webnovel

Chapter 1

"Magandang umaga, Dani!" Bati ni Tatay Kiel habang ito ay nakaupo sa upuan sa kusina at umiinom ng kape. "Magandang umaga din Tay!" Masayang bati din ni Dani habang palapit siya sa mesang kainan.

Si Tatay Kiel ang driver ni Dani simula ng magtrabaho siya sa opisina ng kanyang ama na namamahala sa isa sa pinakamalaking mall sa Pilipinas, ang Plaza Galleria Mall. Isang taon magmula ng magtapos siya ng kolehiyo, sinabak na agad siya ng kanyang ama sa pamamahala sa mall. Nagiisang anak lamang siya kaya walang ibang maasahan ang kanyang ama at ina kundi siya lamang.

"Magandang umaga, iha." Bati sa kanya ni Nanay Mercy habang inihahanda ang kanyang almusal. "Maganda ka pa sa umaga nay." Sabi ni Dani sabay kindat at naupo na sa harap ng mesa.

Si Aling Mercy naman ang kanyang yaya simula ng siya ay magkaisip. Siya na din ang nagsisilbing cook sa bahay. Dahil may idad na din si Mercy, kumuha na lamang sila ng ibang tagalaba at tagalinis ng bahay.

"Hhhmmm, ang bango ng sinangag nay!" Sabi ni Dani habang inaamoy ang pagkain nasa kanyang harapan. "Timmy!" Tawag ni Dani sa kanyang pusa na isang Scottish Fold. Nang marinig niya ang meow ng alagang pusa ay binigyan na din niya ito ng pagkain.

"Morning, Dad, Mom." Bati ni Dani sa kanyang mga magulang habang lumalapit ang mga ito sa kusina na magkahawak ang kamay. Hinalikan ni Arthur Monteverde ang kanyang anak sa noo nito at ganoon din si Esther Monteverde.

Si Arthur at Esther Monteverde, presidente at bise presidente ng Plaza Galleria Mall. Ang kanilang nag-iisang prinsesa, si Daniella Monteverde, ang General Manager ng PGM. Kahit na kilalang angkan ang mga Monteverde, nananitili si Dani na low key. Hindi siya masyadong dumadalo ng mga okasyon sa labas ng opisina. Ang kanyang ruta sa araw araw at bahay opisina, opisina bahay. Wala din siyang day off. Lumalabas lang siya kapag gusto niyang mag-unwind kasama any dalawang malalapit niyang kaibigan, ang kanyang assistant na si Aubrey at ang kanyang secretary na si Cleo.

Kapag may imbitasyon siya para sa isang interview ay hindi niya pinapaunlakan ito, sa halip ay ang ama o ina niya ang dumadalo dito. Kaunti lamang ang nakakakilala sa kanya kahit sa PGM. Hindi din niya pinapayagan na malaman ng iba kung sino talaga siya sa mall. Dahil dito, madali niyang nalalaman at nasosolusyonan ang problema sa mall dahil minsan ay napapanggap siya na customer o di kaya naman ay nagtatrabaho sa mall.

Hindi siya katulad ng ibang anak mayaman na spoiled brat. Marunong siyang magluto, maglaba, at maglinis ng bahay dahil tiniruan siya ni Mercy. Tinuruan din siyang magdrive ni Kiel kaya mas madalas ngayon na siya na lamang ang nagmamaneho ng kanyang PORSCHE CARRERA S papuntang trabaho. Mas madalas pang pinagmamaneho ni Kiel si Arthur at Esther.

"Ang aga aga, ang daming langgam dito, Nay!" Nakatawang sabi ni Dani habang nakatingin sa kanyang mga magulang. "Sabi naman kasi sayo anak, maghanap ka na ng mapapangasawa." Saad ni Arthur na nakangiti. "Dad, wala pa sa isip ko ang mag-asawa saka isa pa, wala naman magkamali sa akin eh." Saad ni Dani sabay tawa. "Kasi naman anak, masyado ka naka-focus sa trabaho mo. Paano ka makakahanap ng asawa kung ang laging mong kaharap ay ang mga papel at laptop mo?" Saad naman ni Esther. "Mom, dadating din tayo doon pero sa ngayon, mas gusto ko na single muna ako, ok?" Saad ni Dani sa kanyang mga magulang.

"Marami akong kilala na mga anak ng aking mga kumpadre na maari mong makilala at malay mo, isa sa kanila ang iyong tadhana." Saad ni Arthur. "Dad, ayoko ng reto, gusto ko yung kusa kami magkakilala hindi yung pilit." Sagot naman ni Dani sa kanyang ama.

"Ha'ay nako, bahala ka na nga. Basta, huwag kang magpakatandang dalaga. Baka mamaya niyan, hindi mo na kami mabigyan ng mga apo." Saad ni Arthur. "Eh, apo lang pala kailangan mo dad, sige, gagawa na ako mamaya." Saad ni Dani na nakangiti. Tiningnan siya ng seryoso ng ama. "Dad, nagbibiro lang ako." Sabi ni Dani sabay yakap sa ama. "Mauuna na po ako. Dadaanan ko pa yung dalawang bruhang kaibigan ko." Sabi ni Dani.

Nakahiga pa sa kama si Axel ng biglang tumalon sa kanya ang isang Samoyed na aso. "Apollo! Maaga pa. Bumaba ka nga!" Saad ni Axel ngunit ang aso ay hindi sumunod. Patuloy ito sa paggising sa kanya. "Gutom ka na noh?" Tanong ni Axel na tahol naman ang sinagot ng aso. Walang nagawa si Axel kundi tumayo.

Si Axel Monteclaro, may-ari ng isang kilalang nagbebenta ng mga sasakyan, ang Karozza. Kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Jax at Roco, itinayo nila ang Karozza na ngayon ay isa na sa kinikilalang nagbebenta ng mga mamahaling kotse galing sa ibang bansa at pati na din sa Pilipinas ngunit sila ay nakabase sa Davao.

Ang kanyang mga magulang na sina Benjamin at Eleanor Monteclaro ay nakatira sa Maynila kasama ng bunso niyang kapatid na si Sdyney Monteclaro. Pinamamahalaan ng mag-asawang Monteclaro ang isang kilalang restaurant sa Maynila, ang Palatable. Samantalang si Sydney naman ay may malaking boutique sa loob ng PGM, and Dress-Up na isang sa malaking kumikita sa loob ng mall dahil sa magagandang damit dito at isa si Dani sa mga customers nito.

Pagkatapos bigyan ng pagkain ang kanyang asong si Apollo, naghanda na din ng kanyang Almusal si Axel. Habang kumakain ay nagring ang telepono ni Axel. "Pare, ano na naman ba ang ginawa mo kagabi?" Tanong ni Jax sa kanyang kaibigan. Hindi sumagot si Axel. "Nandito si Britney at nag-iiiyak. Hiniwalayan mo na daw siya. Ano ka ba naman pare, para ka lang nagpapalit ng damit ah? Kailan ka ba titino?" Tanong ni Jax.

"Hayaan mo lang siya. Siya naman ang naunang manloko ah. Sabihin mo sa kanya, doon na siya sa kahalikan niya kagabi." Sabi ni Axel at ibinababa na ang kanyang telepono. Tinapos na niya ang kanyang almusal at naghanda na para sa pagpasok sa kanilang opisina.

"Morning, Sissy." Saad ni Aubrey at Cleo pagsakay nila sa kotse ni Dani. "Morning mga bru." Sagot naman ni Dani sa dalawang kaibigan. "Nabalitaan nyo na ba?" Tanong ni Aubrey pagkaupong-pagkaupo nito sa kotse. "Ang ano na naman?" Tanong naman ni Cleo. "Yung may-ari ng Karozza, nagpaiyak na naman ng babae. Trending na naman sa YouTube yung story." Kwento ni Aubrey. "Ikaw talaga, pagtungkol sa tsismis, napakagaling mo." Saad ni Cleo. "Eh kasi naman, napakagwapo ng lalaking yun kaso napakaplayboy din." Sabi ni Aubrey. "Ang sabihin mo napakagago niya. Para lang siya nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend." Saad ni Cleo. Natatawa lang si Dani sa usapan ng dalawang niyang kaibigan.

"Oh, kala ko ba si Aubrey lang ang tsismosa eh bakit alam mo ang tungkol doon sa playboy na yun?" Tanong ni Dani. "Gwapo naman talaga siya. Di mo ba talaga siya nakikita?" Tanong ni Cleo. "Alam nyo naman na pagdating ko sa opisina, wala na kong oras para sa mag ganyan noh." Sagot ni Dani. "Nga pala, may convention ka nga pala sa Davao next week." Sabi ni Aubrey. "Next week na ba yun?" Tanong ni Dani. "Opo, madam." Sagot ni Cleo na nakangiti. "Ok, buti pinaalala ninyo. Nawala na sa loob ko yun." Sabi ni Dani. "Tsk tsk tsk, ano na lang ang gagawin mo kung wala kami?" Tanong ni Aubrey na nakangiti. "Cge, kape tayo mamaya." Sabi ni Dani. "Yes!" Sabay na sabi ni Aubrey at Cleo. Nagpark na si Dani sa basement ng mall at sabay sabay na silang pumasok ng elevator na nakalaan lamang para kay Dani. Deretso na agad ito sa kanyang opisina.

Chapitre suivant