webnovel

Chapter 45

Pagdating nila sa bahay ay excited na kinuha ni Dani ang plastic ng mangga. "Nanay Susana, tara po dito. May uwi po kaming mangga galing doon sa resort na kaibigan ni Axel." Sigaw ni Dani. Lumabas si Nanay Susana mula sa kusina ng madinig ang boses ng dalaga. "Ang tatamis po ng tanim doon sa isla lalo na po itong mangga. Kumunot ang noo ni Nanay Susana.

"Kaibigan ni Axel? Pero siya ang..." Nakita ni Nanay Susana ang sign ni Axel kaya di na niya naituloy ang sasabihin. "Masarap at matamis nay. Ang dami ko nga pong nakain." Nakangiting sabi ni Dani. "Salamat iha." Gustong sabihin ni Aling Susan na talagang masarap iyan at ilang beses na din silang nakakain ng manggang inuuwi ni Axel galing sa isla.

Maya-maya ay dumating na din sila Jax at Roco. "Oh, sa isla lang pala kayo pupunta, akala ko naman ay sa isang mamahaling hotel." Sabi ni Jax ng makita ang mangga. Kumunot ang noo ni Dani. "Kamusta si Mang Rodolfo?" Tanong ni Roco na lalong nagpakunot ng mata ni Dani. Gustong batukan ni Axel ang dalawang kaibigan. Mukhang sila pa ang magbubuko sa sikreto ni Axel.

"Alam ninyo yung isla? Kilala ninyo yung may-ari?" Takang tanong ni Dani. Tumingin sila Jax at Roco kay Axel at nakuha agad nila ang ibig sabihin ni Dani. Hindi alam ng dalaga na si Axel mismo ang may-ari na isla.

"Ah, eh, napunta na kami minsan doon." Sagot ni Jax. "Ah, tara kain tayo." At nagbalat muli ng mangga si Dani. "Iha, baka sumakit ang tiyan mo niyan." Paalala ni Nanay Susana. "Ang sarap po kasi." Nakangiting sabi ni Dani pagkatapos ay kinagat na ang hawak na mangga.

Hindi na nakapaghapunan si Dani dahil sa busog na busog na siya. Nagpaalam siya sa iba na papasok na sa kwarto para magpahinga. Naiwan si Axel, kasama si Jax at Roco sa sala. Sila Tatay Boy at Nanay Susana naman ang naghahanda ng mga rekado sa lulutuin nila para bukas.

Habang nag-uusap ang tatlo ay tumawag si Zack. "Pare, tahimik ang kampo nila Britney ngayon. Wala kami ibang makita na kahina-hinala sa mga kilos nila. Hindi din namin matrace ang number na tumawag kay Dani." Sabi ni Zack. "Ok lang pare,magaling silang magtago pero pasasaan ba at tiyak na lalabas din ang mga iyan sa lungga nila." Sabi naman ni Axel. "Tatawag na lang ulit ako kung may balita ng iba." Sabi ni Zack at tinapos na ang tawag.

"Anong sabi ni Zack?" Tanong ni Roco. "Wala pa din silang lead kung sino ang gustong manakit kay Dani." Sagot ni Axel. "Anong plano mo?" Tanong ni Jax. "Hindi ko din alam, pare. Hanggang hindi nakikita sila Mateo, hindi din malalaman kung sino ang nag-utos sa kanya." Sagot ni Axel. "Pero, pare, hindi mo pwedeng ikulong si Dani dito habang buhay." Sabi ni Roco. "Pero kung yun ang kailangan gawin ko para maging ligtas lang siya, walang akong ibang choice." Sagot ni Axel.

Habang nakahiga ay biglang nagring ang telepono ni Dani. Tumawag si Aubrey at Cleo gamit ang video call. "Madam! Kamusta ka na? Miss ka na namin pati ang mga papeles sa mesa mo ay miss ka na din." Sabi ni Cleo sa kabilang screen. Natawa si Dani. "Ok naman ako. Masarap magbakasyon pero sabi naman ni Gerald pwede na ko bumalik sa trabaho after three days." Sabi ni Dani. "Eh papayagan ka ba naman ni Axel?" Tanong ni Aubrey. "Oo naman. Baka the next day ay nandiyan na kami." Sabi ni Dani.

"Nga pala, kinakamusta ka ni Blaze at ng mga bata sa Holy Angels." Sabi ni Cleo. "Pagbalik ko ay pupuntahan ko sila. Miss ko na din ang mga bata." Sabi ni Dani. "Tinatanong ni Blaze kung kailan ka daw babalik." Sabi ni Aubrey. "Sabihin mo hindi na kami babalik diyan, dito na kami titita." Nagulat silang tatlo ng madinig ang boses ni Axel.

Natawa si Aubrey at Cleo. "Oh, sige na, nandiyan na ang prince charming mo. See yah." Sabi ni Cleo at tinapos na ang video call.

"Hindi pa din tumitigil ang Blaze na yun noh." Tanong ni Axel na tumabi sa kanya. "Hoy, lalake, maligo at magbihis ka muna. Yuck na ang amoy." Sabi ni Dani na itinakip ang kumot sa mukha. "Ah, ganoon ha, yuck pala ha." Sabi ni Axel bago dinaganan si Dani. "Ang bigat mo, hindi ako makahinga." Sabi ni Dani. "Sinong yuck?" Tanong ni Axel. "Ikaw! Umalis ka na nga. Ang baho mo!" Sabi ni Dani. Tumili si Dani ng kilitiin siya ni Axel. "Hahaha, tama na, hahaha." Sabi ni Dani. "Sinong mabaho?" Tanong muli ni Axel. "Oo na, oo na, mabango ka na!" Sabi ni Dani at tumigil na sa pangingiliti ang binata at humiga sa tabi niya.

"Paano kung dito na lang tayo mag-stay?" Seryosong tanong ni Axel. Kumunot ang noo ni Dani. "Paano ang trabaho ko, ang PGM? Paano ang Karozza? Halos matatapos na yun di ba?" Tanong ni Dani. "Pwede namang pumunta tayo paminsan-minsan sa Manila para tingnan ang mga negosyo natin." Sabi ni Axel. "Alam mo naman na nag-iisa lang akong anak. Kawawa naman sila Daddy at Mommy." Sabi ni Dani. Bumuntong hininga si Axel.

"May problema ba?" Tanong ni Dani. "Wala naman." Sagot ni Axel. Tumayo ito at pumasok na sa CR para maligo. Paglabas niya ay tulog na naman si makamasa. Tinabihan niya ito at tiningnan. "Kung pwede lang kitang ilayo para maging ligtas ka araw-araw at gagawin ko." Bulong ni Axel at hinalikan ang noo ni Dani. Otomatikong sumiksik muli si Dani na parang bata sa katawan ni Axel.

Hatinggabi ng magring ang telepono ni Dani. Kinuha niya ito at sinagot. "Iha, ang Holy Angels, nasusunog!" Sabi ni Arthur sa kabilang linya. Natulala si Dani at nalaglag ang telepono. Naramdaman ni Axel na gising ang katabi at ng magmulat siya ng mata ay nakita niyang tumutulo ang mga luha ni Dani.

"Bakit, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Axel at niyakap ang dalaga. "Ang mga bata, ang mga bata..." Yun lang ang nasabi ni Dani at humahulgol na ito ng iyak.

Chapitre suivant