webnovel

♥ CHAPTER 20 ♥

▨ Roxanne's POV ▨

Pumunta ako sa classroom nila para kausapin ang magaling kong boyfriend. Binuksan ko ng pabigla ang pinto para mapansin nila ako. Nasa pinakalikod siya at nakaharap sa may bintana, nakita niya ako at ngumiti siya sarcastically.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ko lahat ng member niya. Lahat naman sila nakatingin sa akin.

"All of you. Leave!" utos ko.  Nagkatinginan lang silang lahat at tumingin sila kay Carson.

"Hindi niyo ba siya narinig? Leave" seryoso niyang sabi.

Nagsi-alisan sila lahat hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira. Hinarapan ko siya at nanatili lang akong nakatayo habang siya nakaupo.

"Buti naman napadalaw ka? Na-miss mo ba ako?" sarcastic niyang tanong habang nakatingin siya sa may bintana.

"Oo! Na-miss kita dahil busy kang nakikipaglandian sa babaeng 'yon!" mataray kong sabi sa kanya.

Napa-kunot ang noo niya at nagtaka siya sa sinabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"What?! Ako? Nakikipag-landian?" sarcastic niyang sabi habang itinuturo niya ang sarili niya.

"Huwag kang magkunwari! Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman ako mahihiya? Nakikipag-kaibigan lang naman ako at higit sa lahat, hindi ako nakikipaglandian" pahayag niya.

"Hindi ka nakikipag-landian kanina? Wow! So ano 'yon? Pinatabi mo siya sa tabi mo na dapat pwesto ko, tapos kapag umaalis siya, ayaw mo!" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang masama sa ginawa ko? Ayaw mo bang nakikipag-kaibigan ako sa iba?" napatayo siya kaya nagkatinginan kami.

"Bahala ka!" tinalikuran ko na siya para umalis.

"Wait!" hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Iniinis ko lang naman si Clyde kaya ko nagawa 'yon" mahina niyang sabi.

"Kaya dinikitan mo ang member niya ganon?!" galit kong sabi.

"Oo. Pero wala namang meaning 'yon kaya hindi mo kailangang magalit" saad niya.

Seryoso ang mga mata niya at alam kong nakikusap siya na huwag na akong magalit.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinuloy ko na ang pag-alis pero bago pa man ako makalabas, hinarangan niya ako.

"Huwag ka ng magalit. Maniwala ka, wala akong ibang intensyon kundi inisin si Clyde" pagpupumilit niya.

"Sinabi ko naman, walang meaning 'yon at hindi ko siya gusto kaya walang reason para mag-isip ka pa ng ibang bagay" dagdag pa niya.

"Gusto mo talagang malaman kung anong problema ko?!" sigaw ko sa kanya.

"Pinahiya mo ako sa kanilang lahat. Pinaalis mo ako sa tabi mo para lang sa kanya tapos sasabihin mo gusto mo lang inisin si Clyde?!" galit kong sabi.

Nilagpasan ko siya at binuksan ko ang pinto para iwan siya. Mabilis akong naglakad sa hallway dahil alam kong susundan niya pa rin ako.

"Roxanne? Pag-usapan naman natin 'to" hinarangan niya ako ulit.

"Wala tayong dapat pag-usapan!" diretso kong sabi sa kanya habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad muna ako?" tanong niya.

Diretso pa rin at seryoso ang tingin ko sa kanya.

"Ang gusto ko ayusin mo ang sarili mo!" sigaw ko.

"Madalas tayong mag-away dahil d'yan sa ugali mo!" dagdag ko pa.

"Lahat naman ginagawa ko para sa 'yo. Kulang pa ba? Ano pang kulang?" medyo nagtaas ang boses niya kaya lalo akong nainis sa kanya.

"Madami. Madami pang kulang sa'yo. Una, lagi nating pinag-aawayan ang pagpunta mo sa club na 'yon. Pangalawa, hindi mo na nagagampanan ang role mo as a leader ng Blood Rebels. At eto nanaman, gumagawa ka nanaman ng reason para madagdagan ang pinag-aawayan natin. Nilalapitan mo ang babaeng 'yon para lang inisin si Clyde. But on the other side, hindi mo naisip na ako ang naiinis sa ginagawa mo!" sambit ko sa kanya.

Habang sinasabi ko 'yon, nakayuko lang siya at hindi umiimik.

"Sige, hindi ko na siya lalapitan ulit kung 'yon lang ang gusto mo" seryoso niyang sabi.

"Sa dinami-dami ng tao dito, ang kaisa-isang taong kinaiinisan ko ang naisipan mo pang gamitin!" inis kong sabi.

"Bakit ba naiinis ka sa kanya?" tumingin siya sa akin at iniwasan ko na lang mata niya.

Hindi niya ako pwedeng mahuli.

"None of your business!" mataray kong sabi.

"Huwag ka ng magalit?" tanong niya habang ako nakatingin sa malayo.

Tinignan ko lang siya ng masama at alam ko na kung anong sasabihin niya.

"Then. Ano bang kailangan kong gawin para hindi ka na magalit? Bukod sa iiwasan ko na ang babaeng 'yon?" seryoso niyang tanong.

Bigla akong napatingin sa kanya at alam ko na ang hihilingin kong gawin niya kaya ngumiti ako ng masama.

"Any favor?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Bring her to me" seryoso kong sabi habang nakangiti ng sobrang sama.

Tumingin si Carson sa akin na parang nabigla.

"Are you serious about that?" sarcastic niyang tanong.

"If wala talagang meaning ang ginawa mo kanina sa kanya. Then bring her to me...secretly" pahayag ko.

Noong una, nagisip-isip muna siya pero tumingin siya sa akin.

"If that's what you want" saad niya.

"Promise me na hindi muna lalapitan ang babaeng 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Yes. I won't. So don't worry now, everything will be secured" sambit niya.

"Thanks" ngumiti ako at ganoon din ang ginawa niya.

"May pupuntahan ka pa ba...after this?" tanong ko ng mahinahon.

"Wala na. Bakit ikaw ba?" saad niya. Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at tumayo ng diretso.

"Wala, wala. Magpapahinga na'ko gabi na" saad ko.

Tumango siya at nginitian ako kaya tinalikuran ko na siya para umalis.

Pero bago ako magpahinga, may kailangan muna akong puntahan para kausapin. Marami ng nakakapansin kung bakit lagi kaming nakabantay kay Syden. Baka tanungin nila siya at sabihin niya sa kanila ang totoo.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Clyde's POV ▨

Nandito ako ngayon sa tambayan namin para magpahinga. Pero hindi naman ako makatulog dahil maingay ang mga member ko kaya minabuti kong lumabas muna para maghanap ng isang tahimik na lugar, nang sa ganon makapagpahinga naman ako.

Habang naglalakad ako sa hallway, tahimik at tanging mga yapak ko lang ang naririnig ko.

Napadaan ako sa isang classroom na mukhang wala namang tao kaya minabuti kong pumasok sa loob.

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan, may humila na sa akin papunta sa loob at nabigla ako nang makita ko siya.

"Roxanne?!" gulat kong sabi pero mahina ang boses ko. Ni-lock ko muna ang pinto para walang makakita sa amin.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko.

"Kakarating ko lang dito para abangan ka. Pero buti na lang, agad kang dumating" mataray niyang sabi.

"Bakit? May problema ba ?" napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Timignan niya ako ng masama, "Nasaan ang alaga mo?" mataray niyang tanong.

"Ha? Sinong alaga?" pagtataka ko.

"Si Syden" seryoso niyang tanong.

Tinignan ko siya nang may pagtataka habang siya naman, naghihintay sa sagot ko.

"Bakit mo siya hinahanap?" tanong ko sa kanya.

"Pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko? Nasaan siya?" saad niya.

Inayos ko muna ang buhok at umupo sa may lamesa.

"Kinulong ko. Kasama yung kambal niyang lalaki na hindi naman dapat kasama sa plano" normal kong sabi.

"Siguraduhin mo lang na hindi siya makakatakas" she said with her cold eyes.

Ano nanaman kayang nangyari sa babaeng 'to?

"Hindi siya makakatakas. Naka-kadena silang dalawa at naka-lock ang pinto. Kaya malayong makatakas sila" pahayag ko.

Nanatili pa rin siyang nakatayo at mataray na nakatingin sa akin.

"Sandali. Bakit mo ba siya hinahanap?" pagtataka ko.

Tinaas niya ang kilay niya at nagsalita,

"Dinidikitan siya ng boyfriend ko. Baka magbalak ang babaeng 'yon na sabihin sa Blood Rebels ang lahat. Gumawa ka ng paraan para hindi nila siya malapitan" mataray niyang sabi.

Nginitian ko siya sarcastically at lumapit ako sa harapan niya.

"Don't worry LOVE. May plano na ako para hindi na nila siya malapitan" pang-asar ko sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi niya pero nilayuan niya ako kaya hindi ko na natuloy.

"Siguro. Nag-away kayo ng boyfriend mo  kaya wala ka sa mood no?" nginitian ko siya kaya nalaman kong lalo siyang nainis.

"Oo. Pero hindi na ngayon" mataray niyang sagot.

"Bakit? Ano nanaman bang hiniling mo sa kanya para patawarin mo siya?" tanong ko.

"Sabi ko dalhin niya sa akin si Bliss Syden" saad niya.

Umupo ako ulit at kumuha ng sigarilyo sa bulsa ko. Kinuha ko ang lighter sa bulsa ko para sindihan ang sigarilyong hawak ko.

"Anong gagawin mo kapag nakuha mo na siya?" tanong ko habang nagyoyosi.

"Papahirapan ko siya" diretsong sagot ni Roxanne.

Bakit kailangan niya pang pahirapan? Ako naman ang nagpapahirap sa babaeng 'yon sa Phantom Sinners.

"Huwag na" sambit ko kaya napatingin siya akin.

"And why?" mataray niyang sagot.

"You don't need to do that. I'll be the one to punish her, so leave her to me" seryoso kong sabi.

Napatingin siya sa akin bago siya nagsalita,

"Mukha atang nag-eenjoy ka sa ginagawa mo sa kanya?" sarcastic niyang tanong.

"Hindi naman. Binibigyan ko lang siya ng leksyon para matakot siya if ever na nagbabalak siyang ipagsabi ang relasyon natin" hinulog ko ang hawak kong sigarilyo at inapakan ko ito dahil nawalan ako ng gana.

Umupo si Roxanne sa tabi ko at nagkatinginan kaming dalawa.

"Naisip ko... what if hindi tayo nag-break? Siguro ang saya natin ngayon. Hindi na natin kailangang ilihim ang relasyon natin" mahina niyang sabi.

"Kahit nag-break tayo, never ka namang nawala sa puso't isip ko. Pero noong oras na 'yon, inisip ko lang ang sarili ko kaya nakipag-break ako sa'yo at pinaubaya kita sa kanya" sambit ko.

"Pero kailan mo ba ako babalikan?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"D'ba sinabi ko naman sa'yo maghintay ka lang?" hinawakan niya ang pisngi ko.

"Sabihin mo sa akin kung ilang days? Months? Or years? Para naman alam ko" sambit ko.

Tinitignan niya ako na parang nag-aalala siya at hindi siya umiimik.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Icah's POV ▨

"Ano nakita niyo ba?" tanong ko sa kanila ng may pag-aalala.

Kanina pa kami paikut-ikot pero hindi namin makita ang dalawang kambal. Kanina lang pinuntahan pa ni Raven si Syden para kausapin tapos ngayon nawawala naman sila.

"Hindi eh" pahayag ni Hadlee habang pinagpapawisan siya sa sobrang pagod.

Kung hindi si Syden ang mawawala si Raven. Kung hindisi Raven ang mawawala si Syden naman. Tapos ngayon silang dalawa naman ang nawawala.

"Baka naman nag-ikot lang sila around the school?" sambit ni Maureen.

"Nag-bonding siguro? Kasi d'ba mahilig silang mahilig silang maglakad-lakad?" saad naman ni Hadlee.

"Maglalakad sila? Bonding ? Ganitong oras? 9:30 pm? Mag-isip nga kayo!" sambit ko sa kanila.

Napakamot na lang sila ng ulo.

"Paano natin sila hahanapin?" tanong ni Maureen.

"Naikot na natin ang buong campus pero wala sila" sagot naman ni Hadlee.

Nagisip-isip muna ako at tumingin sa paligid dahil nasa labas kami ng dorm.

"Saan naman kaya sila nagpunta?" tanong ko sa sarili ko.

"Lagi naman silang nawawala pero nakakabalik naman sila ng maayos" pahayag ni Hadlee kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi ba sila nagpaalam sa inyo?" pag-aalala ko.

Umiling lang sila habang nagtitinginan kaming tatlo.

"Hindi ba sila 'yon?" tumingin si Hadlee sa likod ko kaya napatingin din kami ni Maureen.

Nakita namin sila naglalakad papunta sa amin kaya agad namin silang nilapitan.

"Saan kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap?" pag-aalala ko sa kanila.

"Kinulong kami ni Clyde" mahinang sabi ni Raven.

Nabigla kami dahil sa sinabi niya kaya nagkatinginan nanaman kaming tatlo.

"Kinulong?! Bakit naman?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Syden habang kami nina Maureen at Hadlee, nag-aalalang nakatingin sa kanila.

"Ayaw niya kasing lumapit ako o lapitan ako ng Blood Rebels kaya kinulong nila ako pero nadamay si Raven dahil magkasama kami" mahina niyang sabi.

Wala naman silang kahit na anong sugat na natamo pero pinagpapawisan sila dahil sa pagkakakulong sa kanila.

"Ganon ba?" tanong ko.

"Pumasok muna tayo sa kwarto ko para makapag-usap tayo ng maayos" sambit ko.

Pumasok na kaming lahat at bago ko sinara ang pinto, tumingin muna ako sa labas para siguraduhin na walang nakasunod sa kanila.

"Bakit ba? Ano ba talagang nangyari?" tanong sa kanila ni Maureen. Pagkasara ko ng pinto, umupo ako sa tabi ni Maureen at Hadlee. Si Raven at Syden naman sa harapan namin nakaupo.

Nagtinginan lang silang dalawa.

"Mahabang kwento. Mas magandang hindi niyo na malaman, baka kasi madamay pa kayo" pahayag ni Syden.

"Baka naman may mangyaring masama sa inyong dalawa dahil kay Clyde?" tanong ko sa kanila ng may pag-aalala.

Hindi sila umimik ng ilang segundo habang kami namang tatlo naghihintay sa sagot nila.

"Wala naman siguro" mahinang sabi ni Raven.

"At saka may naiisip na akong plano para makalaya na ako sa mga kamay ng Phantom Sinners" sambit ni Syden.

"Ano naman?" pagtataka ni Hadlee.

"Malalaman niyo na lang kapag nangyari na" tumingin siya sa amin at ngumiti.

"Kung may kailangan kaming gawin para sa pinaplano mo, sabihin mo lang para matulungan ka namin" saad ko sa kanya.

"Oo naman" sambit niya.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Maureen sa kanila.

Umiling sila, "Hindi pa"

"Pero bukas na lang siguro ako kakain. Wala akong gana" matamlay na sabi ni Syden.

"Gano'n din ako" saad ni Raven.

Ano ba talagang nangyari bukod sa nakulong sila? Ang tamlay nila ngayon at seryoso ang mga mukha nila.

"Sigurado ba kayo? Baka naman hindi kayo makatulog dahil sa gutom?" nag-aalalang tanong ni Maureen.

"Kakain na lang kami kapag may gana na kaming kumain" ngumiti si Sy at ganon din ang kapatid niya.

Tumayo silang dalawa para magpaalam.

"Sige. Magpapahinga na ako" saad niya sa amin.

"Pati ako. Marami kaming naranasang hindi maganda ngayon araw na 'to, kaya pasensya na kung nadamay kayo" pagpapaumanhin ni Raven.

"Ano ka ba wala 'yon!" hinawakan siya sa balikat ni Hadlee at ngumiti naman si Raven.

"At saka, salamat dahil hinintay at hinanap niyo kami kanina" sambit ni Sy.

Ngumiti siya at ganon din ang ginawa namin. Tumalikod na sila para lumabas sa kwarto at makapagpahinga na sila.

Naiwan nanaman kaming tatlo.

Nagtataka lang kami kung bakit nag-iba ang kilos nilang dalawa.

To be continued...

Chapitre suivant