesto ng matandang babae.
"Ano naman iyan?"
Tanong ni Dalis kay Jay sabay tingin na sa papel na inilapit sakaniya ng binata at dahan-dahan nang inalis ang kaniyang pagkakahawak sakaniyang ulo. Hindi sinagot ng binata ang matandang babae, sapagkat nginitian lamang niya ito kaya't kinuha na ng matandang babae ang papel at saka binasa na ang nakasulat rito.
"Paano ako nakaka sigurong tutuparin mo ang naka ulat sa kasunduang ito?"
Tanong nanaman muli ni Dalis kay Jay habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang binata at hawak pa rin ang kontratang iniabot nito sakaniya. Nakangiting inilapat ni Jay ang kaniyang kaliwang kamay sa ere, inilagay ang kaniyang kanang hintuturo sakaniyang kaliwang palad at saka gumuhit ng linya rito, dahilan upang magdugo ang kaniyang palad. Tumango ang matandang babae kaya't inilapag na nito ang kontratang kaniyang hawak at saka ibinalik muli sa binata upang pirmahan na ito.
"Iyan siguro ang dahilan kung bakit ka nagustuhan ng aking apo na si Daisy."
Nakangising kumento ni Dalis kay Jay habang ginaya na rin nito ang ginawa ng binata kanina. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng binata nang marinig ang pangalan ng apo ng matandang babae habang pinipirmahan na nito ang kontrata.
"Kailan mo balak ligawan ang aking apo, hijo?"
Nakangiting tanong ni Dalis kay Jay nang kunin na nito mula sa binata ang kontrata. Hindi kaagad sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng matandang babae sapagkat tumingin lamang ito sa kontratang pinipirmahan na ng matandang babae.
"Kapag natupad mo ang kontrata natin."
Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kontrata nang walang emosyon sakaniyang mukha. Nakangiting ibinalik muli ng matandang babae ang kontrata sa binata at saka ginamot na ang kaniyang sinugatang palad.
"Umaasa akong tutuparin mo ang nakasulat sa kasunduang iyan."
Nakangiting sabi ni Dalis kay Jay habang nakatingin nang muli ito sa binata na kinuha na ang kontrata, inilagay sa bulsa, tumayo at saka naglakad na papalabas ng mansion ng mga Sebastian nang hindi man lang tinitignan ang matandang babae.
"Mag-iingat ka saiyong paglalakbay, hijo~!"
Pamamaalam ni Dalis kay Jay habang nakangiti pa rin itong nakatingin sa nakatalikod na binata. Hindi sinagot ng binata ang matandang babae at nagtuloy-tuloy lamang ito sakaniyang paglalakad tungo sa pintuan. Nang buksan na niya ito ay pumasok na ito at saka iniluwa siya ng pintuan sakaniyang kwarto sa pamamahay ni Jacqueline.
"Kahit matanda ka na wala ka pa ring natututuhan."
Mahinang kumento ni Jay kay Dalis nang mayroong ngisi sakaniyang mga labi nang maisara na nito ang pintuan ng kaniyang kwarto sabay labas na ng kontrata nila Dalis. Binuksan nanaman niyang muli ang pintuan ng kaniyang kwarto ay mabilis siyang nagtungo sa kwarto ng kaniyang Lolo't Lola upang ipakita kay Jacqueline ang kontrata.
"Lola Jacqueline! Tama ka po! Hanggang ngayon hindi pa rin po nagbabago si Dalis!"
Nakangiting Bungad ni Jay kay Jacqueline sabay upo na nito sa tabi ng kaniyang Lola na nakaupo sa kama. Nginitian pabalik ng matandang babae ang kaniyang apo habang nakatingin na rin ito rito.
"Pinirmahan niya ba gamit ang kaniyang dugo?"
Nakangiting tanong ni Jacqueline kay Jay habang nakatingin na ito sa kontratang iniabot sakaniya ng binata. Tumango ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang Lola habang nakangiti pa rin siya.
"Wala talagang magandang kakalabasan ang kaniyang hinaharap sapagkat hindi pa rin siya nagbabago."
Kumento ni Jacqueline sabay kumpas na ng kaniyang kamay sa ibabaw ng kotratang kaniyang hawak, dahilan upang magbago ang mga naka ulat roon.
"Hindi niya alam na ang kaniyang mga nabasa kanina ay panakip lamang sa totoong naka ulat sa kasunduang ito."
Nakangiting dagdag pa ni Jacqueline sakaniyang sinabi kanina sabay tingin na kay Jay na nakatingin at nakangiti pa rin sakaniya.
~ Madness always make incredible things that no one has ever done. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!