webnovel

Surprise!

Nagising ako na parang pinipiga ang ulo ko sa sakit. Bumangon ako at bumaba sa kusina para uminom ng gamot. Nang makapagpahinga ay agad akong nagayos at nagbihis papasok ng school. Dali dali na rin akong pumasok dahil sa gusto kong makita si John kung ayos lang ba talaga siya matapos ng nangyari kagabi.

Pagdating ko sa school ay saktong Lunch na. Pumunta ako sa rooftop kung makikita ko silang dalawa. Pero wala, nilibot ko ang buong school hangang sa magsimula ang klase ay di ko nakita ang isa manlang sa kanila. Kaya pumasok nalang ako at naisipang hanapin sila pagkatapos ng klase.

Pagkatapos ng unang subject sa afternoon class ay agad nagdismiss ang mga teacher dahil sa may meeting ang lahat ng mga faculty member ng school, kaya maaga kami pinauwi. Habang naglilibot sa school ay napadaan ako sa gymnasium ng school at nakita ko si Hiro na naglalaro ng basket ball.

Pinuntahan ko't tinawag, "Psst! Hiro, halika nga ditto."

Nagpaalam siya sa coach at pinuntahan ako. "O kamusta na? tagal mong nawala."

"Tagal ko kayo hinanap ni John di ko kayo makita, at isa pa. Akala ko ba ay bawal kang mag laro ng kahit anong sport?", tanong ko.

"Yung tungkol sa sakit ko. Ayos na iyon matagal na akong naoperahan sa sakit ko sa puso kailangan ko nalang daw gawin ay sanayin ang puso ko sa pamamagitan ng sports. Bakit ka nga pala napadaan?", sabi ni Hiro.

"Oo nga pala, si John. Nasaan siya di ko siya nakita ngayong araw.", tanong ko.

"Hindi daw siya makakapasok ngayon at baka hangang sa susunod pa na mga araw. Masakit daw katawan niya.", paliwanag ni Hiro.

"Alam mo ba kung saan ang bahay niya ng mabisita ko.", tanong ko.

"Sakto ipinapabigay ni John sa iyo address niya.", kumuha si Hiro ng papel at isinulat ang address ni John. "O ito o…"

"Sige salamat."

"Babalik na ako sa practice. Ikamusta mo nalang ako kay John.", sabi ni Hiro

Agad akong umalis at pinuntahan ang address na ipinabibigay saakin ni John. Pero nagtataka ako… Ang alam ko kahit papaano ay may kaya ang pamilya nina John pero napunta ako sa isang squatter's area, deretso sa isang eskinita na itinuro saakin ng isang lalake na pinagtanungan ko ng address.

Pagpasok ko sa dulo ng eskinita ay may nakita akong pinto. Medyo sosyal dahil iyon lang ang pintuan na nakita kong may door bell sa gilid ng pinto. Pinindot ko ang door bell dahil iyon ang lugar na itinuturo ng papel. May sumagot na isang tao sa kabila ng pinto.

"Sino 'to?", tanong saakin.

"Ako po si Ayato, kaklase ni John.". sagot ko.

"Ayato!!!", sigaw niya. "Saglit lang."

Ilang saglit ay bumukas yung pnto at may humila saakin papasok.

"Ano bang maroon?", tanong ko.

"Ayato!", sigaw niya sabay yakap

"A-anong nangyayari?", tanong ko.

"Hindi mo na ba ako naaalala? Ako 'to.", sabi ng babaeng yumakap saakin.

Pinagmasdan ko siyang maigi pero ang pinaka napansin ko sakanya ay ang pangangatawan niya. Dahil doon ay napatagal ang pagsagot ko sa tanong niya.

"Hoy! Ano ba?", sabi niya.

"Sino ka ng aba ulit?", tanong ko.

"Ako 'to yung pinsan ni John na tumulong sa inyo doon sa mga bumubully sa iyo.", paliwanag niya.

"Teka?... Laika? Yung unang aso sa langit. At isa pa di ka tumulong noong mga panahong iyon, babatohin mo na sana ako pero nakailag ako at natamaan mo yung tumutukso saakin. Isa pa anong nakain mo mula sa pagiging 'dictionary' ay naging 'notebook' ka?", sabi ko.

"Ngayon nga lang tayo ulit nagkita tapos yan ang unang-una kong maririnig sa iyo. Kaya hindi na ako magugulat kung hangang ngayon wala ka paring girlfriend.", sita niya.

"Bakit ikaw… mayroon na?", tanong ko sa kanya.

"W-w-wala pa akong b-b-b-boyfrie-n-nd… Pero may… nakausap a-a-aako kahit p-p-paano.", sabi ni Laika habang nanginginig at namumula.

"(Anong problema ng babaeng ito.)", tanong ko sa isip ko.

"Teka, paanong saakin napunta ang usapan. Bakit ka nga pala nandito?", tanong niya bigla.

"Bibisitahin ko lang naman si John.", sabi ko.

"Dahil sa pinagkakatiwalaan ka naman ni John pati na ako ay may makikita kang mga ikaguglat mo. Pero, dapat ay manatili lang itong sikreto.", sabi ni Laika ng seryoso.

"Sige lang.", sagot ko.

Pumunta kami sa isang kuwarto sa ilalim ng bahay. Pagkabukas ng pinto ay may isang liwanag ang lumabas mula rito. Nang kami ay makapasok na ay indi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Isang malawak na lupain, isang malaking mansion, akala mo ay isang kalahating barangay na ang laki. Ang nakakapagtaka bakit sa labas ang lugar ay magulo at hindi maasenso, pero sa lugar na iyon ay payapa na parang paraiso.

"Sundan mo lang ako.", sabi ni Laika. Kami ay pumasok sa mansion, pero kapansin-pansin ang dilim ng paligid halos wala ka nang makita. Tapos ay walang pasubali ay may isang kung anong lumilipad ang muntikang tumama saakin.

"Anong nangyayari?", tanong ko.

"Security system iyon ng mansion, kung sakasakaling may kung anong dilim na mas madilim pa rito ang nakakapasok.", siya ay tumalon papalayo saakin at tumuntong sa isang poste sa loob ng kuwarto.

"Sabihin mo, sino ka at kanino ka nagtatrabaho?", tanong ni Laika agad saain.

"Ano nanamang laro ito. Hoy! Hindi ito nakakatawa.", sabi ko.

Ilang saglit ay may lumipad uli na mga pagatake sa akin, na siyang mga nailagan ko.

"Tatanungin uli kita. Sino ka at ano ang pakay mo?", tanong niya saakin.

"Ako nga ito, takte, ako to si Ayato. Bibisitahin ko lang si John."

"Sinungaling.", sabi ni Laira. Bumaba si Laira sa poste at nakahanda ng sumunod pero bago pa naman siya makalapit ay may bigla kaming narinig sa boses.

"Tama na iyan. Si Ayato talaga iyan, paki dala na lang siya sa kuwarto ko.", sabi ni John na nasa megaphone.

Natigil ang pag-atake niya at biglang itinuro ang daan. Sa paglalakad namin sa mansion ay nakita narin namin ang kuwarto ni John. Pagkabukas ko ng kuwarto ay nakita ko si John na nakaupo sa ibabaw ng isang bilog na nababalutan ng liwanag. At natigil si John sa ginagawa niya.

"O nandiyan ka na pala. Sige pasok ka lang.", sabi ni John.

"Uhm… Anong mayroon.", tanong ko.

"Siguro natatandaan mo naman ang nangyari kanina."

"Yung kanina? … Teka di ba namatay ka?!", sabi ko.

"Oo."

"Pero paanong…"

"Ngayon ko naman ituturo sa iyo ang isa pang pinagkaiba ng GAIA sa mundong ito. Ang Sistema ng pagkakaroon ng buhay sa GAIA ay mas komplikado kesa sa mundong ito. Sa GAIA ang tatlong buhay doon ay katumbas ng isang buhay sa mundong ito, para sa mga naisummon. Sa mga na reincarnate papunta sa GAIA ay lima. Pero sa mga nakapagbukas ng tulay na tulad natin ay lalong mas komplikado."

"Bakit yung sa iba pangelementary na mathematics lang. Ano ba ng 'atin", tanong ko.

"Tulad mo ay nakapagbukas ako ng tulay sa parehong mundo pero ang pinagkaiba lang saakin, ako ay ipinanganak nang talaga sa GAIA ngunit nahulog ako sa isang magic circle na hawak hawak itong kwintas ko at iyon dahil doon ay nakapagbukas ako ng tulay sa GAIA at pabalik. Yung sa iyo naman ay dahil sa singsing na ibinigay sa iyo. Sigurado ako na yung singsing na ibinigay sa iyo ay galing sa GAIA at isa pa ay galing sa isang taong may malakas na mana.",

"Puwede bang hinay hinay lang. Ikaw ay ipinanganak sa GAIA at napadpad lang dito na may kuwintas."

"Oo."

"Tapos ako naman ay dahil sa singsing na ibinigay mo."

"Tama."

"So saan ba dapat pa punta ang mga sinasabi mo di ko mai-connect?"

"Gaya nga ng sabi ko nakakagawa ka ng tulay paputa sa GAIA. Dahil doon ang lifespan mo ay magiiba, dahil ang takbo ng oras sa GAIA ay malaki ang pagkakaiba sa oras na nandito sa Earth."

"So magiging scientic tayo ngayon."

"Oo. Pero please bare with me… Ang takbo ng oras sa GAIA ay limang beses ang bilis kaysa sa mundong ito. Pero pag nasa GAIA ka ang akala mo ay mas matagal ang oras na nagugugol mo doon.", "Kung gagamitin mo lang ang Law of Special Relativity, ay…"

"Teka muna… kahit fourth year highschool di alam yang mga pinagsasasabi mo eh. Huwag ka ngang masyadong matalino.", sabi ko.

"Ang ibig sabihin ko lang naman kung mananatili ka ng masmahabang panahon ay mashahaba ang mentality span mo kaysa sa natural life span mo. Ang ibig sabihin lang din noon ang life span mo sa GAIA ay magiging depende sa magiging health issue mo sa dalawang mundo.", "Kung masigla ka rito, lalong masigla ka sa GAIA. Kung masaktan ka sa GAIA, magkakaroon ng mentality effect iyon sa iyo. Tulad rin kung mamamatay ka.", "Kaya ang isa sa pinakamahalagang matutunan mo ay self focus, inner peace. Para kung sakasakaling mangyari saiyo ang mga bagay na iyon ay hindi ka madaling mababawasan ang life clock mo."

"Naiintidihan ko na ng kaunti. Liban lang sa Life clock na sinabi mo."

"Life Clock. Yung bilang ng oras na natitira mo sa mundong ito."

"So ang ibig mong sabihin. Kung ako ay mababaliw sa mundong ito ay ikamamatay ko at maaaring di na ako makabalik s GAIA."

"Tama."

"Puwede mo namang sabihing ganoon bakit kailangan mo pa ipaka detalye?", sabi ko.

"Bakit bawal ba?", tanong ni John.

"Kung may mas madali naman palang paraan dapat iyon nalang yung dinaanan mo."

"Bakit ka nga pala napadaan dito. Alam kong bumibisita ka, pero may iba pa ba?"

"Kung ayos ka na, gusto sana kitang imbitahin sa bahay. Overnight ba.", sabi ko.

"Bakit mo naman naisipang mag overnight?", tanong ni John.

"Para mas marami pa akong malaman tungkol sa GAIA ng di naman akong magmukhang tanga pag nandoon ako."

"Bakante naman ako mamayang gabi kaya sige."

"Isa pang tanong."

"Ano iyon?"

"Kanina pa ako napapaisip pero ngayon ko lang uli naalala."

"…"

"Paanong may isang palasyo sa isang squatter's area?!", sigaw ko

"Itong lugar kasi na ito ay nasapagitan ng dalawang mundo. Kaya kung mapapansin mo iba ang takbo ng paligid dito. Isa pang maganda ay maari mong magamit ang mga magic ability mo sa ibang mundo pagnandito ka.", "Naisipan ko ngang lagyan ng mga pangalan ang mga ganitong lugar. Ang naisip ko Hive o kaya Sanctuaty. Ano sa tingin mo?"

"Tunnel nalang mas maayos pa pakingan."

"Sige nga iyon na lang."

"Teka paanong napunta sa ganito ang usapan. Aalis na ako maghahanda na ako para sa Overnight bukas."

"Ano? Dito ka na maghapunan."

"Sige lang. Ok na ako. At isa pa… walang makakasama si mama sa bahay. Alis na ako, bukas nalang.", sabi ko at naglakad na papalabas.

"Ingat ka nalang.", sabi John.

At umuwi na nga ako para maghanda sa event na mangyayari kinabukasan.

Chapitre suivant