webnovel

Chapter 53: Who Are You?

THIRD PERSON

"Gumalaw ang daliri n'ya!"

"Yeah, yeah, I saw it too---wait, she's waking up!"

" She open her eyes!"

"Doooooc!"

"Doooooc!"

Lalo silang nagkagulo nung isa-isa silang tiningnan ni Iya. Naghahalo ang pagtataka at saya sa namumutla pa nitong mukha.

Sabay-sabay na pumasok ang tatlong doktor, pinalabas muna ng mga ito ang lahat ng bisita para hindi mabigla o maingayan ang bagong gising na pasyente. Tiningnan nila ang mga vital signs ng dalaga. After making sure that her body is fine, they started to ask her questions patiently.

"Ahm, there's a guy who I always heard talking. Palagi n'ya akong tinatawag na Iya. So I presume, I'm Iya. Pero lagi din s'yang tumatawag ng Delaila. Eh, mag-isa lang naman pala ako sa silid na 'to. So I'm starting to doubt if I'm really Iya. Hindi naman pwedeng dalawang tao ako diba? So sino si Iya? Sino si Delaila?" nagtatakang tanong ng dalaga na nakakunot pa ang noo. She looked so innocent at that moment.

"Well for you information dear. Your full name is Maria Delaila Magtanggol. So 'yung tinatawag n'yang Delaila, ikaw 'yun. At iyong tinatawang n'yang Iya, ikaw din 'yun." Nakangiting paliwanag ng isang babaeng neurologist.

Huminto sa kanya ang paningin ni Iya na para bang hindi ito makapaniwala dahil sa narinig.

"Ako si Delaila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Iya habang itinuturo ang sarili gamit ang hintuturo n'ya.

"The one and only." Tumatangong sang-ayon ng isa pang doktor. Nakahinga sila ng maluwag. She only lost her memory. Mataas ang chance na bumalik naman iyon sa pasyente rather than her not waking up anymore.

"Talaga? Bakit parang ang bantot? May kasama ba talagang Maria ang pangalan ko? May dala ba kayong birth certificate ko? Patingin," hindi talaga kumbinsido ang dalaga na iyon ang pangalan n'ya.

Nagkatinginan ang tatlong doktor.

"Ahm, Miss Iya, ipapakuha namin sa kaibigan mo 'yung birth certificate mo. May ilang katanungan lang si Dr. Arnolds sa'yo," nakangiting wika ng babaeng doktor.

"Ehem," mahinang tumikhim ang gwapong doktor." Miss Iya, do you remember what day is it today?" Malumanay na tanong nito.

Tahimik na nag-isip ang dalaga.

Kunot na kunot ang noo n'ya sa sobrang pag-iisip. Pero dahil wala naman s'yang makuhang sagot, huminga na lang s'ya ng malalim.

"Bakit n'yo ba ako tinatanong kung anong araw ngayon eh, kagigising ko lang?" pinagtaasan n'ya ng kilay ang mga doctor dahil nahihirapan talaga s'yang sagutin ang napakasimpleng tanong na iyon.

Bakit nga ba wala s'yang maalala? Bakit sa tuwing kakalkalin n'ya ang sarili n'yang utak para sa kahit na anong impormasyon, wala s'yang makuha? Ni pangalan n'ya hindi n'ya alam. Kung hindi dahil sa lalaking araw-araw ay nasa panaginip n'ya, hindi n'ya malalamang Iya ang pangalan n'ya. Well, in the first place, pinagdudahan n'ya pa nga kung s'ya ba talaga iyon hindi ba?

"We're so sorry for making you feel upset Miss Magtanggol. Do you remember what happened before you lost consciousness?" tanong naman ng isa pang doktor para mas masiguro nila ang isa sa mga diagnosis nila sa pasyente.

Huminga ulit ng malalim si Iya saka hinilot-hilot ang sentido n'ya. Kanina pa s'ya isip ng isip but her brain is like an empty vessel.

"I can't think of anything. I don't know anything." sumusukong anas ng dalaga.

Makalipas ang ilang pagtatanong pa ng mga doktor regarding sa kung nakakaramdam pa ba s'ya ng sakit sa ulo n'ya o sa ibang parte ng katawan n'ya, ay umalis na rin ang mga ito.

Nang makaalis ang mga doktor ay pumasok sa loob ang apat na nilalang na nagkakagulo kanina. Wala iyong lalaking panay ang tawag ng Iya at Delaila.

Tahimik lang ang mga ito habang tila tuod na nakatitig sa dalagang nakahiga pa rin sa hospital bed. Halos hindi pa rin nags-sink in sa kanila na gising na nga ito at nakatingin sa kanila ng may pagtataka.

"Anong nangyari? Bakit nanahimik kayong lahat d'yan?" curious na tanong ni Iya. Kanina lang ay ang ingay-ingay ng mga ito kaya naman napalabas ng mga doktor.

"Hindi mo na ako naalala Beshy?" Tanong ni Josea. Narinig nila mula sa labas ang sinabi ng mga doktor. At mukha namang hindi nagj-joke itong kaibigan nila.

"Seryoso ka ba o ginogoyo mo lang ang mga doktor?" tanong ni Yana para maka-sure lang.

"I-iya. K-kawawa ka naman." Naiiyak na sambit ni Sue.

"Mas okay na 'yan kesa habangbuhay s'yang matulog or maging lantang gulay na lang s'ya diba?" Anaman ni Ces habang nakahalukipkip.

Tinitigan na lang ni Iya ang mga tao sa harapan n'ya. Hindi n'ya alam kung bakit parang ang laki-laki ng problema ng mga ito. Hindi ba't mas malaki ang problema n'ya dahil ni wala s'yang alam kahit na isang bagay patungkol sa sarili n'ya o sa kahit na sinong may koneksyon sa kanya noon?

---

"Until when?" Seryosong tanong ni Iker sa doktor na kausap n'ya.

He pinched the bridge of his nose. Different kind of scenarios are now playing on his head.

Paano n'ya ipapaalam kay Iya ang mga bagay-bagay? Paano na ito ngayong wala itong maalalang kahit na ano o kahit na sino? Paano ang lola at ang kapatid nitong si Trii? Ang biological mother nito at half sister na nangangailangan ng dugo ng dalaga?

Hinding-hindi n'ya ibibigay si Iya sa biological mother nito dahil alam naman n'ya kung paano tratuhin ng mga ito si Iya. Alam n'ya kung paanong binabasura lang ng mga ito si Iya at alam n'ya ring tanging dugo lang nito ang kailangan ng walang kwentang pamilyang 'yun.

"She might not recover her past memories anymore Mr. de Ayala. I suggest na unti-unti n'yo pong ipaalala muli sa kanya ang lahat. Kung magkamilagro man, we don't know how the heavens work. Pero kung ang pagbabasehan natin ay ang kaalaman ko sa medisina, isang malaking milagro na nagising pa ang pasyente. Sinabi ko na po sa inyo, maging ng mga neurosurgeon at neurologist na tumingin sa kanya kung gaano kadelikado ang naging head injury ni Miss Magtanggol. " mahabang paglilitanya ng doktor.

Nakikinig lang si Iker. Tapos na s'ya sa phase na isang salita lang sa doctor na hindi n'ya magustuhan, inaalis na kaagad n'ya ang mga ito sa serbisyo, worst pinapatanggalan n'ya ng lisensya.

He doesn't know if it's a good thing na wala ng kahit na anong naaalala si Iya. Dahil wala ng naaalala si Iya, pwede na n'yang samantalahin ang pagkakataon para ito naman ang alagaan.

Iker took a deep breath and dismissed the young doctor.

Opisina ng naturang doktor ang ginagamit n'ya pero kung i-dismiss n'ya ito, parang s'ya pa ang may-ari ng naturang lugar. Tahimik na tumayo ang binata saka nagtungo sa pribadong silid ni Iya.

Ayun sa doktor, ilang pagsusuri na lang ay maaari na n'ya itong iuwi.

Walang kaingay-ingay sa loob ng pumasok s'ya. Tulog na marahil si Iya at nagsiuwian na rin ang magugulo nitong mga kaibigan.

"Who are you?"

Nahinto sa paglalakad si Iker patungo sa banyo ng silid dahil sa boses na narinig. Mula ng magising ito, ngayon n'ya pa lang ito hinarap dahil natatakot s'yang makita ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nakita s'ya.

Kaya sa halip na tumuloy sa banyo, muli s'yang pumihit pabalik sa kama kung saan nakaupo na si Iya. Unti-unti ng bumabalik sa normal ang kulay sa mukha nito na dati ay tila hindi na dinadaluyan ng dugo sa sobrang putla. Wala na rin ang bakas ng mga sugat. Para ngang hindi nangyari ang kidnapping incident three months ago.

"Sino ka?" curious na tanong ng dalaga habang namimilog ang mga matang titig na titig sa kanya.

Nakahinga ng maluwag si Iker.

He have been waiting for this moment to happen. Pero wala sa plano n'ya ang pagkakabura ng memorya nito. The good thing that happened was, hindi naghestirya ang dalaga ng magising ito.

Hindi pa rin nagsasalita si Iker ng maupo s'ya sa kama ni Iya. Ang isa pang ikinamangha n'ya ay ni hindi man umangal o nagreklamo ang dalaga sa ginawa n'ya. Sinusundan lang nito ng tingin ang bawat kilos at galaw n'ya.

"Sino ka? Bakit ngayon ka lang nagpunta? Saka ba't ang gwapo-gwapo mo?" Sunod-sunod na tanong ni Iya.

Natigilan si Iker. Kitang-kita n'ya ang sariling repleksyon sa nagniningning na mga mata ni Iya. It's the first time she look at him like that dahil most of the times naman ay palagi itong nag-iiwas ng paningin noon na para bang takot na takot maipakita ang mga mata sa kanya.

"I'm your..." ano nga ba s'ya?

"My boyfriend?" Nakangiting tanong ng dalaga na hindi na naman inaasahan ni Iker.

"Sabi ng mga nurse ang gwapo daw ng boyfriend ko. So ikaw nga 'yun?

Nagbaba-taas ang adams apple ni Iker. Papayag ba s'ya na may ibang magpakilala kay Iya na boyfriend nito? Not a chance. "Yes, I'm your boyfriend, Ivan." He loves it when she calls him with that name.

Tanging si Iya lang ang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. At hindi n'ya papayagang magbago iyon dahil lang sa nawala ang memorya nito.

Chapitre suivant