webnovel

Chapter 45

  Chapter 45.1

Ayradel's Side

Naging okay na ang lahat sa pagitan namin ni Mama, at isa na lang ang talagang problema: si Besty. Dumating ang kinabukasan nang hindi pa rin niya ako pinapansin. N'ong naguwian kahapon ay hindi niya ako sinabayan. Wala akong naging kasabay dahil kahit ang magaling na si Richard Lee, maagang umuwi.

Umusli tuloy ang nguso ko habang naglalakad at inaalala yung mga sinabi ni Lee-ntik kahapon. Feeling ko pa rin pinagtitripan niya lang ako, tapos pinapatagal niya lang yung pagsabi ng ''Joke lang yon, baichi ka talaga'' sa'kin. Wala naman akong karapatang magdemand na sabayan niya ako pauwi.

Nakakainis.

Mabagal lang akong naglalakad papuntang Tirona High, nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Isang text message. Tinignan ko kung sino.

Richard ❤

Goodmorning.

Napanguso lang ulit ako at itatabi na sana sa bulsa ang cellphone ko nang muli itong nagvibrate.

Richard ❤

Ouch. Snobbed?

Kumunot ang noo ko, kasabay ang pagpasok ulit ng another message.

Richard ❤

Nag-almusal ka na?

Richard ❤

Kung hindi pa, tumingin ka sa harapan mo.

Kahit nagalmusal na ako, napatingin pa rin ako sa harapan ko. At doon nga, nakita ko si Richard na nakasandal sa gilid ng kotse niya malapit sa Tirona High habang pinagmamasdan niya ako. Katulad ng dati ang lakas pa rin ng dating. Bumilis ang tibok ng puso ko, at lahat ng paraan ginawa ko para magpigil ng ngiti.

Ngumisi siya at naglakad palapit para salubungin ako.

"Late ka na." Sabi niya sabay abot ng isang paper bag.

"6:45 pa lang kaya," hinawakan ko yung inabot niya. "Para saan 'to?"

Binuka ko yung paper bag, at tumambad na naman ang large fries at large burger. Uminit ang pisngi ko kaya napatingin na lang ako sa daan, habang naglalakad na kami papuntang gate.

"May inasikaso lang ako kahapon."

"Ha?" Nilingon niya ako. "Thank you dito," saka ko itinaas ng bahagya yung paper bag. Tumango lang siya tapos ay nagpamulsa. Naglakad kami ng mabagal.

"May pinuntahan ako kahapon kaya hindi kita nahatid pauwi. Akala ko makakabalik pa akong school e, kaya hindi muna ako nagpaalam sayo."

Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

"A-ah, okay lang, b-baliw. Hindi mo naman kailangang magpaalam e. Hahaha."

''Pinaalam ko lang. And I can also give you my schedule and routines, if you want me to,'' aniya, ''Like how I gave you my heart.''

na mas lalong nagpawala sa sistema ko.

''Daming alam.''

Humalakhak siya kaya napahalakhak na lang din ako hanggang sa makarating na lang kami sa room nang ngiting-ngiti. Doon ay nahagip kaagad ng mata ko si besty na agad nag-iwas ng tingin nang makita ako. Para nanaman tuloy akong sinaksak. Hindi ko na napansin ang ilang mga pares ng mga mata na dumadaplis n'ong pumasok kami ng sabay ni Richard hanggang sa makaupo kami sa usual seats namin.

Nakatulala lang ako habang iniisip si besty nang maramdaman kong may umagaw sa hawak kong paper bag.

''Parang kasing hindi ka gutom, e. Ako, gutom pa.'' ngiting-ngiti pa siya n'ong sumubo siya ng fries. 'Di ko alam kung nagpapacute o nangaasar. ''Ang tagal mo kasing pumasok. Tsk, tsk. Alam mo bang ngayon na ang Quiz Bee niyo?''

''Wow, parang sa pagkakatanda ko, ngayon ka lang naman pumasok ng maaga ha?'' Sagot ko. ''At bakit ko naman makakalimutan?''

''Sige nga.'' Pinagmasdan ko kung paano siya naglabas ng notebook. ''What is Micturition?''

Umirap ako. ''Desire to urinate.''

''Moon of Jupite-''

''Io.''

''9 x 8?''

''Huh? 72.'' Kumunot ang noo ko. ''Bakit naging Math?''

Tinitigan niya lang ako ng matagal sa mata. Tumagal din ng isang minuto. Uminit tuloy ang pisngi ko kaya tumingin ako sa likuran ko, bago ulit naglanding ang mata ko sa mata niya.

''PSH.'' sumubo ulit siya ng fries at nag-lean out na. ''Bakit parang lahat alam mo?''

''E nagreview ako--''

''Pati paibigin ako.''

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.

''B-baliw.'' inagaw ko ulit yung paper bag para sa fries, kasabay ng mahinang halakhak niya. Umiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niya yung pisngi kong grabe na ang kapulahan at ang labi kong parang mapupunit na sa kangingiti.

"Uyyyy. Napangiti kita!"

Agad naman akong nag-iba ng mukha at hinarap siya.

"Anong sinasabi mo diyan?!"

"Tss! Deny pa e!" nagcross arms siya at pinagmasdan ako. "Ayradel!"

"H-hmm?"

takteng yan!!!! Bakit naman kasi grabe kung makatingin tong isang to e! Sobrang grabe na yung kabang idinudulot niya sa akin!!!

"Liligawan kita."

Halos mabulunan ako ng todo sa sinabi niya kaya naman nataranta siya't ibinigay sa akin ang tubig niya. Ininom ko naman.

"Hindi naman ako nagpapaalam sa 'yo. Sinabi ko lang. Pero di mo kailangang sumagot, kasi kahit ayaw mo man gagawin ko pa rin."

Binalik ko sa kanya yung tubig niya't hindi na nakapagsalita pa.

"Saka may isa pa akong tanong." natawa naman siya noong hindi pa rin ako nakakapagsalita at napatingin lang sa kanya. "Do you believe.... in indirect kiss?!"

Sinapak ko na sa braso, habang tawa naman siya ng tawa. Walanghiya! Pati indirect kiss naman sa inuminan niya napansin pa!!! Tss.

Chapitre suivant