webnovel

Untold story 2

And just when you think that all the pain is over, it comes back.

༺༻

Cake

Chapter 2

Ilang linggo. . .ilang linggo na kaming kasal ni Neon pero parang wala lang ako sa kaniya. One week before kami lumipat sa sarili naming bahay ay hindi niya lang ako hinalikan o hinawakan. Wala lang nangyaring honeymoon.

Araw-araw naman akong nagpapaganda pero bakit parang hindi epektibo?

Napabuntong hininga ako. Baka kulang pa ang alindog ko.

"Neon," pagtawag ko sa kaniya.

Sa sofa ako at siya naman ang sa kama. Dito niya ako pinapatulog dahil baka gawin ko nanaman daw iyong pagtatangka sa kaniya noon. As if.

"Oh?" tanong niya habang nagtatanggal ng sapatos, ni hindi niya ako tinapunan ng tingin bago sumagot. Napasimangot ako at niyakap na lang ang unan sa sofa para maitago ito.

"Can I sleep with you?" walang pag-aalinlangan kong tanong.

"Sure," saad niya hindi pa rin tumitingin ako naman ay sobrang sumaya dahil sa pagpayag niya. Agad akong napatakbo at lumundag sa kama. Masyado itong malambot at para bang gusto ko na hilain si Neon at halikan!

Yakap-yakap ko pa rin ang unan ko nang yumakap ako sa kaniyang likod.

Napabuntong hininga siya at agad hinawakan ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya para tanggalin ito, "I will sleep on the sofa."

Halos maluha ako sa sobrang kahihiyan para sa sarili. Feeling ko napahiya ako dahil ako lang ang may gusto ng ganito. Pero dahil nga magaling akong magtago ng lungkot ay ngumiti pa rin ako at agad na bumaba sa kama para unahan siyang makahiga sa sofa.

"Sige Sweetheart doon ka na sa kama natin. Kasang-kasya naman ako dito sa sofa at hindi naman sumasakit ang likod ko sa pagtulo---

"Okay." Ni hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita at nanguha na nang damit sa closet at pumunta na nang banyo. Dinaig pa ako sa sobrang pag-iingat sa sarili, ako nga ay halos magbihis na sa harapan niya---samantalang siya hindi ko lang nakitang magbalandra ng katawan sa harapan ko.

Mamamatay na lang yata akong birhen.

Ilang minuto ang nakalipas nang lumabas siyang nakabihis na at mukhang handang-handa nang matulog. Napanguso ako habang pinagmamasdan siyang tuyuin ang buhok niya.

"What?" naiirita niyang tanong nang hindi na yata niya matagalan ang pagtitig ko.

"Sa day off mo puwede ba tayong mag-date?"

Kumunot ang noo niya at bahagya pang napatigil sa ginagawa. "I can't, I'm too busy to date."

"Kahit isang araw lang?"

Napabuntong hininga siya na para bang pagod na pagod na makipag-usap sa akin.

"I understand. Sa susunod na lang."

Tumango siya at nahiga na. Maaga nga siyang umuwi ngayon galing sa trabaho pero wala pa rin palang mangyayari.

Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog kaya naman napagdesisyunan ko na lang na libangin ang sarili sa kusina. I love kitchen things at laking pasasalamat kong kumpleto ang gamit dito sa bahay namin ni Neon. Ito nga siguro ang advantage na pagkakaroon ng business man na asawa.

Natigil ako sa pagtitingin ng kagamitan sa kusina nang marinig kong tumunog na ang oven.

Napapalakpak ako sa tuwa nang mailabas ko mula doon ang finish product ko. Heart shape chocolate cake.

Kianna and Neon's cake shop

That's my dream.

Kaso ayaw ni Neon. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang. Naiintindihan kong gusto niya lang akong maging housewife.

I tried to put some decoration sa cake na natapos ko bago ito kuhaan ng litrato.

"I love you Neon," I read what I wrote in the cake using some icing.

Kandila na lang ang kulang at perpekto na itong pag-birthday cake. Sayang at malayo pa ang bithday niya.

"Can I taste it?"

Halos mapatalon ako nang may biglaang nagtanong galing sa aking likuran. Kumalabog ng husto ng puso ko sa sobrang gulat.

"You scare me!" hinampas ko siya sa matipuno niyang dibdib.

Hindi niya lang iyon pinansin at pinagmasdan lang ang cake na nasa likuran ko. Halos dumikit na ang buo niyang katawan sa akin. Nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Suminghot-singhot ako para lalo iyong maamoy.

"What are you doing?" kunot noo niyang tanong nang makuha ang cake. Lumayo siya at masama na ang tingin sa akin.

"Inaamoy kita," inosente kong sagot bago ngumiti.

Umuling siya at humila ng upuan para maupo, "Crazy."

"Crazy for you," kinindatan ko siya na muli niyang ikinailing.

Pinanuod ko siyang kumain ng cake. He slice it into half. Nakuha niya iyong may nakasulat na I and love. Napangiti ako at itinuro sa kaniya iyong slice na may nakalagay na pangalan niya.

"Kakainin kita!"

"What?"

"Este sabi ko kakainin ko 'tong may pangalan mo," pigil ang tawa kong saad.

"Hintayin mong ako ang kumain sa 'yo"

Nahinto ako sa pag-ngiti dahil sa sinabi niya.

"Ha?"

"Ha?" panggagaya niya sa akin.

"Ha?"

"Habang buhay kang tanga."

Napabusangot ako at kumalumbaba na lang na pinanuod siya sa pagkain.

"Pagkatapos mo diyan matulog ka ulit, maaga pa. Gigisingin na lang kita ng maaga bukas," saad ko habang pinapanuod pa rin siya.

"May ginagawa pa ako."

"Nagsusulat?"

"Yeh."

Napatango-tango ako sa sagot niya. Oo nga pala at iyon talaga ang pangarap niya pero dahil walang hahawak ng kompanya nila ay napilitan siyang mag-business. Nakakapagod pa naman ang trabaho kapag hindi iyon ang pangarap mo.

"Anong sinusulat mo ngayon?" tanong ko bago tumayo para igawa siya ng kape.

"Romance," sagot niya bago uminom.

"Romance?!" gulat kong tanong.

Nagtaas siya ng kilay dahil sa gulat ko.

"Any problem?" masungit niyang tanong. Agad naman akong umiling at sinarili na lang ang mga iniisip.

Romance writer pero wala namang ka-sweetan sa katawan. Ibang klase.

"Ah Sweetheart puwede ba akong lumabas bukas kasama si Alessa?" tanong ko nang mailapag ko sa gilid niya ang kapeng ginawa ko para sa kaniya.

"Just lock all the doors when you leave."

Kinabukasan maaga ulit akong nagising katulad ng nakasanayan ko. I prepared breakfast for Neon, pero sa kasamaang palad hindi niya nanaman ito pinansin dahil nagmamadali nanaman siya.

"Byebye Sweetheart!" kumaway ako sa papalayo niyang sasakyan.

"Wala lang kiss? kainis ka Neon!" sigaw ko nang mawala na ito ng tuluyan sa paningin ko.

Pumamewang ako at pinagmasdan ang kabuuan ko. Naka-tube at naka-short lang ako pero mukhang wala pa ring epekto sa kaniya. Ngumuso ako sa isipin na hindi niya lang ako tinignan bago umalis.

Mare-rape rin kita. Makikita mo, hahanap-hanapin mo ang labi ko. Itaga mo iyan sa tiyan mong walang abs!

Chapitre suivant