webnovel

Wallpaper

Ayradel's Side

I hate the way he wormed his way with his money.

Ngayon ay wala na talaga akong nagawa pa kundi ang magpasiksik sa gilid ng tricycle, habang siya ay nage-enjoy sa pag-andar nito. First time lang rin yata niyang makasakay dito kasi ngiting-ngiti pa rin siya hanggang ngayon.

"You know, it's not really bad being in public school, huh. This is fun." aniya at lumingon sa akin. Nabigla ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

"Tss, ano'ng fun sa pagsakay ng tricycle?" sabi ko.

"Hmm, baka wala sa tricycle, baka nasa kasama."

Parang nabingi yata ako sa sinabi niya. "Ha?"

Pero ngumisi lang siya at umiwas ng tingin. Bigla namang kumalabog ang dibdib ko habang nakatingin sa matangos niyang ilong na litaw pa rin kahit naka-side view na. Yeah, right, he's so good looking.

Napadpad ang tingin ko sa daanan at napansing iba ang dinadaanan nito.

"Kuya, sa Tirona High po kami!" sabi ko.

"No. Doon kami kina Aling Katerina's, sa Medicion II-B." sabi naman ni Lee-ntik.

"Ano? May klase tayo!"

Na-frustrate na naman ako dahil nangangamoy cutting na naman ito. First time is enough, ayoko nang maulit pa! Ayoko nang mapagusapan ng mga kaklase namin!

"Maaga pa, Baichi. Let's eat first."

Hindi ko alam kung paano niya naramdamang hindi pa ako kumakain pero hinayaan ko na lang dahil may isang oras pa naman kami bago mag-klase. Nang makarating kami sa sinasabi niyang kainan ay napansin kong kuminang ang mga mata ni Lee-ntik. Napatingin din ako sa labas. Agad na tumambad ang naglalakihang letra na

ALING KATERINA'S KARINDERYA

Hinigit niya na ako palabas ng tricycle at gusto ko nang manapak sa bilis ng paglalakad niya. Hindi ko lang magawa dahil parang ang saya saya niyang nandito ngayon. Sobrang lawak ng ngisi, kumikinang pa ang mga mata.

"A-anong ginagawa natin dito?" Sambit ko habang nakatayo kami sa harapan. Tanaw ko na agad ang mala-kubong design ng karinderya, at ang madaming taong kumakain dito.

"Magsu-swimming hahahaha." sagot niya na hindi na ako nagulat. Mukhang ipinanganak yata ang isang ito para mang-asar.

Seriously? Dito siya kakain sa isang Karinderya? Hindi naman sa maarte ako, syempre kumakain din naman ako sa mga karinderya, pero siya? Siya na isang rich kid, sikat at anak ng DepEd Secretary?

Una ay yong pagkagusto niya sa isaw at Zesto... It doesn't suit him.

"Sigurado ka ba dito? I think this is a bad idea." di ko na napigilang sabihin lalo na n'ong nakahanap na kami ng table na kakainan sa loob. Maraming atensyon naman agad ang naaagaw niya, dahil siguro sa aura at hitsura niya?

"Omaygad ang sweet naman"

"Ang pogee ni kuya!"

"Pogi naman nung boy!"

Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko, saka kami dumiretso sa isang table.Ang bakanteng table ay hindi typical na table, para silang mga parihabang semento na nakakabit sa dingding, tapos may upuan lang na katapat. Ang ending ay magkatabi kaming kumain. I rolled my eyes to the fact na pati ba naman sa karinderya, seatmate pa rin kami. Hindi na ako nalayo sa kanya ah.

"Bakit? Anong bad sa idea na 'to?" nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

Umiwas ako ng tingin sa ibang direksyon. Doon, napansin ko na naman ang tingin sa amin at ang bulong-bulungan ng mga tao.

Shiz.

"Richard LEE." bulong ko at talagang pinangalandakan ko ang apelyido niya. "Hindi ka dapat sa mga ganitong lugar naglalalagi. Hindi ka ba aware na DepEd Secretary ang ama mo?"

"E ano naman?" hindi niya ako nilingon at patuloy na nakatingin sa hawak niyang menu. Ini-scan niya iyon ng seryoso.

"So aware kang pwede kang pagkaguluhan dito? Ano ka ba, kahit hindi ka artista pwedeng maraming nakakakilala sa 'yo-"

"Waiter," aniya na malawak ang ngisiㅡna parang hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Napansin ko rin ang mahihinang tawanan ng mga kasama naming kumakain. Napa-facepalm ako. Sino ba naman ang matinong tatawag ng waiter habang nasa karinderya? "Isa ngang-"

"Kuya pwede yung pinakamahal niyong pagkain? Yung pinaka-special ah, at yung may lason po sana!"

Rinig na rinig ko na naman ang puso ko. Ayoko pa naman sa lahat 'yong hindi pinapansin 'yong sinasabi ko. And now, I am the one who's gaining attention!

"Woah, Baichi," narinig kong tumawa ang nasa tabi ko. "Easy! Pare-pareho lang na 60 pesos ang presyo ng mga pagkain nila dito. Saka walang lason dito. Sana sinabi mo kanina para bumili tayo."

Ngising ngisi siya habang halos lumobo ang pisgi ko sa inis. Tumingin na lamang ako sa ibang direksyon, na sana hindi ko na lang ginawa kasi nakita ko na naman ang mga matang nakatingin sa 'min.

"Baichi," aniya kaya napalingon ako. Ang lapit niya dahil magkatabi kami, kaya naman nakita ko na naman ng malapitan ang mukha niya.

Napuri ko na naman siya. Psh.

Nagpangalumbaba siya at mapungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. I really had to admit that he's good-looking and had a pair of inocent eyes na nakaka-hypnotize kapag tinitigan mo ng matagal.

Mukha talaga siyang inosente, parang napakabait.

Mukha lang. -- the other side of me said.

"What's wrong with this? Bakit hindi ako pwede dito? I always wanted to eat here, kasi masarap." aniya. "Bakit sinabi mong sayang 'yong oras ko sa kwek-kwek at grape juice na 8 pesos? Why do you think riding a tricycle with you isn't fun?"

Pumunta lahat ng init sa pisngi ko, hindi ko siya kayang tignan pabalik. Masiyado siyang malapit at masyado niyang makikita ng malapitan ang mukha ko. Naco-concious ako.

"Tss." tanging nasabi ko.

"Can you talk to me un-annoyed atleast this time? Lagi mo na lang akong inaaway."

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Halata bang annoyed na annoyed ako sa kanya?

"What? Bata ka pa? Ano'ng inaaway!?"

"Ayan."

"I mean..."

"You mean?" bakit ba titig na titig siya sa akin? Bwisit, hindi tuloy ako mapakali. "C-consider your life status. Alam mo namang hindi ka ordinaryo lang. Maraming nakakakilala sa iyo. Kahit sa facebook ang peymus mo.''

Ngumisi na naman siya.

"I am ordinary, depende sa titingin sa akin. Bakit hindi mo ako tignan like your ordinary classmate and seatmate? Don't look at me the way other people do."

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko at kung bakit nakaramdam ako hiya. Did I judge him too much? Why am I even here with him talking about deeper things?!

''So ini-stalk mo pala talaga ang timeline ko?'' Humalakhak siyang nang umangat ako ng tingin para tignan siya ng masama.

''Nakita ko lang.'' sabi ko.

''Oh, so hindi ka pa rin interesado sa akin?'' Humalakhak na naman siya.

''Hindi.'' Sagot ko. "Pwede ba, huwag mo akong itulad sa mga babaeng umaaligid sa iyo. Hindi ako magiging interesado sa 'yo. Hinding-hindi."

Hindi ko alam kung anong fighting spirit ang nahigop ko para sabihin iyon sa mismong mukha niya. Umiwas ako ng tingin para itago ang namumula kong mukha. I just can't be too close to him, para na akong napapaso.

"Hindi naman kita itinutulad sa kanila," aniya na nagpatindig ng aking balahibo. "That's why you're here with me."

Nang dumating na yung inorder niya ay nagulantang ako sa dami ng pagkaing inihanda sa mesa namin. Dalawang order ng tapsilog, may sisig sizzling, omelette rice, meron pang potato nuggets, tatlong baso ng grapes juice at isang pitsel ng tubig. Parang pagkain ng apat na tao na to ah!

"H-hindi ko kayang ubusin yung dalawang plato ng pagkain, hoy." reklamo ko pagkaalis n'ong waiter. Dalawang order kasi yung nakatapat sakin, tapos malamang 4 divided by 2 is 2! Nilingon niya ako at tumawa lang ang kumag.

"Isa lang dyan sa iyo. Tatlo akin."

Nalaglag ang panga ko. WHAT? Sa ganda ng katawan niyang 'yan, ganyan pala siya kalakas kumain? Oo, aaminin ko nang maganda talaga ang built ng katawan niya. Pero grabe naman! Baka nga hanggang bukas ng dinner ko pang pagkain yung mga pagkain na 'yan eh!

"Grabe, hindi ka ba pinapakain sa inyo?" tanong ko at pinagmasdan lahat ng pagkain sa mesa. Omellete rice ang pagkaing nakatapat sa 'kin. Agad akong napalunok.

"Konti lang yan," aniya. "Hina mo lang kasi kumain. Kaya siguro ang payat mo."

"Excuse me?"

Kahit ganito ako may curves ako no?

Narinig kong tumawa siya. "Kain na. Pabayaran ko pa 'yan sa 'yo e."

Susubo na sana siya nang pigilan ko siya. Nagtatakang nilingon niya ako habang nakabukas ang bibig. Ngumiti ako at saka tumungo para magdasal. Hindi ko na rin nakita kung nagdasal ba siya kasama ko, o ano, dahil pagkabukas ko ng mata ko ay nakita kong nakatitig lang siya sakin.

Naramdaman ko ang init ng paligid. "K-kain na."

Saka ko hinawakan ang kutsara ko. Sinundot-sundot ko yung omelette, saka napangiwi. Shiz. Hindi ako kumakain ng kamatis.

Napatingin ako sa katabi ko.

Nilantakan na nga niya 'yong mga pagkain. Halos mapanganga ako sa bilis niyang kumain. Sobrang bilis niya na talagang naunahan pa niya akong ubusin yung mga pagkain. 1/2 pa lang nga yata yung nauubos ko eh. Mukha pa siyang gutom na gutom.

Again, this doesn't suit him.

"Wag mo 'kong tignan ng ganyan." sabi niya kaya napapikit-pikit ako. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin nang marealize kong nakatitig na pala ako sa kanya. Ngumisi sya. "Baka maging interesado ka bigla."

"Don't talk while your mouth and head is full." sabi ko.

Kakaiba.

Ang alam ko kasi, dapat ang mga katulad niya, concious sa mga galaw nila. Dapat planado ang bawat kilos, dapat maingat. Bakit siya, wala man lang pakialam sa paligid niya? Na baka may makakakita sa kanya na kumakain ng pang-tatlong tao? sa karinderya pa?

Nilingon niya na naman ako matapos punasan ng tissue ang bibig niya. Sa sobrang lapit namin ay uminit na naman ng bongga ang pisngi ko. Napatingin siya sa plato ko.

"Baichi, para kang bata kumain." sabi niya habang tumatawa ng bahagya. "Bakit mo tinatabi yung mga kamatis?"

"H-hindi ako kumakain ng kamatis." Ngumiwi ako sa sobrang kahihiyan. Tumawa na naman siya.

"Kaya ka pala nagkaka-false pimples e." aniya kaya nagflash back na naman sa akin 'yong nakakahiyang scene ko n'ong first day niya sa TH. "Tabi nga."

Tinignan ko lang kung paano siya mas umusog kaya naging mas naging malapit kami, at kung paano niya inagaw sa 'kin yung ginagamit kong kutsara.

"H-hoy!" saway ko at agad na uminit ang pisngi nang gamitin niya ang kutsara ko para kainin ang mga itinabi kong kamatis sa gilid ng plato, pati na rin ang mga kamatis na nasa itlog pa.

I gulped. Seriously?

Walang emosyong ibinalik niya sa akin yung kutsara. Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya pa siya, pagkatapos ay sa plato ko. Kinain niya na yung mga kamatis.

"Now, eat." aniya at ipinatong na naman ang siko sa table habang pinagmamasdan ako. Nakangiwing kinuha ko yung kutsara. Ayoko namang mahusgahang maarte, kaya hindi na ako nagreklamo. Sure naman akong malinis siya e no? Saka ako dahan dahang sumubo.

"Do you believe in indirect kiss?"

Halos mabulunan ako sa tinanong niya na siya namang ikinahagalpak ng tawa niya. Agad niya akong inabutan ng grape juice. Pagkainom ay tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Hahahaha! Don't worry, Baichi, I don't believe on that." aniya at sumeryoso na naman. "I only believe in direct kiss." bulong niya.

Umakyat sa buong pagkatao ko ang init at kuryente kaya naman wala sa oras na nabilisan ko ang pagkain na siya na namang ikinahagalpak ng tawa niya. Lumobo ang pisngi ko sa inis habang kumakain. Hanggang sa maubos ko na nga iyon.

"Psh, you took 30 minutes on just eating a small meal."

"Psh." I rolled my eyes, at saka tinignan ang oras sa cellphone ko. "Shocks! Bumalik na tayo sa school! Baka may mamissed na naman tayong klase!"

Inayos ko yung mga kutsara at tinidor na ginamit ko. Pinagdikit ko iyon, pati na rin ang kutsarang ginamit niya.

"Tss, sobrang proper. I wonder how strict your parents are."

Hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy niya. Pero sa tingin ko ay ang pagaayos ko ng kutsara, which is ang tinuro sa akin ni mama na proper gawin pagkatapos kumain.

Lumabas na rin kami ng karinderya matapos ng ilang sandali. Paglabas namin ay nandoon na ang tatlong black and shining car nila. Natuon ang atensyon ko sa pagbaba ng isang mukhang driver/butler mula sa magarang sasakyan, si Kuya Maximo na ngiting-ngiti sa amin, pagkatapos ay isang Men In Black na-- wait... namumukhaan ko siya!

Agad akong napayuko nang maalalang siya 'yong tinawag ko ng 'panget' noong unang araw nila dito, dahil napagkamalan kong siya 'yong boss! Huhu, ang judgemental ko! Huhu! Napakasama ko!

"Sakay na po, magandang binibini." sabi pa n'ong MIB na sinabihan ko ng panget waaaaaa!

"Tss. Anong maganda diyan, Jones?" singit ni Lee-ntik. So, Jones pala pangalan ni kuya, huhu! Inirapan ko si Lee-ntik at hinarap si Jones.

"T-Thank you, at saka sorry po! Sorry!" sabi ko sabay pasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman si Richard Lee.

"Okay lang po, para sa isang magandang binibining katulad niy--"

"Tsk! Jones!" sabi ni Lee-ntik na kunot na kunot ang noo.

"Po?" anito. "Hehe, sabi ko nga po doon na ako sa kabilang sasakyan." isinara na nito ang pintuan at sumakay na sa isang sasakyan.

"Do you know him?" biglang tanong ni Lee-ntik habang kunot ang noo. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Maximo. Napalingon si kanya si Richard pero bumalik pa rin sa akin ang tingin niya.

"B-bakit ba?"

"Why are you apologizing and thanking him?"

"Wala ka na d'on." sagot ko na lang.

"He is my person kaya gusto kong malaman!"

"Nagtatrabaho lang siya sa 'yo, pero hindi mo siya pag-aari." Tapos bigla siyang nanahimik. Joke lang pala. Maingay pa rin pala siya.

"E sa akin, hindi ka magsosorry?" Napalingon ako.

"Anong kasalanan ko sa 'yo?"

"Eto." pinakita niya yung maliit niyang sugat sa daliri. "And when you tripped me."

"Bagay lang sayo 'yon."

"What?" aniya. "You're unfair."

"At bakit ako unfair?"

"Ngayon mo lang nakilala si Jones but you seems too good to him."

Umikot lamang ang eyeballs ko papunta sa cellphone ko. Chineck ko lang ito kung may text ba or what. Maya-maya ay nag-ingay na naman siya.

"Ang boring. Tss. Alam mo, hindi ka dapat masanay sa harap ng phone," Napadpad ang tingin niya sa labas ng bintana na para bang tamad na tamad siya. Kunot-noo ko siyang tinignan. Para siyang bata na hindi pinansin ng mama niya.

"Ano na namang masama sa pagpo-phone."

"It will disconnect you from people." napatingin ako sa kanya, minsan talaga ay nahihiwagaan ako sa mga salita niyang hindi bagay sa pagkatao niya.

Kung titignan ay isa siyang inosente oo, pero kapag nakilala mo siya ay may pagkamayabang siya, isip-bata, maloko, mapang-asar, pero sa kabilang banda ay medyo malalim mag-isa, at may pagkainosente nga.

Muli kong inilabas ang cellphone ko na ang bumungad ay ang picture ni Jayvee na winallpaper ko. Nakaside view siya, naka-black glasses, pagkatapos ay naka-bonet. Napasulyap rin ako kay Richard na nakaside view rin ngayon. Ngayon ko lang napansing hawig silang dalawa. O pareho lang talaga silang gwapo?

Sa sobrang pagiisip ay hindi ko namalayan na ninakaw na pala ni Lee-ntik sa kamay ko 'yong cellphone ko! Bago ko pa ito makuha pabalik ay huli na ang laht, nakita na niya kung sino ang nasa wallpaper ko.

Kumunot ang noo niya at nagtiim ang bagang. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ano naman kung si Jayvee and wallpaper ko?

"A-akin na yan!" sabi ko nang matigil sa ere ang kamay niya. Naging pagkakataon ko iyon para agawin 'yong cellphone ko. Pagtingin ko naman sa kanya ay tahimik lang siya at nakasilip sa bintana.

"I knew it." bulong niya sa hangin na hindi ko alam kung para saan.

Chapitre suivant