webnovel

Chapter 12: He is Gentleman

Naalimpungatan niya ang malamig na bagay na dumapo sakanyang noo, pero nang nakita niya kung sino 'yon ay agad naman siyang bumangon at umayos ng upo. "Don Javier?" aniya pa pero nginitian lang siya ng Don.

"Kumusta Aloha? Mabuti na ang pakiramdam mo?" anito, na nasa himig ang pag aalala.

"Okay na po ako, salamat po Don." nahihiyang naman niyang sagot dito, kagabi pa ito alang alala sakanya, bakit ba kasi ang bait nito, hindi niya tuloy maisip kung bakit.

Magtatanong sana siya pero bumukas ang pinto at iniluwa doon si Third na may dalang isang tray na may laman na sopas at tubig pati na rin gamot. Siya na nga ang pinakamasayang nagkasakit dahil may nag aalaga sakanya, ramdam niya ito. Agad naman tumayo si Don Javier, at sinalubong si Third. Ito naman ay tumingin sa kanilang dalawa.

Umiwas siya ng tingin dahil parang malulusaw siya. "Bakit nandito kayo Dad? Akala ko nasa kompanya kayo?" sabay lapag sa Tray na dala nito.

Narinig niyang tanong ni Third dito, kaya bumaling siya. Nagtagis ang bagang nito nakatingin sa ama, anong problema ng isang 'to. Sabi niya lang sa sarili. "Dinalaw ko lang si Aloha Third, may masama ba doon? Pagak na ngumiti si Don Javier at tumingin kay Third. And I miss her." anito, na may halong panunudyo sa boses. Napantig ang tenga niya sa narinig. Parang nawalan yata siya ng lakas dahil sa narinig. Kaya ba ang bait nito sa sakanya?

"Shit." anito, mahina 'yon pero dinig na dinig niya kasi nakaupo ito sa tabi niya.

Natameme siya walang lumalabas sa bibig niya na salita dahil sa tensiyon ng paligid niya. "Parang lagi ka ng nandito, may condo ka naman?" ani Don ngayon natatawa na

"Bakit dad? Bahay ko naman 'to. Bakit hindi na ba pwede?" ani naman ni Third, mas lalong lumakas ang tensiyon ng dalawa hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa dalawang tao sa harapan.

"May gusto kaba kay Aloha?" ngumiti ito ng matamis na nakatingin sakanya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi ni Don Javier. Kita niya nagtagis bagang si Third na tumingin sa ama. "Wala ka na dun Dad." parang nabingi yata si Aloha sa narinig kay Third, tama ba ang narinig niya? Huwag assuming Aloha anang kontrabidang bahagi ng isip niya. Hindi ako assuming narinig ko mismo, kontra niya.

"Well said hijo." ani ng Don at tinapik tapik pa ito sa likod si Third. "Get well soon hija. Aalis na ako medyo mainit ang ulo ng anak ko ngayon." anito at ngumiti ng nakakaloko bago ito tuluyang lumabas.

Bumaling naman si Third sa kanya, nagkasalubong ang kanilang tingin agad naman siyang umiwas dito dahil naiilang siya sa titig ng binata. "Kumain kana lalamig na ang pagkain" anito at nilagay sa kanyang harapan ang mini table. Bacon at hotdog at may nilagang itlog din. Simple lang 'yon pero para kay Aloha ay malaking bagay na ito sa kanya. Hindi naman kasi siya sanay na may taong nag aalaga sa kanya.

"Hindi mo mauubos 'yan Aloha kung titignan mo lang" napahiya naman siya. Nararamdaman niya ang init ng pisngi niya dahil sa sinabi ng lalaki. Ayan Aloha, ang dami kasing iniisip e' baka nakalimutan mo bumabawi lang 'yan sayo dahil may kasalanan ang lalaking 'yan sayo.

Napailing siya sa naisip niya, tama ito bumabawi lang si Third sa kanya kaya hindi dapat lagyan ng ibang malisya ang ginagawa nito. Nagsimula na siyang sumubo nang tumingin sa ulit sa binata na mataman na nakatingin sa kanya.

"Kumain kana din" yaya niya dito

"Hindi na titignan pa lang kita nabubusog na ako"

Nagbibingihan lang si Aloha sa narinig. Mas naunahan kasi siya sa kanyang puso na mag react dahil sa lakas ng pintig at may tambol sa dibdib niya. Nag iinit ang kanyang mukha at ramdam niyang namumula na ang pisngi niya. "Ganyan ka pala kiligin, Masyadong halata. Bawasan mo ng kunti dapat sa akin ka lang magkaganyan." anito at ngumiti

Naubo siya sa kanyang narinig. Third is good in catching her charm, ang daming alam na mga panlolokong salita. Kung ibang babae siguro si Aloha ay malamang nabibihag na siya sa taong nasa kanyang harap.

"Ano? Hindi ako kinikilig Third" pagsisinungaling niya pero ngumiti lang ang lalaki at hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Comm'n tayo lang naman dalawa ang nandito Aloha pwede mong sabihin sa akin promise wala akong pagsasabihan" anito at itinaas pa ang kamay napangiwi siya ang kapal din ng mukha nito.

"Ang kapal" aniya sa mahinang boses

"Narinig ko 'yon Aloha" anito na tumatawa na. Inilapag ko ang kutsara at uminom ng tubig parang nawala yata ang gana kung kumain.

"Umalis ka na nga baka masapian pa ako ng kapalan 'yang mukha mo!"aniya

"Makapal ang mukha ko? Talaga? Gwapo lang ako hindi makapal! Halikan kita diyan e'"

"Sapakin kita gusto mo? Alis! Alis na!" pagtataboy niya dito

"Wala man lang thank you diyan?"

"Thank you! Ayan okay na?" aniya at tumawa ng pagak.

Tumango ito at kinuha ang tray, naglalakad na ito palabas ng muling bumaling sa kanya na nakangiti at kumindat, sinimangotan niya ito. Napailing nalang siya sa ipinakita ni Third parang nanibago siya sa mga ginagawa nito sa kanya.

MAAGANG nagising si Aloha alas singko palang ng umaga, pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, magaan na ang kanyang pakiramdam. Bumangon na siya at naisipang mag jogging, ayaw niyang sanayin ang katawan na nakahiga lang, wala na din kasing oras siya sa pag jogging dahil busy sa skwelahan.

Pagbaba niya ay wala pang tao syempre alas singko pa ng umaga, hindi niya namalayan na inaantok siya kagabi kaya nakatulog siya agad. Nang paglabas niya ay nakita niya si Manang Fe na papunta sa bahay. "Good morning Manang Fe" bati niya sa matanda na nasa harapan na niya.

"Oh! Good morning din sayo Aloha, kamusta na ang pakiramdam mo?" anito

"Okay na ho magaling kasing nurse ang alaga ninyo!" aniya at natatawa pa hindi kasi niya alam kung bakit niya nasabi 'yon.

"Sinabi mo pa? Hindi nga 'yon mapakali, laging pumunta sa kwarto mo at chi-ni-check ka lage." anito parang kinikilig dahil sa sinabi napawi ang ngiti ni Aloha sa narinig kay Manang Fe parang may humaplos sa kanyang puso para kay Third.

"Kaya nga ho e' gumaling agad ako ginamitan niya yata ako ng magic" nasabi nalang niya. "Sige ho mag jogging muna ako." paalam niya "Kung maghahanap po ang Don sabihin niyo nag jogging ako!" habol niyang sabi at nagsimula nang mg jogging

Nasa isang malawak na parke si Aloha, medyo maginaw pa at kakaunti pa lang ang nag jogging. Masaganang kahoy ang naroroon wala kita din ang linis ng parke. Kahit ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Aloha ang sinabi ni Manang Fe, parang lumambot ang puso niya sa ginawa ni Third, na touch naman siya roon.

Nakailang takbo pa ang ginawa ni Aloha nang napagod siya, umupo muna siya sa bench na naroon. Napangiti pa siya ng may nakita siyang magkasintahan na naghaharutan habang nag jo-jogging.

"Pwedeng umupo?" anang boses ng bagong dating, hindi man lang niya namalayang ang pagdating ni Third umupo ito sa gilid niya.

"Bakit mag isa ka lang? Ginising mo sana ako. Teka? Okay kana ba? Baka mabinat ka niyan!" anito sa sunod na sunod na tanong, nakatunganga lang si Aloha nakatingin dito, hindi kasi niya alam kung ano ang tamang isasagot niya rito.

Huminga ito ng malalim, "Fine! I know your okay now! Pero ginising mo sana ako para may kasama ka." kalmado na ang boses nito ngayon kumpara kanina. "Bakit naman? Hindi ko naman kailangan ng body guard ah! Tsaka, makaabala lang ako sayo." aniya

"Hindi ka naman abala sa akin Aloha." mahina lang pagkasabi nun pero dinig na dinig niya. Tumingin siya dito, nakatingin din pala ito sa kanya. "Gusto ko rin mag jogging." anito

Napatango nalang si Aloha, Assuming. Saway ng kanyang isip napailing siya at tumingin sa malayo. "Anong iniisip mo?" tanong ni Third, kita niya ang pagtitig sa kanya ng binata.

"Wala naman, I mean marami" aniya

"Kasali ba ako sa iniisip mo?"

Gustong matawa ni Aloha sa tanong ni Third pero nang tingnan niya ito ay ang seryosong tingin ang nakita niya. "Anong klaseng tanong 'yan Mister?" aniya at tumawa na din hindi kasi niya mapigilan. Out of nowhere na ang tanong nito. Bakit ko siya iisipin?

Bakit hindi ba siya kasali? Anang kontrabidang isip niya.

"Anong nakakatawa? Seryoso ako!" anito tumayo na si Aloha at tumatawa pa rin. Iniwan niya ang binata at tumakbo ulit.

"Ang dali mo pala patawanin no?" anito sumunod pala talaga ang mokong. Hindi na siya umimik pa, patuloy lang takbo niya. Marami siyang iniisip at tama ang binata kasama ito roon. Nawala yata lahat ng inis at galit niya dito.

Ilang takbo pa sa parke ang ginawa niya sumabay din naman sakanya si Third pero walang imikan. Hanggang sa napagdesisyonan niyang umuwi na masakit na din ang sikat ng araw. Nang nasa tapat na sila ng gate ay nakita niya ang paglabas ng kotse ni Don Javier. "Good morning po Don." aniya matamis na ngumiti.

"Good morning Aloha! Okay ka na?"

"Opo. Okay na po ako papasok na din ako sa opisina." aniya

"O sige ipapakuha nalang kita rito kay Johnny," anito

"Huwag na po Don mag commute nalang po ako."

"Sigurado ka?"

Tumango siya at ngumiti. "Ako na ang maghahatid sa kanya Dad" ani Third na nasa likuran ko pala.

Ngumiti ng nakakaloko ang Don sa kanya parang may ipinahiwatig ang tinging 'yon sa kanya. "Well said Thirdy baka gusto mo rin bantayan si Aloha?"

"I'd like too dad kaya nga ihahatid ko siya baka maraming umaaligid na lalaki dito." ani Third na siyang napatawa sa Don. Nag iinit ang pisngi niya parang gusto niya yata lamunin siya ng lupa ngayon. Kung magkwentuhan ang mga ito sakanya mukhang wala siya roon.

"Male-late na ho kayo Don." aniya sa gitna ng pag uusap ng dalawa tungkol sakanya

"O, am I?" sinipat nito ang relo at tumango. "See you there the two of you drive safely Third." paalala nito sa anak at pinaharurot ang sasakyan.

Chapitre suivant