webnovel

Anonuevo's Residence 8

~Umaga~

"A-ano sabi mo?"

Naguguluhang tanong ni Aneska kay Jervin habang nakakunot na ang noo nito. Ang ina nama'y tinignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Yvonne Tamayo ang pangalan ng bagong lipat kong kaklase."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Aneska sakaniya habang nakatingin ito sakaniyang tita nang walang bakas ng kahit na anong emosyon sakaniyang mukha. Nagpakawala ng malalim na hininga ang ina ng binata dahil sa gulat nito. Ang tita naman ng binata ay nagkasalubong ang kilay, iniwas ang kaniyang tingin sa binata ng panandalian at saka tinignan na ang ina ng binata.

"Isabelle."

Seryosong tawag ni Aneska sa ina ni Jervin na nagngangalang Isabelle habang mataimtim na nakatingin rito. Agad na nilingon ng ina ng binata ang tita nito.

"Bumalik ka na. Isama mo si Jervin. Kailangan walang ibang makaalam nito."

Sabi ni Aneska kay Isabelle habang patuloy pa ring tinitignan ang ina ni Jervin ng mataimtim. Nagdikit ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng kaniyang tita, naguguluhang tinignan ang ina at saka tinignan ang kaniyang tita.

"Isama saan? Bakit kailangang walang makaalam? Anong meron Tita Aneska?"

Sunod-sunod na tanong ni Jervin kay Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang tita. Nagpakawala lamang ng malalim na hininga ang tita at saka ibinaling ang kaniyang tingin sa binata.

"Malalaman mo rin sa tamang panahong, hijo."

Tanging sagot lamang ni Aneska sa mga tanong sakaniya ni Jervin. Mas lalu pang nagdikit ang kilay ng binata, umiling sa tita at saka tumayo na.

"Kung aalis man ako ngayon, un ay dahil papunta ako sa trabahong inalok sakin ni Yvonne dahil sabado. Salamat sa pagbisita mo samin Tita, pero kung saan ka man papunta kasama si Mama… wag mo na akong isama."

Matapang na sagot ni Jervin kay Aneska at saka naglakad na patungo sa hagdan at umakyat na pabalik sakaniyang kwarto. Naiwang nakaupo ang ina at ang tita ng binata sa salas habang parehong nakatingin sa hagdan.

"Paano ninyo pinalaki ng iyong asawa si Jervin?"

Tanong ni Aneska kay Isabelle habang nakatingin pa rin ito sa hagdan. Mabagal na nilingon ng ina ang tita ng binata at saka napalunok ito dahil sa kaba. Ngunit agad na nagtaka ang ina dahil biglang ngumiti ang tita ng binata.

"Ipagpatuloy niyo lamang iyon, nang sa gayon ay maipakita niya sa lahat ang kaniyang tunay na sarili sa kanyang pagbabalik."

Nakangiting sabi ni Aneska sabay tingin na nito kay Isabelle. Nagpakawala ng malalim na hininga ang ina ng binata at saka nginitian pabalik ang tita nito.

"Bumalik saan?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang nakahiga sakaniyang kama, nakatingin sa kisame at inaalala ang kaniyang pag-uusap kasama sina Aneska at Isabelle. Umiling na lamang ang binata, tumayo at saka naglakad na patungo sa cabinet na katabi ng salamin.

"Oh? Pupunta ako sa water station nila Hendric tapos di ko alam kung nasan un?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili bago pa man niya mabuksan ang kaniyang cabinet. Bigla na lamang niyang hinawakan ang kaniyang mukha gamit ng kaniyang isang kamay.

"Makaligo na nga lang muna."

Sabi ni Jervin sakaniyang sarili nang inalis na niya ang kaniyang kamay mula sakaniyang mukha. Naglakad na ang binata patungo sa pintuan at lumabas.

"Kelan ka ulit babalik?"

Tanong ni Isabelle kay Aneska. Biglang napatigil sa pag lalakad si Jervin at nanatiti lamang sa tapat ng kaniyang kwarto.

"Kapag marami nang natutuhan mula kay Yvonne at sa mga kaibigan nito."

Sagot ni Aneska sa tanong ni Isabelle sakaniya. Nagdikit ang kilay ni Jervin nang marinig ang sinagot ng kaniyang tita sakaniyang ina. Mabilis na pumasok ang binata sa cr at agad na nilock ang pintuan nito.

"Kilala ni Tita Aneska si Yvonne?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang magkadikit pa rin ang kaniyang kilay at nakatayo lamang sa loob ng cr. Hinawi na lamang ng binata ang kaniyang buhok at saka naghubad na upang makapag-umpisa na sakaniyang pagligo.

"Pero kilala kaya ni Yvonne si Tita Aneska?"

Tanong muli ni Jervin sakaniyang sarili habang nagbabanlaw siya. Umiling na lamang ng malakas ang binata kaya't nagsisitalsikan ang tubig mula sakaniyang buhok.

"Naguguluhan na ako…"

Sabi ni Jervin sakaniyang sarili sabay tingala nito sa kisame. Ang mga kamay ng binata ay nakahugis kamao na. Hindi nagtagal ay napabuntong hininga na lamang ang binata at nagpatuloy na sakaniyang pagligo. Nang matapos na ay agad itong lumabas ng cr at pumasok na sakaniyang kwarto upang magbihis.

Binuksan na niya ang kaniyang cabinet habang nakatapis at saka kumuha na ng damit. Habang nagbibihis ay biglang tumunog ang kaniyang phone, tinignan niya ito at nasilayan ang pangalan ni Yvonne. Mabilis na sinagot ng binata ang tawag ng dalaga at saka inilapit na iyon sakaniyang tainga kahit wala pa siyang suot-suot na pang taas na damit.

"Hello, Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne habang hawak ang kaniyang phone at ang kaniyang pantaas sa isa pa niyang kamay.

"Nasan ka na Jervin?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin mula sa kabilang linya. Inilayo ng binata ang kaniyang phone mula sakaniyang tainga at saka pinindot ang loudspeaker nito at inilapag sa kama upang maisuot na niya ang kaniyang pantaas.

"Andito pa sa kwarto ko. Kakatapos ko pa lang magbihis."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakaniya habang hinahanap na ang kaniyang suklay upang maayos na niya ang kaniyang buhok.

"Ihahatid na kita sa water station nila Dric."

Sabi ni Yvonne kay Jervin at saka tinapos na ang kanilang tawag. Napakunot ng noo ang binata dahil sa ginawa ng dalaga kaya't itinigil na muna niya ang paghahanap sakaniyang suklay at saka nilingon ang kaniyang phone. Imbis na lapitan niya ang kaniyang phone ay napalayo pa ito, sapagkat nakatingin na sakaniya ang dalaga mula sa bintana ng kaniyang kwarto.

"H-hoy! W-wag mong sanayin ang sarili mo ng g-ganyan! Nakakagulat ka!"

Sigaw ni Jervin kay Yvonne habang nakaturo ang kaniyang daliri sa dalaga. Pinanlisikan ng mga mata ng dalaga ang binata at saka nag-cross arms.

"Pumasok ka nga dito! Pag may makakita sayo!"

Sigaw muli ni Jervin kay Yvonne sabay lakad na nito papalapit sa dalaga. Tahimik lamang pumasok ang dalaga sa kwarto ng binata ngunit hindi pa rin nagbabago ang kaniyang tingin at pustura. Nang malapitan na ng binata ay agad itong napakunot ito ng noo.

"Ba't ang pula ng mga mata mo?"

Inosenteng tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinagmamasdan nito ang mga mata ng dalaga. Biglang pinalo ng dalaga ang braso ng binata, niyakap ito at saka nag-umpisa nang umiyak.

"Nakakainis ka! Pinag-alala mo ako! Wag mo nang uulitin un! Letse ka!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
Chapitre suivant