webnovel

Twenty-four

Chapter 24

"Mom please. Kausapin mo si Dad." Pakiusap ko at pilit hinahawakan ang kaniyang kamay pero binawi niya ito. She's crying while packing her stuffs.

"No. Bakit niyo sinabi na nandito ako?" Her face is furious. She's really mad.

"Siya ang unang nakaalam ma. He asked your friends." Mahinahon kong sabi

Umiling ito. "Damn it!"

Ngayon ko lang nakita na ganito si Mom. Usually she's really sweet person.

Narinig ko nang may kumatok sa labas kaya napatingin kami dito.

Tinignan ako nang masama ni Mom. We both knew na si Dad ang nasa labas. "Don't you dare Tiana." She hissed. Napailing ako. Para pa din silang mga bata.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan I heard my Mom called my name pero hinayaan ko muna. They need to calm down at mag-usap sa problema nila.

"Tiana!" My Dad smiled at me. He's really stressed out. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam talaga ang whole story. But I trust my Dad. Hindi niya magagawa ang mga iyon.

"Dad." I smiled pero pagod ako. "Kausapin mo muna si Mom. We trusted you Dad."

Yumuko ito. "I know. I need to explain to your Mom first." Tumango ako at lumabas.

Pagkalabas ko I heard my Mom shrieked. Napabuntong hininga ako. I trust them both. Alam kong ayaw nilang magkagulo ang pamilya namin. And I don't want that to happen. It really hurt to see them both in pain.

Nakita ko sila Oppa at Jeydon sa sala. Sumunod si Jeydon at hinatid ako dito sa Hotel ni Oppa.

Umupo ako sa tabi ni Oppa at yinakap siya. Isinusob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at hindi ko mapigilang umiyak.

"You said na walang namamagitan sa pamilya namin at sainyo?" Seryosong sabi ni Oppa kaya napaangat ang tingin ko at nagtatakang tinignan sila.

"W-what?" Takang tanong ko. Ano ba pinagsasabi nila?

Umiling si Jeydon. "That day--" bumuntong hininga ito at tinignan kami nang pagod ang tingin. His face is gloomy. "Hindi sainyo. Kundi yung Tatay ko ay may Kabit."

Napatakip ako sa aking bibig sa gulat. A-ano?

"Diba nag usap na tayo diba? The first time we meet. Doon ko sinabi sayo." Seryoso nitong sabi.

Napaisip ako. Yung first time nag meet sila? Oo naalala ko na ma usap sila. Nakita ko kay Jeydon ang pagiging seryoso niya at uneasiness habang nagkasama kami.

"But bakit may koneksyon Mom mo sa Dad ko?" Takang tanong ni Oppa sakaniya.

Umiwas ito nang tingin at nakita ko ang malungkot na Jeydon. Hindi ako sanay na makita siyang ganiyan. "Sinabi saakin ni Mama na yung Dad niyo at Mama ko ay magkaibigan noon pa. Teenager days. Then Tita Lucy--" umiling ito at tinignan ako nang seryoso.

"What about Tita Lucy?" Tumayo ako sa aking pagkakaupo. I'm so curious.

"My Dad had an affair with Tita Lucy." May halong pait ang kaniyang pagkasabi nito saakin.

Napatakip ako sa aking bibig. "Your kidding right?" I laughed pero unti unti ding nawala dahil ang seryoso ng tingin niya. He's hurt.

What the heck? Tita Lucy? She's so innocent. Ang bait bait niya bakit 'ganun? Nasasaktan din ako. Para ko na din silang pamilya. They treated me as their own daughter. Nakikita ko sa mata ni Tita Lucy na mahal niya asawa niya. Pero bakit?

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. "Tiana?" Tinignan ako ni Oppa at yinakap.

"Oppa, did Tita Lucy do that?" Tinignan ko siya at hindi ko mapigilang umiyak.

Umiling ito. "I don't know Tiana." Hinila nito ang ulo ko at yinakap ako. I cried. It really hurts. Para ko na din siyang Ina. How about Jeydon? He's hurt too.

Tinignan ko si Jeydon pero nakangiti lang ito saakin. But it's fake. "J-jeydon." I called him out pero nakangiti pa din ito.

Pano niya tinatago iyan? Pano niya tinatago ang sakit? Nakakainis ka Jeydon. Kung alam mo lang. "Don't smile." Tinignan ko siya nang masama.

His eyes. Hindi ko makikita ang emosyon nito. I want to hug you. I want to take care of you. Alam kong mabigat dahil nung kay Mom, nasaktan din ako. Takot akong mawala pareho yung mga magulang ko dahil lang sa affair. Pero si Jeydon? He already knew. Pero pano niya magagawang ngumiti saamin? Damn.

Tumayo ako at hinila siya patayo at yinakap. "Damn it Jeydon. Don't smile."

Napalingon kami nung lumabas na sina Mom at Dad sa kwarto ni Kuya. Namumula ang mata nila pareho, kakagaling lang yata nilang umiyak. Ngumiti saakin si Mom at alam ko kaagad na okay na sila ni Dad.

Hinawakan ko ang kamay ni Jeydon kaya napatingin si Jeydon saakin sa bigla.

"Can we go out?"

Hindi ko na sila hinintay sumagot ay umalis na ako habang hila hila ko si Jeydon. I want to make him smile tulad nang lagi niya akong pinapangiti araw araw.

Tahimik lang kami habang nakarating sa parke sa hotel. It's not that big pero peaceful ito. Konti lang ang mga tao na gumagala dito.

Pinaupo ko si Jeydon sa isang bench at nakatayo ako sa harap niya. Nakatingin ito sa malayo kaya hinawakan ko ang balikat niya.

"How can I get rid of that pain?" Naiiyak ako.

Tumingin ito saakin at ngumiti. He's not the same Jeydon I know. His really hurt.

"Tell me some jokes." Hinawakan nito ang kamay ko nang mariin. Tinignan niya ako nang seryoso saaking mata.

"Distract me from this pain." Ngumiti ito at inilagay ang aking kamay sa kaniyang pisngi. At pumikit. Nakita ko paano tumulo ang kaniyang luha.

"Stay with me. Just stay. Dito ka lang sa tabi ko." Paulit ulit niya itong sinasabi saakin.

Napakagat ako sa aking labi at umiyak. Naalala ko na next week na ako aalis dito. I don't have the timing to say to him dahil lagi niya akong binabara.

"Jeydon, next week--" hindi na niya ako pinatapos sa pagsalita ay binitawam niya ang aking kamay.

"Stay.with.me." May diin itong pagkabigkas niya at tinignan ako nang seryoso.

Tumulo ang luha ko. "I can't." Umiling ako. "I can't Jeydon."

His eyes turned cold. Wala na itong emosyon. "Yun lang ang hiling ko. Hindi mo magawa?"

Nagulat ako nang tumayo ito bigla. "Huwag mo akong sundan."

Napatulala ako nang bigla siyang umalis sa harapan ko. May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso.

"J-jeydon!" Tawag ko sakaniya pero hindi na ito lumilingon.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kirot. "Jeydon!" Sigaw ko at tuluyang nawala sa aking paningin dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napaluhod ako sa daan at hinahawakan ang aking dibdib. Yung luha ko na hindi na mahinto. Sinasabayan din ito sa aking pagubo. I can't breathe.

Tumingin ako sa paligid para humingi nang tulong pero wala nang tao dahil sa ulan. Napaangat ang tingin ko. Kaya pala makulimlim ang langit kanina. Sinasabayan niya yata ako.

Sinuntok ko ang aking dibdib sa sakit. Kinakapos na ako sa aking paghinga at pilit tumayo. I felt a numbness in my legs at natumba. I hit my head on the floor kaya nahilo ako, napatingin ako kung saan siya umalis.

"J-jeydon." Napapikit ako. Please comeback. Naramdaman ko ang tubig nang ulan sa aking katawan. Pilit kong kumukuha nang hangin pero sumasakit lalo ang aking dibdib. Binuksan ko ang aking mata at nagiging blur na ang vision ko at tuluyan nang umitim ang paningin ko.

I love you Jeydon.

----

Chapitre suivant