webnovel

♥ CHAPTER 8 ♥

Syden's POV

Iminulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Madilim ang paligid at tahimik. Biglang bumukas ang isang ilaw sa tapat ko na hindi naman gano'n kaliwanag.

Iginalaw ko ang buong katawan ko...pero napansin kong nasa isang upuan ako at nakagapos. Unti-unti ko nanamang nararamdaman ang sobrang pagkahapdi ng mga sugat  na natamo ko kahapon. Gustuhin ko mang sumigaw at humingi ng tulong, pero nakatakip ng panyo ang bibig ko. Natuyo na ang mga sugat ko pati na rin ang dugo sa buong katawan ko.

Pinagpapawisan, nauuhaw at nahihirapan na rin akong huminga lalo na't tanging liwanag na lamang ng ilaw ang nakikita ko, walang bintana na maaaring pagpasukan ng sariwang hangin.

Biglang bumukas ang pintuan na nasa tapat ko lamang.

"Mabuti naman gising ka na?" bati niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. Tinanggal niya ang panyo sa bibig ko kaya medyo nakahinga ako ng malalim.

Sa bawat kilos at galaw niya, tinitignan ko lang siya ng sobrang sama.

"Naging maayos ba ang tulog mo?" may small table sa tabi ng pintuan at doon siya sumandal habang tinatanong ako.

"Ano bang kailangan mo?" galit kong tanong sa kanya.

"Simple lang naman ang hinihingi ko, hindi ba? Na hindi mo ipagkakalat o sasabihin kanino man ang nalalaman mo. You need to join Phantom Sinners as a promise. That's the only way I will trust your words"  sagot niya.

"Tinuturuan mo ba akong magsinungaling? Kagaya niyo ni Roxanne? Na magpanggap akong inosente na parang walang nangyari?" sarcastic kong tanong sa kanya.

Umalis siya sa kinaroroonan niya at lumapit sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at sinampal ako ng malakas.

"Pasalamat ka, sumusunod ako sa rule" tinalikuran niya ako at makikita sa itsura niya ang isang mapanlokong ngiti.

"Do you know what is the rule? Bawal pumatay. You should thank that rule, because of that f*ckin rule hindi kita mapatay kahit gustung-gusto ko!"

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya, galit na galit siya kaya mas mabuti sigurong manahimik na lang ako.

"Kung hindi kita makukuha sa usapan, well, kailangan kitang turuan ng leksyon!" may kinuha siya sa bulsa niya, isang controller.

Tinuro niya ang inuupuan ko kaya tinignan ko rin ito, "As you can see, ang inuupuan mo ngayon ay isang electric chair" nanlaki ang mga mata ko nang matukoy kong electric chair talaga ang inuupuan ko.

"Anong gagawin mo?!" nanginig nanaman ako sa takot at naluluha na ako.

Tumawa lang siya, "Ipaparanas ko lang naman sa'yo kung paano maging kalaban ang Phantom Sinners"

"Pakawalan mo na ako!!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko na ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa inyo ni Roxanne kahit sa leader ng Blood Rebels" pagmamakaawa ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita pero nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Inikutan niya ang kinauupuan ko,

"Madali naman akong kausap" saad niya.

Ibig sabihin ba papakawalan na niya ako?

"Promise me that you won't tell anyone... about my secret" bulong niya sa akin.

"I won't. I promise" sagot ko.

Tumango naman siya at pumunta sa harapan ko,

"As a promise, I don't trust words"

Nanatili lang akong naktingin sa kanya habang tumutulo ang luha ko,

"You need to join my group as a promise na hindi ka traydor sa mga salita mo" mahinhin niyang sabi.

Noo!! I won't!! Hindi ako sasali sa grupo nila kahit anong mangyari.

Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko para paniwalaan niya?..

I just did not answer him at yumuko na lang ako sa katotohanang ayaw kong sumali sa grupo nila.

Yumuko siya at ang lapit ng mukha niya sa akin,

"Don't you want Phantom Sinners? Once you join me, they won't look down on you anymore. Kakatakutan ka nila at hindi ka na nila lalaitin. They will give way para sa daraanan mo. Ayaw mo ba 'yon? I will give you power as much as you want!"

pagmamayabang niya with his deep voice.

Tinignan ko siya ng diretso sa mata,

"Huwag mo akong itulad sa inyo. Una, hindi ko kailangan ng kapangyarihan o anumang posisyon sa eskwelang 'to. Pangalawa, hindi ako ganyan kababa para maglimos ng kapangyarihan sa tulad niyo!!" galit kong sabi sa kanya.

Tumayo siya ng maayos at seryoso akong tinignan,

"Panindigan mo ang sinabi mo! Don't underestimate Phantom Sinners. Pagkatapos mong maghirap, tignan natin kung hanggang saan ang kakayanin mo. Dito, kahit pa gaano ka katapang, kung wala kang kakampi..hindi ka magtatagal kaya susuko at susuko ka sa ibang grupo para lang maligtas mo ang sarili mo!" he looked at me with his cold eyes.

One of his members, biglang pumasok sa loob ng kwarto and Clyde handed him the controller.

Inihanda ko na ang sarili kong maramdaman ang sakit. Titiisin ko kahit gaano kahirap pero hindi ako susuko. Hindi pa kami nag-usap ni Raven kaya hindi pa dapat matapos ang buhay ko dito.

Pinindot na niya ang controller.

Nag-umpisa ko ng maramdaman ang pagkakakuryente sa akin.

Sa una kaya ko pang tiisin. Pero patagal ng patagal, pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko!

Sobrang sakit!! Nanginginig ang buong katawan ko at kahit pa anong pigil kong umiyak, hindi ko mapigilan...tiniis ko ng ilang minuto ang sakit.

Tuluy-tuloy ang pagluha ko na naging dahilan kung bakit nanlabo ang paningin ko.

Feeling ko anytime, masusuka ako.

"T-tama naa!!" sigaw ko.

My tears bursted out in extreme pain.

Tinigil niya ang pagpindot doon kaya hindi na rin ako nakukuryente. Walang nagsasalita at hindi ko rin makita kung anong ginagawa nila dahil hindi ko na maitaas ang ulo ko.

Pero pinindot niya ng paulit-ulit....

Paulit-ulit....

Paulit-ulit...

Na para bang naglalaro sila ng video game at tuwang-tuwa na nakikita akong naghihirap.

Pinaglalaruan, pinagpapawisan, namumutla, sobrang nauuhaw at nanghihina na ako. Pero wala akong magawa para protektahan ang sarili ko. Nararamdaman ko na rin na tumutulo ang dugo mula sa ulo ko. Ni hindi ko na maimulat ng maayos ang mata ko.

Dahil pinindot niya pa 'yon ng sobrang tagal,

Hindi ko na alam kung giniginaw ba ako o naiinitan, wala na akong maramdaman. Tila namanhid na ang katawan ko sa pagkakakuryente sa akin dahil sa paulit-ulit na sakit.

Pero hindi pa rin ako sasali sa grupo nila dahil baka mas masahol pa ang danasin ko!

Naramdaman kong lumapit sa akin si Clyde, yumuko siya para tapatan ako,

"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko lang siya ng masama. Nahihirapan na rin naman akong magsalita kaya mas mabuti pang tiisin ko na lang.

Natatakot ako na baka kapag nag-join ako sa kanila mas masahol pa ang sapitin ko sa kamay niya at ayaw kong kontrolin ako ng sinuman.

Tumayo siya at sinenyasan ang member niya.

Nanlalamig na ang buong katawan ko sa sobrang sakit!! Parang pinapalipit ang buong katawan ko at unti-unti na akong nahihirapan sa paghinga.

Alam kong hindi ko na makakayanan kung titiisin ko pa. Kahit ayaw kong sumuko, sumusuko na ang katawan ko.

Parang nawalan na ng kontrol ang katawan ko at hindi ko na maigalaw ng maayos. Parang nawalan ako ng kamay at paa.

Sa sobrang sakit at hapdi, hindi ko na mapigilan na magsuka ng dugo kasabay ng pagtulo ng bawat luha ko at panginginig ng sobra dahil sa hapdi.

Nakita kong kinuha na ni Clyde ang controller at itinago sa bulsa niya.

"Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" sinenyasan niya ang kasama niya at lumabas ito.

Bumukas ang pinto at lalo akong nanginig sa nakikita ko, nabalutan ng galit ang katawan ko at nabigyan ako ng lakas para subukang kumawala sa kinauupuan ko.

"Sy?" tinitignan nila ako at halatang nag-aalala sila sa kalagayan ko.

Si Raven, Icah, Maureen at Hadlee, nakagapos katulad ko. Sinipa sila papasok sa pintuan kaya nasubsob sila sa harapan ko.

"Raven? Bakit kayo nandito?" kahit nahihirapan akong magsalita pinilit ko pa rin.

"Syden, anong nangyari sa'yo?!" nanlaki ang mga mata nila nang makita nila akong duguan at nanghihina.

Kitang-kita ko sa mga mata nila na naluluha sila dahil sa kalagayan ko.

Tinignan ko si Clyde ng masama,

"Anong gagawin mo sa kanila?!! Huwag mo silang idamay dito. Wala silang alam!!"

Ngumisi lang siya at sinagot ang tanong ko.

"Hindi kita makuha sa magandang usapan. Hindi rin naman kita makuha sa paghihirap, kahit pa ata ikamatay mo hindi ka susuko. That's why we have your friends here, infront of you"

Lumapit siya kay Raven at tinutukan ito ng kutsilyo na siya namang dahilan para magalit ako ng sobra at pinipilit kong kumawala.

"Kung pahirapan ko kaya sila sa harap mo...matapang ka pa rin ba?" wika niya.

"Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin, pero huwag mo silang idamay dito. Wala silang kasalanan!" sigaw ko sa kanya.

"Mamili ka Syden. Sasali ka sa grupo ko...o maghihirap ang kakambal mo?" tanong niya sa akin with his cold eyes.

Tumingin ako kay Raven, "Huwag kang sumama sa kanila Sy. Pabayaan mo na ako!" pagpupumilit ni Raven.

Sina Icah naman, hindi alam ang gagawin dahil nakagapos din sila.

"Noo!! I can't !! I can't lose you!" sabi ko kay Raven habang tumutulo ang luha ko.

"If losing me is the only for you to escape from this place, then hayaan mo na ako!"

sigaw niya sa akin.

"No! I won't leave you here like this"

But then, I suddenly remembered Jarred. Ganito rin ang sinabi ko sa kanya noong napahamak siya ng dahil sa akin.

And right now, I'm afraid that I might lose my brother. Without him, I'm half of a whole.

Nakatingin lang ako kay Raven at gano'n din siya sa akin.

"Ano na?" nilapit niya pa ang kutsilyo kaya dumugo ang leeg ni Raven.

Pero umiiling siya na para bang sinasabing huwag akong sasali sa Phantom Sinners.

Itinaas ni Clyde ang kutsilyo na aktong sasaksakin si Raven pero sumigaw ako.

"Stop it!! I'll join Phantom Sinners, basta't pakawalan mo sila" tumingin lahat sila sa akin dahil sa sinabi ko at halatang hindi makapaniwala si Raven sa ginawa ko.

"Noo!! Tell me you're just kidding?!" he said.

"I'll join Phantom Sinners as a promise-" hindi ko na tinuloy dahil baka malaman ng mga kaibigan ko ang sikreto ni Clyde.

Hindi ko sila matignan ng diretso dahil nahihiya ako sa ginawa ko.

But I'm so glad and proud that I was able to do something to save them.

"Maayos ka naman palang kausap" wika ni Clyde.

"Raven, sorry. Please forgive me" sa pagtulo ng luha ko, iyon lang ang kaisa-isang bagay na ginusto kong maintindihan nila.

Tinawag ni Clyde ang iba sa mga members niya at inilabas nila ang mga kasama ko.

Hindi na rin naman nakapagsalita sina Icah dahil na rin siguro sa pagkabigla and I can't blame them.

May naiwan pang isa at inaalis niya ang pagkagapos sa akin.

Tatayo na sana ako pero nagsuka ulit ako ng dugo dahil sa nangyari kanina, nahilo ako at bumagsak sa flooring.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Someone's POV

4 years ago, before "Chained School" became "Prison School", many students died in the hands of Blood Rebels and Phantom Sinners.

When it became Prison School, nagkaroon ng no. 1 rule na kung saan ipinagbawal ng council ang pagpatay. Nabuhayan ang mga estudyante ng bagong pag-asa na makakalabas sila dito dahil bawal na ang pagpatay. Back then, there was this student na hindi sineryoso ang rule na iyon. He tried to kill someone.

After a few days, walang ginawa ang council. Inisip ng mga estudyante na hindi naman pala totoo ang no. 1 rule na ginawa ng council. Pero isang araw, they found the killer's body.

The council punished him for breaking the rule. The killer had to go through a certain punishment that's why they claimed he committed suicide.

Ang punishment na iyon ay isang spinning wheel, which they called "Carnival Game".

The Carnival Game was divided into 5 sections..These are the following:

Right eye

100 needle

Metal heat

5 nails with electrocution.

Hang upside down for 3 days.

The Spinning Wheel which is also called Carnival Game was prepared by the council to punish someone who would dare to break the no. 1 rule.

Kailangan i-spin ng suspect ang spinning wheel at kung saan hihinto, iyon ang magiging punishment niya.

Una ay ang 'Right eye' , itatali ka sa isang higaan at tatanggalin ang right eye mo.

Second is the '100 needle' na tutusukan ka ng 100 needle sa buong katawan for a day.

Third is 'Metal heat'. Papasuin ka nila gamit ang nag-aapoy na metal.

Fourth is '5 nails with electrocution' nakagapos ka sa isang electric chair. Habang kinukuryente ka tatanggalan ka nila ng limang kuko.

Last 'Hang upside down for 3 days'. Isasabit ka nila ng pabaliktad sa isang puno sa loob ng tatlong araw.

The killer committed suicide dahil fourth punishment ang napunta sa kanya. Hindi niya kinaya ang ginawa ng council.

Until now, ginagamit pa rin nila ito sa Prison School but wala pang any news dahil wala ng sumubok na pumatay dahil natakot na ng sobra ang mga estudyante.

But once na mapalitan ang Prison School again for the second time. The no. 1 rule would not be a rule anymore but a memory.

The Carnival game would stop and killers would start to rise again.

Phantom Sinners still torture other people to join them dahil simula ng naging Prison school ito, naging powerful sila sa Blood Rebels even though Blood Rebels is the most dangerous group.

Pero isang bagay lang ang nakakapagtaka, bakit nananahimik ang Blood Rebels?

I think they are planning something or maybe preparing.

Chaos is approaching the Prison School.

To be continued...

Chapitre suivant