webnovel

Chapter 79

Hillary's POV

Five months had passed. Tapos na rin kami ni Sky sa Med School three months ago. Sa ngayon ay on Training na kami. Madalas na kaming pagod lalo na't pareho kaming panggabi ang duty, from 8 PM to 6 AM. Pagkauwi ay natutulog kami agad at minsan ay 'di na kami nagkikita to have time together. Busy kami masyado sa hospital and when we're there trabaho talaga 'yong iniisip namin. We need to take it seriously para three years lang 'yong training namin. Kasi kapag pumalya-palya kami ay baka abutin kami ng hanggang tatlong taon o higit pa. Nakakapagod din 'yan.

Natinag ako nang may humawak sa balikat ko, "birthday mo tapos nakasimangot ka?" tanong ni Andrei at tinabihan ako sa upuan.

"Masaya ako, Boy Pandak, ano ba," sagot ko naman, pero ngumiwi lang siya saka niya inabot sa'kin ang bitbit niyang regalo. "Thank you," I uttered, sincerely. "Andoon sila sa garden, Andrei, and Driana's there, too, baka gusto mo siyang makita?" panunukso ko pa. Well, I think Driana's about to get the victory. Kagabi lang ay umamin na si Andrei sa'kin na kakaiba na ang nararamdaman niya kay Driana. Aysus!

"Nagkita na kami kanina," ang laki talaga ng ngiti niya nang sabihin 'yan kaya todo panunukso naman ako. "Hindi na ba babalik si Boy Ilong? Hindi na natin naipagpatuloy 'yong Saturday Gala natin, eh, ikakasal ka na sa susunod na buwan baka 'di na 'yon maulit pa," saad niya.

"Don't worry, Boy Pandak, uuwi siya sa kasal ko at ipinapangako ko, inyong-inyo ako pagkatapos ng honeymoon namin ni Sky, gagala tayo," I am smiling the whole time I said it, kasi nasettled na rin namin 'yong kasal, finally!

"Masayang-masaya ako para sa'yo, Honey," I know he's being serious kahit parang jinojoke time niya ako ngayon. "Oh, andiyan na ang soon-to-be hubby mo," nakangiti naman si Sky na papalapit sa'min, "puntahan ko lang sila, aawra raw sa'kin si Driana, eh," nakangising sabi niya.

Napailing na lang ako, "gustong-gusto mo naman," sabi ko na tinawanan niya lang. Binati niya muna si Sky saka siya tuluyang umalis.

Tumabi sa'kin si Sky and I rested my head on his shoulder, "happy birthday again, Mi Stella," he uttered.

I giggled, then I replied, "thank you again and again, Mi Cielo."

Bahagya siyang natawa. "I'm done sending everyone the wedding invitation, Mi Stella," aniya at napatango ako agad. "I also send one for Veia," bahagya akong nagulat. Noong una ayaw niya kasing bigyan dahil baka magkagulo na naman, but after knowing he sent one for her, I'm just surprised and at the same time, I'm so happy! Gusto ko na talagang magka-ayos kami, gusto ko na ituring na naming dalawa ang isa't isa bilang magkapatid.

"Sky! Hillary!" sabay kaming napatayo ni Sky nang sumigaw si Kuya Zeus.

"Bro, what's happening?" takang tanong ni Sky. Hindi talaga maitsura ang mukha ni Kuya kaya kinakabahan tuloy ako.

"Si Veia," pakiramdam ko tumigil ang paggalaw ng mundo ko nang sabihin niya 'yan, mukha kasing may dala-dala siyang masamang balita.

Natinag lang ako nang hilahin ako ni Sky papunta sa garden. Nang lumingon sa'min si Veia ay hindi ako sa mukha niya napatingin—sa tiyan niya. S-she's pregnant.

Nagulat ako nang sampalin ni Tita Sam si Sky, "how dare you?!" galit na galit niyang sabi. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang tumingin sa kaniya si Veia.

"M-Mom, what have I done?" gulong-gulo talaga si Sky sa nangyayari at pati na rin ako! God!

Itinuro ni Tita Sam si Veia, "you impregnated that woman!" kung 'di lang ako nahawakan ni Kuya Zeus malamang bumagsak na ako. Nagpabalik-balik 'yon sa utak ko at sunod-sunod na na tumulo ang mga lintik kong luha. "Fiancée mo 'yong kapatid niya tapos biglang nagkagan'to? Kung siya naman pala ang gusto mong buntisin ba't 'di na lang 'yan ang papakasalanan mo?!" galit talaga si Tita. Nang mapatingin siya sa'kin ay agad niya akong niyakap while she's been whispering, "be brave, Hillary," mas lalo tuloy akong umiyak.

"Veia, what the hell are you talking about?" naguguluhan pa ring tanong ni Sky. Ang Mama umiiyak na rin ang Papa parang 'di rin naiintindihan ang nangyayari. Sina Andrei at Driana ay nakakunot ang noo. Kuya Zeus is still in my side.

"You heard her right, Sky," Veia uttered in tears. Napahagulgol na lang ako. Totoo nga. "Naalala mo pa ba no'ng nagpakalasing ka? No'ng araw na mas inuna mo 'kong tulungan at hinayaan si Hillary na umalis?" she paused and wiped her tears. Si Sky naman nananatiling kunot-noo, "gusto kong ihatid ka sa bahay niyo, pero natatakot ako na baka magalit sa'kin 'yong mga magulang mo na makitang pareho tayong lasing kaya dinala kita sa hotel," pahirap na nang pahirap ang paghinga ko, sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nagsasalita si Veia, "aalis na sana ako nang makitang okay ka na, pero...hinila mo 'ko at...may nangyari sa'tin—" napatigil siya nang lumakas ang pag-iyak ko. Sky attempted to hold me, pero pinalayo ko siya agad.

Pinilit kong tumayo at tinuro silang dalawa, "do I really deserve this sh*t?" umiiyak kong tanong. "ANO BANG KASALAN KO SA INYO?! SINIRA KO 'YONG KUNG ANONG MERON KAYO NOON? SUMAWSAW AKO SA INYO?!" iling nang iling si Sky. Si Viea ay patuloy lang sa pag-iyak. Lumapit na rin sa'kin si Driana and she tried to comfort me, pero muli akong nagsalita, "DAPAT HINDI NA LANG KITA PINANSIN, SKY! DAPAT 'DI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN KUNG DARATING ANG GANITONG PANGYAYARI! MAS PIPILIIN KO NA LANG NA 'DI TAYO NAGKAKILALA! HINDI SANA AKO NASASAKTAN NANG GAN'TO!" galit na galit talaga ako at hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapasigaw.

Bakas sa mukha ni Sky ang gulat at sakit, pero wala akong pake! Mas nasasaktan ako ngayon! "Hillary, walang nangyari sa'min," saad pa ni Sky, pero natawa lang ako. Naalala ko no'ng mga panahong 'yon basa ang buhok niya kinabukasan, pero anong oras na 'yon. Siguro kakagising lang niya dahil napagod siya buong gabi! Naligo lang siya agad-agad nang tumawag si Kuya Zeus. At kaya siguro biglaang umalis si Veia dahil may nangyari sa kanila at baka nakokonsensya na siya! Ngayon, alam ko na! Pinaglaruan nila ako.

"Magsama kayo," iyon na 'yong huli kong sinabi saka ako umalis. Mabuti na lang at 'di na nila ako ginulo pa. Umiyak ako nang umiyak sa kwarto ko nang ilang oras at nang mapagod ay ipinagpahinga ko na muna ang puso at isip ko pati na rin kaluluwa ko mukhang napagod din.

***

Nasa iisang mesa kami ngayon kasama ang Pamilya ko at pamilya ni Sky, pag-uusapan na namin kung anong gagawin nila sa nangyayari ngayon. Actually, they don't want me to be here, they're afraid I'll get hurt more, but I've thought of this hardest decision I've made for a couple of times and they need to hear it. 

"It's yours, so take full responsibility, Sky," usal ko. Nakakunot ang noo niya nang mapatingin siya sa'kin. Nagulat silang lahat, pero si Veia ay nananatiling nakayuko.

"Fine. I'll take the responsibility, but I'll still marry you," Sky said.

I shook my head, "no—"

"What?!" napatayo pa siya, pero pinaupo siya ulit ng Mommy niya, she then gestured me to continue.

"Ayokong lumaki 'yong bata na si Veia 'yong Mommy niya, but you're married in me. If you're gonna take full responsibility, then don't miss something. Marry her." nakangiting usal ko. Ayoko talaga na magkaroon ng broken family ang bata and besides, they loved each other in the past, then surely, they can learn to love each other again.

"Ayoko, Hillary," biglang usal ni Sky.

Tumayo ako at pumunta sa labas. Umupo ako sa isang wooden chair at nang makita ko si Sky ay agad kong isinenyas sa kaniya na maupo sa tabi ko. Alam ko kasing susundan niya talaga ako and I want us to talk together, 'yong kami lang talaga.

"Hillary, ayoko talaga," usal niya. Ngumiti ako at hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Kasi mahal mo 'ko?" tanong ko at agad siyang umu-o. Tumulo na naman 'yong mga luha ko! Namumugto na nga 'yong mga mata ko, pero ito na nama't umiiyak na naman ako. "Mahal din kita, Sky, mahal na mahal. Pero bakit laging nagkakagan'to? Laging may humahadlang sa tuwing masaya na tayo? Kasi we never really are fated. Kasi kung tayo, walang hahadlang."

Sky is now in tears, too. Alam ko na mahal niya ako, pero walang magagawa ang pagmamahalan namin ngayon. We need to set it aside for now and forget about it tomorrow.

"Ngayon, you now have the biggest responsibility to take. Be the Sky that I knew. The man that everyone wishes to have. Iyong lalaki na gagawin ang tama. We need to be more understanding and mature now. It may be planned or not, face the reality that you're now going to be a father, Sky, a father of Veia's child and not mine," inalis ko agad 'yong paningin ko sa kaniya. Nasasaktan din naman ako sa ginagawa ko, pero ito kasi 'yong tama, eh.

"Are you saying that we need to break up, Hillary?"

"That's the only thing we should do, Sky," agad siyang umiling, "kaya ko na makasama ka kahit na may anak ka sa iba, but I am thinking about the child, Sky, ayoko siyang lumaki na naguguluhan sa pamilyang meron siya," saad ko. Tumigil na ako sa kakaiyak. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge, "I love you, Sky," napapikit siya nang sabihin ko 'yon, "and this will be the last kiss for you, Mi Cielo," dahan-dahan kong inilapit 'yong mukha ko sa kaniya, "a kiss for Sky," sabi ko saka ko siya tuluyang hinalikan. This is the most painful kiss I'd ever experienced.

Tumayo na ako at tuluyan nang umalis. Ang bigat-bigat ng bawat hakbang ko dahil alam kong iniwan ko siyang nasasaktan at umiiyak, but this is for everyone's betterment. We'll surely get over this.

Chapitre suivant