webnovel

Fall4You

Aliyah's Point of View

NATAPOS ang tugtog at mabilis kaming bumalik na tatlo sa pwesto namin. Grabe naman kasi, hiyang-hiya talaga ako dahil natigil ang lahat sa pagsasayaw at pinanuod na lang kami. Kahit na nagustuhan nila base sa kasiyahang nakikita ko sa mga mukha nila at pumapalakpak pa talaga sila, nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang kaba at hiya na nararamdaman.

" Wow! Akalain mo yun? Nagustuhan ng mga tao yung sayaw natin." tuwang-tuwa na turan ni Richelle.

" Oo nga, pero hanggang ngayon nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang kaba at hiya.Pahamak kasi tong si Anne eh." sagot ko.

" Bakit ba? Sa favorite ko yung sinayaw natin. Ngayon pa ba tayo mahihiya eh tanggap naman nila at natuwa pa nga sila." katwiran nya.

"  Oo na nga. Buti hindi tayo nagkamali at sabay-sabay pa tayo sa steps. Kung nagkataon, uuwi na talaga ako ng di oras sa sobrang hiya." sambit ko pa.

" Salamat na lang kahit matagal na nating hindi sinasayaw yun kabisado pa natin. Kalma na besh, tapos na." saad naman ni Richelle.

" Tara na mamigay na tayo ng snacks sa mga bisita, mga nagpapahinga na muna sila dahil  napagod sa kasasayaw." untag ni Anne sa amin.

Tumayo na kami ni Richelle at sumunod kay Anne para tulungan ang mga kasama namin sa youth club na nagpapamigay ng sandwiches at juice.

Namataan ko sila Gilbert sa may unahan na may dalang tray na may lamang sandwiches, doon sila sa mga girls namimigay. Nagkahiwa-hiwalay na kami. Si Anne ay dun sa mga girls sa dulo at si Richelle sa kabilang side.Kaya wala na akong choice kundi dun sa mga boys na nasa kabilang side magbibigay ng mga sandwiches na dala ko. Medyo malayo pa ako ay mga nakangisi na ang ibang boys, yung iba pumipito pa nga at may malisya ang tingin. Parang gusto kong umurong na at iutos na lang kay Jake ang pagbibigay ng tinapay at inumin pero narito na ako papalapit sa kanila at naghihintay na rin yung ilan. Ang bastos naman kasing makatingin nung iba,hindi naman ako nakahubad at disente naman ang suot ko.

" Pare mas maganda pala sa malapitan!" dinig kong sambit nung nasa pinaka unahan dun sa lalaking katabi nya. Ang bastos makatingin.Kinabahan naman ako baka kasi bigla na lang akong hipuan pag lapit ko sa kanila.

Pero bago ako tuluyang makalapit ay may isang bulto na humarang sa akin sa harapan ko.Nabuhayan ako ng pag-asa ng maamoy ko ang pamilyar na pabango, Lacoste Red. Kahit hindi sya lumingon ay alam ko na kung sino.

Kinuha nya ang tray na naglalaman ng mga juice at sandwich mula sa akin. Nasa likod lang nya ako habang namimigay sya ng pagkain sa mga boys. Nang matapos sya ay hinila na nya ako para bumalik na sa booth namin. Sa paraan ng paghila nya ay parang galit sya.

Galit ba sya sa akin? Ano naman ang ginawa ko?

Malamang Aliyah dahil muntik ka ng mabastos kanina!

Pagdating namin sa booth ay padarag nyang binitawan ang kamay ko. Hinarap nya ako na parang may gustong sabihin pero nung ibubuka na nya ang bibig nya ay biglang nyang binawi sa halip naiinis na kinamot ang sariling ulo.

" Bakit ba? Ano problema mo?" tanong ko ng hindi na ako nakatiis.

" Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko dahil muntik mo ng ipahamak ang sarili mo kanina!" pagalit nyang turan. Napatingin tuloy sa amin yung DJ na kasama namin sa booth dahil napalakas ang boses nya.

" Ano naman ang ikakapahamak ko eh mamimigay lang naman ako ng pagkain?" kaila ko.Pero sa totoo lang natakot nga ako kanina ayaw ko lang ipahalata dahil baka mapaaway pa sya.

" Can't you see? They are all drooling on you!"

" Eh bakit sa akin ka nagagalit?"

" Eh kasi nga----haiissst!" parang wala syang makapang sabihin sa sobrang inis nya. Gusto ko ng matawa sa inaasta nya pero nagpipigil ako. Alam kong naiinis sya kasi nag-alala sya sa akin kanina na baka mabastos ako.May tuwang dumaan sa puso ko dahil doon pero kailangan kong itago sa kanya yon. Kailangan kong intindihin ang pinanggagalingan ng inis nya.

" Mag-aaway na naman ba tayo Uno?" malumanay lang na tanong ko. Narinig kong nagpatugtog ng muli ang DJ pero love song na. Siguro dahil bagong kain ang mga tao.

" Tss!" sagot lang nya at bigla akong hinila papuntang dance floor. Nawiwili na kahihila eh.

Padarag nyang ipinatong ang mga kamay ko sa balikat nya saka inilagay ang kanyang mga kamay sa bewang ko. Nakatingin lang sya sa akin na halatang naiinis pa rin. Gustong sumilay ng tipid na ngiti sa labi ko sa nakikita kong itsura nya, ang cute kasi, pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon ng mukha ko.

The best thing about tonight's that we're not fighting 🎶

It couldn't be that we have been this way before

I know you don't think that I am trying

I know you're wearing thin down to the core🎶

" You know why I'm like this Ali?" Because I'm ---"

" Hep! Hep! Don't go there Uno." pigil ko sa sasabihin nya.

" So nagalit ka nga dun sa sinabi ko sayo dun sa plaza nung isang gabi? Iniiwasan mo ako."

" To tell you honestly, hindi. Nabigla lang ako at hindi ko alam kung paano kita pakikitunguhan pagkatapos ng nalaman ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganun ang nararamdaman mo sa akin kasi palagi mo ako noong inaaway,inaasar. Parang ang hirap lang kasing paniwalaan."

" Nagdududa ka na gusto kita?" tanong nya at marahan akong tumango.

" Tama ka nga siguro Ali, hindi nga kita gusto." biglang bumalatay ang sakit sa mukha ko sa sinabi nya. Sabi na nga ba eh. Paasa rin itong isang to. Napayuko na lang ako. Medyo masakit eh, umasa rin ako ng very very light. Mabuti na lang hindi nya nalaman na gusto ko rin sya kundi mukha sana akong tanga ngayon sa harap nya.

But hold your breath

Because tonight will be the night that I will fall for you

Over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear its true

Because a girl like you is impossible to find

You're impossible to find

" Ali?" hindi ako kumibo sa tawag nya.Nanatili akong nakayuko habang sumasayaw kami. Naiinis ako sa kanya. Bwisit syang paasa sya.

Inangat nya ang mukha ko at nagtagpo ang mga mata namin.

" Hey! Don't get me wrong. Hindi kita gusto kasi hindi na ito simpleng pagkagusto lang because ----I-I'm falling for you Ali, hard and fast."

" Uno?!" nahuhumindig kong turan. Bumilis ang tibok ng puso ko.

" Yes Ali. I'm in love with you. Matagal na. Hindi ko muna sana ipapaalam sayo, hahayaan ko muna sanang malaman mo na gusto lang kita kaya lang hindi ko na kinaya kanina. Naiinis ako sa mga lalaking yon dahil hindi ko gustong tinitingnan ka nila ng ganon. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin ka lang! " mas lalong hindi ako nakahuma sa mga sumunod na sinabi nya. Juskong tao to! Balak yata akong bigyan ng heart attack kahit wala naman akong sakit sa puso.

This is not what I intended

I always swore to you I'd never fall apart

You always thought that I was stronger

I may have failed

But I have loved you from the start

" I love you Ali. I love you so much mula pa noong bata tayo." nangilid ang luha ko sa sinabi nya.Sobra-sobra na kasi ang emosyon na nararamdaman ko. Parang gusto ng kumawala ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng tibok nya. Grabe naman kasi ang mga pasabog nitong lalaking ito.

" Hey! Why are you crying?" natatarantang pinunasan nya ang mga luhang hindi ko na namalayang pumatak dahil sa tindi ng emosyon.

" Nakakainis ka naman kasi eh!" panay ang hampas ko sa dibdib nya. Para akong sira na tumatawa at the same time umiiyak. Nakakabaliw pala tong si Onemig.

Nagpipigil ng tawang hinila ako ni Onemig papunta kila Richelle.

" Richie ihahatid ko na si Aliyah, masama pakiramdam nya eh. Umiiyak na nga oh." paalam nya kay Richelle. Gusto kong mag-protesta sa idinahilan nya pero pinisil lang nya ang palad kong hawak nya na parang sinasabing umayon na lang ako. Hindi na lang ako kumibo.Pinagmasdan naman akong mabuti ni Richelle. Nang makitang maluha-luha nga ako, nag-aalalang hinagod-hagod pa ang likod ko.

" Sige na besh kami na ang bahala dito,magpahinga kana.Onemig ikaw na bahala kay Liyah ha?" bilin nya,tinanguan lang sya ni Onemig saka hinila na ako muli para umalis na.

Isinakay nya ako sa kotse nya. Nang paandarin na nya ay nagulat ako ng sa ibang direksyon ang tinatahak nya, hindi ang pauwi sa aming bahay.

" Huy saan tayo pupunta?" tanong ko.

" Plaza." tipid na sagot nya.Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami ng plaza.

Nang nandoon na kami ay nag-park lang sya sa may unahan. Dahil medyo gabi na ay wala ng gaanong tao. Pinatay nya ang makina ng kotse pero hindi naman kami lumabas. Umayos lang sya ng upo paharap sa akin at tinitigan lang ako.

Naaasiwa man ako ay ginantihan ko na rin ang paninitig nya.

" Huwag mo nga akong titigan nyang mapupungay mong mga mata. Lalo lang akong nabibihag at hindi mapalagay." may tipid na ngiting wika nya.

" Sus! Ang makata mo ha. Saang generation ka ba galing?" napangiti na sya ng malapad sa sinabi ko.

" Seriously Ali, mas lalo akong nai-inlove sayo kapag tinititigan mo ako ng ganyan."

" Uno ano ba?!" napatakip na ako ng mukha ko. Namula kasi akong bigla sa sinabi nya. Kainis kinikilig na naman ako sa damuhong to.

"  Parang puputok na kasi ang dibdib ko sa sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman ko , kailangang ilabas ko na at sabihin sayo." turan nya habang pilit na binabaklas ang mga kamay ko sa pagkakatakip sa mukha ko.

" Look at me Ali." samo nya at sinunod ko naman. Tila nalulunod nga ako sa samut-saring emosyon na nababasa ko sa mga mata nya. Pinupukaw ng mga titig nya ang damdaming pilit kong itinatago para sa kanya. Ahh in-love na rin nga ako sa kanya.Sigurado na ako.

" I love you Aliyah Neslain Mercado.Will you be my girlfriend? " seryosong sambit nya.

Chapitre suivant