webnovel

Tournament Start!!!

Pagkatingin ko sa mesa, sa tabi ng kinahigaan ko, ay may isang sulat. Tinignan ko, sulat pala ni Cryss. Ang sulat na iyon ay nasa salita nila pero habang tinitignan ko yung letra ay automatic na siyang nai-tatranslate sa isip ko.

"Ayato,

Pasensya na kung wala ako sa paggising mo. Alam kong marami ka pang tanong, at alam ko pang hindi ka pa handa. Kinailangan ko lang kasi na umalis kaagad pasensya na talaga.

Kung gusto mo magkita tayong muli, ay sumali ka sa darating na tournament. Tutulong din iyon sa kagustuhan mong makaalis dito. Huwag kang mag alala kung sa tingin mo ay mawawala ka. Ituturo ng papel na ito ang dadaanan mo.

Alam kong biglaan at di ko pa nasabi sa iyo ang ibang detalye pero, hindi ako makakasigurado kung kakayanin mo ang makipaglaban. Dahil medyo magiging madugo ang unang bahagi. Kaya mayroon akong iniwang ilang gamit na makakatulong sa iyo.

Sugatan mo lamang ang iyong daliri at ipatak ang kakaunting dugo sa bilog na nasa likod ng papel. Kung may lumabas na bola na lumulutang, iyan ang magiging lalagyan ng mga gamit mo. Sa tingin ko madali mo lang ito magagawa. May iniwan akong dalawang gamit diyaan na makakatulong sa iyo.

Inaasahan ko na maibabalik mo saakin yang mga ibinigay ko. Sige na at mauuna na ako. Sa susunod nalang na pagkikita natin.

Cryss,"

Ginawa ko ang mga sinabi niya at biglang lumiwanag ang paligid at may bola na lumulutang nga ang lumabas. Sinubukan kong buksan pero wala akong makita na opening kung saan maaari ko itong ibuklat. Paglapat ng palad ko sa bola ay may screen na biglang bumukas sa harap ko. Tinanong nito ang pangalan ko at sinabi ko naman. Biglang maslumawak ang screen na nagpakita ng letrato ng buong katawan ko ipinakita rin nito ang mga bagay na makikita mo sa isang profile ng isang MMORPG game. May "Health Points", "Experience", "Mana", "Luck", etc.

Pinindot ko yung inventory na nakasulat sa itaas ng screen at nagpakita ang tanging dadalawang item. Isang espada at isang bote. Pinindot ko yung espada at biglang lumitaw ang handle ng espada, binunot ko at nakita ko na sobrang itim ng espada pati ang kanyang lalagyan, magaan at madaling iwasiwas. Sinubukan kong bunutin pero di ko matangal. Ibinalik ko na muna at sunod kong kinuha yung bote. Pagkakuha ko ay may description na nagpakita.

"Level 20 Enchantment; +120% health, +80%defence, +100%attack, +50%luck. Effect duration: 10hours. Instant regeneration; immunity to poison; shield for 30mins."

Ibinalik ko na dahil sa pagiisip na kung gagamitin ko kaagad ay baka masayang ko lang. Ilang saglit lang ay nagliwanag ang sulat ni Cryss at may mapa ang biglang lumitaw sa papel.

Sinundan ko ang mapa at dinala ako nito sa isang malaking stadium na masmalaki pa sa Philippine Arena ng 10 o kaya 100 beses ang laki. Hindi lang iyon ang nakita ko. Pati narin ang ibat-ibang nilalang. May mga archer, orcs, at iba pang maiiisip mo na fantasy characters. Pero siguro sa mundo na tila ay panaginip, kahit ano possible. Habang nag-aabang sa isang gilid ay may isang babae ang lumapit sa akin at nagbigay ng isang papel na blanko. Ibinulsa ko nalang yung papel dahil cute yung nagbigay. (Bakit ba?).

Ilang saglit lang ay may lalake ang gumawa ng isang announcement.

"Welcome! Sa lahat ng mga narito ngayon. Nagkakatipon tayo ngayon sa isang hangarin. Ang maging pinaka magaling, pinaka malakas, at higit sa lahat ang pinaka dakila. Maghanda ang lahat dahil sa ilang saglit lang ay magsisimula na ang exam."

Halos lahat ay mukhang nae-excite. Pero may isang orc ang nagbalak na sumugod agad sa pinto, ngunit bago pa siya tuluyang makapasok ay biglaan siyang tumalsik ng pagkalayo. Siya ay dugoan at halos mahimatay.

"WALANG PANG PAPASOK!!!", sigaw na mula sa pinto. Ilang saglit ay bumilang na ng isang count down.

….3…

….2…

….1…

Matapos noon ay nagtulakan ang lahat papasok ng pinto na lumaki bigla, pero kahit lumaki na ay siksikan parin sa dami ng mga pumapasok. Dahil din doon ay naitulak ako papasok sa isang lugar na akala mo ay isang desyerto sa laki at lawak.

Nang makapasok na ang lahat ay may isang screen ang nagpakita.

"Naririto na ang lahat. Ngunit parang sobrang dami natin ngayon. Hayaan niyong pauntiin ko ang mga naririto."

Wala akong kamalaymalay dahil sa biglaan ay biglang umulan ng putting liwanag na tumama sa karamihan ng mga nasa loob, at sila'y biglaang naglaho pagkatama ng liwanag sa kanila. Na paranoid ako sa nangyari dahil sa akala ko ay mamamatay na rin ako.

"ANONG GINAWA MO!", sigaw ako.

"Binawasan ko lang naman ang bilang ng mga tao rito. Hindi rin naman naming gusto ang pagkakaroon ng maraming mga pagtatalo.", sagot niya.

"Pinatay mo sila!"

"Wag mo akong pagkamalian. Hindi namin sila pinatay, pinabalik lang naming sila sa kanilang mga pinangalingan. Hindi kasi nila tinangap ang tanda."

"Anong tanda?", tanong ko. Biglang umilaw ang papel sa bulsa ko at pumalupot sa braso ko.

"Hayaan niyo muna akong magpakilala. Ako si Forh ang supervisor ng elimination round na ito.", sabi niya. "Ang mga nasa braso niyo ay ang magiging life points niyo. Magkakaroon tayo ng 'battle royale' para malaman naming kung sino ba dapat ang matitira upang sumulong pa sa buong tournament, dahil ako na ang nagsasabi sainyo, hindi magiging madali ang dadanasin niyo. Bibigyan ko lang kayo ng 15 minuto upang magtuos. Wag kayong mag alala kung mamamatay kayo. Ang lahat ng damage na matatamo ninyo ay mapupunta sa nasa braso niyo. Makakaramdam parin kayo ng sakit, pero wag kayong mag-alala sa mga bugbog at sugat na maaari ninyong matamo.", paliwanag niya. "Mag sisimula na ang Elimination Round. In…

...3…

…2…

…1…

GO!"

Nagsimula na nga ang Elimination Round.

Sa tunog palang ng pagkasabi niya na "battle royale" ay nagtago na ako dahil alam kong delikado ako. Nagtago sa likod ng isang malaking bato at binunot ang espada. Pinilit ko itong buksan, pero imposible. Pinilit ko parin ng pinilit hangang sa may narinig ako napapalapit saakin.

Parang dumadaan na truck ang lakas ng pagyanig ng lupa at papalakas ito ng papalakas. Hangang sa bigla itong sumigaw. "NASAAN KA!!!".

Natakot ako sa lakas ng pagkasigaw niya. Bumigat ang pakiramdam ko habang papalapit siya ng papalapit. Hangang sa biglang nahati sa dalawa ang batong pinagtataguan ko.

"Nakita rin kita… Helios!", sigaw niya.

Iwawasiwas na niya ang espada niya ng biglang may isang koryete ang nagpatigil ng pagtama nito.

"Pasensya na. Nakaka istorbo ba ako?", sabi ng lalake

"Sino ka namang salamangkero ka?!", sabi ng umaatake saakin

"Mahalaga pa ba iyon, kung ako sa iyo ay di na ako gagawa ng biglaang paggalaw."

"(Anong sinasabi nito, at sino ba itong dalawang ito?)", isip-isip ko.

"Ikaw na muna ang uunahin ko!", patalon na siya ng bigla siyang nabalutan ng isang tila force field.

"Binalaan na kita. Pasensya na pero hindi mo na matatakasan ito. Great Thundra: Tempest!", pagkasabi niya ay biglang may namuong malaking kidlat sa ibabaw ng kalaban niya at tumama ito sa kanya. Hindi nga siya namatay pero nawalan naman siya ng malay sa lakas ng pagkatama sa kanya.

"Ano? Buhay ka pa?", tanong niya saakin.

"…", hindi ako makapagsalita sa mga nakita ko.

"Hello…",

"A-anong?!"

"Ayos ka lang?", tanong niya.

"Anong ginawa mo!"' biglang sagot ko.

"Ganyan kaba talaga magpasalamat sa taong nagligtas ng buhay mo?"

"Sa tingin mo ba ay kaya kong sikmurain ang nakita ko. Siguro nga oo di ako mamamatay, pero…"

"Teka, unang beses mo palang ba makakita noon? Saang lugar ka ba galling?"

"Naku kahit sabihin ko sa iyo di ka maniniwala."

"Kung tutuusin kaya mo naman talagang patumbahin yung isang iyon gamit yan. Bakit di mo ginamit? Huwag mong sabihin na…"

"Oo, di ako marunong gumamit ng espada. Sa totoo di pa ako nakakahawak miski isa."

"Kung di mo gagamitin akin nalang."

"Kaya ka ba narito para sa espada ko?", tanong ko.

"Kung di mo rin lang naman alam gamitin edi ibigay mo nalang sa may alam."

"Ako nga na pinagbigyan di ko mabuksan ikaw pa kaya?", suspetsa ko.

"Sige, kung mabuksan ko ako na muna ang gagamit. At kung hindi ay sasama ako sa iyo para may kasama ka dahil sa unang tingin palang sa iyo, siguro kahit isang goblin di mo mapapatumba."

Inabot ko sa kanya ang espada. Nang madampian niya ay agad siyang naghina.

"Ano ba yang espada iyan?!", biglang tanong iyan.

"Bakit ba?"

"Hindi mo pa ba napapansin?"

"Ang alin nga?

"Yung espiritu sa loob niyan ang pinakamalakas sa lahat ng mga espadang nahawakan ko. Paanong di mo nararamdaman ito?"

"Ni hindi ko nga manlang alam na may espiritu dito. Ano na ang gagawin ko.", sabi ko.

"Dahil sa ikaw lang ang nakakahawak ng matino diyan sa espadang iyan, ikaw ang dapat na gumawa ng pagkakasundo sa espiritu niyan nang mabuksa't magamit mo.", bilin niya.

"Paano ko naman gagawin iyon?", tanong ko.

"Pumikit ka at hawakan mo nang mahigpit ang espada at ulitin mo ang mga sasabihin ko. 'Ako si Ayato naririto upang makipagusap sa iyo.' Nang tatlong ulit. Pagkatapos noon ay ikaw na ang bahala.", paliwanag niya.

At ginawa ko nga ang mga sinabi niya. Pagkadilat ng mata ko ay nasa isang lugar ako na sobrang dilim at tanging ako lang ang lumiliwanag.

"Tao po!", sabi ko ng ilan pang ulit. "Tao po! Tao po! (namamasko po. *insert comedic pun*)".

Ilang saglit lang ay may narinig akong boses. Boses na malalim at malaki.

"SINO ANG GUMAGAMBALA SAAKIN?!!!", sabi ng boses.

"Ako po si Ayato, naririto ako upang gumawa ng pagkakasundo bilang tagapagmay ari mo.", magalang na pagkasabi ko.

"TUMATANGI AKO! ALIS!!!", sigaw niya.

"Pero…"

"ALIS!!!"

Habang nagiiikot ay may napansin akong konting kislap sa isang dulo. Pinuntahan ko at napansin ko na parang butas ang nakita ko. Pagkahila ko ay may nakita akong isang babae na likod noon, yung itim pala na pumapalibot saakin ay isang parang tela lang at yung malalim na boses ay yung babae lang pala.

"Isang bata?!", sigaw ko.

Bigla siyang sumugod saakin at sinipa ako. "Sinong tinatawag mong bata?!", sigaw niya.

"Teka, 'ikaw' ang espiritu ng espada?", tanong ko.

"Oo, bakit may angal ka?"

"Alam mo, sa lahat ng mga taong nakilala ko sa lugar na ito ikaw lang kilala kong may mga hirit na katulad ng nasa mundo namin."

"Kung gusto mo ng kasunduan. Tulad ng sabi ko kanina, Hindi puwede!", sabi niya.

"Bakit naman?", tanong ko.

"Wala akong panahon sa isang taong mahina at walang kuwenta na gaya mo."

"Ganyan ka ba talaga pinalaki ng nanay mo. Baka siguro wala kang magulang, walang nagpalaki sa iyo.", banat ko.

"Sige lang, ipagpatuloy mo lang. Akala mo makikipagkasundo pa ako sa iyo?", sagot niya.

"(Hala! napikon.) Edi sorry na kasi. Ano ba ng gusto mong gawin ko para magkasundo tayo?", tanong ko.

"Matagal ko na itong gusto gawin ehh…", sabi niya habang nagpapatunog ng mga daliri.

Kinakabahan naman ako sa binabalak niya nang biglang…

"Hagurin mo ulo ko.", sabi niya.

"Ano?!", gulat na sagot ko.

"Ano gusto mo ba nang kasunduan o hindi.", sabi niya.

"Seryoso ka?", tanong ko uli nakakasiguro lang.

"Oo nga!", pilit niya.

Pagkapatong ng kamay ko sa ulo niya ay parang gumaan yung pakiramdam ko at patuloy ko na ngang hinagod.

"Nyaa!", sabi niya bigla.

"Saan naman galing iyon?", tanong ko kasabay ng pagalis ko ng kamay ko sa ulo niya.

"Ang lahat ng iniisip at nasaisip ng lahat nang mga nagmamayari saakin ay nababasa ko, pati ang mga pinakatago tago mo.",

"Huwag ka ngang masyadong makealam ng privacy ng ibang tao.", sabi ko.

"Wag kang magalala ligtas lahat ng sikreto mo sa akin… sa ngayon.", sabi niya.

"Anong ibig mong sabihing sa nga…", at nagising na ako.

"Ang bilis mo ah.", sabi ng lalake.

"Paano mo nasabi?", tanong ko.

"Saktong pagkapikit mo dumilat ka na ulit. So ano, nagawa mo ba?", tanong niya.

Binunot ko yung espada at nabunot na nga. Kapansinpansin ang itim na kulay ng talim na masmadilim pa kaysa gabi.

"Hindi ako makapaniwala.", manghang sabi ng kasama ko.

"Teka, ngayon ngayon ko lang naisip. Paano mo nalaman na Ayato an pangalan ko?", tanong ko.

"Naiwan mo kasing nakikita yung Orb mo kaya nalaman ko. Isara mo nga.", paliwanag niya.

"Ahh… ehh…"

"Huwag mong sabihin…"

"Oo na bagohan palang ako ok. Galing ako sa malayong bansa at biglaan nalang ibinigay saakin ito ni hindi nga sinabi ng buo kung ano ang mga nagagawa nito.", sabi ko.

"Sige, sige. Sabihin mo lang Orb invisible o kaya visible."

At ginawa ko nga. "Oo nga pala alam mo pangalan ko. Ano naman pangalan mo?"

"Kin, Marcello Kin.", sabi niya.

"So ang ibig sabihin niyan ay magkasama na tayo?", tanong ko.

"Ano pa nga ba?", sabi niya.

"Tandaan mo di pa ako masyadong nagtitiwala sa iyo."

"Teka lang, wag kang masyadong maingit sa kakayanan ko. Balang araw makukuha mo rin iyon… di nga lang ngayon.", sabi niya

"Bwisit ka! Doon ka nga, di kita kilala."

At patuloy lang kasi sa paglalakad, pero wala na kaming nadadatnan na mga kalaban. Ilang saglit lang habang nasa itaas ng isang burol ay nakarinig kami ng isang sigaw ng babae.

"Ano iyon?", tanong ko. At agad naming sinundan ang sigaw.

Chapitre suivant