"Magandang umaga, Sir Axel." Bati ni Dalton sa binata. "Anong balita?" Tanong ni Axel. Nakatingin ang binata sa monitor ng mga cctv kaya di niya nakita ang nagtatakang mukha ni Dalton. Nang hindi sumagot si Dalton ay iniangat ni Axel ang paningin sa bodyguard at nakita nitong nakatitig ito sa kanya.
"Sir, sinapak ba kayo ni Ma'am Dani?" Tanong ni Dalton na kinakunot ng noo ng binata. "Hindi, bakit?" Takang tanong ni Axel. "Yung eyebags nyo po kasi." Sabi ni Dalton. Tiningnan naman ni Axel ang sarili sa salamin na malapit sa pinto at natawa siya sa sariling itsura. "Pinaghirapan ko iyan. Hindi mo alam kung gaanong hirap ang dinanas ko kagabi." Nakangiting sabi ni Axel. "Sir?" Takang sabi ni Dalton. "Wala, nevermind." Sabi ni Axel at tumingin ulit sa monitor.
Bumalik na si Axel sa bahay at gaya ni Dalton ay nagulat din ang iba sa eyebags niya. Kasalukuyang nakikipagkwentuhan siya kila Jax at Roco ng bigla silang makarinig ng tili mula sa kwarto. Natawa si Axel. Tumayo naman sila Jax at Roco at akmang pupuntahan si Dani na tumili. Sila Susana at Boy naman ay lumabas galing sa kusina. "Ano yun?" Nag-aalalang tanong ni Susana. Pero bago pa makasagot si Axel ay nadinig na ang pangalan niya mula kay Dani.
"Aaaaaxxxxxeeeeelllll!!!" Sigaw ni Dani.
Paggising ni Dani ay napakasakit ng ulo niya. "Ano bang nangyari?" Tanong niya sa sarili. Tumayo siya at pumunta sa CR para magshower pero pagkakita niya sa salamin ay nagulat siya at tinakpan niya ang sarili. "Sandali, bakit bra at panty lang ang suot ko?" Namula na siya at kung anu-ano na ang pumasok sa isip. Bumalik sa kama at tiningnan ito. "Walang dugo." Bulong niya. Bumalik muli sa CR at tumingin sa salamin. "Wala din kiss marks. Hindi din masakit katawan ko. Anong nangyari?" Lalong sumakit ang ulo niya at sinigaw na ang pangalan ng binata.
"Huwag kayong mag-alala, ok lang ang luka na iyon. Nagulat lang siguro." Sabi ni Axel at nakatawang pumunta sa kwarto nila. Nagtataka naman nagkatinginan ang apat na naiwan sa sala.
Pagpasok ni Axel sa kwarto ay isang unang ang sumalubong sa kanya. Nakaroba na si Dani pero bago pa siya nagsalita ay nakita niya ang maiitim na eyebags ni Axel. "Anong nangyari sa iyo? Nakipag-away ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Dani at nawala ang inis na naramdaman kanina.
Natawa naman si Axel. "Alam mo bang ikaw ang may gawa nito?" Sabi ng binata. Inosenteng itinuro naman ni Dani ang sarili. "Sinuntok ba kita?" Nag-aalalang tanong ni Dani. "Ok lang kung sinuntok mo na nga lang ako eh. Hindi mo ba naalala mga ginawa mo kagabi?" Tanong ni Axel. Umiling si Dani. Huminga ng malalim si Axel.
"Magmula ngayon ay ban ka na sa pag-inom ng kahit anong alak. Pwede ka lang uminom pagkasama mo ako. Ok?" Sabi ni Axel. Nagtaka naman si Dani. "Ano ba ginawa ko kagabi?" Tanong ni Dani. "Kung ibang lalaki lang ang kasama mo kagabi ay baka hindi ka na makalakad ngayon." Sabi ni Axel na lalong nagpalala sa pag-iisip ni Dani.
"Ano ba kasing ginawa ko?" Muling tanong ni Dani. "Buti na lang at gentleman na ko ngayon, kung hindi ay di ka na makakabangon." Sabi ni Axel. "Aray!" Sabi muli ni Axel ng paluin siya ni Dani. Natawa si Axel sa itsura ni Dani. Pulang pula ang mukha nito na akala mo kamatis.
"Naghubad ka lang naman sa harap ko." Sabi ni Axel. Natakpan ni Dani ang bibig. Pilit na inalala ang ginawa kagabi at unti-unti ay bumalik na isa-isa ang kalokohan kagabi. Tingin ni Axel a lalong namula si Dani. "Hindi ka na iinom ha?" Tanong ni Axel. Tumango si Dani. "Sige na, nag-iintay na sila sa baba. Sabi ni Axel. Dahan-dahan namam tumayo si Dani at naglakad papuntang CR pero bago pumasok ay bumalik kay Axel para bigyan ito ng isang halik sa pisngi. "Thank you..." Sabi ni Dani sabay takbo sa loob ng CR. Naiwan namang ngiting ngiti si Axel.
Paglabas nila ay nakaupo na nga sa kusina sila Jax at Roco kasama sila Tatay Boy ay Nanay Susana at iniintay na sila para mag-umagahan. "May nangyari ba iha? Bakit ka sumigaw." Tanong ni Nanay Susana. Hindi agad nakasagot si Dani. "May nakita lang siyang ipis, Nay." Si Axel ang sumagot. "Ipis? Pero kakaspray lang ni Tatay Boy nung bago kayo dumating ah." Sabi ni Nanay Susana. "Ah, baka nakaligtas ang isang yun." Si Jax naman ang sumagot at tumingin kay Dani na ikinapula ng dalaga. "Naku, Boy, ulitin mo nga ang pagspray, baka hindi matapang ang gamot ng ginamit mo." Sabi ni Nanay Susana. Kinindatan naman ni Axel si Dani. Nangiti naman si Dani dahil walang kaalam alam sila Nanay Susana at Tatay Boy sa nangyari.
"Pupunta ako sa Karozza, gusto mong sumama?" Tanong ni Axel matapos nilang kumain ng umagahan. "Ok lang ba? Hindi ba ko makakaistorbo sa iyo?" Nahihiyang tanong ni Dani. "Ang bait mo yata ngayon?" Natatawang sabi ni Axel. Ngumiti lang ang dalaga. "Kahit kailan ay hindi ka magiging istorbo sa akin. Besides, mas matatahimik ako kung lagi kang nasa tabi ko." Sabi ni Axel. Kinilig naman si Dani.
"Pwede ba, tumigil na kayong dalawa, ang dami ng langgam oh." Nakatawang biro ni Jax. "Saka nakaka OP yang PDA ninyo ha." Sudlong naman ni Roco. "Ha'ay nako, tumigil na nga kayong dalawa diyan. Ganyan talaga ang bagong kasal, laging sweet." Sabi ni Nanay Susana. Gusto sanang sabihin ni Dani na hindi pa sila kasal ni Axel pero alam niyang malulungkot ang matanda.
Napansin na kasi ni Dani nung una na lagi niyang nahuhuli nakatingin sa kanilang dalawa ni Axel si Nanay Susana at halata sa mukha ang saya nito. Ayaw naman niyang siya ang maging dahilan para maiba ang mood nito.
"Naalala ko pa noon bagong kasal din kami ni Tatay Boy ninyo, napakasweet niya sa akin." Pag-alala ni Nanay Susana sa kabataan nila ni Tatay Boy. "Eh ngayon nay?" Tanong ni Jax. "Nnnaaakkkuuu, ngayon ay maasim na!" Sabi ni Nanay Susana na inirapan ang asawa. "Eto naman darling ko, sweet pa din naman ako sa iyo ah." Sabi ni Tatay Boy na niyakap ang asawa. "Tigil-tigilan mo nga ako. Sweet ka lang pag may kailangan ka." Sagot ni Nanay Susana. Kumamot si Tatay Boy sa ulo. "Pahingin pera." Sabi ni Tatay Boy at tumawa ang lahat.
Sabay-sabay na umalis ang apat papunta sa Karozza. Kasunod nila ang halos tatlong kotse na puro bodyguard ang sakay. Ang iba ay naiwan sa bahay kasama nila Tatay Boy at Nanay Susana.
"Mahal na mahal talaga ni Axel si Dani. Biruin mo, sangkatutak ng bodyguard ang kasama." Sabi ni Tatay Boy. "Oo at ngayon ko lang nakita si Axel na seryoso sa relasyon niya. Sana nga lang ay matapos na ang problema nila ng maging masaya ang lahat." Sabi ni Nanay Susana.
Pagdating ng apat sa Karozza ay sinalubong na sila ng mga nagtatrabaho sa kumpanya. Nagbigay galang sa kanila at bumalik na sa mga ginagawa.
"Ang ganda talaga ni Ms. Monteverde, swerte naman ni Sir Axel sa kanya." Sabi ng isang babae na nasa information deck. "Swerte din naman siya kay Sir Axel, gwapo na, mayaman pa." sabi naman ng isa. "Wala na ngang na-link sa kanyang ibang babae pagkatapos nilang aminin na sila na ngang dalawa." Sabi ng isa. "Ok na din yun ng wala ng nagpupunta dito para magiskandalo." Sabi ng isa.
Niyaya ni Axel si Dani sa kanyang opisina. "Dito ka muna magstay, may pag-uusapan lang kami nila Jax at Roco tungkol sa mga bagong dating na sasakyan." Sabi ni Axel. Tumango si Dani. "Gusto mo bang tawagin ko si Dalton?" Tanong ni Axel. "Hindi na, ok na ko dito. Nananawa na din ako sa mukha ni Dalton." Nakatawang sabi ni Dani. Kumunot ang noo ni Axel. "Eh di nagsasawa ka na din sa mukha ko?" Tanong ni Axel na kunwaring nagtatampo. Natawa si Dani.
"Mr. Axel Monteclaro, hindi po nakakasawa ang gwapo mong mukha." Sabi ni Dani na ikinangiti naman ni Axel. Bababa na sana si Axel ng madinig na nagring ang phone ni Dani. Nakita ni Axel na nakakunot ang noo ni Dani. "Bakit?" Tanong ni Axel na lumapit sa dalaga. "Number lang eh." Sagot ni Dani. Kinuha ng binata ang phone at siya ang sumagot.
"Magsaya ka na Daniella Monteverde dahil pagbalik mo dito sa Manila ay sisiguraduhin kong mawawala ka sa mundong ito kasama ng anak mo." Sabi ng nasa kabilang linya dahil gumamit ito ng voice changer ay hindi nakilala ni Axel ang caller. "Go to hell!" Sagot ni Axel at pinatay na ang phone. Niyakap ng mahigpit ni Axel si Dani. Naguluhan naman si Dani sa inasal ng binata pero niyakap na lang din niya ito bilang ganti.