webnovel

Chapter 13

"Are you okay? You're awfully quiet." nagising ako sa pagkakatulala ng bigla akong tanungin ni Georgie habang umiinom kami sa bar na malapit lang sa condo ko.

"Your exhibit was a success pero bakit parang sinakluban ka ng langit?" bakit nga ba? Tinatanong ko din ang sarili ko. When I saw his face after 3 long years, hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin. He still have this hold in my heart na hindi mawala-wala. Miguel, he still have this handsome and innocent face na hindi ko minsan nakalimutan. Akala ko hindi na kami magkikita pero maliit naman talaga ang mundo kaya kahit na anong iwas namin sa isa't-isa, magkikita at magkikita pa din kaming dalawa.

"Earth to Aza?"

"Yes, I'm listening. I'm okay. Pagod lang siguro."

"At kailan ka pa napagod? Sige na, I won't judge. Anong nangyari sa exhibit?"

"I saw him." I said.

"Who? Franco?" tanong ni Georgie.

"No, not him...the reason why Franco and I broke up., I saw him again, in the exhibit. He was with his girlfriend and I can't help but feel...sad."

"Ito ba yung driver na sinasabi mong the one that got away mo?" tumango ako at biglang yumakap sa akin si Georgie. Alam niya kung sino si Miguel at alam niya kung anong nangyari sa almost love story namin noon. Alam niya kung gaano ako nasaktan dahil hindi ko manlang naipaglaban yung totoo nararamdaman ko for Miguel and I still choose Franco dahil siya ang comfort zone ko. Siya din ang nakakaalam na totoong mahal ko Miguel at yung pagmamahal na yun, hanggang ngayon, nandito pa din sa puso ko.

"It's just...surreal. Bakit kailangan magkita pa kami, Georgie? Bakit kung kelan unti unti na akong nakaka move on sa kanya? Kay Franco? Bigla na lang kami pagtatagpuin ng ganun ganun lang tapos..tapos may Klarisse na siya."

Hindi ko napigilan yung luhang pumapatak galing sa mga mata ko. Bakit ganun, ako naman ang nangiwan pero bakit ako ang nasasaktan?

"And then I can see that he's happy and I can't help but think..what if? What if hindi ako nag yes kay Franco? What if pinili ko siya? There are so many what ifs circling right now and it breaks my heart knowing that they are just going to be what ifs."

"Kailangan ba maging what if lang?" Georgie asked. I looked at her at naisip ko, Pwede pa kayang ibalik yung dati kahit pareho na kaming nasaktan?

---

"Kumusta ang date Kuya? Hinatid mo na si Ate Klarisse?" sinalubong ako ni Michelle at pinagtimpla ng kape. "Sila nanay pala, nagpunta ng mall, mag date daw sila ni Tatay." nakangiti niyang sabi.

"Buti naman. Ikaw bakit hindi ka sumama?"

"Walang magbabantay ng tindahan eh. So ano na nga? Kumusta ang date?"

"Ayos naman, tuwang tuwa si Klarisse at na-meet na niya yung idol niya sa photography."

"Talaga ba? Nakakatuwa naman. Sino ba yung idol niya? Magaling ba talaga?" binigyan niya din ako ng isang slice ng cake na tira kagabi.

"Si Aza."

"Ano?"

"Si Aza, yung idol niyang photographer si Aza." muntik ng mabitawan ni Michelle yung baso na hawak niya. Napatingin siya sa akin at napatakip sa bibig niya.

"OMG! Totoo ba?!"

"Oo nga, nag hello pa nga siya sayo."

Hindi agad nakasagot si Michelle, umupo siya sa sofa at tinitigan lang ako. Ano kayang tumatakbo sa isip nitong kapatid ko?

"Ayos ka lang, Kuya?"

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Wala lang, feeling ko kasi..baka hindi."

"Ayos lang ako. Atsaka matagal na yung sa amin ni Aza, sobrang tagal na. Naka move on na ako. Ang mahalaga masaya si Klarisse. Ayun ang importante sa akin ngayon..si Klarisse."

Nagpaalam ako kay Michelle dahil kailangan ko na pumasada, sinabi ko na gagabihin ako dahil kailangan ko kumita ng malaki laki at magbabayad na kami ng ilaw at tubig. Habang nasa kalsada ako, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Aza. Gusto ko malaman kung bakit hindi natuloy ang kasal niya, kung bakit hindi sila nagkatuluyan, kung hinabol ba niya ako, kung sinubukan balikan? Ang daming tanong sa isipan ko na siya lang ang makaka sagot. Sinubsob ko na lang ang sarili sa pamamasada baka sakaling mawala din siya sa isip ko. Ang inaalala ko si Klarisse, noong hinatid ko siya kanina tipid na ngiti lang binigay niya sa akin. Hindi niya alam ang naging relasyon namin ni Aza, ayoko pang sabihin sa kanya. May hinala kaya siya sa naging relasyon namin ni Aza?

"Manong doon lang po sa Vito Cruz." sabi sa akin ng pasahero. Vito Cruz, doon banda ang condo ni Aza, pero ang tanong, doon pa din kaya siya nakatira? Ilang taon ko na din binabaybay ang kahabaan ng Vito Cruz pero hindi ko siya nakita, siguro nga wala na siya dun. Pagpara ng pasahero ay napansin ko ang isang babaeng akay akay ang isang babaeng pamilyar sa akin, galing sila sa isang bar, malapit lang sa Condo ni Aza. Itinabi ko ang taxi at lumabas.

"Aza?" pag aalala kong tanong. Mukhang lasing si Aza, napadami yata ng inom.

"Excuse me? Sino ka?" tanong ng babaeng kasama niya. Tumingin sa akin si Aza at ngumiti.

"Miguel? Ikaw pala yan eh. Why are you here? Georgie this is Miguel, siya yung kinukwento ko sayo. Hehe."

"Oh, the taxi driver."

Tinulungan ko si Georgie at binuhat ang lasing na lasing na si Aza papasok sa condo. Hinatid ko sila hanggang lobby, ayoko na umakyat at baka ma tow ang taxi ko sa labas.

"Sa susunod huwag mong hahayaang malasing ng ganito ang kaibigan mo. Sige na, mag iingat kayong dalawa." mairin kong bilin kay Georgie.

"Wait, bakit ba pinangangaralan mo ako? Ano ka ba ni Aza?" tanong naman niya pabalik, ang kulit naman ng babaeng ito.

"Wala, pero concern lang ako sa inyong dalawa."

"Eh wala naman pala eh." tumawa lang si Aza sa sagutan namin ng kaibigan niya.

"Georgie don't talk to him like that. He's the man that I love. Mahal ko yan si Miguel wag mo inaaway"

Ano daw? Mahal niya ako? Parang tumigil ang mundo ko sa mga sinabi ni Aza. Bago ako makasagot sumara na ang elevator. Tama ba yung narinig ko kay Aza? Gusto ko sanang umakyat pero biglang may tumawag sa cellphone ko. Si Klarisse.

"Hello, mahal. Napatawag ka?"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Nasa biyahe kasi ako."

"Ah, namamasada ka? Sige na mag iingat ka. I love you, Miguel."

"I love you too. Bukas ihahatid kita sa opisina."

"Sige po, see you tomorrow."

Hindi ko na pinagpatuloy ang iniisip kong pagsunod sa unit ni Aza, mali ito. Hindi na dapat ako lumapit sa kanya. Iba na ang mundo namin, kung ano man ang pinagdadaanan niya, labas na ako doon. Ayokong masaktan si Klarisse kung hahayaan kong bumalik si Aza sa buhay ko.

Buti na lang at hindi ako nag amoy alak, kaya pumasada na ako. Magpakasal na kaya kami ni Klarisse? Dalawang taon na din naman kami, nasa wastong edad na. Gusto siya ni Nanay para sa akin, gusto din ako ng pamilya niya. Tama, ito na siguro yung gustong iparating sa akin ng Diyos, ang lumagay na sa tahimik kasama ang babaeng sumagip sa nalunod kong puso.

Chapitre suivant