webnovel

Chapter 10: Strange Feeling

Kakatapos ko lang naligo. Pag labas ko sa banyo ay wala si Feira. Tinignan ko ang veranda wala din siya doon pati sa ilalim ng kama.

Naisipan ko nalang na lumabas ng kwarto at bumaba. Dumiretso ako sa dining area at nakita sina Mommy at Daddy.

"Lance? Halika na at umupo na rito. Kumain na tayo." Sabi ni Mommy. Umupo ako sa upuan, kaharap si Mommy.

"Lance, kumain ka ng marami, okay?" Sabi ni Mommy na may ngiti sa labi.

"Lance, I and your Mom will go to the US for business matter. Our company will be left at your hand." Sabi ni Dad sabay itiniklop at ibinaba ang dyaryo sa mesa.

"Busy ako sa pag-aaral." Sabi ko.

"Sa una pa lang ayaw ko na mag-Engineering ka. I want you to take up Business para may alam ka naman." Sabi niya.

"I'm reading Business-related books so don't worry." Sabi ko at bumuntong-hininga lang si Dad.

"Okay. Pero gusto ko bisitahin mo ang kompanya habang wala kami." Sabi ni Dad at tumango lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa silid upang tignan kung nandoon ba si Feira.

'Bakit bigla-bigla nalang iyong nawawala.'

Pagkabukas ko sa pinto ng aking silid ay nakita ko siya sa may kama ko. Inaayos ang unan ko, ang kunot na bedsheet at wala sa lugar kung kumot ay inayos at tinupi niya.

"What are you doing?" Tanong ko at napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako.

"Inaayos ko ang higaan mo." Sabi niya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. I can tell that she's beautiful. She has fair skin, black shiny straight hair, her lips are pinkish and the color of her orbs are brown. She really looks alive  now.

"You don't need to do that. I can do that on my own." Seryosong sabi ko sabay kuha ng wallet ko at pinasok sa bulsa sa likod ng pants ko.

"Gusto ko lang gawin." Sabi niya sa mababang tono. Bahid sa boses niya ang lungkot. Kitang-kita din ito sa mata niya. Her eyes is the other way for me to know her emotions. It says a lot.

Bigla-bigla lang siyang napatulala na parang may iniisip. Naglakad ako papalapit sa kaniya at pinitik ang noo nito.

"Hey!" Sabi ko sabay pitik ng noo niya dahilan para mabalik siya sa kaniyang sarili. Kinunotan ko siya ng noo.

"Saan ka na nakarating? Lalim ng iniisip mo. Hindi bagay sayo." Sabi ko.

"H-huh?" Lutang niyang sabi.

"What are you thinking?!" Inis kong sabi sabay upo sa sofa kaharap ng kama ko.

"Iniisip ko lang iyong kanina." Sabi niya. Kinunotan ko siya ng noo bago nagsalita.

"Tungkol saan?"

"Iyong kay Jemea." Sagot niya at bigla nalang sumeryoso ang mukha ko at tumayo.

"Stop thinking about it."

"Kasalanan ko kasi na hindi ako nakasal. Nakokonsenya ako. Sinira ko ang relasyon niyo."

Nainis ako sa sinabi niya.

"Shut up, Feira! This is no one's fault. All of this is unexpected!" Inis kong sabi. Lalabas na sana ako sa silid ng bigla siyang nagsalita.

"Ced?.."

"..maraming salamat sayo. No words can ever express how much grateful I am."

"Let's just say, na tumutulong lang ako. Walang ibig sabihin ang lahat ng ito. Tinutupad ko lang ang pangarap mo. Si Jemea parin ang laman ng puso ko. Oo, nasasaktan ako sa mga nangyayari sa amin ni Jemea, pero wala na akong magagawa. Wala na tayong magagawa." Sabi ko na nakatalikod sa kaniya at naglakad na palabas ng silid.

Pagkababa ko ay tinawag ko agad si Manang para sa susi ng sasakyan ko.

"Narito na ang susi, Lance. Mag-iingat kang bata ka kung saan ka man pupunta." Paalala ni Manang.

"Tss. Manang naman. Kaya ko ang sarili ko. Hindi na po ako bata." Sabi ko at tumawa lang siya.

"Sige, Manang. Alis na ako." Paalam ko at tumango lang siya habang may ngiti sa labi.

Seryoso akong nagmamaneho ng biglang tumawag si Kaello.

"Bakit?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

"Birthday sa kapatid ni Jandro, bro. Inimbita at ini-expect niya na nandoon tayong magbarkada. Tinawagan kita para ipaalam sayo."

"Tss. Ba't ba? Birthday niya ba para siya mag-imbita?" Tanong ko at narinig kong tumawa si Kaello.

"Hahaha. Hindi. Pero wala kasi siyang kasama sa gaganaping 18th Birthday ng kapatid niya. Atsaka maayos na rin iyon para makahanap tayo ng babae. Hindi naman tuloy ang kasal mo kaya single parin tayo diyan! Hahaha."

"Tss. Anong oras ba?" Tanong ko.

"Mamayang six ng gabi." Sagot niya.

"Saan ka ba ngayon?" Dagdag niyang tanong.

"Papuntang Mall." Sagot ko.

"What? Solo hunting?" Sabi niya at bahid sa boses niya ang kalokohan.

"No. I'll go there to buy some stuffs." Sagot ko.

"Hahaha. Okay. See you there, bro." Sabi niya.

"Yeah." Sabi ko sabay pinatay ang tawag. Kakarating ko lang sa Mall at nag-park na.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa Women's wear.

"Hello po, Sir. Ano po ang hinahanap niyo?" Tanong ng sales lady.

"I need all types of dresses, casual clothes, shoes, sandals, doll shoes, underwears and some accessories, and your most expensive perfume." Sabi ko sa babae at nakita kong namula ang pisngi niya.

"Grabe ang dami naman iyan, Sir. Ireregalo niyo po ba sa girlfriend niyo?" Tanong niya.

"Go and get what i wanted, Miss." Nakangiting sabi ko sabay kindat sa kaniya.

"Ano po ang size niya.?" Tanong niya.

"Between small and medium? Um, katulad ng mannequin na ito ang katawa niya." Sabi ko.

"Wow. Ang sexy naman niya, Sir." Manghang sabi ng babae.

"Swerte naman ng girlfriend niyo sayo." Sabi niya.

"Well....Wife b-by the way." Sabi ko sabay kamot sa batok ko at ngumiti ng malapad ang babae.

"Sige po, Sir. Ipapaayos ko na po ang lahat ng sinabi niyo. Can you wait 20 minutes, Sir?" Tanong ng babae at tumayo lang ako.

Lumipas na ang 20 minutes at nandito na ang hinihingi ko. Nagulat nalang ako dahil ang daming klase-klaseng paper bags na nakalagay sa malaking cart.

"Here's my card" sabi ko sabay lahad sa cashier at nakangiti niya itong tinanggap. Pagkatapos niyang e-scan iyon ay ibinalik na niya sa akin iyon.

"Thank you, Sir."

"Welcome."

Tulak na tulak ko itong malaking cart na ubod ng daming paper bags.

Tinulungan ako ng guard na ilagay ang lahat sa loob ng kotse ko. Puno ang compartment pati sa likod.

Tinignan ko ang relo ko. 11:09 am na pala. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagmaneho pabalik ng mansion.

'Tss. Why am i doing this?'

Ilang minutos ng pagmamaneho ay nakarating na ako sa bahay. Tinawag ko si Manang pati ang mga maids para iakyat lahat ng mga pinabili ko.

"Ang dami naman nito, Lance. Para kanino ba ang mga to.?"

"Regalo ko lang iyan, Manang." Sagot ko sabay binuksan ang compartment sa sasakyan.

"Kanino? Kay Jemea?" Nakangiting tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

Nauna na ako naglakad papasok sa loob. Dumiretso ako sa silid at nakita ko si Feira sa veranda. Nakaupo at malalim ang iniisip.

"Kanina pa kita hinihintay." Sabi niya sabay tayo na nakalutang sa ere, dahan-dahang lumapit sa akin.

"P-Pwede ba na maglakad ka ng normal. Huwag kang palutang-lutang na parang nananakot!"

Narinig ko na may kumatok sa pinto at bigla namang nagtago si Feira sa ilalim ng kama.

Naglakad ako papalapit at binuksan ang pinto. Ipinasok ng mga maids ang mga paper bags.

"Salamat." Sabi ko sabay sara ng pinto.

"Feira.?" Tawag ko at lumabas na siya sa ilalim ng kama.

"Bakit?" Tanong niya.

"Para sayo." Seryoso kong sabi sabay turo sa ubod ng dami na paper bags.

Lumutang siya ng ubod na taas habang tumitili. Ngumiti siya ng malapad at tinitigan ako. Nakahangad lang akong tumingin sa kaniya.

"Pwede ba na bumaba ka!" Inis kong sabi.

"Alay mo iyan sa akin?!" Nakangiti niyang tanong.

"Tss. It's just a gift. I hate seeing you wearing your wedding gown!" Sabi ko.

"Maraming salamat!" Masaya niyang saad. Kinuha ko ang isang paper bag na kulay pula.

"Para sakin din ba iyan?" Tanong niya.

"No." Sabi ko at inilagay ito sa loob ng drawer.

"Magbihis ka na." Sabi ko at pumasok na siya sa walk-in closet.

Nagbabasa ako ng magazine dito sa veranda ng biglang tinawag ni Feira ang atensyon ko.

"Ced?"

Nilingon ko siya. Nakasuot siya ngayon ng kulay peach na dress, pinarisan niya ng light brown na doll shoes.

'She really is look like a living person now. Hindi halata na patay na to.'

"Maganda ba?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sabay upo sa upuan, kaharap ko.

"Hindi pa." Sagot ko habang ang aking mga mata ay nakatuon sa laptop ko ngayon.

"Kumain ka na. Huwag kang magpapalipas ng gutom." Sabi niya.

"Ikaw?" Tanong ko

"Hindi ako kumakain eh. Wala naman nag-aalay sa puntod ko. Wala naman akong maayos na libing eh. Nakita mo ba ang gubat doon, iyong ubod ng dilim at nakakatakot.? Doon ako nakahiga. Iyong bahay malapit sa gubat, wala ng nakatira doon. Pinatawag na kaya doon ako tumira." Sabi niya at bigla akong napatitig sa kaniya na may ngiti sa mukha.

'Why does my heart feels strange? Siguro dahil naaawa lang ako sa kaniya.'

"Tss. Just wait here!" Sabi ko sabay sarado sa laptop ko. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pagkain, prutas at maiinom. Ipinatong ko ito sa isang tray at dinala sa taas.

Nakita ko siya na nagbabasa ng magazine na binasa ko kanina.

Nilapag ko ang pagkain sa mesa at napatingin siya sa akin.

"Here. I offer this food to you." Sabi ko at bigla lang umilaw ang pagkain.

"WAAAAHHH! Salamat talaga, Ced!" Sabi niya sabay nilantakan ang pagkain.

"You look very hungry."

Hinayaan ko nalang siya na kumakain sa harapan ko at habang busy ako sa pag-gawa ng report ko para sa lunes.

Chapitre suivant