Chapter 38: TRAITOR?
Luisa's Side
"LUISA MOYA!"
Napadpad ang tingin ko sa isang teacher na nakatayo sa gitna ng crowd na nakapaligid sa amin. I rolled my eyes bago ko pa tuluyang binitawan ang buhok ng bitchesang sinasabunutan ko kanina gamit ang isang kamay. Gulo ang buhok at uniform nito habang umiiyak at pinapatahan ng mga alipores niyang mukha ring palaka.
Nagmamaldi-maldita siya diyan kanina tapos kaonting sabunot lang iiyak na agad na parang aping-api?
Serves her right. I crossed my arms bago pa hinarap yung pakialamerang guro.
"I'm sorry, okay? Hindi ako ang nauna." I even tell them with my hand gestures. Nang makatalikod ako ay agad na lumipad ang mata ko paitaas. Narinig ko pa ang mga pahabol na tsismis ng mga hampaslupa sa paligid.
"Maldita talaga. Kaya walang kaibigan eh."
Biatch. Kung gugustuhin kong magka-kaibigan ay matagal na akong meron. Pero ayoko ng plastic. Puro plastic naman ang mga nakikilala ko at wala pa akong nakikilalang karapat-dapat na kaibiganin.
This is my 2nd year here in this crap PUBLIC school.
Ugh, I really hate here.
Hindi air-conditioned ang rooms, madumi ang ilang Rest Rooms, at higit sa lahat may mga ka-schoolmates akong sobrang mahihirap. Hindi katulad sa school na pinanggalingan ko noong Emelentary ako. Pero kung ayoko sa Public Schools ay mas ayoko naman sa PRIVATE schools.
Doon naman sobrang daming bitchesa. Mas marami kaysa dito. Feeling magaganda lahat ng babae. Puro pa-ganda at pa-gwapo, puro wala namang laman ang utak.
Kung papipiliin ay mas gugustuhin ko naman dito. Atleast may talino naman ang mga tao.
Pero ayoko pa rin dito. Ewan ko ba kung saan ko talaga gusto! Siguro naging ganito na lang rin ang pananaw ko dahil sa mga taong nakapaligid sa akin kahit noong bata pa ako- Maging ang mga magulang ko na hindi sinusuportahan ang mga talento at gusto kong gawin sa buhay. I like singing, making music, dancing and writing- pero sabi ni Mommy wala raw akong mararating doon.
Pinilit nila akong lumaki sa business na pinapalago nila.
Kaya simula noon, nawalan na ako ng ganang gawin ang mga gusto ko talaga.
Until one day.
"Luisa Moya and Ayradel Bicol," napataas ang kilay kong napatingin sa Row 1. "Kayo ang partner sa Investigatory Project niyo."
Ngumiti 'yong Ayra sa akin nang lingunin ko siya mula dito sa 3rd Row. Napangiwi ako dahil mukhang ang plastic lang ng ngisi niya.
I know her. Matalino ako pero aaminin kong halimaw siya sa katalinuhan. I might say she's so good with memorizing at simula pa lang noong 1st year ay siya na ang nagra-Rank 1 sa section naming ito.
Tahimik rin siya. Ni hindi ko pa nga nababalitaang napagalitan siya dahil sa pagkaabsent, pagka-late, o sa kahit na anong kasalanan. Wala naman talaga akong pakialam pero napapansin ko siya dahil madalas ko siyang makita kasama ng mga teachers. Laman ng office, laman ng libraries, ng mga competitions- SIPSIP. PABIBO. Yan ang tingin ko sa Ayra na 'yon.
Isang araw nilapitan niya ako.
"Hi, Lui." Mula sa pagsusulat sa notebook ko ay napatingin ako sa taong nangahas umupo sa bakanteng upuan katabi ko. Umangat ang kilay ko dahil sa malaanghel niyang mukha at ngiti. Kung titignan mo e, sobrang bait, pero dahil hindi ako madaling maloko ay alam kong may tinatago rin ang taong 'to.
Ang creepy niya tuloy sa paningin ko minsan dahil ang hilig niyang ngumiti kahit wala namang dapat ngitian.
"Don't call me Lui. Hindi tayo close." Malamig kong sambit at nagpatuloy ulit sa pagsusulat.
"Ay, sorry." she murmured. Sobrang hinhin. "Ah, gusto ko lang sanang pagusapan natin yung tungkol sa Investigatory Project natin? Mas maagang masimulan, mas maganda."
Iba talaga ang babaeng ito sa'kin, pati na rin sa iba pa naming kaklase na nakagroup ko na- na puro cramming ang alam. Napansin ko rin sa kanya na lahat halos ng kilos niya ay planado.
Nag-isip ako sandali pero hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magamit sa babaeng ito ang ka-malditahan na nagagawa ko sa iba. Ang pagiging walang-kibo ay hindi pagiging maldita para sa akin... take note.
"Ahm, may... may naisip na kasi akong topic." Ngumiti na naman siya ng matamis at parang kabado.
Ah-huh, biatch. Alam ko na ang gusto niyang sabihin sa akin. Ang babaeng ito ay Grade Concious at malamang gusto niyang siya na LANG ang gumawa ng buong thesis para mataas ang grade.
Umirap ako sa aking isip. Kung ganoon nga ay masiyado niyang minamaliit ang utak ng iba. Hindi rin naman porke matalino siya e, alam niya na ang lahat.
"Magkano ba?"
Kumunot ang kanyang noo. Kunwari ka pa, missy.
"Ha?"
"Sige gawin mo lang, sabihan mo lang ako kung magkano icocontribute ko." Tamad ko siyang nilingon.
"Nako, hindi pwede." Sabi niya. "Dapat pareho tayong gumawa nitong thesis kasi sa defense baka hindi mo masagot yung mga itatanong. Individual grading pa naman 'yon."
Napalunok ako, parang umurong ang dila sa sinabi niya at sa tono niyang nag-aalala.
"Lumapit ako para sabihin lang yung topic na naisip ko, saka sana tanungin ka kung may naisip ka rin ba para makapagbrainstorm tayo."
Mas lalo akong lumubog sa kahihiyan ko sa sarili.
Yeah, right. She's very, very thoughtful.
Pagkatapos nga noon ay napagdesisyonan naming magmeetup sa SM para pagusapan at simulan ang thesis- though dito sa bahay namin kami gagawa ng document para may internet.
9 AM ang usapan pero 10 na ako nagising at 11 saktong nakarating sa meeting place. Nakita ko siya doon sa foodcourt na may hawak na science book at nagbabasa. May kalat ng siomai sa mesa niya na halatang kanina niya pa naubos. Nahihiya akong lumapit- at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito dahil dati naman eh wala akong pakialam kapag may matagal na naghintay sa akin.
Inisip ko na lang na kakarating lang din niya dahil noong makalapit ako e, nginitian niya na naman ako.
Mukha namang hindi siya naghintay ng matagal.
"Uy, di kita napansin agad." Sambit niya nang makita akong umupo sa harapan niya. Sinara niya ang librong kanina niya binabasa.
"Anong oras ka pa dito?" tinanong ko para mabawasan naman ang pagkahiya ko.
"Mga... 8:30 am?" Sagot niya't sumilip sa oras sa cellphone. Lalo akong lumubog sa kinauupuan ko. All of the sudden, I bit my lower lip and have something in me want to say sorry. Pero nagmatigas ako sa sarili ko. Nagpanggap akong blanko at walang reaksiyon. "Hmm, p-pero okay lang hindi ko naman namalayan. Hahaha! Tara na?"
Tinignan ko siya.
I can't believe this girl. Naghintay siya ng higit dalawang oras pero hindi man lang nagalit sa'kin? Naalala kong pinaghintay lang ako ng 20 minutes noon e, sobrang nagalburuto na ako.
Anong klaseng tao ba 'to?
"Teka, kumain muna tayo. My treat."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pumunta akong counter para bumili ng pagkain naming dalawa. Nang marating ko ang table with the foods ay nagpasalamat siya't hindi ko yata mabilang kung nakailang ulit. Hindi ako kumibo sa pagpapasalamat niya dahil hindi ako sanay sa ganoon.
Kumain kami at inaya niya pa akong magdasal bago kumain muna.
"Sige, ako na lang magli-lead. Lord, heavenly father, thank you for the food..."
Nakaramdam ako ng lungkot... parang pinipiga ang puso ko kasi first time ko lang naranasan ang may makasabay kumain. Nang makita ko siyang pangunahan yung dasal e, pakiramdam ko kumain na rin ako kasabay nila mama at papa.
"...and thank you sa chance na nakasabay kong kumain si Lui. In Jesus Name, Amen."
Hindi ako nagpahalata sa kalungkutang nararamdaman ko. Hindi ko pinahalatang nahahabag ako sa sarili ko. Hindi ulit ako kumibo hanggang sa makarating kami sa bahay ko.
Hindi naman sobrang laki ng bahay namin pero kapag nakita mo e, masasabi mong may kaya ang nakatira. Mayroon kaming apat na kwarto dito, tatlong CR at, dalawang guest room. As usual, nandon ang Mommy at Daddy ko pero parang wala. Si Manang lang ang agad na sumalubong sa amin.
Sa kwarto ko napagdesisyonang gawin namin ang thesis ni Ayra. Dinalhan kami ng Orange Juice ni Manang, habang pinapwesto ko naman si Ayra sa tapat ng PC ko, samantalang humarap naman ako sa laptop.
"Ano nga pala ang napag-usapan nating topic last time?" Tanong ko.
"Pagpipilian pa lang natin yung Spider Web na gagawin nating Bandaid, saka 'yong Buto ng Makahiya as Sorethroat-relieving candy."
Nagsimula na kami sa pagreresearch.
"I-ikaw ba 'to, Lui?"
Kunot ang noo ko at magrereklamo sana sa pagtawag sa aking Lui, nang tumambad sa mata ko pagkaangat ng tingin sa kanya ang picture ko habang kumakanta sa stage. I'm 12 years old on that picture at kuha iyon ng teacher namin.
Bahagyang namula ang pisngi ko.
"Sorry, nakita ko lang. Nagdownload kasi ako ng document tapos hinanap ko, hanggang sa makita ko 'tong mga picture mo. Grabe ang talented mo pala?" Sambit niya habang iniisa-isa nang tignan ang mga picture ko habang kumakanta, at meron din noong sumasali ako sa sayaw.
Kaso nga lang, lahat ng iyan ay nahinto na ngayon.
Bumalik na lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang sarili kong boses. Boses ko na kumakanta. Bumilis ang kabog ng puso ko, dahil sa hiya... Baka laitin niya lang ako. Baka hindi niya magustuhan.
Ngunit napakagat ako ng labi ng makita ko kung paano siya sumabay sa Melody ng kantang binuo ko. Tanaw ko pa mula sa pwesto ko sa kama ang ngiti niya... parang pinipiga ang dibdib ko, pero this time alam kong natutuwa ako.
"Grabe, ang ganda! Original song mo, Lui?!" Nilingon niya ako kaya nahihiya akong tumango-tango. "Idol na yata kita. Ang gaganda ng kanta mo, lalo na 'yong boses mo! Galing mo rin sumayaw! Ano pa kayang hindi mo kayang gawin?"
"T-talaga?" Sambit ko.
Nilingon niya ako muli gamit ang inosente niyang mukha. "Oo naman. Promise!"
I bit my lower lip, hanggang sa namalayan ko na lang na nabasa na ang pisngi ko. Nag-aalala niya akong nilapitan upang daluhan at yakapin. Napatakip naman ako sa mukha.
"S-sorrryyy, Lui. M-may nasabi ba akong mali? Bakit ka umiyak?"
Natawa ako sa gitna ng pag-iyak. Sa sobrang bait niya e, inisip pa rin niyang meron siyang kasalanan kahit ang alam niya lang gawin ay ang magsalita ng mga positibong bagay.
"Hindi, w-wala." Sabi ko naman. Pakiramdam ko sobrang gaan ng pakiramdam ko. Yung dating nagmamaldita at matigas kong damdamin, pakiramdam ko biglang lumambot. Lalo na noong niyakap niya ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng yakap galing sa isang tao. Yung yakap na hindi plastik. "Mababaw na bagay lang. First time lang kasing may nagsabing magaling ako. First time ko lang mapuri."
Narinig ko ang mahinhin niyang pagtawa.
"Hindi pa kasi naririnig ng iba ang boses mo," sabi niya't hinarap ako. "Kung gan'on, ako pala ang first fan mo?"
Ngumiti ako.
Isang ngiti na alam kong hindi plastik.
{...}