webnovel

Chapter 79 This Happy Occasion

((( Monina PoV's )))

"Miss Monina. Wag kayong masyadon mag-alala sa iniwan niyong pamilya."

"Anong iniwan?" nanlaki ang mata ko kay Secretary Lee.

"Dahil nga nakapirma ka sa Kontrata. May chance na di ka makakauwi sa kanila. They are secure at kami ang bahala sa pang-araw araw na kailangan nila. We know your status sa pamilya mo. A breedwinner."

"O tapos? Kapag sinabi kong uuwi ako. Uuwi ako, Secretary Lee. O tawagin na lang kita Mr. Lee."

"Secretary is fine with me Miss. If that happened Miss na tumakas ka sa tungkulin mo. You will know immediately the consequences."

"Binablackmail niyo na din ako. Ang dami ko nang irereklamo sa pulis."

"Miss Mon—." Magsasalita na sana siya ng itaas ni Mr. Manyak ang kamay niya kay Secretary Lee.

"Try me, Monina." si Manyak na ang straight forward na sinagot ako.

May sira talaga ang ulo niya.

Tatlong words lang, bigla na ngang nagsi-standing ovation ang mga balahiboko. Diyos ko po, anong pinasok ko?

Parang may nakahandang baril na ready ishoot to kill ako.

Tungkol na naman ba ito sa kapatid kong nasa abroad.

Ang sarap niyang ihawin na parang letchon. Ako ata ang pinakamasayang babae sa mundong ito, kapag ginawa niya.

Paano na ang mga sideline ko? Tapos ano bang serbisyo ang kailangan niya? Napayakap ako sa sarili ko. Nay ko po. Wag naman ang virginity ko. Magkakaroon po ng World War Three kapag may nangyari sa inaalagaan ko!

"May kailangan lang akong payunayan sayo Mr. Manyak. At alam mo kung ano yun?"

Syempre di siya sasagot. Sa labas ang titig nito. Na di ko man lang tinatandaan ang daan, in case na makatakas nga ako sa kanila mamaya.

"May sira ang ulo mo!"

((( Secretary Lee POV's )))

Papunta kami sa isang wedding ceremony na obligadong dumalo si Master Cedrick. Di ko alam kung bait isasama niya si Miss Monina. Simula na ba ito na ipakilala niya sa si Miss Monina sa mundo niya?

Ngunit maganda ang tinatakbo ng nangyayari. Masaya ako kay Master Cedrick.

Napailing-iling sa akin si Miss Monina. Hudyat na di nga siya makapaniwala kung ano ang pinasok niyang pinto.

Sa isang villa kami pumasok. Labas pa lang halatang may nabghihintay na magandang okasyon na pinagdaraos ng mga tao. Nanahimik na din si Miss Monina.

Namamangha sa dinaraanan namin. Parang isinabog dito lahat ng mga bulaklak.

Ito lang naman ang kasal ng Bestman noon ni Master Cedrick. Si Kenneth Silva. Isa din sa muntikan nang mamatay dahil sa kritikal na tama nito.

Naisalba siya ni Master Cedrick habang alam niya na wala na si Miss Vanessa.

Marami siyang naisalba sa araw na yun. Ngunit sarili niyang bride, ninakaw na ng tuluyan nang kamatayan.

Tumampad kami sa isang simbahan. Malayo sa mundo ng mahihirap. Kaya malayang nakalabas si Master Cedrick. Pjnagbuksan ko ng pinto si Miss Monina, ngunit wala na ito ng tignan ko sa labas. Lumabas ito sa pintong binuksan ni Master Cedrick.

"Ang ganda." pangiti niyang sabi sa amin. Nakapamulsa si Master Cedrick. Alam ko ang hinihintay nito. Ang humawak si Miss Monina sa braso niya.

"Sino ang kinakasal?" at do nga pinapansin si Master Cedrick. Napangiwi na lamang ako ng dumaan ito sa amin. Nauna pang pumasok sa amin.

Napapikit si Master Cedrick at wala din nagawa kundi sumunod sa Lover niyang kinontrata.

Naibigay ko na lamang amng inbitasyon sa isang tauhan ni Mr. Kenneth.

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta. ?

Please do vote this Novel. ?Love this novel. Recommend to other ?

Review and Comment!

International_Pencreators' thoughts
Chapitre suivant