Ayradel's Side
Nabura lahat ng kinikimkim ko dahil sa isang Sorry na sinabi ni Lee-ntik. Lahat ng pang-aasar, araw araw na pangbubwisit niya, parang nakalimutan ko na. I don't know, but I am this kind of person. Hindi ko kayang magalit ng matagal. Hindi talaga ako nagagalit. Naiinis, oo, pero 'yung magalit ay hindi ko pa talaga nararamdaman.
"Sorry rin," sabi ko. "S-sa mga sinabi ko. Kanina at 'yong sa chat."
"Anong sorry? Tss. May kapalit 'yon." Ayan bumalik na naman ang dating Lee-ntik. Hindi ko alam kung bakit mas okay sa akin 'yung ganito, kaysa dati na tahimik siya at hindi namamansin.
"Ano?"
Sabay kaming lumabas ng clinic n'ong oras na 'yon at naiilang ako dahil nakahawak siya sa braso ko na para bang pilay ako at kailangang alalayan.
"Tsk. Bitawan mo nga ako. Ang daming nakatingin."
Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Sorry na kung gwapo ako." Literal na naging (-_-) ang mukha ko. "Hahahahaha!" siya lang natawa sa joke niya.
Pero hindi ko alam kung bakit natawa rin ako. Tumingin lang ako sa gilid para hindi niya makita. Naglakad kami hanggang sa labas ng gate dahil sabi niya gusto niya raw ng makakain. Mukha ito yata ang kabayaran na sinasabi niya kanina. Katulad ng inaasahan ay pinalabas kami kahit hindi pwede, dahil lang si Richard Lee itong kasama ko.
"Ano bang gusto mong kainin?" kinabahan ako sa sarili kong tanong. Baka mamaya pala mahal ang gusto nitong kainin, mamulubi pa ako!
"Isaw?! Kumakain ka niyan?" tanong ko nang lumapit kami sa stall nito. Nginingitian pa siya ng tindera't tindero na para bang lagi siyang nandito.
"Oh, iho! Napadaan ka ulit!"
"Hello, manang! Pabili po ah!" sagot niya sabay kuha ng isang stick. "Ha? Ano tanong mo? Hmm, oo, minsan lang." sagot niya habang lumalapang na ng isang stick. "Saka bilhan mo ako grape juice."
"Anong grape juice?"
"Ayan o."
"Tinuro niya yung Zesto na grapes."
"Talaga? Hahahahaha!"
"Bakit?" inosenteng tanong niya habang ngumunguya.
Hindi naman sa sobrang yaman ko, pero ako nga na mas mahirap sa kanya ay hindi ako kumakain ng streetfoods dahil masyadong maingat si Mama sa kalusugan ko. Mahina kasi ang immune system ko kaya madalas ako magkalagnat at magkasakit.
"Wala lang," sabi ko sabay bili nung 'grape juice' niya na Zesto lang naman pala. Hahahaha!
Hinigop niya yung Zesto, sabay kagat ulit sa isaw. Napuno naman ng sauce yung gilid ng bibig niya na hindi niya yata ininda dahil panay lang ang nguya niya at tingin sa mga isaw na piniprito.
Natatawa-tawa ako dahil para siyang bata na napakainosente sa mundo.
Natigil lang ako sa pageexamine sa mukha niya nang lumaki ang mga mata niya dahil may nakita yata siyang kung ano.
"Oh, meron pala nito? Intestine Fillet?"
Nadako ang tingin ko doon sa pinipritong isaw na parang may breadings at sinasawsaw sa suka.
"Ha? Hahahaha! Intestine Fillet?!"
Nagimbento ng tawag? Hahaha!
"Oo kasi mukhang chicken fillet e, kaso nga lang isaw yung nasa loob."
"Dami mong alam. Hahahaha!"
"E ba't ikaw hindi ka kumakain?"
Inalok niya sa akin yung stick na kinakain niya. Agad kong nilayo iyon sa akin dahil baka ma-tempt pa ako. "Tss, bawal ako niyan sabi ni Mama."
"Bakit ka bawal? Allergic ka?"
Umiling ako. "Hindi. Ayaw lang ni Mama na kumakain ako ng ganyan."
"E, ikaw, ayaw mo ba?"
"G-gusto ko..." kasi parang ang sarap e. Parang sarap na sarap pa siya sa pagkain ngayon. Kung tutuusin kapag vinideohan ko siya ngayon habang kumakain at inupload ko online baka dumami ang kakain ng ganitong pagkain.
Baka kahit mga mayayamang hindi kumakain ng ganito ay mapakain niya.
"Why don't you try? Minsan lang naman. Hindi naman masama kung minsan."
"Ayaw nga ni Mama."
"Kapag ayaw ng mama mo, ayaw mo na rin?"
Hindi ako nakasagot. Pero um-oo na lang rin ako.
"Nakakatakot naman kalaban ang Mama mo sa 'yo," out of the blue na sinabi niya habang ngumunguya. "Aigoo, paano kapag ayaw sa akin ng Mama mo? Ayaw mo na rin sa akin?"
Kumalabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpahalata.
"Tss. A-ayaw ko naman talaga sa 'yo no!"
BAKIT AKO NAUUTAL? Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
Humalakhak siya. "Talaga? Ba't ka nagagalit? Hahahahaha!"
"Tss. Bilisan mo dyan. Balik na tayong room." utas ko.
"Ayan na naman ang pagiging strikto mo." aniya habang may laman pa ang bibig. "Ienjoy mo nga pagiging bata mo! Masiyado kang seryoso palagi e."
"Tss! Nageenjoy ako no! Bilisan mo diyan!"
"Opo, opo!" palihim akong natawa dahil sa sinabi niya. Isang Richard Lee ay nag-opo sa akin. Achievement na ba iyon? Umiling-iling ako at binayaran na ang mga kinain niya.
"Salamat! Bili ka ulit dito Pogi ha? Isama mo lagi 'yang gerlprend mo." sabi ni Manang at nanlaki naman ang mata ko.
"Sige ho, isasama ko ho palagi girlfriend ko." ngising ngisi si Lee-ntik. "Kaso po baka di po kami lagi makabili, alam niyo na bawal po sa kanya e. Baka magka-false pimple."
Tumakbo siya pagkatapos namin makalayo dahil alam niyang pauulanan ko siya ng hampas! Grrrr dami talagang alam ng Lee-ntik na ito! Pagkabalik sa room ay pinapapalitan na ng adviser namin 'yong nasira kong armchair. Pagdating na lang rin doon ay nakita ko nang pinapagalitan na 'yong tatlong magpipinsan.
"Ma'am! Hindi nga po kami ang nagsira ng upuan niya!"
"May ebidensya po ba na kami?!"
"Malay po ba naming sira yung upuan niya? Gusto lang naman namin makasama si Richy!"
Ang lahat ng mata ay napadpad sa amin nang pumasok kami ng pinto. Lahat rin sila ay napansin ang paghawak ni Richard sa braso ko kaya naman tinanggal ko na ito ng pasimple. Saka kami dumiretsong upuan.
"Okay ka na ba Ayra?" sabi ni Ma'am sa akin.
"Yes po Ma'am." bumuntong hininga siya.
"Class! If this incident happen again, talagang lahat kayo ipapa-guidance ko kapag hindi ko nalaman ang totoo, maliwanag?! Section A kayo pero naga-away away kayo!" aniya. "At kayong tatlo, Jully, Jecel, at Zhien ayus-ayusin niyo ang pag-aaral niyo, hindi yung puro kayo bully at landi!"
Wala si besty, tanging si Jayvee lang ang nahagip ng mata ko noong tumingin ako sa likod. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.
Nang bigla akong kalabitin ng katabi ko.
"Bakit?" sabi ko.
Kunot lang ang noo niya.
"Wala lang." aniya.
Kinabukasan ay kahit busy ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na Foundation Day, noong nalaman ni besty kung anong nangyari ay agad niyang sinugod sina Jully para maghiganti. Kinabahan naman agad ako ng todo, dahil alam ko na kung ano ang kinalalabasan nito.
"HOY JULLY!" Kinaladkad niya sina Jully palayo. Napapikit ako sa tunog ng pagsampal ni besty dito. Kaliwa at kanan. Gustong gumanti n'ong dalawa sa likuran niya pero parang tuta itong tumiklop. Ang ilan pa sa mga tao sa paligid ng classrom ay napatingin sa amin kaya naman hinawakan ng mahigpit ni besty si Jully at kinaladkad papunta sa gilid.
"Fvck you!" ani Jully habang hawak ang kaliwang pisngi niya at parang naiiyak na. Kitang kita ko sa mga mata ni Jully ang galit. "Pagbabayaran mo 'to! Isusumbong kita sa tito ko para mai-detention kayo!"
Humalakhak si Besty.
"I didn't know na sumbungera ka pala," aniya. "Pero hindi mo na kailangang mageffort. Kahit samahan mo pa ako, ako na mismo ang magpapa-detention sa sarili ko. Pero sisiguraduhin kong mapapahamak rin kayo!"
Nanlaki ang mga mata ko. Pang-ilang beses niya nang detention ito kung sakali at winarningan na maaari na siyang ma-kick out kapag may sumunod pa. Napaangat ako ng tingin nang hilahin na ako palayo ni Lui. Nangingilid ang luhang tumingin ako sa kanya pero nginitian niya lang ako.
"Shh. Don't worry about me besty," matapang niyang sabi sa akin. "I am not your bestfriend for nothing."
I nod, at gusto ko na yatang maiyak sa sobrang swerte ko sa bestfriend. She's such a beautiful, kind yet brave girl.
Gusto kong maging katulad niya... gusto ko ring maging matapang.