webnovel

Go away

MADUNGIS ako nang makauwi sa bahay. Namamaga ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak at binalot ng putik ang damit ko mula sa pagkadapa sa damuhan. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi but I no longer care. Pakiramdam ko manhid na ako.

Pagdating ko sa tapat ng apartment naabutan ko si Vlad na nag-aantay sa pintuan. His face paled when he saw me. "Erin what happened to you?" Agad niya akong sinalubong at niyakap. He look so worried.

Tsk! Worried your face!

Tinulak ko siya. Natigilan siya sa ginawa ko pero wala akong sinabi at pumasok agad sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto. He followed me. "Erin talk to me, what the bloody hell happened to you? Erin!"

Sinarado ko ang pinto sa mukha niya. Sumandal ako sa likuran niyon at bigla na lang napahahulgol. Akala ko naubos ko na lahat ng luha ko but then again I was wrong. Katulad ng pagkakamali ko na nagtiwala ko sa kanya.

I am always wrong in everything. Una kay Jonathan, ngayon naman kay Vlad. Kailan pa ba ako matututo at madadala? Why do I always let myself be played and fooled by these assholes?

"Erin... are you... are you crying? Please sweetie, open the door. Tell me what's wrong." Vlad keeps on banging the door, pleading with his soothing voice.

Why does he have to act like he always cares? Why does he have to be so sweet and loving? Why does he make me fell hard on him? Tangina talaga ng bampirang na `to! Ang sakit-sakit niya sa ulo.

At sa puso.

"Umalis ka na, Vlad! I don't want to see your face ever again! Bumalik ka na kung saang sulok ng mundo ka nanggaling! Umalis ka na!" sigaw ko.

I need to do this. At kailangan ko ang pintong ito para magawa kong sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon. For a moment, he stopped banging the door. Akala ko umalis na siya agad. But a few seconds later and he banged the door again harder and louder.

"Fuck! Erin, what's wrong with you? Why are you being like this? Open this goddamn door or I'll break it!" He was now yelling too. Mas lalo akong naiyak. Nakakainis! Bakit ba ang kulit-kulit niya?

"Umalis ka na sabi! Ayaw na nga kitang makita! Nakakaintindi ka naman ng Tagalog diba? Umalis ka na!"

Huminto siya sa paghampas ng pinto. Pero napasigaw ako nang biglang nawala sa likuran ko ang pintuan.

VLAD FREAKING BROKE MY DOOR!

Nag-aapoy na ang mga mata niya. Tinapon niya ang pintuan sa sala at pumasok sa loob ng kwarto. Bigla akong natakot sa kanya. Umatras ako at nagpunta sa sulok.

"Ano ba! Sabi ko umalis ka na! Bakit ba ang kulit-kulit mo?" Sa inis ko'y pinagbabato ko sa kanya lahat ng bagay na maabot ng kamay ko. Pero sinasangga niya lang lahat ng `yun hanggang sa makalapit siya sa `kin. Hinawakan niya ako sa dalawang kamay.

"Damn it, Erin! What's happening to you? Why are you pushing me away? Why?"

Ang makita siyang nagkakaganito. Para bigla akong nanghina at parang gusto ko na lang siyang yakapin at ikulong sa mga halik ko. Pero hindi! Hindi na ako dapat magpadala sa mga panloloko niya. He was scheming me again. He's a monster disguised in a godly body and from now on I should start to erased in my mind that my heart has once beaten for this bloodsucker! Never again I will let myself be fooled and blinded by love. Hindi na ulit. Last na ito.

"Answer me this honestly." Taas noong hinarap ko siya. "Talaga bang nawalan ka ng powers kaya hindi ka makabalik sa Transylvania?" Natigilan siya. Nanigas ang panga niya. Fuck! I knew it. I fucking knew it. "Answer me you bloodsucker!"

Madiin siyang napalunok at bumagsak ang balikat niya. Pinangsuklay niya ang parehong palad sa kanyang buhok at ilang ulit na bumuntong hininga. Fuck, just kill me now please.

Vlad looked at me with visible pain in his green eyes. Those eyes that have once made me feel alive again. "Erin... I... p-please let me explain."

"Just. Answer. My. Fucking question, Vladimir. Nawala ba talaga ang powers mo o hindi?"

Mahabang katahimikan ang namagitan sa `ming dalawa at sa mga sandaling iyon ay hindi rin ako humihinga.

"I'm so sorry, Erin."

My heart froze.

"Get out."

Umiling siya. "Erin please, please listen to me first." He tries to hold my hands but I pushed him away.

"I said get out!" Tinulak ko siya nang malakas at naglakad palabas ng kwarto pero hinuli ako ng mga braso niya. I tried to get away but his arms were so strong. "Let me go, anu ba, Vlad!"

"No, Erin, please." He keeps on murmuring sorry words in my ear while his huge body's hugging me from behind. Ang sakit. Tangina. Ayoko na.

"Nagkaayos na kami ni Jonathan."

Natigilan si Vlad. I used that chance to be free from him. Tinulak ko siya at naglakad palayo.

"W-what?" Tila hindi siya makapaniwala.

Humugot ako ng malalim na hangin sa dibdib at pinilit na patatagin ang boses ko kahit ang totoo nadudurog ako sa loob ko.

"Nagkita kami kanina. I lied to you." Kahit dito man lang maisalba ko ang pride ko.

From shock, his face suddenly turned fiery and hard. "Nakalimutan mo na ba kung anung ginawa niya sa `yo?"

"Who are you to question my decisions when you've been lying to me all this time?"

Natigilan siya. "Erin, it's not like that."

"No. I don't want to hear all the lies from you!" Kinuha ko ang kontrata namin sa drawer ko. Pinagpupunit ko ito at tinapon sa mukha niya. "Tapos na ang kontrata natin, Vlad. I already have what I want. Sinagot ko na si Jonathan. I don't need you anymore."

Tila tinamaan ng kuryente ang mukha ni Vlad. For a moment, gusto kong bawiin ang mga binitiwan kong salita. He looked so broken. But I know na niloloko lang ako ng sarili ko. No, Erin. This is the right decision. Unahin mo naman ang sarili mo.

"Just please, leave."

Ilang minuto siyang naiwan tulala bago dahan-dahang nag-angat ng tingin. I pushed myself to gazed back at his green eyes. "I understand." Iyon ang huli niyang sinabi bago siya naging itim na paniki at lumipad palayo.

Palayo sa akin.

Paalis sa buhay ko.

Doon na biglang bumuhos lahat ng luhang pinigilan ko mula pa kanina. Para akong inaatake ng asthma sa sobrang paninikip ng dibdib ko. I hugged myself and spend the whole night crying for my broken heart.

Sorry kung na-scam kayo akala niyo hindi ko kayo sasaktan? Chos!

AnjGeecreators' thoughts
Chapitre suivant