webnovel

Official

Aliyah's Point of View

" Syempre kasi mahal kita!"

" What? Ulitin mo nga!" nanlalaki ang mata nya,hindi makapaniwala sa narinig. Natampal ko naman ang noo ko sa hindi inaasahang tinuran ko dahil sa pagkabigla.

Shocks! Nasabi ko ba yun? OMG I'm so patay na talaga.

" Ali ulitin mo nga yung sinabi mo!"

Bigla akong natauhan ng muli syang magsalita. Ang puso ko walang tigil sa mabilis na pagtibok. Naipagkanulo na ako ng sarili kong bibig, babawiin ko pa ba yung sinabi ko? Ah wala na akong balak bawiin yung nasabi ko na dahil yun naman ang totoo. Kaya lang nahihiya na akong ulitin pa, para na nga akong kamatis sa sobrang pula, nanlalambot pa ako sa sobrang emosyong nararamdaman ko, sa tingin nya ba kaya ko pang ulitin yung nasabi ko na?

" Ali?" nangingiti na sya sa itsura ko.

Grabe naman ang sitwasyong nasuungan ko, nakakatuliro.

Nakita ko yung kumot nya sa ibabaw ng unan, nagmamadali ko itong kinuha at itinalukbong ko sa akin.

" Hey! Anong ginagawa mo Ali?" tila natatawa na sya sa akin.

" Wag ka nga Uno! I can't face you! Gosh, nahihiya ako."  juskopo kama kainin mo na ako!

Tuluyan na syang napahalakhak. Tapos naramdaman ko na lang na nawala na ang kumot na nakatakip sa akin, nahila na nya. Hinarap nya ako.Inayos nya ang buhok ko na nagulo sa pamamagitan ng mga daliri nya.

" I clearly heard wait you said. Wala ng bawian ha?" diretso syang nakatingin sa mga mata ko.

" Kasi naman binigla mo ako, hindi pa dapat ngayon eh." nakayuko kong turan. Inangat nya ang baba ko at muling nagtagpo ang mga mata namin.

" Doon din naman ang punta natin bakit patatagalin pa? Basta masaya ako ngayon because you're now officially mine. I love you so much Ali. Please ulitin mo yung sinabi mo kanina, gusto ko lang makasigurado."

" I love you too Uno." seryosong turan ko.

Nagulat ako ng bigla syang sumigaw at napapasuntok pa sa hangin.

" Yes! Yes! Kami na! Thank you Lord!" natataranta kong tinakpan ng kamay ko ang bibig nya. Baka isipin ni tita Blessie sinasadista ko ang anak nya.

Pero kahit na napigilan ko si Onemig, humahangos pa rin si tita papunta sa room ng anak nya.

" Anong nangyari? Bakit nagsisigawan kayo dyan?" si tita na takang-taka na nakatingin sa aming dalawa ng anak nya.

" Mommy girlfriend ko na po si Aliyah,sinagot na nya ako!" masayang balita nya sa ina.

" Really? Oh I'm so happy for both of you." masayang sabi ni tita Bless at niyakap pa ako ng mahigpit.

" Ah eh thank you po tita..hehe." nahihiyang tugon ko.

" Basta ang advice ko lang huwag nyong pabayaan ang pag-aaral nyo.Gawin nyong inspirasyon ang isat-isa. Know your limitations,huwag lalampas sa boundaries, lalo kana Juan Miguel, ikaw ang lalaki kaya matuto kang maghintay ng tamang panahon. Maging open sana kayo sa aming mga magulang nyo kung may problema kayo. At higit sa lahat, ang Diyos ang gawin nyong sentro ng relasyon nyo." niyakap namin pareho si tita at nagpasalamat kami sa kanya.

" Bweno, maiwan ko na kayo dyan at itutuloy ko yung niluluto ko sa kusina. Aliyah dito kana mag-lunch para makakain yang si Onemig ng maayos, ilang araw na rin kasing walang gana."

" Okay po tita. Salamat po."

Nang makaalis si tita Blessie ay naging tahimik lang kaming dalawa ni Onemig. Nakaupo lang kami sa kama nya, nakasandal sa headboard. Magkakatinginan lang tapos parehong magngi-ngisihan. Para lang kaming ewan. Hindi kami makapag-salita dahil siguro sa sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman namin pareho.

Kinuha nya ang kamay ko and intertwined with his. It felt so good. Medyo nagulat pa ako ng itaas nya ang kamay ko at dalhin sa labi nya upang halikan. Nakadama ako ng hindi maipaliwanag na saya sa ginawa nya. Gosh! Nababaliw na yata ako. Simpleng halik lang nya sa kamay ko ay para na akong dinala sa tinatawag nilang seventh heaven. In-love na in-love nga yata ako sa mokong na to.

" Thank you Ali for loving me back. Akala ko hindi na mangyayari ito. Hindi ako mangangako ng ano man sayo, gagawin ko na lang kung ano yung nararapat. Tandaan mo lang na kung masasaktan ka ay doble ang sakit nun sa akin dahil ang kaligayahan ko ay yung makita kang masaya Ali, yung ngiti mo ang kalakasan ko. Ganyan kita kamahal Aliyah Neslein Mercado." sinasabi nya yon habang nakatitig sya sa mga mata ko. Nababasa ko ang labis na pagmamahal sa mga tingin nya sa akin. Hindi ako nagkamali sa biglaang desisyon ko na sagutin na sya.

l

Yumakap ako sa kanya at idinantay ko ang ulo ko sa dibdib nya. Kinulong naman nya ang mga braso nya sa akin. Tahimik lang kami sa ganong posisyon habang pinakikinggan ko ang tibok ng puso nya na kapareho ng tibok ng sa akin. Hinahagod naman nya ang likod ko at manaka-nakang hinahalikan ang ulo ko. Ito na nga siguro yung sinasabi nila na love is when you sit beside someone doing nothing yet you feel perfectly happy. That's what I'm feeling right now, happy and contented. Just like home.

Hindi ko alam kung nakatulog o naidlip ba kaming pareho, nagulat na lang kasi ako ng may yumuyugyog sa braso ko. Nang idilat ko mga ang mata ko ay nabungaran ko si tita Blessie na nakangiti sa amin. Napabalikwas ako dahil nakakahiya ang posisyon namin ni Onemig, magkayakap pa rin kasi kami. Nagising naman sya dahil sa biglaan kong pagbalikwas.

" Tara na kayo sa baba, mag-lunch na tayo." nakangiting untag nya. Hala, ang tagal pala naming nakatulog, lunchtime na pala eh.

Nauna ng bumaba si tita. Pagkatapos naming mag-ayos ng bed ni Uno ay agad na rin kaming sumunod sa mommy nya. Magkahawak kamay pa kami habang pababa ng hagdan hanggang sa makarating ng dining table. Ayaw pa talaga nyang bitawan yung kamay ko, hinila ko lang nung paupo na ako. Kung pwede lang sigurong kumain ng isang kamay lang ang gamit, ginawa na nya, ayaw bumitaw eh.

Halos hapon na nung umuwi ako sa amin. Hindi naman ako nag-aalala na baka mapagalitan ako sa bahay dahil according to tita Blessie magkausap daw sila ni mommy sa phone kanina, I wonder kung napag-usapan na nila kaming dalawa ni Uno.

Hinatid ako ni Onemig sa bahay. Ayaw ko nga sana dahil baka mabinat pa sya kaya lang nagpilit sya at sinabing magaling na magaling na daw sya dahil nakasama na nya ako.Wala na akong nagawa, natalo na ako ng mga hormones ko na kinikilig sa mokong.

Nanonood silang lahat ng drama rama sa hapon ng dumating kami. Isang bagay na niyakap na ng mga kalalakihan sa pamilya namin dahil sa kahiligan naming mga babae sa panonood ng mga

telenovela.Awtomatikong napatingin silang lahat sa amin ng pumasok kami. Agad kong napansin ang kakaibang ngiti nila sa amin, lalo na si dad. Mukhang nangangati ng mang-asar.

" Good afternoon po sa inyo." bungad na bati ni Onemig sa kanila sabay abot kay mommy nung hawak nyang naka-tupperware na padala ni tita Blessie para sa kanila. Bumati rin ang mga kapamilya ko sa kanya tapos balik na naman sa panonood.

" Salamat dito. Dyan muna kayo." si mommy na itinuturo yung bigay ni Onemig tapos sya na ang nagdala sa kusina.

Niyakag ko si Onemig sa bakanteng upuan. Magkatabi kaming naupo dun. Masyado namang busy sa panonood ang mga kapamilya ko kaya hindi nila kami halos pinapansin. Maganda kasi yung eksena, parang nagkita na yung bida at yung kontrabida na ngayon ay may confrontation scene.

Nagkakatinginan kami ni Onemig. Tapos para kaming sira na nagngingitian at pabulong na nagsasabihan ng 'i love you' . I never knew na magagawa ko pala ang ganitong kakornihan na tinatawanan ko sa mga classmates kong in-love sa mga boyfriend nila nung high school kami. Kapag inlove ka pala, nakakalimutan mo na yung kakornihan.

" Oy ano yan! Bakit ngisihan kayo ng ngisihan dyan?" nagulat pa kaming pareho ni Onemig ng nasa harapan na pala namin si dad. Pinaglayo nya kami ni Onemig at umupo sya sa gitna namin.

" Ano na bata? Mukhang nagkakaigihan na kayo nitong dalaga ko ha?" seryoso si daddy na nakaharap kay Onemig. Kinabahan naman ako, ngayon ko lang kasi nakitang ganon kaseryoso si dad. Mukhang hindi sya pabor sa amin ni Onemig ah.

" Ah eh tito, ano po kasi---"

" Ano sinagot ka na ba nitong anak kong topakin?!" putol ni dad sa sasabihin ni Onemig. Nagkatinginan kami ni Onemig. Parehong kinakabahan. Parang seryoso kasi si dad na medyo hindi pa maganda ang tono.

" Opo tito, kami na po ni Aliyah. Mahal na mahal ko po ang anak nyo." matapang na sagot nya kay dad. Ako naman hindi mapakali sa inuupuan ko.

Sandaling natigilan si dad. Maging ang mga kasama naming nanonood ng tv ay napako na rin sa amin ang tingin ng marinig ang sinabi ni Onemig. Wala namang tigil ang pagkalabog ng puso ko. Kinakabahan kasi ako na baka hindi sila pabor sa relasyon namin kahit na boto sila kay Onemig.

Tumayo si dad. Hinarap kami. Matiim nyang tinignan si Onemig na matapang namang sinalubong ang tingin nya.

" Bweno kung gayon ay--- welcome to the family hijo!" masayang sabi ni daddy saka tinapik si Onemig sa balikat at narinig na lang namin na nagpapalakpakan sa tuwa sila lolo Franz habang sumisigaw naman ng yehey si Neiel.

Nagkatinginan kami ni Onemig at sabay na napabuntung-hininga. Parang nabunutan kami ng tinik. Si daddy naman kasi lakas maka-kontrabida feels. Nood kasi ng nood ng telenovela. Tsk!

Nakahinga ako ng maluwag. Wala na akong pag-aalingan pa. Legal na kami ni Onemig. May blessing na nila ang relasyon namin.

I am now officially his and he is mine.

We are now official and I hope it would last a lifetime....

Chapitre suivant