⚚ Raven's POV ⚚
Nakaupo ako at tahimik lang habang nakatingin ako sa lamesa sa harapan ko. Pagkapasok ni Syden, galit niyang inihagis sa lamesa ang bag niya.
Dahan-dahan akong tumingala para tignan siya at nakikita kong galit na galit talaga siya.
Nakatayo siya sa harapan ko at masama ang titig sa akin.
Kasama niya rin sila Icah pero hindi na sila pumasok at nasa labas sila habang nakatingin sa akin.
"Siguro naman pwede ka ng mag-explain?" mataray na sabi ng kakambal ko.
Hindi ko siya sinagot at tahimik lang ako ng ilang segundo.
"Bakit hindi mo sila papasukin?" inosente kong tanong sa kanya habang tinitignan ko sila Icah sa labas.
"Huwag mong ibahan ang usapan Raven" sagot niya sa akin.
Tumingin ako ulit sa kanya at masama siyang nakatingin sa akin.
Hindi kasi ako nakapasok ngayong araw na 'to dahil sa hangover ko kagabi. Ni hindi ko nga matandaan kung anong nangyari at kung paano ako nakauwi.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit at medyo mabigat din ang pakiramdam ko.
"Pwede ba huwag mo akong pag-sungitan? Ang sakit na nga ng ulo ko eh!" -R
"Wow! Oh ayan! Natauhan ka na ba?!" sarcastic niyang sabi habang nakangiti siya.
"Pagkatapos mong magpakalasing kagabi, magrereklamo ka ngayon na masakit ang ulo mo. Natural lang na sumakit talaga 'yan" dagdag pa niya.
Tinignan ko siya ng masama.
"Hindi ko naman ginusto na malasing" sambit ko.
"Sige nga. Kung hindi mo ginustong maglasing, eh bakit ka sumama sa kanila?" -S
Lumunok muna ako bago ko siya sinagot.
"Syempre kaibigan ko si Axelle. Kaya nakikisama lang ako" sagot ko.
"Okay lang na makisama ka. Pero tignan mo naman kung tama ba o mali yung taong pakikisamahan mo" sermon niya sa akin.
"Wala namang nangyaring masama d'ba? Okay naman ako. At hindi naman masamang kaibigan si Axelle "-R
"Eh paano kung may nangyaring masama sa 'yo?" -S
"Kakasabi ko lang. Wala nga d'ba? Nakikita mo naman na okay ako. Walang sugat, galos o anuman. Okay?" -R
Pinunasan niya ang mukha niya at hinawakan niya ang buhok niya na parang naiinis siya.
"So, hihintayin mo na may mangyari munang masama?" -S
"Hindi naman sa ganon, pero alam ko naman na totoong kaibigan si Axelle kaya kahit ayaw ko, sinamahan ko siya dahil kaibigan ko siya" pagpupumilit ko.
Pumikit si Sy na halatang sobrang inis na sa akin. Huminga muna siya ng malalim bago niya binuksan ulit ang mata niya at hindi na galit ang mga mata niya habang tinitignan ako.
Umupo siya sa tabi ko kaya tinignan ko lang siya.
"Alam ko naman na kaibigan mo si Axelle, pero bad influence siya sa 'yo...pero since siya ang pinakauna mong kaibigan, sige iintindihin kita at hindi kita masisisi. Basta't ipangako mo sa akin na hindi muna ulit gagawin 'yon, na hindi ka na maglalasing?" explain ni Sy sa akin.
Medyo natuwa ako sa sinabi niya kaya ngumiti ako.
"Pero paano naman kung imbatahan ulit nila ako?" tanong ko sa kanya.
Nagisip-isip muna siya bago ako sinagot.
"You've grown. And I'm happy na nakikita kong mas malakas na ang loob mo kaysa sa akin. It's now time para magdesisyon ka para sa sarili mo. Hindi muna kailangang magpaalam or sabihin sa akin ang bawat bagay na gusto mo o nasa isip mo. Pero tandaan mo, hindi kita kukunsintihin kung alam kong mali na ang ginagawa mo, that's the only time na pipigilan kita" pahayag niya.
Sa mga sinabi ng kambal ko, natuwa ako at nabigla. First time kong marinig 'to.
"Sigurado ka bang okay lang sa 'yo?" tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko, ngumiti siya at tumango kaya lalo pa akong natuwa at kitang-kita ko sa mga mata niya na natutuwa din siya.
"I just realized na may mga bagay na siguradong gusto mong gawin, pero hindi mo magawa dahil nandito ako at palaging nakabantay sa 'yo. Pero sa tingin ko, hindi na kita kailangang bantayan dahil malakas ka na at kaya mo ng lumaban. Pero, if ever ba magkaproblema, nandito pa rin ako para sa 'yo" sabi ni Sy.
Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa tuwa. Sa mga nagdaang araw na kasama ko sila Axelle, napansin ko din na parang may nagbago sa akin pero hindi ko malaman kung ano. But now, alam ko na kung anong nagbago sa akin.
Takutin ako at mahina ang loob sa lahat ng bagay. Palagi akong nakadikit at nagtatago sa likuran ni Syden since mga bata pa kami.
Pero ng makasama ko na ang mga tropa ni Axelle, naging malakas ang loob ko at hindi ako nakaramdam ng takot. Kagabi nga, ni hindi ko nakuhang magpaalam sa kambal ko na parang kaya ko ng mag-isa.
Humiwalay ako sa pagkakayakap namin at pareho kaming nakangiti. Tinignan namin sina Icah na nasa labas pa rin at mukhang masaya din sila.
Tumingin si Icah sa gilid niya at parang may paparating.
"Iwan na muna namin kayo. Sigurado akong kailangan niyo rin mag-usap ng isang 'to" pahayag ni Icah. Hinila niya si Axelle kaya nalaman naming siya pala ang tinitignan ni Icah na paparating.
Nabigla kami kay Axelle habang siya naman, normal lang ang reaksyon.
"Sige, alis na muna kami" -I
Tinulak niya si Axelle papunta sa harapan namin at bago sila umalis, sinara niya ang pintuan.
"Bro, anong ginagawa mo dito?" -R
Tinignan muna ako ni Axelle bago siya tumingin kay Syden.
"Gusto ko kasing humingi ng dispensa dahil nalasing ka kagabi ng dahil sa amin. Pasensya na talaga pare. Hindi namin sinasadyang gawin 'yon" -A
Tinignan ko muna si Syden at ngumiti ako bago tumingin kay Axelle.
"Okay lang bro, ano ka ba? Wala namang may kasalanan, pare-pareho lang nating ginustong magsaya kaya walang ibang dapat sisihin" -R
Huminga ng malalim si Axelle at tinignan niya si Sy habang tinitignan naman siya ng masama.
"Syden, sorry- " -A
"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Isa pa ang sabi ni Raven wala naman dapat sisihin dahil ginusto niyong lahat 'yon. Kung ginustong sumama ni Raven sa inyo, wala akong magagawa dahil 'yon ang desisyon niya at dahil kakambal ko siya, kailangan ko siyang suportahan" pahayag niya kay Axelle na halatang nagulat sa sinabi niya, dahil kanina lang galit na galit ang kambal ko sa kanya.
"So, ibig sabihin okay lang sa 'yo na sumama ulit siya sa amin?" -A
"Oo. Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin as long as alam niyang walang mali sa ginagawa niya" sagot ni Syden. Tinignan niya ako at tumayo siya.
Nilapitan niya si Axelle.
"Siguraduhin niyo lang na hindi kayo mapapahamak. Dahil kapag may nangyaring masama sa kakambal ko, bubuhusan kita ng asido" Wow! Binalaan pa talaga si Axelle.
"Alam ko. Never pa akong napahamak kasama ang mga tropa ko" sagot niya.
Tumayo ako at nilapitan ang kaibigan ko habang si Sy naman, nakatingin sa aming dalawa.
"Ano? Dating gawi?" tanong ko kay Axelle.
"Oo naman. Naghihintay na nga sila" -A
"Tara na!" dagdag pa niya.
"Sy, saan ka niyan pupunta?" bago kami umalis, tinignan ko si Syden para tanungin.
"Magpapahinga na muna ako" sambit niya.
"Sige, alis na kami" -R
Ngumiti lang siya at tumango. Pagkatapos noon, umalis na kami ni Axelle para pumunta sa cafeteria, nandoon na raw kasi ang mga kasama namin at kami na lang ang wala. Tuwing hapon, kumakain kami at nagkwekwentuhan, kami na nga lang halos ang tao doon kaya sobrang ingay namin.
Habang naglalakad kami ni Axelle, biglang nagbukas at gumana ang speaker sa hallway kaya napatingin kami, pati na rin ang iba pang naglalakad na kasabay namin.
"Good Afternoon students. Do you still remember the Carnival game punishment random killer? I guess so. Today, this time...the council will pick for the random killer" pagka-announce noon.
Nag-umpisa ng magbulungan ang mga estudyante sa paligid namin. May nagsisigawan, umiiyak, habang ang iba naman ay tumatakbo para magtago. Pinapanood ko lang sila habang si Axelle naman ganon din.
Ibih sabihin nito, kapag napili ng council ang isang estudyante. Kahit wala siyang kasalanan, kailangan niyang tanggapin ang punishment dahil nga random killer. Nangyayari lang ito kapag sa loob ng ilang months walang record ng pumapatay o namamatay. Kaya nga ang iba, nagsasakripisyo at pumapatay sila para hindi na ito mangyari.
The random killer which the killer is innocent.
Nakikita kong pakonti na ng pakonti ang mga estudyante dahil sa takot nila. Pero mas lalo pang nagkagulo ng mag-countdown ang council para i-announce ang napili nila.
"The Carnival game punishment random killer starts now"
Mas lalo pang bumilis ang mga takbo nila habang kami ni Axelle, nakatayo pa rin.
"Hindi ba tayo magtatago?" tanong ko.
"Huwag muna. Masasayang lang ang lakas natin kung tatakbo tayo sa wala. Hintayin na lang natin na mag-announce ang council" -A
Nakikita ko rin na normal lang ang tayo niya at hindi siya natatakot. Ako naman hindi gaanong takot at medyo pinagpapawisan habang iniisip na baka mapili ng council si Syden.
Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa kambal ko.
Tumalikod si Axelle at sumandal sa wall.
"10...9...8...7...6...5"
Habang nagka-countdown ang council, hindi ako makahinga ng maayos.
"4...3.....2.....1...."
"The killer has been decided by the council
...
...
...
...
...
...
...
...
...
....
....
.....
"Sean Raven Fuentes, the new student"
Pagkarinig ko sa pangalan ko, nabigla ako dahil hindi ko alam na mangyayari 'to. Napatingin sa akin si Axelle na halatang gulat din sa narinig niya.
Walang tao sa hallway at kaming dalawa na lang ang natira. Nakarinig kami ng mga hakbang papunta sa amin. Tumingin ako sa likuran namin at nakita kong papalapit sa amin ang mga highest ranked guard ng council. Naka-uniform sila at puro lalaki, malaki rin ang katawan nila.
"Sean, takbo!" sigaw ni Axelle.
Tumakbo ako at sinundan ko siya.
"Kaya ba nila tayo hinahabol dahil sa akin?" -R
"Alam mo naman kung anong gagawin nila sa 'yo d'ba? Kaya hindi ka dapat magpahuli sa kanila!" sigaw niya habang tumatakbo kami.
Sa pagtakbo namin, narating namin ang cafeteria dahil wala ng ibang daan. Nakita namin ang mga tropa namin na parang hinihintay talaga kami.
Sumabay sila sa amin sa pagtakbo at dadaan sana kami sa likod pero na-corner kami.
Pinalibutan ako ng mga kasama ko at pinalibutan din kami ng mga guard na humahabol sa akin. Nasa pinakagitna ako at nakikita kong pinoprotektahan ako ng mga tropa ko. Naglabas si Axelle ng kutsilyo at naging matapang ang mukha niya.
Nilusob sila ng mga guard at nagkakasakitan ang lahat habang ako naman, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nakikita ko din na bihasa sa pakikipaglaban ang mga kasama ko at ako lang ang hindi marunong. Parang sanay na sanay na sila.
"Sean! Tumakas ka na!" sigaw ni Axelle habang nakikipaglaban.
Naghanap ako ng daan para makalabas at tumakbo ako, pero tinutukan ako ng kutsilyo ng isang council member kaya napahinto ako. Pagtingin ko sa kanya, nakilala ko siya.
Si Mrs. Lim
Itinutok niya ang kutsilyo sa akin at hinawakan niya ko habang sina Axelle naman, nakikipaglaban pa rin. Napatingin si Axelle sa amin ni Mrs. Lim kaya napahinto siya.
"Sige! Ituloy niyo pa ang ginagawa niyo at sa hukay ang abot ng kaibigan niyo!" sigaw ni Mrs. Lim.
Nakita 'yon ng tropa ko kaya napahinto sila at nagulat.
"Ibaba niyo ang mga armas niyo" dagdag pa niya.
Walang kumikibo sa mga kasama ko at nanatili pa rin silang nakatayo habang tinitignan ng masama si Mrs. Lim.
"Ibababa niyo o hindi?" tanong ni Mrs. Lim.
Nagtinginan silang lahat at pabagsak na ibinaba ni Axelle ang hawak niyang kutsilyo. Nakita siya ng mga kasama namin kaya ibinaba rin nila ang hawak nila.
Lumapit sa akin ang mga guard na humahabol sa amin kanina at itinali nila ang kamay ko.
Itinago na rin ni Mrs. Lim ang hawak niyang kutsilyo at pinatalikod nila ako para sumama sa kanila.
Pero bago kami umalis sa cafeteria, pinilit kong pumalag para harapan ang tropa ko.
Nakita nila ako at halatang galit na galit sila dahil nahuli ako.
"Bro, my twin-sister. Pakisabi sa kanya that I'm okay" sambit ko kay Axelle.
"I will. But don't worry, we'll definitely save you" tumango siya at ngumiti na lang ako.
At pagkatapos no'n, umalis na ako sa cafeteria dahil mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng mga guard. Mahirap takasan.
Sinundan ko lang sila sa paglalakad habang nagdidilim na rin sa hallway. Walang tao at tahimik.
Huminto kami sa pinakadulo. Sa tapat ng isang isolated room. Wala akong nakikitang bintana at tanging pintuan lang.
May kinuhang susi si Mrs. Lim sa bulsa niya at binuksan ang pintuan ng room na 'yon.
Dinala nila ako sa loob at pagkapasok ko, may bahid ng dugo ang buong kwarto. Dahil sa nakita ko, ayaw kong pumasok. Pero sapilitan nila akong tinulak. Nang makita kong may isang malaking upuan na gawa sa metal at bakal sa gitna, nakaramdam ako ng takot at kaba.
Pumasok si Mrs. Lim at tinignan ang buong kwarto.
"Nakikita mo naman na puno ng dugo ang kwartong ito, hindi ba?...Maya-maya madagdagan pa ito dahil sa dugo mo" sambit niya habang tuwang-tuwa siya na tinitignan ako.
"Bakit niyo pa kailangang gawin sa akin 'to? Tama bang parusahan ang inosente?"
tanong ko sa kanya.
"This is school's tradition. At dahil pumasok ka dito, you need to follow us. Remember, this is Prison School....dito rule is rule and you can't do anything to stop it" pahayag niya. Hindi ko ginustong pumasok dito! Tsk! Kalokohan.
Tinignan ko siya ng masama at naging mataray ang tingin niya sa akin.
"There's only one way for you to survive this kind of punishment. Endure it for you to live or else, mamamatay ka. At isusunod ko ang kakambal mo" pagkatapos niyang sabihin 'yon, humalakhak siya ng malakas at lalo pa akong nagalit sa sinabi niya.
Lulusubin ko sana siya pero nahawakan ako ng mga guard kaya napigilan nila ako.
Galit na galit ako sa kanya at gustong-gusto ko siyang patayin.
To be continued...