webnovel

Chapter 12: What do you want?!

"I fucking hate you.." bulong ko sa sarili habang tumutulo ang mga luha ko.

Pinunas ko ang mga mata ko. Sayang lang ang iyak ko dito.

I turned around to go back home.

"Bakit mo ako hinahanap?" Nakangiti siya nang alanganin.

Nang-iinis pa yata! Ayt, lagi na lang niya ako pinapahiya!

Tiningnan ko siya ng masama. Sana mahiwa siya sa talim ng tingin ko!   >.<  

Naglakad ako pabalik at ibinigay ko sa kanya pahampas 'yung jacket.

"Umuwi ka na!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako pauwi kila Dexter.

Sarap pumatay ng tao! >_______<  

+++++++++++++++

Sumunod na araw, I have five vitamins left..

I think about you and your eyes all the time..

Kasama ko na naman si Dex at sabay kami na nagpunta sa library. Nagpapatulong siya sa kanyang assignment. Pero dahil sa magkaiba kami ng course ay hindi ko rin siya talaga natulungan.

Wala akong alam sa mga ginagawa niya. Nandun lang ako para samahan siya.

Habang nagsusulat ay sinabi ko sa kanya na nagkita kami ni Chester sa skate park nung isang araw at kagabi.

"Talaga?! Anong nangyari?" tanong ni Dex.

"Wala, hindi niya ako pinansin eh, siguro dahil kasama ko si Billy or talagang wala na kami." sabi ko sa mahinang boses. Nasa library kasi kami at bawal mag-ingay.

"Tapos kagabi ang weirdo niya!"

"Bakit?"

"Wala, forget it."

"Uh, baka naman nagkataon lang yung pagkikita n'yo?.."

"Siguro nga."

"Kasi naman masyadong public yung pinupuntahan n'yo ni Billy 'pag nagde-date kayo eh."

"Hindi kami nagde-date no! Nagka-ayaan lang kaming sabay na kumain bago umuwi kahapon, Itch!!"

"Itch?.." tanong niya.

"Silent B."

=________=    ← mukha niya.

"Well, you are correct, I feel especially bitchy today…"

"And how is that different from any other day?"    =________=  

"Shut up, may lakad ka na naman ba mamaya?" tanong pa nito.

"Huh? Ah eh, mag-ja-Jollibee lang kami mamaya ni Billy."

"Sus, 'yan ba ang hindi date? Lagi kayong magkasama. Nag-eenjoy ka naman ba?"

"Okay lang naman, masaya."

"Sigurado ka?"

"Naku bading, nagsisimula ka na naman."

 

++++++++++++

Pagdating ng uwian, nagpunta na ako sa Jollibee. Wala pa doon si Billy nang dumating ako.

Umupo ako sa isang bakanteng mesa na pang-dalawahan. Nagtext ako kay Billy na iniintay ko siya sa second floor ng Jollibee.

Nag-textback naman siya at sinabing hintayin ko siya. Hindi muna ako umorder. Hihintayin ko muna si Billy.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Chester na papalapit sa kasunod na mesang kinauupuan ko. Nagbaba ako ng tingin at kunwari ay nagte-text sa cellphone.

Ibinaba niya ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa at muling bumaba sa ground floor.

Pagbalik ni Chester ay may dala na siyang tray ng pagkain. Mukhang kakain na naman siya nang mag-isa. Pang-isang tao lang kasi yung inorder niyang food.

Hindi man lang ako nilibre.

Hahaha. Joke lang.  xD  

Nagsimula siyang kumain. Magkaharap kami. May dalawang mesang nakapagitan saming dalawa.

Parang hindi man lang niya ako napansin katulad kahapon.     >,<  

Nagtext ako kay Billy:

Fly swatter, and2 si blowfly..

Pinilit kong huwag siyang tingnan hanggang sa dumating na si Billy at umorder na kami. Tulad nung isang araw, wala kaming imikan ni Billy dahil nandun nga si Chester.

Kainis talaga. Nag-aya tuloy si Billy na ihatid ako agad pagkakain namin.

++++++++++++++++

Nang mga sumunod na araw, lalong napadalas ang paglabas-labas namin ni Billy. Mas napalapit ang loob ko sa kanya at medyo nalilito na ako kung gusto ko na ba siyang maging boyfriend or what.

Mabait naman kasi talaga siya at masarap kasama. Laging hyper at laging may baong jokes. Napaka-thoughtful pa niya. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ako kahit sa text lang.

Hindi naman talaga mahirap mahalin si Billy. Pero dahil nga sa kagagaling ko lang sa isang major break-up, parang hindi pa ako handa para mag-entertain agad ng kasunod.

+++++++++++++++

 

Sa mga paglabas namin ni Billy ay lagi namang nagkakataon (nagkakataon pero lagi?) na nagkikita kami ni Chester. Para bang natutunugan niya kung saan ang mga lakad namin.

One day, kasama ko si Billy sa school canteen. Sabay kaming nagla-lunch.

"Oo nga pala. Ipinatatawag ka ni Ms. Gwen sa office niya mamaya." sabi ni Billy.

"Kung pababalikin niya lang ako sa dance troupe, pakisabi na wala na talaga akong balak bumalik." sagot ko.

"Kung nag-aalala ka tungkol kay blowfly, nagquit na rin siya."

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Ayaw kong malaman ni Billy na may feelings pa ako para kay Chester. Na may pakialam pa ako.

"Kulang kasi kami ng dancers para dun sa dance concert namin next month. Baka naman daw pwedeng magsayaw ka for the last time."

"Ewan ko lang din."

"Please.." sabi ni Billy. Shit, paawa ang mukha ng loko. Gusto niya talaga akong pagsayawin sa concert.

"Sige na, magsasayaw na." sagot ko na lang. Gustung-gusto ko talagang magsayaw.

Napapayag na rin ako kasi wala na rin naman si Chester sa dance troupe. Napaisip ako kung bakit nagquit din siya.

Masayang-masaya naman si Billy sa pag-oo ko.

++++++++++++++

Two days after, inaya ko si Dex na manood ng sine pero tumanggi na naman ang bakla.

Bitch talaga ang dinosaur 'yun. Ayaw na yatang dumikit-dikit sakin kaya si Billy na naman ang naaya ko.

Agad naman siyang pumayag at nagpunta kami ng SM Baliwag para doon manood ng movie.

Nasa SM na kami nang tumawag si Dex.

"Oy best, saan ka nanood ng sine? Sama ako."

"Gago ka kasi, inaaya na kita kanina. SM kami.."

"Ano? May static sa line. Hindi kita maintindihan!"

"Best, spell STATIC."

….

< Mahabang katahimikan..>

….

"Uhm best, malabo kasi yung linya, hindi kita madinig masyado.."

Hahaha. XD  

"Sabi ko, dito kami sa SM ngayon."

"Ay, kasama mo na naman si Billy? 'Wag na lang pala, out of place lang ako d'yan."

"Hala, sunod ka na dito best." 

*toot toot toot..*

Naputol na.   =______=  

Isa pa talagang peste 'yang si Dex. Napakaraming arte sa katawan. Kainis.

Masaya naman ang naging panonood namin ni Billy. Puro kulitan at kilitian. (Walang hipuang naganap dahil medyo wholesome ako ngayon).    XD  

Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at naglakad-lakad sa loob ng SM.

And guess what..   >.<  

Nandun na naman si Chester.

Nakita ko siyang kinakausap 'yung saleslady ng mga slippers.

Nagtataka na ako. Hindi ko alam kung paanong nagkakataon na nagkakatagpo kami sa iisang lugar. Parang hindi naman niya kami napapansin kaya binalewala ko na lang din ang presence niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na.

+++++++++++++++

Today's dose:

I cherish every moment I am with you. I could not ask for more..

Minsan namang nasa isang computer shop kami ni Billy ay nakita na naman namin si Chester. Naiinis na talaga ako sa pagsunod-sunod niya samin.  >.<  

Hindi man niya aminin, alam kong hindi nagkakataon lang na lagi siyang sumusulpot sa mga lugar kung nasaan kami ni Billy.

"Nandyan na naman siya, si blowfly mo.." sabi sakin ni Billy.

Nakaupo kami noon nang magkatabi. Ako ang nasa harap ng computer at nakaupo naman sa tabi ko si Billy. Umupo si Chester sa katabing computer.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Hayaan mo nga siya at wala lang 'yang magawang matino sa buhay." sabi ko, sinigurado kong maririnig niya iyon.

Nakakaasar na talaga siya. Hindi ko malaman kung ano ba ang gusto niyang palabasin or talagang nang-iinis lang siya?

Hindi naman ako pinansin ng walanghiyang si Chester. Nagpatuloy lang siya sa pagta-type sa keyboard at ang lalo ko pang ikina-inis ay nang magsuot pa siya ng headset pagkarinig niya sa sinabi ko! Grrrrr. Peste talaga.

++++++++++++++

One time naman, naglalakad ako sa skate park. Ayt, namimiss ko na mag skate.  :(  

Dati kasi ay nagskate kami dito ni Chester. Malapit lang kasi ito sa apartment. Naalala ko pa nun ikinakabit niya sakin ung headgear.

"Kelangan pa ba nito?" parang nakakailang kasi, nakahelmet pa ako. Mag roller skate lang naman kami.  

"Oo, kelangan mo 'yan. Baka kasi mabuwal ka. Tanga ka pa naman.." sabi pa ng luko-luko.

Habang ikinakabit niya yung strap ng helmet ay palapit nang palapit yung mukha niya sa mukha ko.

Napapangiti na lang ako.  >__<  

Malapit na malapit na, so ako naman, expecting!

Huminto siya habang ikinakabit pa din ang helmet sakin. Nakatingin pa din ako sa kanya.

"Ikikiss mo ba ako?"    -____-  

"Hindi ah."

Ngiting aso siya! Nakakainis, haha.

Napa roll eyes ako. Natawa naman siya. Lol.

Hanggang natapos ang pagkabit niya sakin ng helmet, hinalikan na nga niya ako.

*Kilig! Haha     :p  

Paglabas namin ng boardinghouse ay nakaroller skate na kami.

Hindi nga pala ako sanay magskate noon kaya tumama ako sa basurahan. Tawa naman nang tawa ang loko habang tinutulungan ako tumayo.

Ayt. Kakainis yun.

Nung araw din na 'yun ay natuto akong magskate.  ^^.  

Napapangiti pa rin ako tuwing naaalala ko 'yun.

Kami pa noon..

Masaya pa kami NOON..

Wala na kami NGAYON.

++++++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

AUTHOR'S NOTE: Hi, thanks sa readers. Please help boost my novel by posting a review, voting, rating the chapters and leaving comments. Thank you all so much. 😘

Chapitre suivant