webnovel

We're In This Together

Aliyah's Point of View

BIGLA ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko ng mapagsino ko ang kausap nila Gilbert. Masaya silang nag-uusap na para talagang na-miss nila ang isat-isa. May pahampas-hampas pa nga ito sa braso ni Jake habang tumatawa na halos labas na ang gilagid. Enjoy na enjoy rin naman sila Bidong at Itoy na sumasali rin sa usapan.

Malalim akong napabuntung-hininga. Tila wala nga silang alam sa nangyari dito at kay Onemig years ago. Napanatili ni Onemig na sikreto sa mga kaibigan namin ang lahat ng nangyari.

And speaking of Onemig, bakit wala yata siya sa umpukan ng barkada? Kanina lang kausap nya sila.

" Besh, kilala mo ba yung babaeng kausap nila kuya Gilbert? " nagulat pa ako ng magtanong si Anne.

" Parang yan yung taga Miguelin na pinopormahan nila noon. Bakit nandito yan? Sino nag-invite? " tugon naman ni Richelle.

Hindi ako kumibo. Ano ba ang sasabihin ko? Mahirap pa naman sa dalawang ito na kapag nagsalita ako, siguradong parang mga abogado ito kung mag cross examine lalo na si Richelle. Sa aming dalawa na lang ni Onemig yung nalaman ko. Si Gilbert at Jake nga walang alam eh, kaya mabuti pang manahimik na lang ako.

Magtatanong pa sana si Richelle ng may biglang humila sa akin.

" Hoy Arceo kung makahila ka naman kay Liyah, nag-uusap pa kami oh. " reklamo ni Richelle. Sumenyas si Onemig sa kanya na tumahimik muna.

" Pahiram lang muna kay sweetie. Kayo na muna ang bahala dito Richie, Anne. Pakisabi na lang kila Gilbert mamaya. " pabulong na wika nya.

" Ang gulo mo. Birthday mo, lalayasan mo kami? Saan mo dadalhin si Aliyah ha? Naku Juan Miguel kung ano man ang binabalak mo, tigilan mo. Ipapatokhang kita dyan! " pabulong din na pagtataray ni Richelle.

" Walang ganon Richie. Hindi naman ako addict para ipatokhang mo. Basta wag ka na lang maingay dyan." yun lang at hinila na nya ako sa kabilang parte ng likod bahay nila sa kabila ng pagpo-protesta nila Richelle at Anne.

Medyo madilim sa bahaging dinaanan namin kaya walang makakapansin na dumaan kami. Sa back door nila kami dumaan tapos mabilis nya akong hinila paakyat dun sa may attic. Tinatanong ko sya kung bakit dun kami nagpunta pero hindi sya kumikibo kaya nanahimik na lang din ako. 

Nang makapasok kami sa attic, naupo ako sa kamang naroon sa gitna ng room. Maayos ang silid na napapalibutan ng pictures na naka-frame at mga posters. May computer sa isang panig katabi ng study table. May mahabang couch sa kanang bahagi na kulay black. Carpeted ang buong room.

" Kaninong room to beb? Ang ganda! " tanong ko.Palinga-linga ako sa buong paligid.  Lumapit sya sa akin at umupo sa kama sa tabi ko. Inakbayan nya ako at hinalikan sa ulo.

" Kay kuya Mark to. Kahit wala sya nililinis naman palagi ng mga kasambahay. Minsan dito ako tumatambay kapag may mga projects ako sa school. "tumango-tango ako sa sagot nya.

" Anong ginagawa natin dito? Bakit umalis tayo sa mismong party mo? "

" Nakita ko kasing dumating si Greta, nasa sala ako dahil may kinuha ako. Nakita ko na sinamahan ni Mumay papunta sana sa likod bahay pero hindi pa sya nakarating dahil nakita nya sila Gilbert sa garden kung saan ko sila iniwan. Kaya sa back door ako dumaan para puntahan ka ng hindi nya ako makikita. "

" Paano kaya nya nalaman na may party ka? "

" Baka nabanggit nila Jake sa kanya. I really don't know sweetie. Hindi ako nagtatanong kila Jake about her. " hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi na kaya kami nandito ay umiiwas sya na makita kami ni Greta. Natural lang na ganito ang ginawa nya pero nakakahiya lang sa mga kabarkada namin na umalis na lang kami bigla. Hindi naman nila kasi alam yung tungkol kay Greta.

" Beb, Nakakahiya sa kanila. We left them. " I said, and then he suddenly realized it.

" Ayoko kasing mag-krus muli ang landas namin. You know how I hate her guts." tugon nya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinarap ko sa akin.

" Beb hindi naman tama yung ganito na nagtatago tayo dito. Malamang nag-iisip na sila kung bakit bigla na lang tayong nawala dun. And besides, hindi ka dapat magpakita ng kahit na anong emosyon kay Greta or mas lalong hindi nya dapat mahalatang umiiwas ka. Iisipin non, affected ka pa sa kanya. Unless hindi ka pa naka-move on sa kanya. Hindi pa nga ba beb? " tanong ko. Nangunot naman ang kanyang noo na tila hindi inaasahan ang tanong ko.

" Ano naman yang tanong mo sweetie? Syempre naka-move on na ako dun sa nangyari lalo na kay Greta dahil hindi ko naman sya minahal talaga. Isa pa, galit ako sa kanya dahil sa mga ginawa nya noon at ayoko lang na ulitin na naman nya yon sayo. Nabasa mo naman yung letter nya dun sa gift kanina at hindi ko hahayaang may gawin sya sayo. Teka nga, mukhang nagseselos ka yata baby kaya mo tinatanong kung naka-move on nako? " ngumiti pa na tila nang-aasar ang damuho.

" What? Naku beb, bakit naman ako magseselos noh? I. Trust. You. At wala sa vocabulary ko yan lalo't kung wala namang basehan. Past is past. Ang sa akin lang, huwag mong masyadong kamuhian ang nakaraaan. Dahil sa nangyari, nalaman mo kung ano ang kasalanan at paano umiwas dito. Kaya halika na. I'm sure hindi naman sya gagawa ng gulo sa mismong party mo.  We're in this together. Nag-usap na tayo tungkol dun di ba ? "

" Okay, sinabi mo nga kaya let's go na. " turan nya at inalalayan nya akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Iginiya nya ako palabas sa silid na yon pero bago pa man kami makalabas ay bigla nya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako kaya nakurot ko na naman sya sa tagiliran. Hindi naman nya ininda at patuloy lang sya sa paghalik sa akin. Nararamdaman ko nga na natatawa sya sa akin. Mas lalo pa nya akong hinapit palapit sa kanya kaya ikinawit ko na lamang ang mga braso ko sa leeg nya and answered his kisses with the same intensity.

" Oh sweetie, I do not know how I was without you. You were the light in my dark past. You pulled out my fears and understood my mistake. I love you more because of that. I do not want to lose you baby, I can not." pinagdikit nya ang mga noo namin at nakatingin sya ng diretso sa aking mga mata. Nababasa ko ang malalim na pagmamahal nya sa akin. Gayon din naman ang nararamdaman ko sa kanya, walang pasubali yon.

" Hindi ako mawawala sayo beb.Let's just keep our trust in each other, surely we can overcome any problems that will come to us. Please promise me that I am the only one. Dahil ako, ikaw lang. Tanging ikaw lang. Mahal na mahal kita. "

" I love you more sweetie. " then he pulled me closer to a tight hug.

I don't know also how I'm going to do if I lose him.All I know is that we love each other and do everything to maintain that love until the end.

" Hoy besh, saan kayo galing ha? Buti na lang busy pa rin sila kuya Gilbert dun sa chick na dumating kaya hindi napansin ang pagkawala nyo. " pabulong na tanong ni Richelle sa akin nung makaupo na kami ni Onemig sa tabi nila ni Anne. Pasimple kong tinanaw sila Gilbert sa pwesto nila, nandoon pa rin sila kausap si Greta pero pansin ko kumakain na sya kasama nila.

" Nag-usap lang kami sa loob besh. " sagot ko kay Richelle.

Palihim kong siniko si Onemig at inginuso sila Gilbert.

" Hayaan mo na sila sweetie. Wala silang alam sa nangyari. Come on, let's dance. " bulong nya sa akin. Hinila nya ako papunta sa dance floor. Akala ko kami lang ang sasayaw, nandoon na pala si Anne at Richelle, hindi ko man lang namalayan. May nagyaya sa kanila, mga kababata din namin.

Sa gitna kami pumwesto. Nakatingin lang kami sa isat-isa habang sumasayaw. Halos nakayakap na sya sa akin kaya idinantay ko na lang ang ulo ko sa dibdib nya. Ang sarap sa pakiramdam yung naririnig ko ang pintig ng puso nya. It's like music to my ears. Nararamdaman ko namang hinahagod nya ang likod ko, feeling ko tuloy pwede na akong matulog habang sumasayaw. It's so comforting.

Nakadalawang palit na ng music hindi pa rin kami umuupo. Okay lang naman sa amin basta ganito lang kami ni Onemig, kahit siguro magdamag hindi kami mangangalay.

I always thought I would be strong

If I made it through the pain

Well, I'm in and out of love

And it all hurts just the same, oh yeah

Love can really change your life

There's something magic in my world tonight

I feel so free,

It's like a fantasy

Havin' you next to me

Suddenly it's magic

One look, one touch

Once just don't say enough

When you fall in love

Suddenly, suddenly it's magic

" I love holding you like this sweetie. When you're next to me, it really feels like magic. " turan nya at mas lalo pa nya akong niyakap at pagkatapos hinalikan ang ulo ko gaya ng paborito nyang gawin. Tiningala ko sya at nginitian ng matamis.

" I feel the same beb. " tugon ko. Muling isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya at ginawaran sya ng magaang na halik doon.

I'm not afraid of letting go

I've got to find what's right for me

I'm not afraid to stand alone

If that's the way it has to be

After all that I've been through

There's magic when I'm near with you

Yes, I won't afraid to stand alone because I have him. And I won't let him go through that same mistake again. Wala sa tamang panahon at hindi maganda ang naging experience nya na yon. Now that we have each other, I will make sure to build good memories with him. Hindi yung may pinagsisisihan, hindi yung may takot kapag binabalik-balikan.

We can dream our dreams forever

When I'm here with you

Baby, heaven's a heartbeat away

Now that we're together

Love will last forever

There's magic in my life

With you, you...

" I wish we could be like this forever sweetie. "

" Eh di nangalay naman tayo beb. Magugutom din tayo kasi ganito lang tayo. " biro ko.

" Ay ang ate nagjo-joke na naman. Seryoso naman kasi. " kunwa'y naaasar na turan nya. Natawa naman ako tapos pinisil nya yung pisngi ko. Sasagot na sana ako when somebody interrupted and take his hand away from me.

" Excuse me! Can I have this dance? "

Chapitre suivant