webnovel

Chapter 5 - The Price

BO'S CAFE...

May mga bagay talaga na kahit ayaw mong gawin ay mapipilitan ka dahil sa nakaatang na responsibilidad.

Na kapag hindi mo ginawa ay ikaw pa ang sisisihin kahit hindi mo naman sinasadya. Ikaw ang may kasalanan sa paningin nila!

Masarap pakinggan ang masabihang tagapagmana ngunit hindi nila alam ang kapalit na noon.

Sa isang kagaya niyang nag-iisang apo at tagapagmana kailangang palagi niyang patunayan sa sarili ang kanyang kakayanan dahil kung mabibigo siya, ibig sabihin hindi siya karapat-dapat humawak ng kumpanya.

Pasimply niyang inayos ang suot na eyeglass bago lumingon sa bodyguard niyang nasa tatlong hakbang ang distansya mula sa likuran.

Tahimik na sumunod si Gian sa amo.

Papasok na sila sa restaurant habang may kausap ang amo sa cellphone nang biglang matapilok.

"Ayyyy! Shit!"

Mabilis niyang nahawakan sa braso ang amo at agad itong itinayo bago pa man matumba.

Dumapo ang tingin nito sa kamay niya kaya mabilis niya itong binitiwan.

"It's not my fault," paglilinaw niya.

Inirapan siya nito. "I know!"

Hindi man niya ito gustong mahawakan pero ayaw rin niyang makitang matumba ito dahil lang sa sarili nitong patakaran.

'Clumsy rules!'

Marahan niyang pinahid sa pantalong suot ang kamay na dumampi sa balat ng amo.

Sinalubong sila ng babaeng manager na may malawak na ngiti.

"Good morning madam, sir, this way please." Ginabayan sila patungo sa sulok kung saan walang masyadong makakapansin sa lugar na dati na nilang pwesto.

Naghintay si Ellah sa kliyente habang umiinom ng strawberry shake.

Tinawagan niya ang supplier.

"Mr. Garcia, sir where are you?"

"I'm sorry Ms. Lopez but, I have a very important appointment, can we cancel it?"

Agad uminit ang dugo ng dalaga sa narinig.

"What? I'm in the venue right now Mr. Garcia!" halos sigaw na niya.

"I'm very sorry."

"I won't take any rejection from you baka nakakalimutan niyong may pinirmahan tayong kontrata? Kung hindi ka darating it simply means sang-ayon ka sa demanda!"

"No! hindi ako pumapayag!"

"Kung gano'n, pumunta ka, I am willing to wait!"

Ini-off niya ang cellphone at tumahimik bago lumingon sa kabilang mesa.

Tahimik na umiinom ng kape ang kanyang gwardya sa tabi.

Si Gian naman ay panay ang tingin sa aristokrat na tagapagmana.

Wala siya sa posisyon para makialam, kaya siputin man ito o hindi ng kausap wala siyang pakialam.

Saka ang pagpasok ng isang lalaking nasa kwarenta ang edad at dumeretso ito sa kanilang kinaroroonan.

"Ms. Lopez!"

Napatayo si Ellah ngunit agad umupo ang lalaki sa upuang kaharap niya. Marahan din siyang umupo.

"I'll go straight to the point sir, bakit ninyo itinaas ng doble ang presyo ninyo?" panimula niya.

Ito ang dahilan kung bakit nayayamot siya sa kliyente, dahil sa pagbago ng desisyon nito nanganganib mawala sa kanila ang plantang sinusuplayan.

"Naisip ko kasing makakaya niyo 'yon dahil 'yong iba naman kaya ang ganyang presyo."

Hindi problema ang pera sa kanila, pero hindi nila gagawin dahil lang sa sinabi nito, small time business lang ito, sila ay big time.

Hawak niya ay multi-billion company para magpasailalim sa utos nito!

"I can't do that, Mr. Garcia. I must admit that your product is what we need." Itinaas niya ang mukha saka tinitigan ito sa mga mata. "Is that the reason why, all of a sudden, you doubled the price?" 

"Ikansel na lang natin, malaki ang lugi ko sa naisip mo."

"Sa ginawa niyo, nagipit ako kaya hindi ako papayag na iaatras mo!"

"Huwag na natin 'tong patagalin, maghanap na kayo ng iba!"

"Kaya kong tanggapin kung itataas mo hanggang eight percent pero twelve ang gusto mo at hindi ko 'yon kaya."

"Eight? Nagbibiro ka ba Ms. Lopez. Nakakatawa!"

"Pwes hindi ako natutuwa Mr. Garcia!"

"Then I think this meeting is over!" akmang tatayo na ito.

"Mr. Garcia!"

"I have an appointment, wala na tayong kontrata walang pilitan! "

"Magsasampa ako ng reklamo!" kabadong singhal ng dalaga.

"Do it," hamon ng kausap. "Ikaw rin naman ang magigipit. Remember, kami lang ang pinakamay magandang kalidad na produkto."

Natahimik ang dalaga.

Kung hindi lang talaga sila naiipit sa kumpanyang sinusuplayan ay hindi niya ito pagtatyagaan.

"Double the price or nothing?"

Umawang ang kanyang bibig sa narinig.

Minamaniobra ng taong ito ang sitwasyon.

 

Kaya niyang maglabas ng sariling puhunan, pero malaking sampal sa kanyang pagkatao ang bagay na 'yon.

Gumastos ng sarili para lang makuha ang deal.

'What a shame!' 

Siguro nga walang nakakaintindi sa kanya, dahil mayaman siya.

But it's her dignity.

Ibig sabihin wala siyang kakayahang magdesisyon para sa kumpanya kapag hindi niya nakuha ang deal.

Nilingon niya ang bodyguard na abala sa cellphone at walang pakialam.

"I am waiting Ms. Lopez!"

'God!'

Hindi nakakibo ang dalaga.

"Kung gano'n aalis na ako,"

tumayo na ito.

Napatayo din siya.

"Mr. Garcia! Wait sir!"

Hinabol niya ito, pero tuloy-tuloy na talaga itong umalis.

Malaking dagok ito kapag nagkataon!

Dala ng pagkadesperado at takot ay sinundan niya ang kausap.

Kahit magmakaawa pa siya ayos lang huwag lang ito mawala!

Tumakbo siya at hinarangan ito sa pasilyo.

"Mr. Garcia sir please!"

Natigilan naman ang lalake.

"Sir, please!"

Hinintay nito ang kanyang sasabihin ngunit walang lumabas na kataga mula sa kanyang bibig.

"O sige, pagbibigyan kita sa presyo mo, pero sa isang kundisyon."

Nabuhayan ng loob ang dalaga. Sa mga oras na ito gagawin niya ang lahat!

"Lumuhod ka," tinuro nito ang semetong tinatapakan nila.

"A-ano?"

Magkahalong galit at kalituhan ang lumarawan sa kanyang anyo ng dahil sa narinig.

"Luhod! Gusto kong makitang nagmamakaawa ang isang Lopez sa harap ng isang small time na negosyante.

Ang yabang niyo! Ngayon matitikman niyo ang pakiramdam ng taong basta niyo na lang nilalamangan."

"M-Mr. Garcia, it's purely business. Hindi ka naman namin pinepersonal para-"

"Kung hindi ka luluhod, wala na tayong pag-uusapan! Lumuhod ka at magmakaawa, Ellah Lopez!"

Hindi siya gumalaw sa kinaroroonan sa harap ng lalaking nakangisi.

Buong buhay niya ngayon lang mangyayaring magpakababa siya alang-alang sa kumpanya!

Hindi dapat gawin ng isang tulad niyang magmamana ng isang multi-billion na kumpanya, kilala ang mga Lopez sa buong lugar at ang pagluhod sa ibang tao ay malaking kabawasan sa pangalan nila! Ngunit sa mga oras na ito kailangan niyang gawin dahil ang katapat na halaga ng kanyang gagawin ay ang kumpanya.

Pride versus price!

Dala ng kawalan ng pag-asa ay yumuko siya at paluhod na, ngunit laking gulat niya nang biglang may humigit sa kanyang braso paitaas kaya napatayo siya.

"Iyan na lang ba ang kaya mong gawin?"

Umawang ang bibig ng dalaga.

Bago pa man niya napansin nawala na ang supplier.

Kaagad tumapang ang kanyang mukha.

"Anong ginawa mo!" singhal niya at akmang sundan ulit ang lalake ngunit humigpit ang pagkakahawak ng gwardya sa kanyang braso.

"Hindi mo gagawin 'yan Ellah," mariing tugon nito na ikinabigla ng dalaga.

"Wala ka bang kahihiyan? Kilala kayo sa lipunan pero luluhod ka sa isang small time?"

Umiling siya. Walang pakialam sa pride, ang mahalaga makuha niya ang deal.

"Trust me, ibabalik ko siya rito, pumayag ka lang," matiim nitong saad habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Desperadong tumango si Ellah sa sinabi ng gwardya dahilan kaya sinundan nito ang lalake at naiwan siyang mag-isa.

Nanghihinang bumalik siya sa pwesto at umupo saka matamang nag-isip.

Hindi niya maintindihan kung bakit napapayag siya ng gwardya lang na walang alam sa negosyo.

Pero umaasa siyang magtatagumpay ito dahil kung hindi mapapahiya siya sa mga opisyal ng kumpanya.

Gagamitin ng mga ito ang pagkakataon para mapabagsak siya.

Marami ang hindi nagtitiwala sa kanyang kakayahan dahil isa siyang babae at nagkataong apo lang ng may-ari.

Kaya hanggang ngayon pinapatunayan niya ang kanyang sarili sa lahat na karapat-dapat siyang tagapagmana hindi lang bilang apo ng chairman kung hindi dahil sa kanyang ginagawa.

Bata palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil pagkaaksidente ng sinasakyang kotse. Simula noon, ang kanyang abuelo na ang nag-aruga sa kanya. At dahil nag-iisa siyang apo wala itong ibang maasahan kundi siya. At dahil pinakamamahal niya ang kanyang abuelo, ibinuhos niya ang panahon dito at sa kumpanya nito.

Naalala niya ng minsang pumunta siya doon sa opisina para bumisita sa panahong nag-aaral pa sa kolehiyo walong na taon na ang nakakaraan.

Lahat ng taong naroon ay nakatingin sa kanya.

Ang iba ngumingiti, may nagbubulungan at ang iba naman ay sadyang nagpaparinig.

"Iyan pala ang apo ng presidente? Babae pala? Hindi 'yan maaasahan."

"Oo nga, ano ba ang alam ng isang babae eh mining ito?"

Ang bawat katagang lumabas sa bibig ng dalawang tauhan ay bumaon sa kanyang puso ng hindi namamalayan.

Hindi niya napapansin na kaya pala niya ginagalingan ng husto sa trabaho ay para hindi kutyain at maliitin!

Subalit ngayon mukhang mangyayari na naman!

"Ms. Ellah!"

Nabalik sa kasalukuyan ang dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pabalik ang kliyente!

Sinuri niya ng tingin kung may pasa o sugat ba ang naturang lalaki ngunit wala maliban sa pinagpapawisan ito ng husto.

"I'll stick to the old price, Ms. Lopez," bungad ng lalaki habang papasok sila sa loob.

Sasang-ayon na sana siya pero inunahan siya ni Gian.

"Mr. Garcia napakataas pa rin niyan, nagigipit ang boss ko."

"Fine, five!"

"Three percent sir!" deklara nito na siyang ikinaawang ng kanyang bibig maging ng sa lalaking kausap.

Gano'n pa man napakasaya niya kahit napipilitan itong pumayag na ibaba ng gano'n ka baba.

"Mr. Garcia, here's the papers," nakangiting inabot niya ang mga papeles.

Walang imik na agad itong pumirma at ganoon din siya.

"Thank you for this, Mr. Garcia."

"You have to thank your bodyguard Ms. Lopez!" Matalim nitong tinitigan si Gian bago umalis.

Muntik na. Muntik na niyang ibaba ang karangalan ng kanilang pangalan mabuti na lang ay may isang Gian!

Taas-noong lumabas ang dalawa bitbit ang bagong kontrata!

---

MEDC OFFICE...

Pqgdating sa basement kung saan ipinarada ni Gian ang sasakyan ay binuksan nito ang pinto ngunit bago ito lumabas ay nagsalita siya.

"Paano mo nakuha ang deal? Ano bang sinabi mo? Bakit mo 'yon nagawang pasunurin sa'yo?"

"Sabihin na lang nating, I have connections" sagot ni Gian bago lumabas.

Binuksan niya ang bintana upang makausap ng mabuti ang lalaki.

"Bakit mayaman ka ba?"

Natawa ang gwardya na ikinairita niya.

"Kung hindi, maimpluwensiya gano'n ba? Politician ka ba dati?"

Mas lalo itong natawa. "Do I look like one?"

"Pwes sabihin mo dahil ayokong manghula. Isa pa sa pinakaayaw ko ay ang ibinibitin ako sa ere ngayon sabihin mo ano ang sinabi mo sa kanya!"

"Hindi mo na kailangang malaman ang importante nakuha mo ang deal."

"Sabihin mo kung ayaw mong isipin kong may ginawa kang kababalaghan at madadamay ako, damay ang kumpanya! Kapag nangyari 'yon, isusumbong kita sa lolo ko. "

Humugot ng malalim na paghinga si Gian.

Nang dahil sa utang na loob sa abuelo nito mukhang mapapasunod siya ng aristokratang babae.

Ayaw niyang magpaliwanag sa mga bagay-bagay pero mukhang mapipilitan siyang magtapat.

"Simply lang naman ang sinabi ko..."

Naalala niya ang huling usapan ng kliyente nang maabutan niya sa parking lot ang lalaki.

"Mr. Garcia!"

"Who are you?"

"I know I don't have any valid reason to interrupt, but you are intimidating my boss."

"Kung gano'n wala kang pakialam kakasabi mo lang."

Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig.

"Mr. Garcia alam niyo bang napakasikat ninyo? Kahit ako kilala ko kayo. I know you inside and out!"

"What do you mean?"

"Sabihin na lang nating circulation of permit, sampung tao ang humahawak sa inyong permit hindi ba? Alam na alam ninyong bawal 'yon. Kung kayo ang may-ari at nag-iisa dapat kayo lang ang gumagamit, bilib ako sa inyo dahil sampu kayo na para bang sampu ang inyong negosyo. Bukod do'n, tumatanggap lang kayo ng pera ng walang kahirap-hirap dahil 'yon ay bayad sa inyong dokumento."

"What? That's not true!"

"Come on Mr. Garcia huwag na tayong magbolahan dito, pinakamabuti niyong gawin ay bumalik at ibigay ang hiling namin."

"Are you blackmailing me?"

"No, I am negotiating."

"I don't have time with your nonsense!" ani Mr. Garcia at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"You should see this." 

Lumingon ito upang makita ang isang imahe sa screen ng cellphone at makita ang asawa na nagkakape sa opisina nito.

 " Ano nga ulit ang pangalan niya? Beverly?" 

Ibang larawan naman ang pinakita ng binata, sa pagkakataong ito dalawang bata naman sa loob ng eskwelahan.

Unti-unting lumutang ang kaba sa lalaki at pinagpapawisan ng maintindihan ang nangyayari.

"I'm afraid your family can't go home safely today," kalmadong paliwanag ng binata.

"P-paano mo nalaman!"

Ibinulsa ni Gian ang cellphone at saka humakbang palapit sa lalaki bago bumulong.

"Now, I am blackmailing you."

"May araw ka rin!" nangangalaiting tugon ng supplier bago bumalik.

Sa narinig na paliwanag ng gwardya ay kumalma ang dalaga.

"Kung gano'n, paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" tanong nito.

"Iyon ang hindi mo na dapat malaman pa."

"Ibig sabihin, tama ng malaman kong nang black mail ka para makuha ang deal? Tama ba 'yon?"

Binuksan ng amo ang pinto.

"Tell me, everything," utos nito kasabay ng paghalukipkip.

Naalala ni Gian ang kanyang ginawa.

Habang nagkakasagutan sina Ellah at ang supplier ay nagpadala siya ng mensahe sa kanyang kaibigan at humingi ng impormasyon tungkol sa supplier at sa pamilya nito.

Ilang sandali pa natanggap na niya ang impormasyon kasama ng mga larawan.

Data:

Name: Romulo S. Garcia

Address: Sta. Maria Subdivision, ZC

Occupation: BMG Manager

Wife: Beverly T. Garcia

Occupation: City Treasurer

Children: Christopher 16 years old and Christine 12

School: St. Mary, ZC

Information:

Illegal mining permit circulation. 

Dahil sa impormasyong ibinigay ng kaibigan ay nagawa niyang makausap ang mga lokal na awtoridad at nakuha ang katiwalaang pinagagawa nito ayon sa mga nagreklamo.

Salamat sa mga masigasig na mga opisyal at may impormasyon siyang nakuha bilang panlaban dito. Matibay ang ginagawa nitong katiwalaan kagaya ng pagpapagamit ng permit sa iba.

Iyan ang kalamangan ng isang pulis.

 Sa halip na sabihin ang lahat ng ito kay Ellah ay iba ang kanyang ipinahayag.

"I told you marami akong connections."

"Then who are you?"

Tinitigan ni Ellah ang gwardya.

Mukhang misteryoso ang lalaki at maraming itinatago. Ayaw niyang mag-isip na hindi ito mapagkakatiwalaan dahil ang abuelo niya ang pumili rito para maging protektor niya.

"Ms. I'm sorry to tell you this, but you are not in the position to ask."

Umalsa ang dalaga sa narinig.

"Empleyado kita at ako ang boss mo kaya natural lang na kilalanin kita! Malay ko bang may lahi kang kriminal!"

"Tungkol sa bagay na 'yan, wala ka bang tiwala sa lolo mo? Sa palagay mo ba kukuha siya ng taong magpapahamak sa kanyang pinakamamahal na apo?"

"Ang pinag-uusapan natin ang pamba blackmail mo."

Tumahimik ang gwardya at nakipagtagisan ng titig sa kanya ngunit hinding-hindi siya aatras.

"Ms. Ellah, less information, equals more safety."

Hindi siya nakaimik dahil may punto ito.

"Wala ka ng kinalaman sa ginawa ko pero sinisiguro kong hindi ka mapapahamak sa nangyari."

Kahit labag sa kalooban ay hindi na siya nagpilit pa.

"Siguraduhin mo lang na hindi sasabit 'yang kababaglahang ginawa mo." Tinalikuran niya ito at nagtungo sa elevator.

"No. But I' ll tell you everything once you become my girlfriend."

Iglap siyang napahinto at nilingon ito para lang makita ang isang ngisi.

"What? No way!" muli siyang tumalikod at humakbang.

Humalakhak ang lalaki.

Hindi niya lubos maisip na maging kasintahan ito.

Oo may itsura talaga ito, 'yon bang kapag napatingin ka muli mong titingnan uli.

'Pero para maging boyfriend ko ang kumag na ito malabo 'yon!'

Bago pumasok sa elevator ay hinarap niya ang lalaki.

"Thank you for saving me. I thought I couldn't get through that mess."

"I didn't help you." 

 Umawang ang bibig ng dalaga.

"W-what do you mean?" 

"I just don't want to see a failure in front of me, " paliwanag ni Gian bago tumalikod.

Tila nayanig ang kanyang buong pagkatao at walang salitang pumasok sa elevator at gigil na pinindot ang button doon.

"WHAT THE HELL!" hindi mapigilang sigaw ng dalaga sa tindi ng inis.

Ngunit bago nagsara ang elevator ay mahinang umusal ang binata na siguradong hindi narinig ng amo.

" I am willing to help you at all costs."

Chapitre suivant